Chapitre 3

1958 Words
Trois Hindi siya nagsalita. Pulang-pula na ako sa galit but he didn't answer. Ano ba talaga ang tingin niya? Pwede niyang gawin 'yon anytime? Paano kung may mga paparazzi sa paligid. Mga netizens na umaaligid. Baka makunan kami at ma-issue dahil hinalikan niya sa labi ang sarili niyang kapatid. That's gross! And that will be a scandal. Wala ba siyang pakialam sa sarili niya at sa career niya? Baka magkaroon ng misunderstanding or something at madadawit ang pangalan ko. I don't want that to happen. My image is important to me and I'm so old na para i-baby pa niya. That's unacceptable! "You don't do that to me kuya!" I hissed. Hindi siya sumagot. Tumitig lang siya sa akin. Ngumiwi nalang ako sa kaniya. Ayaw niyang matuto na malaki na ako at hindi na niya dapat ginaganito. Pwes! Dapat sa kaniya binabalaan para magtanda. "The next time you ever do this... again. Isusumbong kita kay daddy and I'll hate you forever!" sigaw ko at bumaba ng sasakyan. Mabilis kong tinahak mag-isa ang pinto ng bahay namin at pumasok na hindi siya nililingon. Ni-lock ko narin para sigurado at pinako ang sarili sa pintuan. Kumalampog ang puso ko sa nangyari. I know it was just a siblings intimacy. Close kami ni Kuya Rafael since bata pa at nag-iisa akong babae sa amin. Hindi naman makatarungan na mag-isip ako ng kung anu-ano. That would be unfair to Kuya Rafael. I took a deep breathe, "take it easy, Rafa. You're just stress or something." Madali kong napagaan ang sarili. Hindi naman ako masyadong maarte o anuman. Hindi naman din kasing taas ng Eiffel Tower ang pride ko para hindi humingi ng tawad kay Kuya Rafael. Siguro nag-overreact lang ako sa ginawa niya and all. I felt like, I need to say sorry. Pero kasi... Gusto ko lang naman ipaalala sa kaniya na hindi na pwede 'yon at para din 'yon sa career niya. He's famous! He's being loved by the people. At dahil diyan, pakalat-kalat ang mga desperadang fans at scoop-desperate para makakuha mga information. I know that all... and Kuya Rafael is just so careless about it. I'm just overreacting. Wala naman 'yon sa kaniya e, pero ako itong sobra kung makareact. He is just intimate. Ganiyan lang talaga siya kung magpakita ng affection. Dumiretso ako sa kama ko. Humiga at napatingin sa kisame. Hinahaplos ang aking labi, nandito pa rin ang halik niya. Nararamdaman ko pa rin ang lambot ng kaniyang labi. "It's so soft," bulalas ng bibig ko. What? Umiling ako. Baliw ka na! Rafa, you did not say that. Patuloy akong umiiling hanggang sa mahilo. I need to do something or else, I will be thinking it until I fall asleep. Nakakadiri 'yon! Hindi ko pwedeng isipin ang ganoon. Gumawa ako ng sketch. Hindi naman ako best in art o talagang may talent sa art pero nakakagawa pa rin ako kahit papaano through abstract. Malaya ang utak mong paglaruan ang lapis, ang mga kulay, at ang kamay mo. Ginagawa ko itong past time kapag bored na talaga. At madali akong nadala sa ginagawa ko hanggang dumating ang gabi. My phone's ringing. Mabilis kong sinagot ang tawag ni Winona. Mabuti nalang at naisipan niyang tumawag dahil wala naman akong ginagawa ngayon. Just normal boring night alone. "What's up?" Bungad ko. "Want to go out?" Pag-aaya nito. "At anong nakain mo't nag-aaya ka?" Tumaas ang kilay ko. Hindi siya agad sumagot. Naghintay ako hanggang sa huminga ito ng malalim. I kinda have an idea but I will let her tell me. "I'm alone with my brother-in-law. It's creepy." Pag-amin niya. "Where's your ate? Busy na naman?" Tanong ko. And I'm right. Busy ito sa kaniyang business kaya nakauwi na ang asawa niya at wala pa rin ang kaniyang ate. That makes sense kaya siya nag-aayang lumabas. Pumayag ako at tinatawagan niya na rin si Blanca para makasama. Nagbihis ako ulit at nag-check kung may pera pa akong pamasahe sa taxi. Hindi ako masyadong naglalagay ng palamuti sa mukha. Well, a BB cream, blush on and pink lipstick is already a get-up. I have this thick black eyebrow and a long eyelashes. Nagpatawag na ako ng taxi sa guard ng subdivision. Nang dumating ito ay lumabas na ako at naglock ng bahay. I need to inform my dad... and kuya para malaman nilang lumabas ako. Kahit na hindi maganda ang nangyari kanina ay responsibility kung iinform siya na wala ako sa bahay. "Dad..." himala dahil nasagot niya ito agad. "Yes, dear? Are you alone tonight?" "I'm with Kuya Rafael kanina. And right now, I'm going to MOA. Dinner with friends." Sabi ko. "Alright. You take care. Tell Rafael where are you... baka umuwi 'yon mamaya." Aniya. "I'm calling him after this or text him if he can't." He dropped the call. Nag text naman ang dalawang kaibigan ko ng sabay na patungo na sila sa Mall of Asia. Me: Papunta na rin ako. See you <3 Lumulunok naman ako habang nagdadalawang isip na tawagan si Kuya Rafael. Call him? Or not to call him? Hindi ko alam kung saan ang maganda? Ang magalit siya dahil tinatawagan ko siya after ko siyang sigawan kanina o ang magalit siya dahil hindi ko siya tinawagan? Which is which? Bago pa ako nakapagdesisyon ay tumatawag na ang kaniyang pangalan sa aking phone. Nataranta ako kaya nasagot ko agad. "Dad said, you're out." Para bang may bumara sa lalamunan ko. Kahit anong lunok ko ay hindi mapawi-pawi ang sakit. I should buy strepsils for this sore throat. "Yes. Ahm... with Blanca and Winona." Sagot ko. "Uuwi ako pagkatapos ng taping." Malamig niyang sabi. Hindi ko na alam kung bakit ba ako kinakabahan. Siguro ay nahihiya ako kanina sa ginawa ko. I got mad. Hindi ko naman sinasadya pero hindi ko alam papaano hihingi ng tawad. "O-o sige, Kuya. You have keys naman 'di ba? Hindi ako magpapagabi masyado." "Okay." Anito at binaba ang tawag. I hate that I'm trembling right now. Hindi naman kasi kami nag-aaway ni kuya lagi e. Normal na ang ganon sa magkakapatid. Sinanay man akong mag-isa dahil sa mga trabaho nila pero hindi ganito na medyo nagkakaroon na ng awkwardness sa amin. Sinanay na rin akong nakukuha ang halos lahat ng gusto ko basta lang ay nagsisikap sa school. Lagi nila akong inuunawa dahil sa tingin nila ay sila ang may pagkukulang sa akin. I don't think, I'm a brat here. It's just that, I'm already uncomfortable with kisses. Sa noo, pwede. Sa pisngi, pwede. Sa ilong, pwede. Sa lips, no... hindi na pwede. Nang makarating sa MOA bumaba na ako pagkatapos magbayad. Mukhang ako pa ang unang nakarating sa kanila dahil wala akong natanggap na text messages sa dalawa. Pumasok na agad ako sa mall. Naglakad-lakad para maghanap ng restaurant na pwede naming puntahan at masubukan ang mga putahe. Hindi ko rin pwedeng kaligtaan ang mga taong nakatingin sa akin at kumukuha ng mha litrato na patago. They know me... I'm the famous, Rafael De Guzman's sister. Langit na sa kanila ang makita ang kapatid na babae. "Good evening, Ms. Rafaela." Bati ng babaeng nasa pinto ng restaurant. I chose a Filipino Modern foods for this evening. Nagtitipa ako ng text messages sa mga kaibigan ko. "Hello din po," sagot ko at pumasok. Tumili ito ng mahina. "Pwede po bang magpapicture?" Aniya. "Nakakahiya naman po." "Sikat po kayo. Maganda. Sana ay nag-artista din kayo tulad ni Rafael." Sabi niya. Ngumiti nalang ako. Hinayaan ko na siyang makipagselfie sa akin. Maraming lumapit sa akin kaya halos sumakit ang gums ko sa kakangiti. "Found you! Kung saan ang nagkukumpulan ay nandoon ka." Sabi ng bagong dating na Winona. Tumawa kami. Nagrequest na rin ako sa manager na huwag nang magpapalapit sa akin dahil kukuha na kami ng order. In a good manner, people understood. Nagtawanan pa kami ni Winona sa mga chismis sa school at kung anu-ano pa. Hanggang sa dumating si Blanca. "O, laos na ba?" Panunuya nito. "Kung nauna ka dito, ako siguro ang magtatanong niyan. Pinagkaguluhan kahit wala naman ang star." Tumawa si Winona. "Let's just order please. Gutom na ako..." sabay tingin sa menu. "Star city tayo after this." Pag-aaya ni Blanca. Hindi ko alam kung ano ang mga laman sa mga utak ng dalawang ito. Kanina nag-aya akong lumabas at makipag-hang out pero hindi nila ako pinaunlakan. And then now? Kung makapag-aya 'tong dalawa parang wala ng bukas. "Grabe kayo..." 'yan lang ang nasabi ko. Marami kaming pinagchismisang tatlo. Yung kaklase naming maarte na nilalandi ang basketball player ng aming school. Hindi rin nakatakas ang pagiging close ng aming lalaking adviser at ang aming Math teacher na babae. Hanggang sa dumating kami sa teleserye ni Kuya Rafael na naiyak daw sila sa kagwapuhan at pagiging magaling nito sa pag-arte. "Mahahakot niya siguro ang mga best in acting awards at kung anu-ano pa." Sabi ni Winona. "Correct! Isama mo kami sa awarding huh? 'Di bale na't maging date ako ng daddy mo." Humagalpak sa tawa si Blanca. Tumawa din ako. Hindi siguro ako dadalo dahil nominated din ang katambal ni Kuya Rafael sa awards night kaya paniguradong ito ang kasama niya. Si daddy naman ay busy sa kaniyang ginagawang movie for MMFF sa December. Nagdadalawang isip din 'yong dumalo. "Uuwi ako by 9 huh?" Checking the time. It's still 15 to 8:00 PM. "KJ! Kainis." Reklamo agad ni Blanca. "Uuwi si Kuya Rafael. Baka sunduin ako or something." Kahit na hindi siguro mangyayari. Gusto ko lang makauwi ng maaga para maabutan siya at makahingi ako ng sorry. "O sige. Hindi na kami sasama kasi baka pagod siya. He needs a rest." Ani Winona. Magch-chip-in sana kami sa pamasahe sa taxi patungo sa Star City nang makilala ako ng driver kaya libre ang sakay kapalit ang selfie sa kaniya. Natuwa kami pero pasimple akong nag-iwan ng 200 pesos sa gilid ng kaniyang gear stick. "Doon tayo please..." turo ni Blanca sa mga rides. All rides ang binayad namin sa amusement park. Nagsimula kami sa mga climbing, rollercoaster, at kung anu ano pang rides. Halos hindi ko namalayang alas diez na ng gabi at pagsilip ko sa phone ay binaha na ako ng tawag ni Kuya Rafael. "Gosh! Tumatawag si kuya kanina pa." Nataranta kong sabi. "Nandiyan na ba sa labas?" Tanong ni Winona na excited. Umiling ako at tinawag pabalik si Kuya Rafael na mabilis na nakasagot. "Where are you?" Ito agad ang bulalas niya. "S-sorry. Nasa Star City kami... hindi ko nasagot agad," sabi ko. Hindi ito nagsalita ng tatlong segundo. "Alright. I'm coming to get you three..." huminga itong malalim. "I'll text you when I get there." Sabay baba sa tawag. "Ano daw?" Nakatingin sa akin ang dalawa kong kaibigan. "Susunduin tayo. Papunta na siya." Sagot ko. "OMG! OMG! OMG! Really? Seryoso ka, tayong tatlo?" Kilig na tili ni Winona. "Jusko! Babaha na naman ng comments ang i********: ko mamaya." Tili din ni Blanca. Akala ko ba hindi pa sila uuwi? Akala ko ba 'KJ' ako dito? Umirap ako sa dalawa. Ang lalandi. Pero sabagay artista ang makakasama nila sa sasakyan. Ihahatid pa sila pauwi kaya sino ang hindi titili at kikiligin? Almost 30 to 11:00 PM na dumating si Kuya Rafael. Sumakay pa kami ng iilang rides bago kami lumabas at maghintay sa kapatid ko. At nag-uunahan pa ang dalawa sa sasakyan nang pinagbuksan ni Kuya Rafael. "Landi talaga." Tumawa ako. Pagod siya galing sa shoot pero nandito siya at sinundo ako at ihahatid pa ang mga kaibigan ko. "Let's go..." ani Kuya. "Pagod ka. Nag-abala ka pang kunin kami." Mahina kong sabi. "It's you we are talking about here. I can't let you ride in anyone's car, Rafaela." Masungit niyang sabi at sumakay na. Galit siya sa akin. He's still mad at me right now... 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD