XLI: Ground Epta

2118 Words

Nagtipon na kaming lahat dito sa dining area para mag-almusal. Ngayong araw din ang alis namin. "Dalawa na ang nahahanap natin. Malaking bagay na rin," sambit ni Gunner. "Oo nga. Miss ko na ang university at ang greenhouse dome natin," ani naman ni Xavier habang nagpapalaman ng jam sa tinapay niya. "Miss ko na ang mga girls ko ro'n at 'yong kama ko sa dorm," sabad naman ni Ryker sabay buntonghininga. "Miss ko na rin 'yong kusina ko ro'n," giit naman ni Gunner. "Miss ko na 'yong koleksyon ko ng kape. Mauubos na 'yong baon kong kape sa paglalakbay nating 'to at ayaw ko nang bumili," sambit naman ni Klein. "Eh paano? Sobrang adik mo sa kape. Tatlong beses ka yatang nagkakape sa isang araw," ani Gunner. Nilahad ni Klein ang palad niya pantay sa balikat niya. "Limang beses, Gunner," saa

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD