“Hades Sword.” Pinalabas ko agad ang artillery ko nang maramdaman ko ang kakaiba at malakas na presensya sa feather pen na hawak niya. Mukha itong isang vintage fountain pen na may piraso ng kulay blue na bird’s feather sa bandang dulo. “Mukhang may kinalaman ka sa mga misteryosong pagkamatay ng ilang gargoyles sa lugar na ‘to,” sambit ko habang nakatutok sa kanya ang espada ko. “Tama ka. May kapangyarihan ang feather pen na ‘to na isakatuparan ang kahit anong isulat ko sa papel kasama ang hitsura at buong pangalan ng kahit sino,” sambit naman ni Cordelia. Iyon pala ang kapangyarihan ng spellbound artifact na feather pen na ‘yon. “Kaya nga hindi ka na matutulungan ng mga kasama mo.” Nandilat ang mga mata ko sa sinabi niya at bahagyang nanginig ang katawan ko. “Anong ginawa mo sa m

