Naglalakad-lakad kami sa siyudad ng Ground Epta. Parang Medieval Period ang estilo ng mga gusali pati na rin ang pananamit ng mga nilalang dito. Iyong mga gusali ay gawa sa bricks at kahoy, at itong kalsada ay gawa rin sa bricks. Tapos ang mga magagarang establishments naman ay gawa sa semento at patulis ang mga bubong ng mga ito. Ang estilo naman ng kanilang pananamit ay long sleeve na pinatungan ng vest, skinny pants, at leather boots sa mga lalaki, samantalang sa mga babae naman ay mahahaba ang manggas ng kanilang suot na dress na abot sa lupa ang haba ng palda. At ang pinakakapansin-pansin dito ay makakakita ka ng windmill kahit saan. 'Yong hitsura naman ng mga nilalang dito, mukha naman silang mga tao pero kulay green ang kanilang kutis, patulis ang kanilang mga tenga, may mahahab

