Kabanata 15

4735 Words
A/N: We have arrived together to the end of season. Thank you for trusting this story. KUDOS! Lumipas na ang dalawang araw. Lumipas na ang FINALS. Ngayong araw, sinamahan ko si Nathan sa praktis niya. Sa bahay nila Bruce. Masaya naman ako dahil natapos din namin ang unang sem ngayong unang taon ng pagiging kolehiyo namin. Natapos na din ang FINALS at ngayon ay i-eenjoy na namin ang dalawang linggong sembreak. Tulad nung isang araw, magkahawak na naman kami habang naglalakad patungo sa sakayan. Bawat makasalubong namin ni Nathan ay nakakunot ang mga noo marahil ay nagtataka sila kung anong meron sa amin. Wala namang pinipili ang pag-ibig, minahal ko si Nathan hindi dahil sa gwapo siya at may kaya. Minahal ko siya dahil ayun yung nararamdaman ko para sa kanya, at ganun din siya sakin. "Salamat talaga at pumayag kang sumama sa rehearsal namin?" nakangiting sabi ni Nathan. "Wala yun, ikaw pa ba." Sumakay na kami ng jeep. Sa unahan kami sumakay katabi ng driver dahil mas bagay kami doon. Dalawa kaming magkatabi sa iisang upuan at wala na kaming ibang kasiksikan. "Bayad po-" magbabayad sana ako ng pamasahe nang patigilin ako ni Nathan. "Ako na babe." aniya. Napatingin naman samin ang driver ng jeepney. "Bayad po. Dalawa kami." ang sabi ni Nathan at saka iniabot niya ang bayad. "Kayo?" tanong naman ng driver. "Po?" pagtatanong ko. "Kayo I mean?" tugon niya. "Ano pong kami?" isip-isip ko na baka yung bayad yung tinutukoy niya. "Opo kami po. Dalawa kami diyan sa bente." sabi ko at nginitian ko siya. "Ah eh...." pagsingit ni Nathan. "Wala pa pong kami nitong babe ko, pero malapit na po bakit?" Nalungkot naman ang ekspresyon ng mukha ng driver sa sinabi ni Nathan. "Wala naman, alam niyo nainggit ako sa inyo." aniya habang nakatingin ng diretso sa kalsada. "Po B-Bakit naman po?" tanong ni Nathan. "Dati kasi, may minahal din ako. Pero hindi naging kami, gawa ng mapanghusgang lipunan. Gustong-gusto ko siyang ipaglaban noon sa mga magulang ko ngunit hindi talaga nila pinakinggan ang gusto ko. Mahal na mahal ko yun si Tony pero ngayon hindi na kami nagkikita. Lumipat na kasi ang pamilya nila sa lugar na ito." pagkukwento niya. Nalungkot naman kami sa sinabi ng driver. Mukhang nagmahal din siya ng kapwa niya lalaki noon pero tumutol ang mga magulang niya sa kanilang pagmamahalan. "Kaya kayo habang bata pa lang, ipaglaban niyo ang pagmamahalan niyo. Kasi kapag hindi niyo pinaglaban ang pag-iibigan ninyo, sigurado akong magsisisi kayo balang araw. Magsisisi kayo dahil hindi kayo sumaya sa mga magiging asawa ninyo dahil sa totoong pagmamahal kayo sasaya. Sa totoong pagmamahal niyo mararamdaman kung ano ang tunay na hiwaga ng pag-ibig." mangiyak-ngiyak niyang sabi. Natulala ako sa sinabi ni kuyang driver. Mukhang bata pa naman siya tignan pero ang sabi niya ay 35 taon na gulang na daw siya. Iniisip ko tuloy kung payag ba ang mga magulang kong makipagrelasyon ako kay Nathan? Ano kayang magiging reaksyon nila? Tututol kaya sila? Paano na? Napalunok na lang ako habang iniisip ang mga posibleng mangyari. Kahit anong mangyari. Ipaglalaban ko si Nathan. Hindi ko hahayaang paghiwalayin kami ng landas. Hindi ko hahayaang mawala ang pag-ibig ko. Ipaglalaban ko ito hanggang sa dulo. Kabanata 15 Ipaglalaban "Okay ka lang ba Sel? Kanina ka pa tulala sa jeepeney huh?" pagtatanong niya habang naglalakad na kami patungo sa bahay nila Bruce. "Nalungkot kaba sa sinabi ni mamang driver?" dagdag pa niya. "Ah eh. Wala, oo parang ganun na nga. Nakakalungkot kasi hindi man lang naging sila ng minahal niya dati. Naaawa ako sa kanya kasi hindi niya naipaglaban ang pagmamahal niya sa mga magulang niya at-" napahinto ako sa pagsasalita at napalunok. "At...?" hinihintay ni Nathan ang idudugtong ko. "At baka ganon din ang mangyari sa atin ganun ba ang iniisip mo?" Hindi ko alam kung anong itutugon ko sa sinabi niya. "Ano ba Russel, huwag ka ngang mag-isip ng ganyan. Magiging tayo rin sa huli, panghawakan mo lang. Ipaglalaban natin 'to. Ipapamukha natin sa kanila na wala sa kasarian ang pag-ibig. Puso natin mismo ang nagtakda satin na ibigin ang isa't-isa at wala na silang magagawa pa." aniya. "Hindi ako basta susuko ano! Dami na nating napagdaan nitong mga nakaraang buwan, hinding-hindi ko hahayaan na mawala ka sakin." ang sabi niya at hinawakan niya ng mahigpit ang kamay ko. "Magpapakasal tayo, kahit na labag 'to sa mata ng nakararami at sa Diyos." Wala akong naitugon sa mga nasabi niya at natahimik na lang ako. Hindi ko tuloy alam kung kaya ko bang ipaglaban ang pag-ibig ko kay Nathan. Sana talaga, sana maging kami hanggang sa huli. Kasi kung hindi rin lang, ayoko nang mabuhay pa sa mundong ito. Hindi naman namin pinangarap 'to hanggang sa panaginip pero wala namang magagawa ang mga tao sa paligid hindi ba? Ops kanta ata yung sinabi ko. Ah basta, mahal ko si NATHAN ALVAREZ. Hindi ko siya pinili dahil sa panlabas niyang kaanyuan kundi dahil sa aking kakaibang nakita. Ibang-iba siya sa lahat at napaka-espesyal sakin ni Nathan. Kaya ipaglalaban ko siya kahit pa sa mga ninuno kong tutol sa relasyon namin. "Pasok kayo 'tol." sabi ni Bruce at pinapasok na niya kami sa loob ng gate. Pagpasok namin sa loob ng bahay niya ay nandon na pala ang kupal na si Rusty. Kupal ang tawag ko doon dahil naiinis ako sa kanya. Panira ng buhay itong lalaking 'to eh. "Diyan ka muna Sel ah may kukunin lang kami sa taas ni Bruce." ang sabi niya at pumayag naman akong magpaiwan muna dito sa baba kasama ng kanyang kupal na kabanda na si Rusty. Napapaisip ako kung bakit kaya Rusty ang tinawag dito hindi na lang KUPAL. Kinakalawang yata ang utak nitong lalaking 'to eh kaya kung sino-sino ang pinapatulang lalaki oops! "Hey hey, there you are mah boy!" akma siyang mag-aapir sa akin ngunit hindi ko siya pinansin. Mahawaan pa ako ng pagka-RUSTY niya. Excuse lang ah, kay Nathan lang ako papatol hinding-hindi niya ako mabibiktima. KUPAL SIYA! "Waw, snobbers pala ang kuya niyo Russel." tawang-tawa pa ito. "O sige, kung ayaw mo nang apir. Kiss mo naman ako dito sa cheeks." tinuturo niya pa ang kanyang pisnge. Naiinis na ako sa kupal na ito at talagang tinutukso ako. Pinakyuhan ko na nga ang kupal. "Waw, attitude problem ang kuya niyo Rus-" natigilan siya. "Hindi ganito ang pakikitungo ko sayo kung hindi mo ko ginagago! KUPAL kang Rusty ka." sigaw ko sa kanya. "Galit ka agad eh. Easy lang, sorry na kung nagalit ako sayo nung birthday ko. Sige para makabawi ka sa akin, sapakin mo na lang 'tong abs ko." aniya. Pinakita pa niya sa akin ang abs. Tinignan ko ito ngunit sandali lang. Mas hot pa rin ang NATHAN ko. "You can touch it if you want?" "ULOL!" pinakyuhan ko ulit. Umiling-iling na lang ako at nagpunta ako sa hagdan para umakyat at hanapin sila Nathan. Hindi ko na kinakaya ang lalaking ito at baka masapak ko na. "Hoy sandali lang!" ang sabi pa niya pero deadma ko na lang siya. Ulol niya! Hinding-hindi niya ako mabibiktima. Loyal ako kay Nathan. At hindi ako papatol basta-basta dahil lang sa utak kalawang na iyon. Kupal na kalawang tseh! Namangha ako sa nakita ko pag-akyat ko. Ang laki pala ng bahay nila Bruce. Napakaraming kwarto kaya naman hindi ko alam kung saan ba sila mahahagilap. Inisa-isa ko ang mga kwarto ngunit nakasaro ang iba rito, hindi ko naman pwedeng buksan dahil bisita lang ako rito. Ang kapal ko naman kung buksan ko ito isa-isa, baka mamaya ay makakita pa ako ng hindi kaaya-aya sa aking mata. May nakita akong kwarto na nakasara ng kaunti kaya naman minabuti ko itong silipin, ngunit wala akong masilip. Madilim ang kwartong iyon at parang mga laserlights lang ang nakikita. Natigilan ako sa gagawin kong pagpasok sa kwarto nang biglang may nagsalita. "Turuan mo ako mag-finger par." boses iyon ni Bruce. "Sige sige, medyo mahirap sa una pero masasanay ka rin mag-finger hehehe." natatawa pa si Nathan. Nagtaka naman ako kung anong finger ang sinasabi nila. Hindi kaya? "HOY ANONG FINGER ANG GINAGAWA NIYO DIYAN!" tinulak ko ang pintuan ng kwartong iyon. Gulat naman silang dalawa sa ginawa kong pagsigaw at pagtulak ng malakas sa pinto. "Grabe ka naman 'tol baka masira yung pinto." sabi ni Bruce. "Russel ano bang iniisip mo diyan? Finger ano kasi yun Fingerstyle sa gitara." napatingin ako sa hawak nilang dalawa. Mga gitara nga iyon. Napansin kong puro instrumento rito sa kwarto at kakaunting liwanag lang ang nakikita. Para siyang maliit na studio. "Hahaha, finger kasi mas gusto kong tawag 'tol sensya na. Haba kasi ng fingerstyle." natatawang sabi ni Bruce. Nakakainis. Uminit ang pisngi ko dahil sa hiya. Senysa na rin wala akong alam sa gitara o kung ano pa mang instrumento pero gusto ko talagang matutong mag-piano. Naalala ko dati noong bata ako, may laruan akong piano noon at saulong-saulo ko pa ang tono ng HAPPY BIRTHDAY TO YOU doon. "Sel patawag naman si Rusty, maya-maya lang magsisimula na kami pag dumating na si Sammie. Pakisabi umakyat na siya rito." ani Nathan. Ano? Bwiset naman oh. Bakit ako pa kasi ang tatawag doon sa RUSTY BRAIN na iyon? Sinunod ko na lang si Nathan at hinanap ko ulit yung hagdan kung saan ako umakyat. Nakakalito naman kasi dito ang daming kwarto. Ang laki-laki ng bahay pero parang si Bruce lang ang nakikita ko rito. "Hoy utak kalawang tawag ka na nila-" natigilan ako sa pagsasalita nang makita kong may kausap siyang babae. Oops sa isip ko ay girlfriend niya siguro 'to. Kung alam niya lang ang ginagawang kalokohan ng kanyang boypren. Tsk tsk. "Ay mukhang kailangan na nating umakyat Sammie, mukhang may nagseselos kasi dito eh." ani Rusty at tawang-tawa pa ito sa sinabi. Anong nakakatuwa dun? Nakakatawa ba yon? "Ay siya yung boyfriend ni Nathan di'ba?" tanong niya kay Rusty. "Di pa. Di pa sila." mabilis na sagot ni Rusty. "HI." kumaway ito sa akin at dali-daling umakyat ng hagdan para makipagkamay sakin. "Ako si Sammie. Lead vocals ng grupo pero kaya ko ring mag-guitar." aniya. "Kaya ring mag-finger syempre." sabi ko sa isip ko. "Nandon naba sila sa taas? Tara akyat na tayo." inaya na niya akong umakyat doon sa kwarto na madilim. Sumunod naman sa likuran namin si Rusty na masungit pa rin ang tingin sa akin. "Hello nandito na kame." bati ni Sammie kanila Nathan at Bruce. "Sino pa bang kulang?" pagtatanong niya. "Si Raiza." mabilis na tugon ni Rusty. "Kelangan dalawa ang guitarist natin kaya naghanap pa ako sa bawat block ng marunong at syempre magaling." Inayos na nila ang mga gagamitin nilang instrumento bago magsimula. Nag-volunteer muna si Nathan na mag-vocals para sa akin. Gusto daw kasi niyang kumanta sa harapan ko. Syempre ako, masaya deep inside. Kinukulit pa nga sila Sammie at Rusty na sila muna ang mag-guitarist pero napapayag naman sila ni Nathan. Makulit talaga 'tong asawa ko. Jk. "Ready na ba? One song lang 'to bago dumating yung sinasabi niyong Raiza." sabi ni Nathan bago magsimula. Ito na. Handa na akong pakinggan muli ang napakaganda niyang boses. Nakatingin lang ito sa mata ko habang hindi pa nagsisimula. Sheet naman! Sa loob-loob ng puso ko, chini-cheer ko si Nathan. Pero ngayon act normal muna bes. Nagsimula na silang tugtugin ang instrumental ng Kung Di Rin Lang Ikaw ng December Avenue at ni Moira. Seryoso siyang tumingin sa akin. Di ko alam kung bakit. Ang gwapo talaga ng babe ko. "Kung hindi rin lang ikaw ang dahilan." "Pipilitin ba ang puso kong hindi na masaktan?" "Kung hindi ikaw ay hindi na lang." "Pipilitin pang umasa para sating dalawa." "Giniginaw at hindi makagalaw." "Nahihirapan ang pusong pinipilit ay ikaw." Hindi ko mapigilan ang pagsabay ko sa pagkanta ni Nathan sa isip ko. Sadyang nakakahumaling ang kanyang boses. "Kung di rin tayo sa huli." "Aawatin ang sarili na umibig pang muli." "Kung di rin tayo sa huli." "Aawatin ba ang puso kong ibigin ka?" Gusto kong lumuha dahil sobrang proud ko kay Nathan. Maya-maya ay lumapit ng kaunti si Sammie kay Nathan. Tiyak kong sasabay siya sa pagkanta kay Nathan. "Kung hindi rin lang ikaw ang dahilan." "Pipiliin bang umiwas nang hindi na masaktan?" Maganda rin ang boses ni Sammie. Maganda itong i-blend sa boses ni Nathan. "Kung hindi ikaw ay sino pa ba?" "Ang luluha sa umaga para sating dalawa." This time si Nathan naman ulit ang kumanta at na-hooked na naman ako sa boses niya. "Bumibitaw dahil di makagalaw." "Pinipigilan ba ang puso mong iba ang sinisigaw?" Si Sammie ulit. Sheet ako nalang kakanta diyan sa harapan please? "Kung di rin tayo sa huli." "Aawatin ang sarili na umibig pang muli." "Kung di rin tayo sa huli." Tayo pa rin Nathan sa huli promise. "Aawatin ba ang puso kong ibigin ka?" Ano ba Sammie? Ako na kaya kumanta hahah jok. "Naliligaw at malayo ang tanaw." "Pinipigilan na ang pusong pinipilit ay ikaw." This time duet na sila ni Sammie. Naiinggit ako. Gusto ko ring kumanta. Gusto ko ring kumanta kasama si NATHAN ko. "Kung di rin tayo sa huli." "Aawatin ang sarili na makita kang muli." Duet na naman. Nagseselos na ako huh? Nagkakatinginan pa sila habang kumakanta. "Kung di rin tayo sa huli." "Aawatin ba ang puso kong ibigin ka?" This time tumaas ang boses ni Nathan. Napakagaling niya talagang umawit. (Kung di rin tayo sa huli) "Kaya bang umibig ng iba?" "Aawatin ba ang puso kong ibigin ka?" (Kung di rin tayo sa huli) "Papayagan ba ng puso kong..." "Aawatin ba ang puso kong ibigin ka?" At natapos na ang kanta. Tumayo naman ako at pumalakpak. Standing ovation ang peg ko dahil napakagaling nilang dalawa. At syempre magaling din si Bruce. Ewan ko nga kung bakit nandiyan si Rusty parang wala namang ginawa. "Congrats!" ako sana ang magsasabi niyan kaso may pumasok na isang babae. Hindi ko kilala pero ito yata ang sinasabi nilang si Raiza. Pang-rockstar nga ang datingan nito. Maganda rin siya at sexy. Napatingin ako kay Nathan at hindi ko inaasahang mapapatingin din siya sa alindog ni Raiza. "Hi Raiza!" bati ni Rusty at dali-dali itong lumapit kay Raiza at nakipagkamay. "Rusty. I'm glad you came." "Syempre naman. Sino bang hindi pupunta. Eh malaking opurtunidad na ito." tumingin siya sakin. Parang mataray. Parang kasing-sungit din ni Rusty. Bagay silang dalawa. "Malaking oppurtunity na 'to para saken. Para makilala at makita ng ibang tao ang talento ko." Lumapit siya kay Nathan at napalunok na lang ako. "Oh see, nandito pala ang Campus Cutie na si Nathan." malanding sabi niya kay Nathan at hinawakan pa nito ang mukha ni Nathan. Napatingin sa akin sila Bruce at Sammie. Mukhang nahahalata nilang naiinis ako kay malanding Raiza. Pero nagpipigil lang ako. Hindi pwedeng magalit. Pero si Nathan, talagang hinahayaan niya lang na hawakan siya ng haliparot na Raiza ah. Ibigay mo na lang yan kay RUSTY. Tiyak mas bagay silang dalawa. Malandi plus Fuckboy equals Haliparot together. Bagay silang magsama. Tseh! "Who's this guy? Mukhang may fans na tayo ah." natatawang sabi ni Raiza sakin. "Ay hindi. Hindi niyo ako fan at mas lalo ka na. I will never be a fan of yours. Nandito ako para suportahan si Nathan sa rehearsal niya." inirapan ko na siya. "Wow. Nathan, kung makapagsalita naman itong fan mo akala mo kung sino huh?" mataray nitong sabi sakin. Ano ba NATHAN ipagtanggol mo nga ako sa bruhang ito. "Ehem." kunwaring pag-ubo ni Rusty. Ayan na naman siya masyado nang papansin. "Ano na naman utak kalawang?" ang sabi ko. Lumapit sakin si Bruce. "Easy lang Russel. Hush." mabuti pa si Bruce concern sa akin. "Ikaw Nathan, hindi mo ba nahahalata. Nasasaktan 'tong boyfriend mo." Humalakhak ng pagkalakas-lakas si Raiza. Para siyang witch tumawa tch! "Boypren? Seryoso? Nathan?" tawang-tawa pa rin ito. "Oo boyfriend ko siya." yooown ang saya ko. Pinagtanggol ako ni Nathan. "Kaya pwede ba magsimula na tayong mag-rehearse." "Owkay!" medyo haliparot at maarte pa rin ang pagkakasabi ni Raiza Cenon este Raiza lang pala. Hindi ko alam kung ano ang apelyido niya at wala akong balak alamin pa yun. Bumalik ako sa pagkakaupo. Parang hindi pa rin sapat yung paglaban at pagtanggol sa akin ni Nathan kay Raiza. Dapat malaman ng Raiza na yan na hindi nakakatawa ang relasyon namin. Hindi dapat kami pinagtatawanan. Sarap ipamukha sa kanya na may karapatan din kaming magmahal. Sabagay di naman niya siguro alam ang ibig sabihin ng pagmamahal. Mukhang wala naman siya nun. Nasa kanya ang lahat, ang ganda, ang talento, ang magandang katawan pero wala namang pagmamahal sa kanya. Wala talagang taong perpekto. Aminado akong nasasaktan ako. Parehas pa kasing gitarista sila Nathan at Raiza. Sana naman iwas-iwasan niya ang babaitang ito. Ito na nga ba ang sinasabi ko eh. Paano kapag nakakita si Nathan ng isang babae at mas ma-realize niya na mas mahal pa niya ito kaysa sakin. Kasi may mga bagay na hindi ko kayang ibigay kay Nathan. Pero si Raiza meron. Nakatingin lang ako sa kanilang dalawa habang tumutugtog sila. Hindi ko na kaya. Paano na kung hindi ako ang piliin ni Nathan? Kami pa kaya sa huli? Ipaglalaban pa kaya niya ako. Pagtapos ng isa nilang kanta ay nagpaalam muna ako para mag-banyo. Bahala na kung magkanda-ligaw-ligaw ako dito mahanap ko lang yung banyo. "Pssst." may narinig akong pagsitsit. Si Bruce pala iyon, sinundan niya ako. "Oh bakit? Di'ba may susunod pa kayong kanta?" pagtatanong ko. "Malaki kasi ang bahay namin baka maligaw ka. Sasamahan na kita papuntang banyo." aniya at sinamahan niya ako sa pagbaba sa hagdan. Sinamahan rin niya ako sa loob ng banyo. Nakakahiya makikita niya ang pribado kong pag-aari. "Okay lang yan. H'wag kang mahiya sakin. Kung gusto mo sabay tayong umihi." aniya. Nilabas din niya ang kanyang burat at gulat akong malaki rin ito. Sabagay, mukhang may lahi si Bruce kaya hindi na rin nakapagtataka kung bakit malaki ang kanyang kargada. Sabay kaming umihi sa iisang cubicle at pagkatapos ay sabay din na naghugas ng kamay. "Selos na selos ka kanina kay Raiza ano?" concern niyang sabi. Tinapik-tapik pa niya ako sa likuran. "Okay lang yan, ganun talaga. Di maiwasan na malapit tayo sa tukso. Kaya si Nathan dapat hindi siya nagpapa-akit doon kay Raiza. Makipag-close siya as a band pero huwag naman yung closeness na tipong masasaktan ka at magseselos." napasinghap siya. "Naaawa ako sayo Nathan. Baka kasi isang araw ma-realize ni Nathan na babae pala ang gusto niya at hindi ikaw. Pero wag kang mag-alala, may mga tao pa sa paligid na handang magmahal sayo ng totoo. Na mas higit pa kay Nathan." dagdag pa nito. "Tara akyat na tayo!" "Ayoko muna. Mas gusto ko pa rito sa baba." ang sabi ko. "O sige, sasamahan na lang muna kita. Labas muna tayo bili tayo ng makaka-kain?" alok niya. Ewan ko kung ba't tumango ako bigla. Siguro kailangan ko nga si Bruce sa mga panahong ganito. Na malungkot ako at nag-iisa. Mabuting kaibigan si Bruce. Naniniwala ako doon. Lumabas kami sandali at nagpunta sa pinakamalapit na 7-eleven. Doon ay masaya kaming nagkwentuhan ni Bruce. Nalaman ko rin na nagkaroon na siya ng dating kasintahan ngunit hindi sila nagtagal nito dahil sa pera lang ang habol nito kay Bruce. Sumuko na siyang magmahal pero susubukan niya pa rin hanggang sa makita na niya yung totoong nagmamahal sa kanya. Naaawa ako para kay Bruce, mabait naman siyang tao at gwapo rin siya. Pero bakit kaya kung sino pa ang totoong nagmamahal sila pa ang iniiwanan? "Gusto mo mag shot mamaya? Kahit THE BAR lang o kaya Tanduay Ice?" alok niya sakin ngunit tumanggi ako. "Wala ako sa mood maginom eh. Siguro next time nalang pre." Napasinghap ako. Naalala ko tuloy yung babaeng bruha na si Raiza. Ano na kayang ginagawa nila ngayon doon sa bahay nila Bruce? Inaya ko na siyang umuwi sa kanilang napakalaking bahay. Pagkauwi namin ay sila Rusty at Sammie lang ang nandoon. Wala na sila Raiza pati na rin si Nathan. "Nasan na si NATHAN?" pagtatanong ko sa kanilang dalawa. "Sa tingin mo?" sabi ni mr.sungit Rusty brain. "Russel? Ang akala ni Nathan umuwi kana. Sigurado akong umuwi na rin yun." ang sabi naman ni Sammie. "Eh ba't nandito pa kayong dalawa?" tanong ni Bruce. "Hinihintay ka namin. Magpapa-alam kasi kami. Bueno, nandito ka naman na aalis na kami." ang sabi ni Rusty. "Yung dalawa kasi hindi na kayo hinintay, mukhang sabik na sabik talaga silang umuwi." dagdag pa nito. Ewan ko kung bakit biglang may gumuhit na naman sa aking puso. Napansin naman ito nila Sammie at Bruce. "Okay ka lang?" pagtatanong ni Sammie. "Sasamahan ka na lang naming umuwi saan ba ang bahay niyo?" "Di na. Kaya ko nang mag-isa. Salamat." ngumiti ako ngunit sa aking kaloob-looban ay may sakit akong nararamdaman. Sana mali ang iniisip kong ito. "Alam kong di ka okay. Kaya ihahatid na kita." ang sabi pa ni Bruce. Hindi na ako nakatanggi at nagpahatid ako sa kanyang kotse patungo sa bahay nila Nathan. Tinext ko naman siya ngunit hindi siya nag-rereply. Nakapatay ang phone niya kaya hindi ko matawagan. Patungo na kami sa bahay nila Nathan at gusto kong masiguro kung nakauwi nga ba si Nathan sa kanila. Gusto kong malaman kung mali ang iniisip ko tungkol sa kanya. Sana nga mali talaga. Sana mali. "Uy pre? Ba't ka nagkakaganyan? Iniisip mo bang may nangyari kela Nathan at Raiza?" tanong nito ngunit umiling-iling ako. Gusto kong umiyak. Mali ata ang pagsama ko kay Bruce kanina. Hindi ko tuloy nabantayan si Nathan sa tabi ko. Nakakainis. "May tiwala naman ako kay Nathan. Sigurado akong hindi niya gagawin iyon sayo." ngumiti siya sakin. Ngunit hindi pa rin maalis sa isip ko ang pangangamba. Kinakabahan ako ngayon at hindi ko alam kung bakit ganito ang pakiramdam ko ngayon. Feeling ko I've lost Nathan. Bakit pa kasi umabot sa punto na makakakilala si Nathan ng isang napakagandang babae? HUHUHUHU. Noong una nabighani siya kay Thea ngunit itinigil niya ito dahil mas pinahalagahan niya ako. Mas nakita niya kung ano ang halaga ko. At mas mahal niya ako. Sana ganon pa din ang mangayari ngayon. Ayokong mawalan ng f**k BUDDY na mahal na mahal ko na. Noong una akala ko libog lang talaga ang namamagitan sa amin ni Nathan pero hindi, hindi dahil nasasaktan na ako at minamahal ko na siya. Ipaglalaban ko pa siya sa mga magulang ko kaya hindi ako makakapayag na mawala pa siya sakin. Sana hindi siya bumitaw. Sana kami pa rin hanggang sa huli. Mangiyak-ngiyak ako habang bumaba ng kotse. Nasa tapat na ako ng bahay nila Nathan. Mabuti't pinapasok kami sa village dahil kilala naman na ako doon pati si Bruce. Sana nga mali ang iniisip ko. Iniwan ko muna si Bruce sa loob ng kotse niya at sinabi kong huwag muna lalabas doon. Papasok pa lang ako ng gate nila nang biglang sumulpot si Nathan sa likuran ko. "Babe?" boses niya ito. Biglang naghuramentado ang puso ko sa nakita ko. Si Nathan nakangiti ito sa akin. Dali-dali ko siyang nilapitan para yakapin ng mahigpit. Ngunit ang pinagtataka ko ay hindi niya ako niyakap pabalik. "HAHAHAHA." isang malakas na pagtawa ang narinig ko sa likuran ni Nathan. "Ba't-ba't n-nandito si R-Raiza?" nauutal kong tanong. Gulat na gulat ang mga mata ko nang makita ko siyang naka-bra at panty lang. "Surprise b***h!" inirapan niya ako. "Nandito lang naman ako dahil ako ang mas kailangan ni Nathan." lumapit siya kay Nathan at umakbay. Bumitiw ako sa pagkayakap. Ang mga ngiti kanina ni Nathan ay napalitan ng lungkot. "Anong ibig sabihin nito Nathan?" mangiyak-ngiyak kong sabi. "Pre okay ka lang?" lumabas na pala si Bruce ng kotse niya at lumapit sakin. "Bitiwan mo ako Bruce!" matigas kong sabi. "Owww. Mukhang perfect match kayong dalawa at perfect match din kami ni Nathan ano?" sabi ng bruha at sabay halakhak. "Alam mo Russel, tigil-tigilan mo na ang kahibangan mo kay Nathan, dahil ako na ngayon ang bago niyang f**k buddy. Tama nga ang narinig mo, f**k BUDDY. Dahil ako may pekpek ako, kayang-kaya kong ilahad kay Nathan pero ikaw lagusan lang naman ng ebak ang meron ka pero hindi mo pa kayang ilahad. Just eww!" maarteng sabi nito. "Hoy ikaw! Marami ka ngang butas pero laspag naman! Just eww din." pabalik kong sabi. "Atleast ako babae ako. Magkaka-anak kami ni Nathan. Eh kayo? Wala. Espadahan lang ang magaganap sa inyo teh. Dalawa ang butas na kaya mong ilahad teh!" humalakhak na naman siya. "Sakin na si Nathan ngayon-" natigilan si Raiza nang tulakin siya ni Nathan. "Putangina Raiza tama na! Mahal ko pa rin si Russel hindi na magbabago yun. Natukso lang talaga ako sayo, nagkamali lang ako sayo. At sinisigurado kong wala tayong mabubuo dahil hindi ko naman pinutok sa loob!" sigaw nito. "Aba, tignan lang naten." ang sabi ni Raiza. "Sorry Sel." lumapit ito sa akin na maluha-luha pa. "Patawarin mo na ako, natukso lang talaga ako kay Raiza." Hindi ko alam kung mapapatawad ko ba siya. Nakakainis. Nagtiwala ako sa kanya. Pero anong nangyari? Hindi niya ako inisip. Hindi niya inisip na masasaktan ako. Dahil tama nga naman si Raiza, babae siya wala akong laban. Sa una palang talo na ako. Siguro panahon na nga para itigil ang kahibangan na ito kay Nathan. Tanggap ko na ang lahat. Babae talaga ang gusto niya at ako, simpleng pampalipas oras lang. Pamparaos lang at higit sa lahat f**k BUDDY lang at trip-trip lang ng kalibugan. Hanggang doon na lang talaga siguro. Pero kailangan ko nang umiwas sa kanya. May bago na siyang f**k buddy eh, ba't pa ako manggugulo? Wala na akong karapatan sa kanya. Pero nagpapasalamat ako dahil naging parte ng buhay ko si Nathan. Siya ang unang lalaki na minahal ko ngunit nabigo lang ako. Kung hindi talaga kami sa huli, hindi talaga kami. Kung hindi talaga siya para sakin, hindi talaga siya ang deserve sakin. Di ko mapigilan ang pag-agos ng mga luha ko habang nasa loob ako ng kotse ni Bruce. Hindi ko alam kung tama ba ang ginawa kong pag-iwas at pag-iwan sa kanya doon sa village. Si Bruce na lang ang tangi kong karamay ngayon. Parehas kaming nabigo sa pag-ibig yun nga lang, sa babae siya nabigo at ako naman ay sa lalaki. Nanghihinayang talaga ako sa mga pinagsamahan namin ni Nathan. Hanggang dito na lang pala at kailangan nang tapusin ang malaking kalokohan. Panahon na para magsimula ulit. Panahon na para bitiwan ang pangakong "Ipaglalaban" ko si Nathan. Kasi kahit siya, mukhang hindi niya ako kayang ipaglaban. Kasi alam kong sa una pa lang wala na akong laban. Wala na akong laban sa mga babaeng matitipuhan niya. Lalaki lang din naman ako at wala akong maibibigay sa kanya. Kundi isang tanging pagmamahal lang na kaya kong ialay sa kanya ngunit bumitaw siya. Bumitaw siya sa pag-asang magiging ako at siya. Na magiging kami. "PAALAM NATHAN ALVAREZ. Mahalin mo nang husto iyang si Raiza at huwag na huwag mo siyang bibiguin. Wag mo siyang iiwan pagtapos ng lahat ng nangyari sa inyong dalawa. Panindigan mo ang paninindigan mo kung meron man." ang bulong ko sa hangin. Balang araw kapag nakita ko pa siya. Sasabihin ko sa kanyang, "Nasaan na? Ang sabi mo hindi ka bibitaw at panghahawakan mo ang pangako ko sayo. Na ipaglalaban kita sa mga magulang ko?" Nagpahatid na ako kay Bruce sa dorm ko. Sobrang pasasalamat ko kay Bruce dahil kaunting panahon lang kami nagkakilala ay napakabait na niya sakin. Maswerte ang taong mamahalin ni Bruce. Binasura ko na ang cellphone ko pati ang simcard. Hindi ko naman na kailangan pa iyon. Kontento na ako sa buhay ko, itutuloy ko na lang ang pangarap kong maging isang I.T Gusto kong maging isang sikat na developer at programmer. Balang araw, makakamit ko rin iyon. Mag-isa na lang akong kakapit sa pangarap namin ni Nathan na makapagtapos. Mag-isa na lang akong lalaban sa mga pagsubok. Magbabago na ako. Maghahanap ako ng babaeng sigurado akong kaya akong ipaglaban at pagkatiwalaan sa mahabang panahon ng paglalakbay natin dito sa mundo. At syempre, ipaglalaban ko rin siya sa mga taong tutol sa aming pag-iibigan. Itutuloy ko sa iba ang pangako ko. At nangangako akong kahit na anong mangyari, ipaglalaban ko siya at hinding-hindi ako mabibigo kahit mahirapan man ako. PAALAM f**k BUDDY. SALAMAT SA LAHAT NG MALILIBOG NA ORAS. SALAMAT SA EXPERIENCE. SALAMAT AT NAGING PARTE KA NG MAKABULUHANG MUNDO KO. MUNDO KUNG SAAN MAGKASAMA TAYO SA DILIM AT TAYO ANG NAGSILBING BAHAGHARI. HANGGANG DITO NA LANG. PAALAM.... END OF FIRST SEASON..........
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD