Quatre
Tahimik ako habang dinig na dinig ang tili at tawa ng dalawa sa likod. Naririnig ko ang mga click ng mga phones nila.
"OMG! Nandito kami sa sasakyan ni Rafael De Guzman! OMG!" Tili ni Winona.
"Uy, Rafael... say hi naman diyan." Utos pa ni Blanca habang tinututok sa kaniya ang camera. I think they're recording. Binuksan pa nila ang ilaw na hindi humihingi ng permiso sa nagmamaneho kong kapatid.
Humalakhak si Kuya Rafael. "Uh... hello?" Makikita mong nagniningning ang kaniyang mata habang nakatingin sa daan.
"OMG! I still can't believe it." Tili ni Blanca.
Nilingon naman ako ng phone ni Blanca. "Ikaw din... mag hi ka naman." Ani Winona.
Mga baliw. Kumaway ako at ngumiti sa camera. Kung hindi lang talaga nila ito ipo-post sa f*******: o i********: kanina pa ako nakasimangot at pinag-aaway na silang dalawa. Nakakahiya silang kaibigan!
Nang maihatid na sila sa kanilang mga bahay naging tahimik ang sasakyan. Nagmamaneho lang si Kuya pauwi sa bahay namin. Itinuon ko rin ang mga mata sa daan. Hindi na masyadong traffic sa EDSA dahil maghahating gabi na pero sa lane ng mga truck ay hindi mausog-usog dahil sa dami. Pagkauwi namin ay halos hindi na ako makagalaw sa kinauupuan.
Hindi rin gumalaw si kuya na parang hinihintay lang ako sa kung ano ang gagawin ko.
I have to apologize. Hindi ko dapat siya sinigawan. Mabait si kuya sa akin at intimate lang talaga siya. Yun lang 'yon. Pero alam na niya kung ano ang hinanain ko. Hindi ako magsosorry sa bagay na 'yon.
"I w-want to say sorry, I shouted at y-you." Utal kong sabi.
Nakayuko ako. Nilalaro ko ang aking mga kamay dahil nahihiya akong tumingin sa kaniya.
"Uh huh?"
"And I don't want you kissing me..." nakayuko pa rin ako na parang malaki talaga ang aking kasalanan, "and... and... I don't want to destroy your name. Maraming pwedeng makakita no'n. Marami kang tagahanga. Marami-"
"I get it. You don't want me to kiss you in public. I get it..." aniya.
"Kuya-"
"I get it. Pasok na tayo. I'm tired, Rafa."
Nahulog ang aking panga. Hindi ako sigurado kong nakuha ba niya ang sinabi ko. Halos pandilatan ko siya o pagsabihan sa opinyon ko pero hindi siya makikinig. What the freaking hell?! Iniwan niya ako sa sasakyan at pumasok.
End of story.
End of talk.
Okay na kami ni Kuya Rafael. 'Yon ang alam ko pero ang hinanain ko ay hindi niya dinidinig.
Sa sumunod na araw, late akong nagising. Ngunit dito pa lang ay nalalasap ko na ang bango ng agahan. Dad's home! Mabilis ako bumangon. Nagsipilyo. Nagbihis. Naghilamos. I feel so excited!
Paglabas ko ng kwarto, kalalabas lang din ni Kuya Rafael na bagong gising. Ni hindi man lang naghilamos at nagbihis. He doesn't really care about his image when he's at home. Nakaboxers lang ito at suot ang kaniyang magulong buhok. What a sight for a morning.
Nagkamot pa ito sa loob ng kaniyang boxers. At doon dumapo ang mata ko. What's he scratching there? Inangat ko ang tingin sa mukha niya. Wala siyang pakialam!
"Dad's home." Sabi ko.
He yawn. "Good morning..." bati niya.
"Baba na tayo," sabi ko at hinila na ang tamad kong kuya.
"Puyat ako." Humikab ulit ito.
Bakit kaya? But I don't want to ask.
And dad's cook will wake him up. Puro nalang kasi ata 'to restaurant si kuya. Umuorder nalang ng pagkain kapag shooting.
Mas gusto ko ang luto ni Daddy. Home-made. I miss it...
"Daddy! You're home..." binitawan ko ang kamay ni kuya at nagpakarga kay daddy.
Tumawa si Dad. May suot itong apron at hawak ang isang pinggan na may itlog, minced meat, bacon, na may bread. Buti nalang talaga hindi ito nahulog.
"Stop being clingy, Rafa." Sabat ni Kuya na kinukuha sa kamay ni Dad ang pinggan.
"Jealous dog." Sabay tawa ko.
"Uh huh?" Panunuya ni Kuya.
Tseh! Bahala siya sa buhay niya. Si Daddy ang pinagtuunan ko ng pansin. Bihira lang itong umuwi dito. I miss him so much! At siyempre ako ang date niya sa Premier night ng kaniyang new movie.
"Have you been good?" Tanong nito.
Humalakhak ako habang hinahalikan ang leeg niya, "Of course, Daddy! I'm old enough to give you headaches." Sabi ko.
"She went home late last night." Sigaw ni Kuya galing sa dining area.
"At least nagpaalam ako at kinuha mo kami."
Atribida itong si Kuya, he won't leave me alone. Nagpakarga lang ako kay Daddy hanggang sa pinaupo na niya ako sa aking upuan.
"Pakibukas sa T.V. please." Utos ko kay Kuya.
"Ano ka, donya? You turn in yourself, Rafa."
"I hate you so much!" Tumayo ako at kinuha ang remote at nanood ng morning show. I'm sure, a news from last night or the whole yesterday will appear here. Kung hindi doon sa restaurant na nagdate kami ni Kuya. It will be the MOA crowd or Star City fun. "Or maybe an i********: post from my friends."
'"You mean last night?" Tanong ni Kuya.
"Could be. Baliw ang mga kaibigan ko sa 'yo."
Sa isang news, naging usapan ang suot ko kahapon habang dinadalaw ko si Rafael De Guzman sa kaniyang taping. Pati narin ang pagkakaroon ng crowd sa isang restaurant na nandoon kami. Fans also went gaga in a 15-second video of Rafael De Guzman saying 'hi'. Dalawang maswerteng fans, 'Blanca and Winona' na hinatid pauwi ng teen actor.
Sabi pa sa star news, usap-usapan din ngayon ang pagiging close ng teen actor sa kaniyang leading lady. Ito na ba ang hinihintay ng mga fans na magkaroon ito ng official love team?
Sa isang buong gabi ay nakabuo ng sobra pa sa sampu na mga fan base ang 'loveteam' kung sakali.
RafaLex Nation.
Rafael and Alexis Caloocan Chapter.
RafaAlex Laguna Chapter.
We Love Rafael and Alexis.
Rafael love Alexis Fangirls.
RafaLex lovers.
At kung anu ano pa.
Tinignan ko si Kuya na ngumunguya ng kaniyang bacon. Si Daddy naman ay tumatawa habang tinatapik ang balikat ng anak.
"WOW! That girl is... well... pretty." Sabi ko.
"Sabi mo noon mukhang isda." Nakakunot noo ito.
"Well, it's half true." Tumawa ako.
Umiiling siya. "Crazy."
"May official love team ka na pala." Ngumisi si Daddy.
Ako naman ay tintitigan si Kuya habang naiirita sa pagtatanong namin.
"Tumataas ang rating. May offer din na movie after MMFF, mainit pa ang pangalan namin ni Alexis sa fans kaya kukunin nila 'yon na oportunidad para pumalo sa takilya." Anito.
"Humanda si girl. Dahil alam kong may mga fans na aayaw. Na gustong walang umaaligid sa kanilang Teen King in Teleserye. That girl will be bashed." Sabi ko.
"Indeed." Sang-ayon ni Daddy.
We continued teasing him until the end of our breakfast. Nakasimangot lang ito sa akin na parang disappointed ito. Wala lang akong ginawa kung hindi ang tumawa kahit na may tumutusok sa dibdib ko na hindi ko malaman kung anu at bakit.
I kept my composture.
Hindi ko nalang siguro papansinin. Nauna akong nagligpit sa pinagkainan, sumunod si Daddy na magpapahinga daw muna ngayon. It's Sunday! Hindi na kami masyadong nakakapagsimba dahil pinipigilan naming magkagulo sa simbahan.
Ilang beses na kaming nagtangka pero magulo, nakakawalang respeto dahil nasa harap ng Diyos at ayaw na naming mangyari 'yon.
"Saan ka ngayon?" Tanong ng kapatid kong nakaharap sa labado na nakatopless. Nagsusuot ito ng gloves, "aalis ka with your friends?" Dugtong niya.
"Not sure pa kuya. Baka may family time din ang mga 'yon." Sagot ko habang pina-pile ng maayos ang mga pinggan sa gilid ng sink.
"Gusto mong gumala? With me?" Tanong nito.
Well, yes... but...
"You can't pagkakaguluhan ka lang. Let's just stay home." Sagot ko.
Humingang malalim si kuya. Nagsimula na rin siyang maghugas ng pinggan habang ako ay nagpupunas ng mga dumi sa kusina. Ang kalat ni Daddy magluto. Siguro ay magigising 'yon mamaya at magluluto ulit ng tanghalian.
Tahimik lang kaming gumagawa ng trabaho namin. Dahil sa katahimikan halos marinig ko na ang lakas ng pintig ng puso ko. Mabilis. Matulin. Masakit.
Naramdaman ko na ito noon pa. And alam ko na ito...
Kaya nang matapos ako, "ikaw na diyan kuya, maliligo muna ako."
Hindi siya magtataka.
"OK."
And now I say so.
Sumakit ang dibdib ko habang sinasandal ang sarili sa pinto. Bakit gano'n? Bakit ganito? Akala ko wala lang ito pero bakit lumalakas? And to say, dapat nararamdaman ko ito para kay Freud na ilang buwan pa lang ang paghihiwalay namin. I cried, yes. But, is that enough? Hindi ko naman sinasabing kailangang umiyak ako araw-araw, magsindi ng kandila sa namatay kong pag-ibig, magluksa tuwing naaalala ko siya. Sa ngayon ay wala na akong masyadong nararamdaman. Well, I still want to talk to him but I won't expect for more.
And as I remembered, pamilyar sa akin ang pakiramdam na ito. Nang malaman na may Official Love Team na si Kuya Rafael parang nabibiak ang puso ko.
It was the same feeling. Is that normal? Or am I that jealous? Kaya hindi pa nagkakaroon ng OLT ang kapatid ko dahil sabi kong ayaw ko. Napagtanto kong mali ang pagpipigil ko sa kaniya. I'm just a jealous sister who always want his attention all the time. But I have to stop coz I'm already old enough.
Later on, magkakaroon din ng girlfriend si kuya. I should set him free...
Naligo na ako't nagmadali sa pag-aayos. Nasa bahay lang naman kami buong araw pero gusto kong presentable pa rin. Pagkalabas ko ay nakita ko si Kuya na tulala sa pinto ko habang pinaglalaruan ang labi. Oh, what is he doing here?
"Kuya... bakit? At pwede ba, magsuot ka ng t-shirt." Pangaral ko.
Inangat niya ang tingin sa akin. Tagos sa mata ang kaniyang titig na parang may binabasa.
"Just tell me if you don't like it." Aniya.
What?
"Anong ibig mong sabihin?" Nagmaang-maangan ako.
"That official love team thing..."
Halos matawa ako. Kaiisip ko lang na palalayain ko siya sa kaniyang mga gusto tapos ito ang sasabihin niya sa harap ko. It makes me want to say 'I don't like it'. But no, paninindigan ko ito.
"I was 12 when I say, I don't want you with Nadine. Ngayon, I'm 15 and I stopped being clingy nang naging kami ni Freud." Sabi ko.
Yeah, I stopped coz I gave it to Freud. Naging clingy ako kay Freud.
"Gusto mong maging ka-love team ko si Alexis?"
Goodness! NO! I DON'T WANT IT BUT I DON'T WANT TO STOP YOU! So, please stop asking me! Gusto kong isigaw 'yon pero ayoko. Hindi tama. May sariling buhay si Kuya Rafael. May projects siya with Alexis after MMFF or even after his teleserye so why will I stop him?
Ngumiti ako. Pilit...
"It's okay. Naisip ko, Kuya pa rin naman kita kahit sinong babae pa ang makatambal o maging GF mo 'di ba?" Sabi ko.
"Okay." Sabi niya at umalis nalang bigla.
Hindi na ito lumabas buong maghapon. Ako naman ay tulala sa T.V. tapos kapag naiinis ako ay nililipat ko sa ibang channel. Halos hinakot kasi ng Alexis na 'yon ang commercials e. Pampaputi. Gamot sa an-an at alipunga. At kung anu ano pa.
Naiirita ako.
Nang makapili ng international channel ay nakontento na ako. Napalingon din ako nang makarinig ng pagbukas ng pinto.
"I overslept." Sabi ni Daddy.
Umiling ako, "it's okay daw. You need a rest." Sagot ko.
"Akala ko aalis ka? Bond with friends." Tanong nito. Tumabi na sa akin kaya binigay ko sa kaniya ang remote.
Ipapalabas kami ang isang movie niya sa T.V. ngayon. Matagal na ang movie na 'yon, I think 5 years ago. Certified blockbuster. Gusto niya atang panoorin ulit.
"Only Belo touches my skin..." hinahaplos ni Alexis ang kaniyang balat. Malagkit siyang nakatitig sa camera at ngumit. "Who touches yours?" Aniya.
"Belo din... hindi ba obvious?" Pambabara kong sagot.
Maganda ang kaniyang balat. Maganda. Maputi. Flawless. Hindi siya kukunin ng Belo kung wala siyang mga katangiang 'yon.
"Si Alexis 'yan hindi ba?" Inayos ni Daddy ang salamin.
Para may sumabog sa utak ko.
"Hindi ba obvious dad?" Tumayo ako at umalis.
What's wrong with me? Akala ko ba nagkasundo na kami ng sarili ko? Why do I taste like a bitter one? Ikaw, Rafaela. Kung ako sa 'yo ay umayos ka! Hindi tama 'yan...
Set him free.
Hindi mo siya makakasama habambuhay. He's not yours. He's just your older bother. Hanggang doon ka lang. Hindi mo hawak ang desisyon niya.
Alexis will eventually become his girlfriend. Ganiyan naman ang showbiz e. Kung sino ang lagi mong nakakasama sa trabaho ay madedevelop sa 'yo. And knowing Kuya Rafael... he's nasty and naughty and nice? Natulala ako sa sarili kong repleksyon. Behold! Copied and stamped. Hindi mo na babaguhin ang desisyon kong pakawalan si kuya. He'll be great soon.
And some of the fame will come to me.
_
Hello there! Hope to see your comments! Labyuuu. #boxingday