CHAPTER ONE
Nakatanaw sa labas ng barko na aking sinasakyan. Patungo ako ngayon sa Maynila upang mamasukan bilang kasambahay sa pinagtatrabuhan ng aking tiya. Naghahanap daw kasi ang mga ito ng bagong kasambahay kaya inerekomenda ako. Sinabi ko kasi sa kanya na kailangan ko ng trabaho para maipagpatuloy ang aking pag-aaral sa kolehiyo. Gusto kong makapagtapos para matulungan ko naman ang dalawa kong kapatid na makatapos din.
Pagbaba ko ng Pier ay nakita ko si Tiya Martha na nag-aantay sa akin. Kumaway ito na sinuklian ko ng ngiti habang lumalapit sa kanya.
"Kamusta na Nica? Ang laki mo na. Napakaganda mong bata! Samantalang ang huli kong kita sa iyo ay Nasa elementarya ka palang!" Masayang bungad nito sa akin.
"Oo nga tiya eh, masaya akong makita ka ulit." Niyakap niya ito.
Si Tiya Martha ay kapatid ni Papa. Pumunta ito ng Maynila noong dalaga dahil gusto niya dito magtrabaho. Isa din siya sa mga takbuhan ni Papa kapag masyado na kaming nagigipit kaya malaki ang utang na loob namin sa kanya. Ang alam ko ay wala parin siyang asawa at anak. Patuloy lang siyang nagpapadala para kala lolo at lola.
"Halika na anak at hinihintay na tayo ng mga amo ko. Pinasundo ka nila para hindi ka na mahirapan magcommute." Sabi nito.
Naglakad kami papunta sa may itim na mamahaling van. Binuksan naman ito ng isang lalaking mayroon na din edad at ngumiti sa akin.
Mabilis lang ang naging byahe namin. Pumasok ang sasakyan sa isang exclusive. village na may mga naglalakihang mga bahay na nagpapahanga sa akin. Papalapit kami sa isang napakaling gate at nanlaki ang aking mga mata dahil sa napakalaking bahay- hindi, isang mansion na aakalain mo na nasa ibang bansa ka.
"Tiya, napakalaki naman niyan!" Namamangha kong sabi habang hindi inaalis ang tingin.
Tumawa ito pati na si Mang Karding na nagmamaneho sa amin.
"Ganyan din ang reaksyon ko noong una kong tapak dito sa Mansion." Sabi nito.
Pagkahinto ng sasakyan sa tapat ng malaking kulay gintong pinto ay agad din kaming bumaba ni tiya. Mas lalo ata akong nalula sa laki at taas ng mansion. Naghahalo ang kulay ng puti at ginto. Sumisigaw ang karangyaan sa labas pa lamang.
Nakasunod ako kay tiya bitbit ang aking isang bag. Wala naman akong masyadong dinalang gamit dahil plano ko na dito nalang mamili para hindi na ako mahirapang magbitbit.
Dumaan muna kami sa kwarto nito para ilapag ang aking dalang bag bago umakyat sa ikalawang palapag. Huminto kami sa tapat ng kulay brown na pinto. Kumatok ito ng tatlong beses bago buksan ang pinto.
"Don Castillo, nandito na po ang aking pamangkin." Sabi ni tiya pagkatapos bahagyang yumuko saglit.
Ngumiti ang sa amin ang matandang amo. Nakaupo siya sa harap ng malaking study stable. Tumayo siya at marahang naglakad gamit ang kulay ginto din na baston. Sa tingin ko ay mas matanda lang ito ng ilang taon kala lolo at lola.
"Hindi ko alam na napakagandang bata pala nitong pamangkin mo Martha." Nakangiti parin nitong sabi. Umupo siya sa sofa bago inalok ang katapat nito samin para umupo din.
Nahihiya akong ngumiti. "Maraming salamat po sa pagpayag na magtrabaho ako sa inyo Don Castillo." Magalang na sabi ko.
"No worries hija. Nagtatrabaho sa amin ang tiya mo simula palang ng dalaga siya. Malaki ang tiwala namin sa kanya kaya kami pumayag ng sabihin niyang ipapasok kaniya dito. Balita ko ay mag-aaral ka sa pasukan?" Sabi nito.
"Ah.. Opo. Gusto ko po sanang mag-aral habang nagtatrabaho po ako. Pero kung hindi po kaya baka pag-ipunan ko nalang po at sa susunod nalang ng taon mag-enrol." Sagot ko. Tumango tango naman ito.
"Huwag kang mag-alala at pwede ka namang mag-aral ngayong taon. i own a private University here in Manila. We will enroll you there. Pag-aaralin kita habang nagtatrabaho. Okay ba yun sa iyo, hija?" Nakangiti nitong tanong.
"Naku po Don Castillo, maraming salamat po. Malugod ko pong tinatanggap ang alok niyo kahit pa nakakahiya dahil gusto ko po talaga makapagtapos ng pag-aaral. Maraming salamat po." Masayang sagot ko. Niyakap ko din si tiya sa sobrang saya.
Tumawa ito. "i am happy to help when i see dedication in your eyes. Maganda ang pagkakaroon ng pangarap sa buhay dahil ito ang magiging inspirasyon mo para umunlad." Sabi nito. "Anyway, i think my grandsons are here. Let's go to dining hall and eat. i know you are hungry, hija."
"Maraming salamat po talaga Don Castillo." Naluluha kong sabi sa kanya. Hindi talaga ako makapaniwala. Ang nasa isip ko kasi ay sa isang pampubliko ng unibersidad ako mag-aaral.
Habang naglalakad papuntang dining ay sinabi nito na mamamasukan ako hindi dito sa Mansion kundi sa ibang village kung saan nakatira ang apat niyang mga apo. May napunta daw doon mga kasambahay tuwing weekends for general cleaning pero hindi nagi-stay-in dahil ayaw ng mga lalaki na may ibang kasama sa bahay.
"Madali lang naman ang magiging trabaho mo. Irereport mo lang sa akin ang mga tagilid na ginagawa nila. Kaliwa't kanan ang mga babae ng mga batang iyon. Ang balita ko ay nagdadala sila ng babae sa bahay. Laging lasing umuuwi. ikaw na ang bahala sa kanila okay?"
Napalunok ako. Mukhang hindi isang simpleng kasambahay lang ang role ko kundi maging baby sitter ng apat na apo ng Don. Alanganin akong ngumiti at tumango. 'Para sa pag-aaral ko.' sabi ko sa isip.
"Sige po Don Castillo. Sisikapin ko pong gampanan ang tungkulin ko. Makakaasa po kayo sa akin." Sagot ko.
Paano na ito.
Kinabukasan ay inihatid ako ni mang Karding sa bahay ng mga apo ni Don Castillo. Erase. Hindi siya bahay kundi isa napakalaking bahay. Color gray ang labas ng bahay. Kasing ganda din iyon ng mansion ni Don Castillo pero hindi kasing laki. Malawak ito pero dalawang palapag lamang.
Pagpasok ko sa loob ng bahay ay abalang naglilinis ang mga kasambahay. Lumapit ako sa pinakamatandang naroon.
"Hello po. Ako po iyong pinadala ni Don Castillo na magtatrabaho dito." Magalang kong sabi. Lumingon siya sa akin at ngumiti.
"Halika ituturo ko sayo ang bawat parte ng bahay para kapag dumating ang apat na amo ay hindi ka na mangangapa pa. Sa Lunes ang dating nila galing Amerika. May business trip kasi ang dalawa at sumama din yung dalawa." Sabi nito habang naglalakad kami.
Malawak ang sala, Makikita ang Kitchen, Dining room at Restroom. Nasa kanan ang hagdan papuntang second floor at ang tatlong pinto. Ang una ang ang Library, pangalawa ay stock room at ang dulo ang magiging kwarto ko. Sa kaliwang parte naman ng bahay ay may Gym.
Sakto lang ang laki ng kwarto ko. May single bed, may maliit na round table at dalawang upuan, may shelves at kabinet. Mayroon din sariling banyo. Simple pero maaliwas tignan. Naiimagine ko na kung anong mga dekorasyon ang ilalagay ko para lalong gumanda ito.
Nagpatuloy kami sa second floor. Pare- parehas na kulay gray ang bawat pinto. Black and gray ang theme ng buong bahay. Napa-manly. Sa kanang parte ay ang anim na kwarto at ito daw ay guestrooms. Katulad at kasing laki din iyon ng kwarto ko sa ibaba. Sa kaliwang parte kami pumunta kung nasaan ang mga kwarto ng magiging amo ko.
Ang unang pinto ay pagmamay-ari ng pinakabata sa kanila. Si Ethan Castillo. Sabi ni Ate Elsa ay nag-aaral pa ito sa kolehiyo. 3rd year College student 20 years old. Ang pangalawang pinto naman ay kay Alexandre Castillo, 23years old. Ang pangatlo naman ay kay Maximo Castillo, 25 years old. Ang panghuli ay kay Lorenzo Castillo, 28 years old.
"Malilinis ang kwarto nila pero kailangan mo paring icheck para wala silang masita sayo. Ayaw nilang pinapakealaman ang mga gamit nila bukod sa mga damit dahil nilalabhan namin iyon tuwing weekends. May cctv ang buong bahay at si Sir Enzo ang may Access nun. Bukod dun, wala ka namang ibang gagawin dahil may trabaho ang tatlo." Sabi nito sakin.
Sabay sabay kaming kumain ng tanghalian. Alasyete ng gabi ay nag-uwian na silang lahat at naiwan akong mag-isa. Naglinis na ako ng katawan at naghanda na sa pagtulog.
--.
Hi guys!
First time kong magsusulat ng ganitong Genre kaya sana magustuhan niyo at suportahan. Thankyou!