Seize Pagulong-gulong ako sa kama. Hindi ko ma-gets kung bakit napakalakas ng t***k ng puso ko. Lahat ng nangyari kanina, lahat 'yon puma-flashback sa utak ko. Wala akong maintindihan kahit na paulit-ulit ito at tumatalbog lalo ang puso kapag pumupunta na ito sa lapit ng aming mukha ni kuya Rafael. "Ano naman ngayon? Bakit? Ang labo!" sabi ko sa sarili ko. ARRRGHH! Ang labo mo, Rafaela! Sa sobrang frustration ay lumabas ako ng kwarto ko. Dinala ako ng paa sa harap ng kwarto ni kuya na hindi ko alam kung gising pa o tulog pa dahil sa oras ko ay ala una na ng madaling araw. Bakit pa ako gising? Saan ba do'n ang dapat kong aalalahanin? Wala naman 'di ba? Hindi ako hinalikan ni kuya dahil alam niyang magagalit ako. So? Rafaela? Bakit ka nagkakaganito ngayon? Putangina, ang labo ko talaga!

