LUIZ'S POV
Laking gulat ko nang maabutan ko ang sala na pinag-inuman namin na sobrang inis na. Walang kalat at napakaayos. Nakakatuwa lang isipin na may isang mabait na gumawa neto. At alam ko kung sino ang gumawa nun. Di ko sya masisisi kung gawin nya yun dahil meron syang perception sa buhay na sya lang ang nakakainti at naiintindihan ko naman yun. Pero di naman nya kailangang gawin yun dahil pare-parehas lang kami ngayon dito sa bahay.
Nang nandito ako sa sala ay may naamoy akong mabangong pagkain. Natatakam tuloy ako dahil mukhang masarap ang niluluto nya. Nagtungo ako sa kusina at naabutan ko si Timmy na nagluluto ng kung ano man yun.
"Oy! Good morning sir Luiz. Maupo ka po. Nagluto po ako ng sinigang na buto-buto ng baboy. Maganda to para sa hang-over" masiglang bungad na bati sa akin ni Timmy. Umupo naman ako gaya ng sinabi nya. Nagsandok sya ng niluto nya sa mankok at ibinigay nito sa akin.
"Ayan, mainit-init pa yan sir. Masarap yan. Sige po, try nyo na po" nakangiting sabi sa akin ni Timmy. Nginitian ko rin sya bago ko tinikman ang kanyang niluto.
"Ummm! Wow! Ang sarap nga! Galing mo talaga Timmy!" Puri ko sa kanya. Natutuwa ako dahil may katulong na ako sa pagluluto dito sa bahay.
"Salamat po sir" sagot naman sa akin ni Timmy.
"Ikaw naglinis ng sala?" Tanong ko sa kanya.
"Ah, opo. Nakapaglinis na rin po ako dito sa loob ng bahay. Pati po mga pinaggamitan natin kagabi ay nahugasan ko na rin po" sagot ni Timmy.
"Timmy, you don't need to do that. Ang bawat isa dito ay may kanya kanyang trabaho. Wag mong akuhin lahat, ha" sabi ko sa kanya.
"Sir ayos lang po yun. Wala rin naman po akong ginagawa kaya ginawa ko na po. Saka po, bilang ganti ko nalang po ito sa kabutihan nyo sa akin" sagot ni Timmy.
"Timmy, wag kang mag-isip ng ganyan. Basta mamaya gagawa ako ng scedule para di mo gawin lahat ng gawaing bahay dito" sabi ko sa kanya.
"Sir Luiz, may tanong po pala ako" sabi ni Timmy na mukhang nahihiya na naman.
"Ano yun?" Tanong ko sa kanya.
"Napansin ko po sa mga gamit nyo sa kusina, puro plastic. Lalo na po ang baso at pitsel" tanong ni Timmy kaya natawa ako.
"Actually may dahilan yan kung bakit mga plastic gamit namin. Mga clumsy kasi mga kapatid ko lalo na kapag umiinom. Palagi nalang silang nakakabasag. Kaya napahdesisyunan kong plastic nalang bilhin ko para dito sa bahay" sagot ko kay Timmy.
"Ah! Kaya po pala" sabi naman ni Timmy.
"Good morning!" Bati ng dalawang lalaki sa aking likuran. Yun ay sina Franco at Philip. Dito na kasi sila natulog kasama si Christian.
"Good morning! Um! Maupo kayo at itry nyo tong luto ni Timmy. Masarap!" Aya ko sa dalawa kaya umupo naman sila. Si Timmy naman ay nagsandok sa dalawa. Nang maibigay na ni Timmy ang luto nya ay tinikman na nila ito.
"Umm, sarap nga!" Wika naman ni Philip.
"Alam mo Timmy. Pinapabilib mo na talaga ako ha!" Sabi ni Franco kay Timmy.
"Thank you po" sagot naman ni Timmy.
---
BRYLE'S POV
Umm! Sakit ng ulo ko! Grabe lakas ng hang over ko. Naparami kasi ako ng nainom kaya heto na naman ako lasing na lasing kagabi. Kagigising ko lang ngayon pero wala akong nakitang Timmy sa tabi ko. Anong oras na ba? Di man lang ako ginising ni Timmy? Kinuha ko ang phone at aking pagkakakita ay 9:30am na.
"Timmy!" Pagtawag ko sa kanya pero walang sumagot kaya lumabas ako ng kwarto ko. Wala akong nakita sa sala pero may nag-iingay na sa kusina. Nagtungo ako dun at naabutan ko silang lahat na bigla nalang nagtinginan sa akin.
"Bakit kayo nakatingin sa akin?" Nagtataka kong tanong sa kanila.
"Kamusta ang lasing?" Natatawang tanong ni kuya Lloyd.
"Okay lang. Masakit ulo ko" sagot ko naman. "Asan si Timmy?" Tanong ko kaagad sa kanila.
"Hay! Timmy! Miss ka na naman ni Bryle oh!" Sigaw ni Red. Nakita ko sya sa may lutuan na nagsasandok sa kaserola. Di ko alam kung ano yun.
"Umm. Bryle, maupo ka. Heto oh sabaw, higupin mo para maalis ang hang over mo" sabi sa akin ni Timmy kaya naghanap ako ng bakanteng upuan. Sakto meron sa tabi ni kuya Luiz.
Ibinigay sa akin ni Timmy ang mangkok na may sabaw.
"Ano? Gawin na ba natin ang pustahan?" Tanong ni Blythe. Anong pustahan yun?
"Timmy, Bryle? Ano? Umpisahan na?" Tanong ni Red sa amin ni Timmy.
"Anong pustahan yan?" Tanong ko sa kanila.
"Ayun! Lasing ang gago! Makipagpustahan ka kagabi. Maglalaban kayo sa inuman ni Timmy. Kung matatalo si Timmy papayag na syang ligawan mo. Pero kung talo ka, sorry pero kailangan mo pa ng matinding effort para hingin ang oo ni Timmy na ligawan mo sya" sagot ni Blythe sa akin.
"Hah? Yun lang ba? Di naman umiinom si Timmy kaya ako na ang mananalo. Umpisahan na ngayon!" Mayabang kong sabi sa kanila.
"Yan ang akala mo. Timmy, ano bang bibilhin naming iinumin nyong dalawa ni Bryle?" Tanong ni kuya Luiz.
"Sir?, Kami lang po ba ang iinom? Di nyo po itatry ang ipapainom ko sa inyo?" Tanong ni Timmy.
"Hoy Timmy! Kala mo namang napakagaling mong uminom. Siguro plano mo lang to para magkaroon ka ng dahilan para pumayag kang ligawan kita. You don't need to do it. Liligawan kita, kahit anong mangyari" seryoso kong sabi kay Timmy pero nginisian lang ako ni Timmy.
"Sige, matry nga yang sinasabi mo Timmy. Gusto mo ngayon na tayo bumili" sabi ni kuya Luiz kay Timmy.
"Sige po. Pero maghuhugas muna po ako ng pinagkainan" sagot ni Timmy.
"No need. Si Bryle ang maghuhugas ngayon" sagot ni kuya Luiz sabay tingin sa aking ng nakakaloko.
"Bakit ako maghuhugas?" Tanong ko naman.
"Sino gusto mong maghugas? Ikaw o si Timmy?" Tanong ni kuya.
"Hay! Oo na! Ako na!" Sagot ko. Kaya tinawanan ako ng mga kasama namin.
"Hoy Red, Blythe, Franco. Tatawa tawa kayo dyan parang di naman kayo nagpauto sa mga boyfriend nyo!" Pagtataray ko sa tatlo.
"Atleast, tapos na kami dyan!" Sagot naman ni Blythe.
"Timmy, halika na. Bili na tayo" aya ni kuya Luiz.
"Sige po" tugon naman ni Timmy.
"Hoy! Sasama ako!" Sigaw ko sa dalawa.
"Wag na, magpractice ka nalang dyan kung papaano mo ako tatalunin" natatawang sagot sa akin ni Timmy.
"Kala mo naman magaling kang uminom!" Pagsusungit ko sa kanya.
Tuluyan na nga silang umalis para bumili. ang mga kasama ko naman sa kusina ay naglaho na rin. Kaya ako nalang natira para hugasan ang pinagkainan ng mga bwisit na mga tao na yun! Bakit ko ba ito ginagawa? Tinitake advantage nila ako! Nakakainis!
---
BRYLE'S POV
3:00pm na at nandito kami ngayon sa may bandang pool. Ang iba ay sina Christian, at Franco ay nag-iihaw ng bangus at manok, ginaguidan naman sila ni kuya Luiz na abala sa magkuha ng mga upuan at mesa kasama ako, Red at Blythe. Ang mga bakla namang apat ay nasa kubo na nagpreprepare ng iba pa naming makakain. Si kuya Lloyd ay kararating lang galing bumili ng yelo at beer para sa aming iinumin mamaya. Pero nakabili na sila kuya Luiz ng sinasabi nilang Gin. Di ko alam ang alak na yun kaya medyo kinakabahan ako.
"Okay na ba ang lahat?!" Sigaw na tanong ni kuya Luiz.
"We're done! Sigaw ni Kyle.
"Kami patapos palang!" Sigaw naman ni Franco. Tapos na rin kaming magprepare ng mesa at mga upuan.
Kaya lumapit sa pwesto namin si Timmy dala-dalawa ang pitsel, gin, at Juice.
"Bryle, patawag silang lahat. Panoorin nila itong gagawin ko" sabi sa akin ni Timmy.
"Guys! Halikayo! Watch nyo daw si Timmy!" Sigaw ko naman at nagsilapit na nga sila. Nang kumpleto na kaming lahat ay inumpisahan na ni Timmy ang kanyang gagawin. Una ay binuksan nya ang gin. Nilagyan ni Timmy ang pitsel na may tubig ng Gin ng kaunti. Kinuha nya ang nestea apple at nilagyan nya ang bote ng gin. Kinulog-kulog nya ito. Nang matapos nyang kulugin ito ay nagtapon ulit sya ng gin sa pitsel.
"Sir Luiz, where's the Lighter?" Tanong ni Timmy.
"Here" sagot ni kuya at dinukot nya ito sa knayang bulsa.
"Timmy, anong gagawin mo?" Tanong ni Philip.
"Watch and learn!" Nakangiting sagot ni Timmy. Pinasindi nya ang lighter at itinutok nito sa may bunganga ng gin at,
"Wwwwwwwwwoooooooooo!" Sigaw naming lahat dahil umapoy ito. Nang mawala ang apoy ay tinakpan niya ang bunganga ng gin at inalog muli. At inulit ulit lang nya iyon. Sa totoo lang ay nakakamanghang panoorin si Timmy dahil bago sa aming paningin ang ginagawa nya. Sa bar ay may ganyan din naman pero ito kasi ay panglocal lang. Simple at nakakaamaze! Lalo na nung last na ginawa nya. Ang natitirang gin ay ibinuhos nya sa may gilid ng pitsel at sinindi nya ang lighter at pinaapuyan nya sa mismong pitsel. Hindi pa natatapos dun dahil habang umaapoy ang pitsel ay itinutok nya ang bote ng gin at umapoy ito saka nya inilublob sa tubig! Nakakamangha ang nangyari. Grabe! Nakakabilib!
"Wow Timmy! Ang galing mo sa part na yun!" Manghang sabi ni Franco kay Timmy.
"Ganito palagi naming iniinom sa probinsya. Masarap na mura pa" sagot ni Timmy.
"Bryle pahingi ako ng isang tipak ng yelo" utos sa akin ni Timmy kaya sinunod ko sya. Inilagay nya ito sa pitsel.
"Papalamigin nalang natin bago natin inumin" sabi ni Timmy.
Makalipas ang ilang minuto ay nagsiupo na kaming lahat sa palibot ng mesa at inumpisahan na ang pool party.
"Dahil dare namin to ni Bryle ay siya muna ang unang iinom" sabi ni Timmy. Pinuno nya ang baso saka nya iniabot ito sa akin. Nang inumin ko ito ay infairness, masarap sya, matamis at may kaonti lang na pait. At success naubos ko iyon.
"Medyo mapait!" Reklamo ko.
"Syempre, 70 percent alcohol neto eh" sagot naman ni Timmy kaya nanlaki ang mga mata naming lahat.
"Ano? Bat ang taas?" Gulat na tanong ni kuya Lloyd.
"Okay lang po yan. Kasi nabawasan naman na sya kasi po nasunog po natin" sagot ni Timmy. Si Philip na ang susunod pero kalahati lang ang nilagay nya.
"Hoy! Ang daya mo naman! Ako puno sya hindi!" Reklamo ko.
"Remember, may dare tayo?" Nakangising sagot ni Timmy kaya wala na akong nagawa.
"Guys! Masarap sya!" Manghang puri ni Philip sa iniinom namin. Hanggang sa makaikot na ang tagay ay nasarapan sila sa iniinom namin. Pero itong Bench ay nahihilo na daw, pero nasarapan sya.
"Hmmm! Di perfect timpla ko!" Reklamo ni Timmy nang ininom ang ibang punong baso.
"Hah? Di masarap?" Tanong ni Kyle na parang ayaw maniwala sa sinabi ni Timmy.
"Opo, di masyadong masarap" sagot ni Timmy. Binigyan na nya ako ng iinumin, ngayon ay kalahati nalang. Ilang minuto pa ay naubos na namin ang first set na tawag ni Timmy kaya nagtimpla na sya ulit. Si Timmy ay parang hindi pa natamaan pero ako ay wow! Nag-iiba na ang paningin ko! Mukhang nahihilo na ata ako. Si Bench ayun! Tumba na ang gago.
"Guys! Nahihilo na ako!" Sigaw ni kuya Lloyd.
"Hah?! Isang set palang po tayo!" Sabi naman ni Timmy. At lahat kaming kainuman ni Timmy ay nahihilo na. Di ko alam kung bakit pero talagang nahihilo na kami. Pero kaya pa naman namin.
---
TIMMY'S POV
Ayun! Patapos na kami sa ikatlong set at lahat sila ay lasing na. Nakakatuwa silang tignan dahil halatang di na nila kaya. Ako, si kuya Lloyd at si sir Luiz nalang ang natitirang matatag dahil na rin siguro nagpapass si kuya Luiz. Ganun daw kasi sya, dahil sya daw mag-aasikaso sa amin kapag tapos na ang inumin.
Pero ang iba ay ayun, konting konti nalang tumba na.
Si Bryle, ayun, talo sa pustahan namin.
"Ano?, Panalo ako!" Masayang sigaw ni kuya Lloyd sa amin.
"Hoy! Shinong panalo ha! Di pa ako lashing ha! Kaya ko pa! Di ako papayag na matalo ako ngayon!" Sigaw ng lasing na si Bryle. Tumawa naman kaming lahat.
"After this set magswimming muna tayo. Para naman, mahimasmasan tayo" sabi ni kuya Luiz. Kaya walang anu-ano'y inubos namin ang iniinom namin at nagpunta kami sa pool para maligo. Dahil lasing na nga si Bryle na kanina pa vinivideo ay inalalayan ko sya papuntang pool. Masaya kaming naligo sa pool. Yung iba ay talagang naglalaro pa pero ako ay nakaalalay lang kay Bryle. Baka kasi makatulog, malunod pa sya. Gusto ko pang msgkaboyfriend no! Bawal pa syang mamatay. Pero not now muna ang boyfriend. Kailangan ko munang ihanda ang puso ko.
---
Gabi na nang matapos kaming lahat na uminom. Dahil sa ang dami naming nainom ay maraming tumba. Ang natitira nalang na medyo maayos ay ako, sir Luiz, Lloyd at Christian sina Red, Franco at Blythe ayun tulog na. Buti nalang ay di na uminom pa sina Kyle at Philip. Si Bench naman ay kagigising lang din at nausawan na sya.
"Timmy, ipasok mo na yang si Bryle. Bukas nalang tayo magligpit" utos sa akin ni sir Luiz kaya inalalayan ko na si Bryle para maipasok ko sa kwarto nya. Dahil basa kaming dalawa ay ipinunta ko muna sya sa kanyang CR para maishower sya. Sakto namang nagising sya kaya mas okay ang aking pag-aasikaso sa kanya. Iniwan ko muna sya CR para kumuha ng pamalit nya. Namili nalang ako ng madali nyang isuot isang boxer at isang puting damit.
Bumalik na ako sa may CR nang bigla kong makita si Bryle na,
"Aaaaaaaaaaaaaaaahhhhhhhhhhhhhh!!!!" Sigaw ko sabay taklob ng aking mata. Tumalikod din ako dahil si Bryle ay nakahubad na at wala na syang underwear. Nakita ko ang tulog na bataan ni Bryle! Hayyy! Lord! Kaawaan nyo po ako dahil nagkasala na po ang mata ko!
"Timmy?! Anong nangyari?!" Kinakabahan at pagod na pagod natanong sa akin ni sir Luiz.
"Sir, si Bryle po kasi!" Hiyang-hiya kong sagot kay sir Luiz.
"Bakit?" Tanong muli ni sir Luiz.
"Tignan nyo nalang po" sagot ko. Nanatili ako sa aking pwesto at si sir Luiz naman ay tinignan si Bryle.
"Oh my God! Hahahahahaha! Gagong Bryle!" Tawang tawa na sigaw ni sir Luiz. Lumabas sya ng CR at hinarap ako.
"Ikaw na bahala dyan ha" tumatawang sabi sa akin ni sir Luiz.
"Pero sir! Nakahubad sya! Please kayo na po mag asikaso" pakiusap ko kay sir Luiz.
"Kaya mo na yan! Sige alis na ako" sabi nya sabay takyas ng kwarto ni Bryle.
"Sir! Sir!" Pagpigil ko pero di nya ako pinakinggan. Kaya heto ako ngayon namrumroblema kung papaano ang gagawin ko kay Bryle.
Huminga ako ng malalim, bago ako umaksyon. Naglakad ako papasok ng CR. Pero nakaharang ang kamay ko sa bandang makikita ko si Bryle. Agad kong kinuha ang twalya nya sabay taklob sa kanyang private part. s**t! Ano nangyayari sa akin?! Bakit ako pinaparusahan ng ganito!
Nang magtagumpay ako ay itinayo ko sya at isinandal sa pader. Kinuha ko ang pangshower ay itinutok ito sa kanya. Bigla naman syang nabuhay muli nung tinutukan ko ang mukha nya.
"Lab lab! Thank you for taking care of me! Lab yu!" Wika neto sa akin. Pero ako ay di ko alam ang gagawin ko o sasabihin man lang dahil sumasagi pa rin sa aking isipan ang kwan nya! Hayyy! Nakakaloka!
Kahit basa na ang twalya nya ay okay lang! Wag ko lang makita ang ano nya! Makakasala pa ako!
Nang matapos ko ng paliguan si Bryle ay inalalayan ko sya. Tinakip ko muna ang twalya ko bago ko inalis ang twalya nya. Nang isusuot ko na sana ang boxer short nya ay bigla akong nakaramdam ng isang laylay na laman kaya nanindig ang balahibo ko. s**t! Yung kwan nya yun! Kaya agad kong isinuot ito. Huuuuh! Success! Binuhat ko na sya papuntang kama. Pinaupo ko sya para naman mapunasan ko ang ulo at katawan nyang basa. Nang matapos ko na syang pinunasan ay sinuutan ko sya ng damit at pinahiga na sya sa kanyang kama.
"Lab lab, hug me please!" Sabi nito sa akin.
"Magshohower lang ako saglit ha. Basa na rin kasi ako. Promis babalik ako" sagot ko sa kanya. Nagpunta akong CR para magshower. Binilisan ko na ang pagshoshower para maasikaso ko na ang lasing na si Bryle.
Tumabi ako sa kanya. Agad naman nya akong niyakap.
"Lab lab, good night kiss ko" wika nito sa akin. Napangiti nalang ako dahil naging routine na nya ang paghingi ng good night kiss sa akin. Di pa naman kami official pero naging normal na ang pagkikiss ko sa kanya. Kaya walang arte arte ay hinalikan ko sya sa labi.
"Lab lab, did you see my junjun?" Tanong ni Bryle kaya nanlaki ang mata ko.
"Ano ba yang sinasabi mo. Matulog ka na nga lang!" Sabi ko sa kanya.
"Lab lab, let's do what Red and Kyle's doing as a lover" sabi nito kaya mas lalo akong kinabahan. Di ako tanga para di ko alam ang sinasabi nitong gagong to.
"Hah?! No way!" Sigaw ko sa kanya.
"Bakit ayaw mo? Lab lab naman natin ang isa't-isa" sabi pa nito.
"Ayoko Bryle. Saka na kung magboyfriend na tayo!" Sagot ko sa kanya.
"Papaano yun, matagal pa. Natalo nga ako sa pustahan eh" sabi naman neto.
"Basta, edi mag effort ka pa para makuha mo ang payag ko" sagot ko sa kanya.
"Sana soon payagan mo na akong manligaw sayo" sabi nito sa akin.
"Maghintay ka lang, dadating din tayo dyan. Tulog na nga tayo" sabi ko sa kanya.
"Good night lab lab" sabi ni Bryle.
"Good night Bryle" tugon ko at natulog na kaming dalawa.