KINAUMAGAHAN, naabutan ni Justin si Amanda na abala sa paghahanda ng almusal, na parati nitong ginagawa. Nakabihis na ito at handa nang umalis papunta sa restaurant. Nakatalikod ito sa kanya kaya naman kitang-kita niya ang magandang hubog ng katawan nito. Everything that happened last night came back to him and in an instant, he felt as if his entire body was burning. “Good morning!” masaya nitong bati sa kanya. Dahan-dahan siyang naupo sa harap ng inihandang pagkain ni Amanda. Toasted bread, cheese, ham, orange juice. Iyon ang paborito niyang agahan at ngayon na lang uli siya naipag-handa ng ganoon ang kaibigan. Tiningnan lang niya ni Amanda nang ilapag nito ang tasa ng mainit kape sa mesa. Pinagmasdan lang niya nito nang magsimula itong kumain. Parang walang anumang nangyari rito kaga

