“Okay, so may dalawa tayong duet songs na nilagay sa set,” sambit ni Klein. Nandito kami ngayon sa auditorium para sa practice proper para sa magiging performance namin sa huling araw ng festival. Tuwing gabi naman talaga ginaganap ang mga program sa may coliseum. Minsan nanood kami pero hindi naman tinatapos ang buong program. “’Yong isang kanta, si Jerome ang ka-duet ni Aika. Sa isa naman ay si Ryker dahil nag-volunteer siya,” paliwanag pa ni Klein. “Gusto kasing magpasikat no’ng isa diyan kaya nag-volunteer,” sabad naman ni Xavier sabay sinamaan siya ng tingin ni Ryker. “Bale, may apat na araw pa tayo para mag-practice. Kaya galingan natin,” ani Klein. “Kayang-kaya na natin ‘to. Matagal na natin ‘tong ginagawa simula nang maging magkakaklase tayo,” sambit naman ni Ryker sabay tawa

