Camilla's P. O. V. Umarko ang kilay ko sa sinabing iyon ni ninong Gray. Kung makapagsalita naman 'to si ninong! Akala mo jowang nagseselos ng bongga! Sipain ko kaya ang betlog nito! "Mawalang galang na po, ninong Gray. Huwag muna kayong distorbo sa paglamon ko dito. Kung nasaang lupalop man kayo ngayon, mabuti pang umuwi na kayo kaysa makita ko pa kayo at sabihin kong nandito kayo pagala- gala! Huwag muna kayong panggulo dahil kumakain ako!" "What? Camilla sanda---" "Sino 'yon? Si Gray Monteverde ba? Nakita ko kasi sa post mo. Si Gray 'yon tama ba?" tanong ni George. Agad naman akong tumango. "Oo siya nga. Ang sikat kong ninong. Pinauuwi na ako. Bahala siya diyan. Ayos lang naman kila mama ko na lumandi ako 'no! At saka nasa legal age naman ako." Bigla siyang natawa. "Lumandi talaga

