Nang makaharap ni Mr. Smith ‘yong lalaking nakasalubong namin na may kuryente rin sa kamay ay tumawag siya ng isang kasamahan. May dumating na isang babaeng grim reaper na nagngangalang Eriphyle. Siya ang pinakiusapan nito na maghatid kay Faye papuntang kabilang-buhay dahil may mahalaga raw siyang gagawin. At matapos umalis nina Eriphyle at Faye ay nilapitan ni Mr. Smith ‘yong lalaking nakasalubong ko. “Isa kang Olympian deity, hindi ba?” tanong ni Mr. Smith sa lalaki. Mukhang nagulat naman siya sa tanong nito. “Mga taga Underworld kayo, hindi ba? At ikaw ay isang grim reaper,” sambit naman no’ng lalaki. Tinitigan pa siyang mabuti ni Mr. Smith. “Lord Zeus?” Nabigla kaming lahat sa tinanong ni Mr. Smith sa lalaki. “Ikaw naman si Samael, tama?” sambit naman no’ng lalaki. Hindi nam

