Quinze "Are you three watching p*********y?" malamig na sabi ni kuya. Nanlaki ang mata ko na halos pumutok na ito o 'di kaya'y lumuwa na. Paanong may ganiyan sa tv namin? Wala akong kinalaman diyan. Anong na namang ginawang kalokohan ng dalawang ito?! "OMG! Paanong may ganiyan?" bulong ni Winona. Aba't nagmamaang-maangan pa itong si Winona a! Anong ibig sabihin niyang, 'paanong may ganiyan'? Niloloko ba ako ng dalawang ito? Nilingon ko si Blanca na mismong nagsaksak ng CD sa player. Humakbang siya ng dalawang beses at tinago kami sa likod. Para bang aamin na sa kaniyang kasalanan. Umuusok na ang ilong ko sa galit ngayon. Yumuko siya. "K-kuya Rafa, kasi How I Met Your Mother series po 'yan." What? Paanong naging How I Met Your Mother 'yan? Nababaliw na ba siya o ginagawa niyang bobo

