Narito pa rin kami sa reception hall pero tapos na kaming kumain. Nailigpit na rin ang mga pinagkainan namin at nagpapahinga na lang kami ngayon dito habang nakaupo pa rin sa six-seater dining table. Kasama namin ngayon si Lady Cordelia, ang may-ari nitong Hotel de Gula. "Mga taga-Underworld University pala kayo. Hindi ko namukhaan ang uniform na suot niyo. Nagbago na pala ito," sambit ni Cordelia sabay tawa nang mahinhin. "Ang ganda talaga niya!" pabulong na pagkamangha ni Ryker. Sabay-sabay na lang namin siyang sinitsitan bilang pagsaway sa kanya. Natawa naman si Lady Cordelia matapos no'n. Kahit may kaedaran na si Cordelia ay hindi pa rin maipagkakaila ang kagandahang taglay nito. "Kaya pala parang pamilyar sa akin ang pangalan ng paaralang iyon. Bukod pala sa sikat ang paaralan n

