Freya NA–MISS ko ito. Ang maglakad sa bayan, na hindi ako pinag titinginan ng masama, na hindi inuuri ang pagka tao ko. Tama si mama, hanggat sa pakiramdam ko na ako ay kapamilya nila wala akong dapat na ikahiya. Ngayon natuto na ako, na hindi ko dapat iniintindi ang sasabihin ng iba kasi ikaw lang din ang mahihirapan. Pakialam ko ba sa kung ano ang iniisip nila sa akin? Hindi ako perpekto, sila din naman diba? Bakit pa ako magpapa apekto sa kanila? Nangiti na lang ako ng may madaanang nagtitinda ng dirty ice cream. "Manong, pabili po ng isa! Gusto ko cheese flavor!" habang itinuturo yung isang flavor na gusto ko. Pakiramdam ko tutulo na talaga yung laway ko habang pinagmamasdan si manong na nag sasandok ng ice cream. Pagka bayad ko, itinuloy ko

