Cinq
Recess time nang napagusapan namin ang mga ex namin. Blanca's ex. Winona's ex. And my ex.
"Totally moved on. Got over. Period." Ani Winona.
Tumango-tango kami ni Blanca. It has been three weeks nang maghiwalay sila. Ako nga two months bago napagtantong naging tanga pala ako sa paghahabol. Tapos ito si Winona, three weeks lang?
Hindi ko alam kung maniniwala ako.
"Ako naman... stop muna. After 2 years? Hindi na. Grade 5 pa ako no'n at para akong tuta na no'n na naghabol. Natulog sa labas ng bahay ng lalaking 'yon. Natutong uminom. Nakapagnakaw pa ako kay mama para makapag-unli call. Tapos niloload ko pa para mareplyan ako. Sobrang tanga ko! Nakakatawang isipin." Pagbabalik tanaw ni Blanca.
Tinignan naman ako ng dalawa.
"I've moved on." Humalakhak ako.
Nakamove-on na ba talaga? Yes? No? Maybe? Hindi ko parin alam. But I will keep it myself for now. Nahulog naman ang panga ni Winona at Blanca sa sinabi ko.
"To a 'HIGHSCHOOL' like you." Nag-quote and quote pa ito. "To think na si Freud ang first boyfriend mo." Dugtong pa ni Bianca.
Kung makareact naman itong si Blanca. At isa pa itong si Winona.
"Girls at this age tends to you know... naghahabol but you?" Ngumiwi ito na parang nandidiri sa hindi ko paghahabol.
Hindi naman nila nakita e. Hindi ko naman sinasabi sa kanila ang mga hakbang ko. Pero proud naman ako na hindi ko nilagpasan ang pagiging tanga ni Blanca noon. Grade 5, puberty days?! Ako ngayong year nang nagkaboyfriend. At dahil first ko 'to. Tanga lang ang peg!
"Active lang ang social life ko. I live what I like..." I lied. Well, half meant.
Agad namang kinagat ng dalawa. That's enough then. Alam kong magiging maayos din itong nararadaman ko. Hindi pa ngayon.
"Dahil siguro gwapo ang Kuya mo kaya may standards ka. Kung ako pa sa 'yo hindi ko pangangarapin na maging kapatid si Rafael." Tumawa si Blanca.
Kumalampog ang dibdib ko. About that. Kailanman, hindi ako nag-isip ng ganiyan. Magkapatid kami. Same blood flow. That's it.
Buong araw akong busy sa school pero pagkatapos ng mga classes, nagbalak na mag-ikot sa mall. Si Blanca naman ay biglang nawala nang hindi namin namamalayan. She's just somewhere I know. Lumabas na kaming dalawa ni Winona at nagbalak pang sumakay ng jeep. Naka-cap ako at walang make-up sa mukha. Simple na dress ang suot ko. Nagbihis agad kami ni Winona dahil hindi naman namin gusto magpakalat-kalat na nakauniform.
Hindi na ako mapapansin nito.
"O.M.G." Malakas na singhap ni Winona.
Napatingin naman ako sa kaniya. Nakatingin siya malayo kaya tumingin din ako sa direksyon na 'yon. May papalapit na sasakyan. Yung ginamit ni Kuya Rafael sa pagsundo sa amin. Land cruiser. Tapos na ba ang klase niya? Wala na ba siyang shoot? Ano ang ginagawa niya dito? Tumunog ang phone ko.
"Makakagala pa kaya tayo?" Tanong ni Winona pero halos makaihi na sa kinatatayuan sa kilig.
Iba naman ang concern ko. Why is he here? Dapat mas pinagtutuunan niya ng pansin si Alexis. Ang kaniyang LT ngayon. Dapat doon siya agad pagkatapos ng kaniyang classes. And to think na busy siya. Halos masapo ko na ang ulo ko.
"He's coming..." bulong niya na nanginginig.
She's very thrilled.
"Kuya!" Ako agad ang nagsalita sa amin.
"Hi, girls!" Ngumisi ito at huminto sa harap namin.
"H-hi, Rafael." Nahihiyang sabi ng Winona'ng malandi.
"Saan kayo? Hatid ko na kayo." He offered.
Tinaasan ko siya ng kilay.
"You're busy kuya. Okay lang kami." Sabi ko.
Gumante din si kuya sa akin. Tinaasan ako ng kilay habang ngumingisi.
"Sasakay kayo ng jeep? You know it's dangerous, Rafaela." Aniya.
"OA! Hindi ako ang sikat, ikaw. At kita mo? Nakadisguise ako." Pakita sa cap, no make-up look, simple dress, at pakita sa slippers ko.
Hindi na niya 'yon pinansin. Pinapasakay na niya kami dahil nandito na siya. Siya na ang maghahatid sa amin kung saan man namin gustong pumunta. After that, he'll fly to his real destination. I think, may photoshoot siya ngayon.
Nasa likod si Winona na hindi ko alam kung nananahimik lang talaga o nagpipigil lang maihi o ng tili.
"Napapadalas na ang pag-iisa mo sa bahay." Sabi ni kuya.
Ngumiwi naman ako. "Nukaba! Sanay na ako. Matagal ng umalis si Manang Inocencia para matuunan ng pansin ang kaniyang kalusugan. At para sa akin, siya na ang the best. Ayaw ko sa iba. Sanay na akong mag-isa."
"Dad's worried. I am worried. Bata ka pa." Nakatuon pa rin sa daan si kuya kaya pasulyap-sulyap lang ito sa akin.
Tumawa naman ako. "Ang paranoid ninyo. Safe ako. Hindi naman ako kasing sikat ninyo. Tsaka hindi nama tayo magkamukha, hindi nila ako minsan nakikilala unless naka OOTD ako o nakauniform or nakaget-up talaga." Paliwanag ko. Ang gusto ko lang namang sabihin na safe ako. Wala na dapat silang dapat ipag-aala. I'm old enough to handle myself.
Hindi na nakipagtalo si kuya tsaka ko lang napagtantong may kasama pa pala kami sa sasakyan.
"Paramdam ka naman diyan, friend." Humalakhak ako.
"Shiz. I can't function well without Blanca. Kainis!" Humalakhak din ito.
Fact: One million years pa bago mabigyang solusyon ang traffic sa EDSA.
I think, late na si kuya sa kaniyang shoot dahil sa sobrang traffic. Hinatid kami ni kuya sa isang mall. Balak naming mamili ng mga materials ni Winona para sa isang project sa Physics. Nagpapabili lang 'yong si Blanca kaya uubusin namin ang pera niyang bigay. Sa National Books Store kami tumuloy at isa-isang pinaghahanap ang mga dapat bilhin.
At hindi na ako nanibago kung walang nakakapansin sa akin ngayon. Sino ba naman ako? I don't look like Rafael De Guzman's sister right now. This my privelege, malaya ako kahit na sikat ang ama at kuya ko.
Hindi din kami magkamukha ni Daddy. Nor my late mother. Sabi niya nasa Lola ko daw nakuha ang mata't ilong ko. Well, kinda.
"Kuha ka ng limang scotch tape, Rafaela." Sabay basa ni Winona sa lists.
"O, sure." Sagot at umalis na.
Si Winona naman sa ibang bagay. I-re-recheck pa namin mamaya baka may nakaligtaan kami o wala dito para hindi kami mangulelat bukas.
Nang makuha na ako ng scotch tapes. Tumingin-tingin pa ako sa ibang nakadisplay baka may mga pwedeng isali na hindi nalista. May dalawa namang nakauniforme na estudyante ang nagbabasa ng magazine may nakalagay 'Yes!'. Nagbubulungan sila kaya mas lumapit ako para marinig 'yon.
Cover sa magazine na ito si Rafael Jr., Rafael, and Rafaela. It's us! Naging cover kaming tatlo sa month na ito. I shared my fave past-time, my fashion inspiration and family. It was a nice shoot. May copu ako ng magazine at maganda ang kinalabasan nito. Daddy and Rafael, too share their inspirations and hobbies.
"Mahilig pala si Rafael sa mga sweets na binibake ni Rafaela." Sabi ng matabang babae.
Humagik-ik ang dalawa. "They look good together. Hindi kasi sila magkamukha talaga kaya maiisip mong mag-karelasyon sila kapag magkasama." Anang payat.
"What if..." biglang bulalas ng matabang babae.
Kinurot naman siya ng payat na babae. "Impossible. Tignan mo si Rafaela o. Ganda. Tignan mo si Rafael o. Gwapo. At ang kanilang ama. Saan pa ba nagmana?"
Umalis na ako bago nila matimbog na nakikinig ako. Baka mamukhaan pa ako kapag nakita nila ako sa malapitan. Binalikan ko si Winona na nasa adult fiction na books ko na natagpuan. Isang libro about a******y ni P. C.
"May regalo ka na kay Blanca sa birthday niya?" Tanong niya sa akin habang sinusuri ang kabuuan ng libro.
Si Blanca sa amin ang mahilig sa libro. At puro adult fiction.
"Hindi ko alam kung ano ang bibilhin. Lahat ng libro na lalabas ay binibili na niya agad o di kaya pinapareserve na niya." Sagot ko.
"Correct! Hindi ko na alam kung ano ang ireregalo ko." Ani Winona, binabalik ang libro sa shelf.
"I'm planning on giving her napkins." Sabi ko.
Humagalpak naman sa tawa si Winona sa sinabi ko. I'm serious about this! Siguro dalawang boxes para masayahan talaga siya.
"I'm going to give her panty para kapag natagusan siya may pampalit na siya." Tawa parin niya.
Hindi nagdadala si Blanca ng napkin at extra panty kaya kami ni Winona ang hindi magkandaugaga sa paghahanap ng paraan kapag sa school siya nadatnan ng regla at halos buwan buwan 'yan nangyayari.
"Blanca will kill us." Sabay naming sabi.
"And plant a poisonous revenge." Sabi ko.
Hindi na namin pinag-usapan ulit ang pangregalo. Bahala na. Nagpunta na kami sa counter at nagbayad. Ililibre ako ni Winona ng dinner pero ako ang mamasahe sa pangtaxi. Hindi ko alam kung libre pa rin ba ang tawag dito.
"Pili lang kung saan, Rafaela." Sabi ni Winona, naglalakad na kami bitbit ang pinamili.
Madilim ang labas ng mall.
"Doon nalang o." Turo ko sa isang fast-food na sikat ang grilled chicken at halo-halo.
"As you wish." Doon na kami pumunta.
At dahil dinner time na, marami na ang tao sa loob at halos magkaubusan na ang tables. Mabuti nalang ay halos family ang kumakain. So, may makikita kang empty na pangdalawahan lang. Si Winona ang nakalinya sa cashier para makaorder.
Nakita kong naroroon din ang dalawang babae kanina sa NBS. Binili nila ang magazine at kina-cut nila ito. Humagik-ik na naman sila.
"I hate RafaLex. Hindi bagay... kami ang bagay ni Rafael." Ani ng matabang babae.
At mukhang iba naman ang pananaw ng isa, "Are you serious? They look good together. Kung nakita mo lang sila nong mall show."
"Rafael is already big without that Alexis." Mukhang iritado na ang kausap. Patapos na ito sa paggugupit niya sa litrato ni Rafael.
"Rafael is bigger with Alexis. Nagfo-full force ang both fan base, mas dumadami ang members at may mga gumagawa ng bago. If you can't see that, you're blind." Iritado na rin ang payat na babae.
Umiiling nalang ako sa kinauupuan. Tapos na ako sa issue na 'yan. Pinili kong maging masaya na may makasama na si Kuya Rafael sa kaniyang pagsikat. Probably, she'll be his future girl. Hindi natin alam but eventually may magugustuhan din si kuya. And I should be happy for him.
Hindi na ako nakinig sa nag-aaway na magkakaibigan. The fat girl's right, Rafael De Guzman is already big alone. But the skeleton girl's right too. He'll be bigger if he's with Alexis and same with her. Vise versa.
Ilang sandali ay dumating si Winona. May dalang stick na mataas at may nakalagay sa taas.
| 16 |
"Daming tao! At infairness, wala talagang nakakakilala sa 'yo." Ani Winona.
"Tumingin ka sa 3:00 oclock." Sabi ko.
Sinunod naman 'yon ni Winona at nakita niya ang dalawang babae na halos hindi na mag-imikan dahil sa pag-aaway over Rafael vs. Rafael with Alexis. Nakita niya ang magazine na ginugupit ng matabang babae.
"Fangirls..." ani Winona.
"Fighting over Rafael vs. Rafael with Alexis." Sabi ko.
Nanlaki ang mata ni Winona at nagsecond look pa ito. Napa O naman ang kaniyang labi sa sinabi ko.
"Friendship over ang kasunod niyan." Tumawa ito.
Nakitawa na rin ako dahil mukhang mangyayari na nga ito. Parang sa argument lang na gano'n ay masisira ang pagkakaibigan? Worst kung more than years na ang samahan ninyo sa hirap at ginhawa.
"Gosh! Buti nalang hindi tayo ganiyan." Halos manlumo ako.
"Of course, one for all... all for one..." sabi ni Winona.
Natahimik ako. Hindi ko na siya tatanungin sa pananaw niya at maging si Blanca. Gano'n nalang siguro 'yon para hindi kami matulad sa dalawa. Well, hindi naman siguro kami gano'n kababaw di ba? We will not argue over stupid things.
"It's up to you kung alin ka sa dalawa, Rafael. Kami ni Blanca, support lang. Ang mahalaga lang sa amin ay kaibigan ka namin dahil kapatid mo si Rafael kaya pwede namin siyang pagnasaan." Tumawa ni Winona.
Baliw! Halos kurutin ko siya pero tumatawa na rin ako sa biro niya.
Dumating din ang order namin kaya kumain kami ng tahimik. May chinichismis din kami tapos tahimik ulit. Hanggang sa humagikgik kami nang sabay naming dinampot ang drinks namin at sabay pa kaming uminom.
I'll support Rafael, him alone or with Alexis.
Pagkatapos naming kumain ay tumayo na kami agad para matunawan. Inayos ko ang suot kong cap tsaka kami lumabas. Dahil mag-isa lang ako sa bahay kaya naisip kong maglibot nalang muna ngayon kasama si Winona na wala ding namang ginagawa sa bahay nila. Unless, nandoon ang brother-in-law at ate niya.
Naglalakad na kami para matunawan agad nang tumunog ang phone ni Winona.
"Hello? Ate!" Sagot niya sa tawag.
She mouthed "Ate ko".
Tumango ako at huminto kasabay niya. Lumilinga ako sa mga stores na pwede naming pasukan.
"Eh? Nasaan ka ba? What? Laguna? Paano ka nakarating diyan? Kawawa naman si kuya, Ate." Sunud-sunod niyang sabi.
Tumingin ako sa kaniya. Hindi na maganda ang timpla ng kaniyang mukha.
"Ano daw?" Tanong ko.
"O, sige. Uuwi ako. Ipagluluto ko para sa 'yo. Nukaba! Kinakawawa mo naman ata ang asawa mo dahil lagi kang wala." Iritadong aniya.
What? Uuwi na siya? What about me here? I think it's really urgent.
Well, I have to go home, too.
"Okay, ate. Ingat ka diyan. Uwi ka ng maaga bukas." Pagkatapos ay binaba ang phone.
I heard everything friend. Ngumiti nalang ako sa kaniya. I understand. Wala ang ate niya dahil nasa Laguna at walang kakainin ang asawa nitong nasa bahay na. Agad kong naintindihan kaya sabay na kaming lumabas ng mall. Ako ang nagdala sa pinamili namin at pinasakay na siya ng taxi. Sa susunod, ako nalang daw ang manlibre sa kaniya.
Ako naman din ay sumakay na ng taxi at umuwi.
Dahil sa matinding traffic ay pagod akong nakauwi. Pagkabukas ko ng pinto ng bahay walang tao at madilim. Sanay na ako dito. Mag-isa lagi. Tapos ngayong mas dodoble ang schedule ni Kuya Rafael dahil sa pagbabago ng kaniyang career. Mas lalo akong mag-iisa. At kumukurot na ang puso ko ngayon palang na hindi pa nangyayari.
Masakit na kahit wala pa naman.
Masakit. . .