“HEY, Amanda, what are you doing here?” tanong ni Justin nang makita si Amanda na abala pa rin sa kusina ng restaurant. Mag-a-alas-dose na noon ng gabi at hindi naman talaga siya kailangan doon dahil naroon naman si Tony at ang mga assistants nito. Pero patuloy lang siya sa pagtulong kay Tony. Pumasok sa loob ng kusina si Justin nang hindi niya ito pinansin. Tinignan siya nitong mabuti. “Let’s go home.” Nilapitan siya nito, hinatak ang kaliwa niyang kamay at pilit siyang inilabas sa maingay na kusina. Alam ni Amanda na nakakahalata na si Justin na may inaalala siya dahil pinapagod na naman niya ang kanyang sarili sa trabaho. “Tell me, what’s the problem?” “W-wala, bakit?” natatawa niyang tanong habang nakatingin sa ginagawa ni Justin na pagpupunas sa dalawa niyang kamay. “Day-off m

