Six Sa sumunod na linggo, nangyari ang kinakatukan ko. Magkakaroon ng shoot si Kuya Rafael at Alexis sa Singapore. Friday ng gabi ito umalis sa bahay, kakauwi lang niya no'n galing sa kaniyang klase para mag-impake, uuwi siya Tuesday ng umaga. Hindi rin kami magkikita dahil diretso siya sa kaniyang pasok at make-up class sa gabi. He's overused. Wala na siyang oras na magpahinga. I was alone again... "I'm so sorry, Rafaela." Ani Daddy. He can't go home this weekend, too. "It's okay, Daddy. I'm alright." Sagot ko naman pero umaagos na ang luha ko. "I'm really sorry." Sabi nito. I stayed home. Hindi rin nag-ayang umalis ang dalawa kong kaibigan. Ayaw ko ring manggulo sa kanilang weekends. Hindi naman pwedeng habambuhay na hinihila ko sila dahil wala akong kasama sa bahay. May mga saril

