Camilla's P. O. V. "Camilla..." Agad akong lumingon sa taong tumawag sa akin. Si George pala. Ang lalaking nakatira 'di kalayuan sa bakeshop na ito. Madalas siyang bumili ng cake sa akin. Bunso siya sa kanilang magkakapatid at mayroon din siyang magandang trabaho sa ngayon. Hindi naman ako manhid para hindi maramdaman na parang interesado siya sa akin. Minsan nga lang siya magawi dito dahil busy siya sa kaniyang trabaho. "Oh, George! Napadalaw ka?" nakangiting tanong ko sa kaniya. Pumasok siya loob ng bakeshop at saka nilibot ang paningin sa mga naka- display na cake bago siya bumaling sa akin. "Kukuha ako ng cake ulit sa iyo. Iyong may pinakamagandang design at pinakamahal. Birthday kasi ng boos ko ngayon kaya bibilhan ko siya ng cake," sabi niya habang nakangiti. Labas ang mapuputi

