SANA MAGUSTUHAN NYO TONG CHAPTER NA TO. KASI FEELING KO DI SYA KAGUSTO-GUSTO GAYA KO?
TIMMY'S POV
"Nanay, mamimiss kita" malungkot kong wika sa nanay ko. Nagyakapan kaming dalawa.
"Ako rin anak. Malalayo ka na naman sa akin! Mag-aral ka ng mabuti ha. Wag mong kakalimutang tumulong dito sa bahay" sabi rin ni nanay sa akin.
"Opo nay. Mag-ingat din kayo ha. Yang sakit nyo!" Sabi ko naman kay nanay.
"Manang tama na yang drama nyong mag-ina. We need to go na" singit ni tita. Kaya kumalas kaming dalawa ni nanay sa pagkakayakap.
"Sige na anak, aalis na kami. Mga anak! Alagaan nyo tong anak ko hah!" Sigaw pa nya s
"Nay! Ako na po bahala sa kanya" sagot naman ni Bryle.
"Oo na. Alagaan mo sya ha. Malilintikan ka sa akin kapag may nangyaring masama sa anak ko" sabi naman ni nanay.
"Opo nay" mayabang na sagot ni Bryle. Tuluyan na ngang umalis sila nanay at sina mr. And mrs. Santillan. Kami nalang ang natira dito sa bahay. Malaki ang bahay at napakaganda. Kaya pumasok na kami ni Bryle sa loob ng bahay para maayos ko na ang mga gamit ko.
"Timmy, okay na ang room mo. Ikaw nalang bahalang mag ayos kung anong gusto mong ayos" bungad naman sa akin ni Kyle na pababa na sa hagdan kasama si Red.
"Kyle, di na sya magkukwarto sa kwarto mo. Sa kwarto ko na sya magkukwarto" sabi naman ni Bryle kay Kyle.
"Hah?! Bakit di nyo sinabi kaagad? Di sana di na ako nag-effort na mag-ayos dun!" Sabi naman ni Kyle.
"Eh, ganun talaga. Saka nandito pa si Nanay Bebet kanina kaya di ko sinabi" sagot naman ni Bryle.
"Ikaw talaga kuya! Yang galawan mo ha!" Biro naman ni Kyle.
"Timmy, ako na magbubuhat ng gamit mo" alok ni Bryle. Di na ako kumibo pa at hinayaan ko nalang sya. Pumasok kami sa kwarto nya. Namangha ako sa loob ng kwarto nya dahil ang daming mga drawings ang nakapaskil sa dingding nya.
"Wow ang gaganda ng mga drawings mo Bryle ha" puri ko sa kanya.
"Thank you" sagot naman nya sa akin. " Sya nga pala, dito ka na maglagay ng mga damit mo ha. Mamaya nalang tayo mag alis ng mga di ko na kailangang damit dyan sa aparador ko" sabi ni Bryle sa akin.
"Sige mamaya nalang. Sige, punta lang ako sa kusina. Aayusin ko lang yung mga gulay dun" paalam ko kay Bryle. Pero niyakap nya ako at nagpatumba sya sa kanyang kama kasama ako.
"Mamaya na. Dito muna tayo" malambing na wika sa akin ni Bryle.
"Bryle. Kailangan ko na yun ayusin" sabi ko sa kanya.
"Mamaya na" pagpupumilit ni Bryle.
"Kuya, share mo daw pambili ng a!- ayan! Kakaalis lang nila mama yan na inaatupag nyo!" Sigaw ni Kyle. Nagulat nalang kami ni Bryle kaya napaupo kaming dalawa.
"Wa-wala po kaming ginagawa" paliwanag ko kay Kyle.
"Um, whatever! Umayos kayong dalawa! By the way, mag-iinuman daw. Need ko ng share mo kuya Bryle" sabi naman ni Kyle.
"Magkano?" Tanonh naman ni Bryle.
"1k" sagot naman ni Kyle. "Kayo! Mamaya na kayo maglampungan! Bumaba na kayo!" Sigaw na naman nya. Ganito ba talaga kataklesa si Kyle? Ang ingay nya sobra!?
"Heto kasi si Bryle. Ayaw akong bitawan" sumbong ko kay Kyle.
"Ikaw naman kasi kuya, wag abuso!" Pagalit ni Kyle kay Bryle.
"Naglalambing lang naman ako ah" sagot naman ni Bryle.
"Kuya! Ano?! 1k mo!" Sigaw ni Kyle.
"Oo heto na!" Sigaw rin ni Bryle. Kinuha nya ang kanyang wallet at dumukot ng 1k. Inabot nya ito kay Kyle. Nang maiabot nya ito ay agad na umalis si Kyle sa kwarto ni Bryle.
"Bryle halika na. Labas na tayo" aya ko sa kanya.
"Mamaya na kasi" pagtanggi nito.
"Bryle naman eh. Kung ayaw mong lumabas, ako ang lalabas. Bahala ka dyan sa buhay mo!" Mataray kong sabi sa kanya.
"Ummm!" Pagsisimangot nya sa akin.
"Ganito nalang. Tulungan mo nalang ako magprepare ng pagkain. At lulutuan kita" sabi ko sa kanya.
"Totoo lulutuan mo ko?" Nakangiting paninigurado nito.
"Oo nga!" Sagot ko.
"Tara!" Aya nya. Kaya lumabas na kaming dalawa sa kwarto at nagtungo kami sa kusina.
"Red, text mo sina Franco, Philip at Christian" utos ni Kuya Lloyd kay Red. Ako naman ay nag umpisa nang ayusin ang mga gulay sa ref nila.
"Ah, eh, kuya Lloyd. Gusto nyo gawan ko kayo ng pulutan? Pero yung pulutang alam ko ay pang mahirap lang" sabi ko kay kuya Lloyd.
"Ops! Sige ba! Ayos ka pala Timmy!" Masayang sabi sa akin ni kuya Lloyd.
"Akala ko ba di ka umiinom Timmy? Bakit may alam kang lutuing pang pulutan?" Tanong sa akin ni Kuya Luiz.
"Ah, kasi po ako taga luto ng mga pulutan ng mga kaklase ko at kapag nag-iinuman sila Ramon" sagot ko.
"Oh sya, samahan mo kong maggrocery para na rin magkalaman ang kusina natin" sabi naman ni kuya Luiz.
"Kami nalang bibili ni Timmy kuya" singit naman ni Bryle sa usapan namin.
"Hindi na! Wala ka namang alam sa paggrogrocery eh" sagot naman ni kuya Luiz.
"Ay! Sige na! Sasama nalang ako sa inyong dalawa!" Pagpupumulit naman ni Bryle.
"Bahala ka nga!" Sabi naman ni kuya Luiz.
---
BRYLE'S POV
"Hello guys! Long time no see!" Sigaw ng isang lalaki na papasok sa bahay namin. Nandito kami ngayong lahat may kusina dahil nagluluto na ang dalawang sina kuya Luiz at Timmy ng pulutan namin. Di ko alam pero ang weird ng mga pinagbibibili ni Timmy na kanyang lulutuin. Karne ng kambing pati daw yung di pa nadedevelop na tae nito. Hay! Nakakadiri nga eh! Pero dahil sa pagkain daw yun at swak na swak sa inuman ay magugustuhan daw namin yun. Sabi nya is papaitan daw yun?! Gumagawa rin sya ngayon ng sisig. Di ko alam yung mga yun pero di naman masamang makatikim ng bago diba.
"Timmy, are you sure na food yang papaitan na yan?" Tanong ni Kyle na parang nandidiri.
"Yeah. Pustahan tayo, baka ito ang una nyong uubusin kapag natikman nyo to" mayabang na sagot naman ni Timmy.
"I think masarap nga yan. According sa research ko yan ang isa sa sikat na pulutan ng filipino. Pati ang sisig" sabi naman ni Bench.
"Pero tae ng kaming yang ipangsasahog?!" Sabi naman ni Kyle.
"Girl! Di pa yan tae. Yan palang yung kinain nilang grass. Yung parang waste ng stomach nila" sagot naman ni Bench.
"Hay, parang di ko kayang kainin yan!" Sabi naman ni Kyle.
"Ako okay lang" sagot ko naman sa kanila.
"Oo okay na okay sayo kasi si Timmy magluluto. Di ka naman talaga mahilig sa mga weird na pagkain eh. Pero it is because of Timmy, ay gagawin mo" sagot naman ni Kyle.
"Pero ako, i wanna try it. Mukhang masarap eh" sabi naman ni Bench.
"Ako din, i want to try the papaitan" sabi naman ni Red.
"Kuya, tapos ka na po dyan sa pagpriprito ng baboy?" Tanong ni Timmy.
"Oo tapos na, dito na ako sa may tofu" sagot naman ni kuya Luiz.
"Uy! Bango naman yang niluluto nyo!" Sigaw ni Franco na kararating lang, kasama nya si Philip at Christian.
"Oy, may bago kayong kasama hah. Who is he? He looks so handsome ha!" Nakangiting sabi naman ni Christian.
"Christian, magtigil ka! Kay Bryle na yan!" Sabi naman ni Red.
"Aw! Ano ba yan!" Didmayadong sabi ni Christian.
"Kaya lumayo layo ka sa kanya! Baka mapatay kita!" Banta ko naman kay Christian.
"Oo na! Sayong sayo na" tumatawang sabi naman ni Christian.
"Umm! I think that is goat! I know that recipe. Pero i don't the name. Masarap yan!" Sabi naman ni Philip.
"Sabi ni Timmy, that is papaitan" sagot naman ni Kyle.
"Oh yes! Papaitan nga! Masarap yan!" Masayang wika naman ni Philip.
"Alam mo yan?!" Nagtatakang tanong ni Kyle.
"Oo naman! Mahilig si papa dyan eh!" Sagot naman ni Philip.
"By the way guys, siya si Timmy. Anak ng kasambahay namin sa probinsya. Mag-aaral sya ngayon sa University natin" pakilala ni Kyle kay Timmy.
"Nice to meet you Timmy, by the way, i'm Philip, and this is Franco my boyfriend and this is Christian" sabi naman ni Philip.
"Sakto Timmy. Masayang mag-aral sa University namin. Maraming mas gwapo dun kesa kay Bryle" biro naman ni Franco.
"Franco! Pwede ka nang umuwi!" Irita kong sabi sa kanya. Nagtawanan naman ang lahat.
"Nice to meet you po sa inyong lahat". Sabi naman ni Timmy. "Bryle paaabit nga ako ng sili" utos sa akin ni Timmy kaya agad kong iniabot sa kanya ang hiniwa nyang sili kanina.
"Mahilig po ba kayo sa maanghang?" Tanong ni Timmy.
"Yes!" Sigaw namin.
"Sige, dadamihan ko tong sili" sabi nya at naglagay na sya ng sili sa kanyag niluluto. Ang magawa na nya ito ay pinagtuunan naman nya ng pansin ang prinitong karne ng baboy.
Nakalipas pa ang ilang minuto ay natapos na nyang gawin ang Sisig at lutuin ang paapitan. Sumandok sya sa mangkok at inialok nya ito sa amin.
"Guys, tikman nyo yang luto kong papaitan" sabi nito sa amin kaya tinikman namin ang lut9 nya.
"Wow! Ang sarap Timmy!" Sigaw ni Blythe.
"Kaya nga! Ang sarap! Pero mapait sya konti" sabi naman ni Red.
"Gago ka ba? Kaya nga tinawag na papaitan eh!" Sigaw naman nya kay Red.
"Sorry naman!" Sabi naman ni Red.
"Masarap nga sya!" Sabi naman ni Philip.
"Pwede pahingi pa!" Sabi naman ni Franco. Pero si Kyle ay di man lang tumikim. Parang nag-aalangan.
"Best tikman mo na! Masarap sya kaya!" Aya naman ni Bench kay Kyle.
"Yes wife, masarap sya" dugtong naman ni Red. Kaya walang anu-anoy tinikman naman na ito ni Kyle.
"Ummmm! Masarap nga sya!" Masayang sabi ni Kyle.
"Sabi sayo eh!" Sabi naman ni Bench.
"Swerte naman ni Bryle kay Timmy. May magaling syang cook" sabi ni kuya Lloyd.
"SANA ALL may boyfriend na magaling magluto!" Sarkastikong sabi naman ni Blythe.
"Kaya nga!" Tugon ni Red.
"Okay lang na di marunong magluto si Philip. Masarap naman sya eh!" Sabi naman ni Franco kaya nagtawanan kaming lahat.
"Oo na! Mag-aaral na akong magluto!" Pagmamataray ni Kyle.
"Oo na! Ako din!" Sabi naman ni Bench. "Timmy, minsan turuan mo kaming magluto ha" sabi nya kay Timmy.
"Sige po. Wala pong problema" sagot ni Timmy.
"Yehey! Friend ka na talaga namin!" Masayang sabi ni Bench.
"Sama ako dyan ha!" Sabi ni Philip.
"Basta po, free time natin. Pwede nyo po akong ayaing magluto" sagot naman ni Timmy.
"Timmy" tawag ko sa kanya.
"Umm" tugon nya sa akin.
"Pakasal na tayo" biro ko sa kanya.
"Baliw!" Sigaw naman nya sa akin. Nagtawanan naman ang mga kasama namin.
Nagprepare na kami na aming iinumin sa sala. Kaming mga boys maliban sa apat na sina Philip, Timmy, Bench at Kyle ay nasa sala na at nag-uumpisa nang mag-inuman. Pero dahil ayokong di kasama si Timmy ay bumalik ako sa kusina para makasama sya.
Gumagawa sila ngayon ng lumpiang shanghai. At tuwang tuwa ang tatlo habang tinuturuan sipa ni Timmy.
"Ow! Bakit ang panget ng gawa ko?" Reklamo ni Kyle dahil sa ang panget nga naman talaga ang pagkakabalot nya ng lumpia.
"Medyo higpitan mo po yang pagbabalot" sagot naman ni Timmy. "Ayan, very good po kayo kuya Philip" puri nya kay Philip.
"Yehey!" Sigaw naman ni Philip.
"Ayan, konti nalang po makukuha nyo na po kyya Bench" sabi naman ni Timmy.
"Oh kuya, bakit nandito ka!?" Tanong sa akin ni Kyle.
"Pinapanood kayo" sagot ko pero ang totoo, gusto ko lang makasama si Timmy.
"Dun ka nga! Moment namin to!" Pagtaboy sa akin ni Kyle.
"Bakit ba? Gusto ko nga dito!" Sagot ko sa kapatid ko.
"Eh ikaw kasi eh. Si Timmy lang naman gusto mong makita dito" masungit na sabi ni Kyle. "Mga kuya! Kaladkarin nyo nga itong si kuya Bryle dito!" Sigaw ni Kyle.
"Hoy Bryle! Halika dito! Hayaan mo sila dyan!" Sigaw ni kuya Lloyd.
"Oo na! Oo na! Epal talaga kayo!" Inis kong sagot sa kanila. Bumalik ako sa sala para makipag-inuman.
---
"We're done!" Masayang sigaw ni Kyle na may dala-dalang plato na may lamabg lumpia. "Gawa namin yan!" Pagmamayabang ni Kyle.
"Hah?! Sino may gawa netong panget na to?" Tanong ni Red sa mukhang di shanghai na itsura.
"Sa akin! May reklamo ka ba Red?!" Mataray na sagot ni Kyle.
"Ah, hehehe! Wala po! Hehehe! Maganda nga ang pagkakagawa eh! Mukhang masarap!" Ayun tiklop ang lokong Red.
"Heto ang sawsawan" alok ni Bench at ipinatong niya ito sa lamesa. Napansin kong tatlo lang sila nagpunta dito at wala si Timmy. Kaya nagtataka ako.
"Asan si Timmy?" Tanong ko sa kanila.
"Ayun, nagsisinop sa kusina. Hinuhugasan na rin yung mga ginamit na pinangluto" sagot ni Kyle.
"Bakit di nyo inaya dito?!" Galit kong tanong sa kanilang tatlo.
"Excuse me kuya! Pinipilit namin syang pumunta dito pero ayaw nya. Lilinisan nya daw muna ang kusina" sagot ni Kyle sa akin.
"Bryle, feeling ko nahihiya yung pumunta dito kasi napansin kong kung anu-ano nalang kinukulikot nya sa kusina, kahit na malinis lilinisin nya" sabi ni Bench sa akin. Sa sinabi ni Bench ay tumayo ako para puntahan si Timmy.
"San ka pupunta?" Tanong sa akin ni Blythe kaya napahinto ako.
"Susunduin si Timmy" sagot ko at nagpunta na akong kusina. Naabutan ko syang nakaupo at nagcecellphone. Lumapit ako sa kanya.
"Bakit di ka pumunta dun?" Mahinahon kong tanong kay Timmy.
"Um, ah, eh. Um, katatapos ko lang kasi maglinis dito sa kusina" sagot sa akin ni Timmy.
"Halika, samahan mo kami sa sala" aya ko sa kanya.
"Ah, eh, sige lang. Mauna ka na. Pahinga lang ako saglit. Papasok nalang muna ako sa kwarto" sagot nya sa akin. Hinawakan ko sya sa kanyang kamay at ang isa ko pang kamay ay hinawakan ang baba nya at iniharap ko ito sa akin.
"Nahihiya ka bang makihalubilo sa amin?" Tanong ko sa kanya.
"Hah? Hi-hindi naman sa ganun. Di lang kasi ako sanay. Saka di naman ako umiinom kaya di ko na kailangan pang humarap dun" sagot sa akin ni Timmy.
"Timmy, nahihiya ka. Wag ka ng mahiya. Sila-sila lang naman yun. Saka yung mga taong nasa sala ay palagian mo nang makakasama kaya sanayin mo na ang sarili mo. Mabanait yung mga yun kaya di ka mahihirapang makahalubilo sila. Kung iniisip mo na maOOP ka dahil mahirap ka tapos kami/sila mayaman? Please, wag kang mag-isip ng ganyan. Please, nandito lang ako sa tabi mo. Basta hawakan mo lang ang kamay ko, magiging okay din ang lahat" sabi ko sa kanya.
"Pero Bryle, nahihiya talaga ako eh" mahinang wika ni Timmy.
"Sige ganito nalang. Sasamahan nalang kita kung ayaw mong pumunta doon. Dun nalang tayo sa kwarto. Di na ako iinom, sasamahan nalang kita" sabi ko sa kanya. Kaya kong ipagpalit ang alak kay Timmy. Mas okay sa akin ang samahan si Timmy.
"Halla! Wag na Bryle! Bonding nyo yun. Ako nalang ang pupuntang kwarto tapos makipag-inuman ka nalang" sagot naman ni Timmy.
"Timmy! Wag ka nang mahiya. Nandito naman ako oh. Sige, ganyan ang ugali mo ngayon palang na kami pa ang makakaharap mo. Papaano pa kaya kung papasok ka na sa University. Di mas lalong mahihiya ka. Kaya ngayon palang sanayin mo na ang sarili mo. Kami-kami lang ang katuwang mo dito sa Mabila kaya wag ka nang mahiya" sabi ko sa kanya.
Tumayo ako at hinila sya papatayo. Ngitian ko sya.
"Halika na" aya ko sa kanya. Di na sya nagmatigas at sumama na sya sa akin sa sala. Pinaupo ko sya sa tabi ko habang hawak-hawak ang kamay niya.
"Babe, lapitan ko lang si Timmy ha" sabi ni Bench kay Blythe. Tumango naman itong Blythe. Lumapit sa amin si Bench at tumabi sya kay Timmy.
"Alam mo Timmy. Kagaya mo rin ako dati. Ang linagkaiba lang natin ay ikaw social status ang ikinahihiya mo ako naman ay talagang mag-isa lang talaga. Alam mo, nung ako napunta dito. Hiyang-hiya rin ako. Pero dahil alam kong mababait sila dito ay heto ako ngayon, nakikisama sa mga kalokohan at kung anu-ano pa nila. Kaya ikaw rin, magiging family ka na namin dito kaya di mo na kailangang mahiya. Treat yourself that you are belong in this family not others. Kaya, wag ka nang mahihiya ha" wika ni Bench kay Timmy.
"Kaya nga nga naman Timmy. Family mo na kami. Kapatid mo kami kasi anak ka ni nanay Bebet na tinuturing rin naming nanay. Kaya wag ka ng mahiya. Wag puro si kuya Bryle ang sasamahan mo. Nandito pa kami para maging kaibigan mo" dugtong naman ni Kyle.
"Yeah, they are right. Ang family ng isa ay family na rin namin" sabi naman ni Philip.
"Timmy, as your guardian here ay masasabi ko sayo na tibagin mo a yang pader ng insecurities mo sa sarili mo. Ano naman kung mayaman kami, mahirap ka? Di mo ba alam na itong paghahanda mo palang ng pulutan namin na hindi pamilyar sa amin ay isang halimbawa ng pag allow mo sarili mo na belong ka sa amin. Alam mo, ikaw na ang bunso namin dito kaya wag ka nang mag-alala" sabi naman ni kuya Luiz.
"Sorry po sa naging asal ko. Hindi lang po kasi ako sanay. Nasanay po kasi ako sa dati kong buhay kaya di ko po alam kung papaano ang pakikitungo ko sa inyo. Di ko po kasi alam if magugustuhan nyo ang trato ko sa inyo kung ang gagamitin kong way ng pakikisama ay ang way ko sa dati kong mga kaibigan. Saka si Bryle lang po kasi talaga ang kaya kong pakisamahan. Pero sige po, di ko na po uulitin ang ginawa ko kanina. Makikihalubilo na po ako sa inyo ng walang hiya-hiya. I will learn to socialize with you po" nahihiya pa ring sagot ni Timmy.
"Oh, okay na. Umiinom ka ba?" Pambasag ni Franco ng seryosohang conversation.
"Umiinom po ako pero mga san mig apple lang" sagot naman ni Timmy.
"Akala ko ba di ka umiinom?" Tanong ko kay Timmy, kasi nga nung nagbar kami ay di ko sya napilit na uminom ng kahit na lady's drink.
"Um, di kasi ako umiinom kapag malayo sa lugar ng pag-uuwian ko kaya di ako uminom nun" paliwanag naman ni Timmy.
"Oh, sya, bibilhan na lang kita ha. Blythe payagan mo naman nang umin si Bench kahit san mig light lang" sabi naman ni kuya Lloyd.
"Oo na. Papayagan ko na sya" sagot naman ni Blythe.
"Babe, wag nalang kaya. Baka napipilitan ka lang. Okay na ako sa juice lang" sabi naman ni Bench.
"Hindi, okay lang babe. Basta mamaya may reward ako" nakangising sagot ni Blythe.
"Hmmm, ikaw talaga!" Kinikilig na sabi ni Blythe. Umalis na si kuya Lloyd para bumili ng iinumin ng dalawang sina Timmy at Bench.
"Bryle" bulong sa akin ni Timmy.
"Umm" sagot ko naman.
"Thank you ha. Kasi nandyan ka para damayan ako" sagot nito sa akin.
"Wala yun. Basta ikaw. Di ko hahayaang di ka maging komportable sa mundo ko" sagot ko naman.
"Salamat" sabi naman nya.
Makalipas ang ilang oras ay medyo lasing na rin kaming lahat. Ang dami na rin naming nainom kaya masaya ang gabing iyon sa amin dahil puro harutan, biruan at tawa ang aming naililikha. Si Timmy ay panay ang sabi sa aking lasing na ako pero pinipilit ko namang hindi. Nahihilo lang pero di pa ako lasing no!
"Bryle shot mo na!" Sabi sa akin ni Blythe sabay ng baso sa akin.
"Shige! Shot ko na!" Sigaw ko. Pero akma kong kukunin ang baso ay inagaw iyon ni Timmy at inin ito.
"Bakit mo ininom? Akala ko ba di ka umiinom ha!?" Galit kong sigaw sa kanya.
"Eh, lasing ka na" sagot naman sa akin ni Timmy.
"Di pa ako lashing Timmy ha! Wag mo kong turuan!" Sigaw ko sa kanya.
"Lasing ka na nga. Kakulit mo naman" sabi naman nya sa akin.
"Bakit ba ayaw mong maniwalang di pa ako lashing?!" Tanong ko sa kanya.
"Hm bahala ka sa buhay mo!" Pagsusungit nito sa akin.
TIMMY'S POV
Gosh! Di ko na talaga mapigilang di uminom! Ang hirap magtago ng lihim. Ang hirap magsabing di ako umiinom pero wala eh! Di ko kayang pigilan ang sarili ko. Ang sarap pa man din ng iniinom nila! Beer! Gosh! Ano to?! Hah?! Saka takot lang talaga ako baka isumbong nila akong hindi umiinom. Pero alam nyo bang nakakainis tong kasama ko na lasing na. Nagsusungit sa akin.
"Bahala talagavako sa buhay ko!" Sigaw sa akin ni Bryle.
"Nag-aaway na kayo. Ano na ba kayo bakit ganyan kayo mag-away?" Tanong ni Christian sa akin.
"Wala! Walang kami! Walang label!" Sagot ni Bryle.
"Eh, bakit ganyan ka nalang makapagcare kay Bryle Timmy? Ininom mo pa tagay nya?" Tanong na naman ni Christian sa akin.
"Ewan ko ba dyan! Ewan ko ba dyan?! Umaastang boyfriend ko di naman!" Sagot na naman ni Bryle.
"Eh, ikaw ba Bryle? Bakit ka nagkakaganyan?" Tanong muli ni Christian.
"Wala! Basta! Lab lab ko lang tong Timmy ko na ito. Lab na lab ko! Timmy, kiss mo nga ako!" Sagot nya. Kaya naghiyawan ang mga kasama naming umiinom.
"Bakit di mo ligawan?" Tanong muli ni Christian.
"Papaano ko likigawan?! Ayaw naman nyang magpaligaw!" Sagot naman ni Bryle.
"Bakit ba kasi ayaw mong magpaligaw naman Timmy?" Tanong na naman ni Christian.
"Di pa ako ready" sagot ko naman.
"Papaanong di ka pa ready? Kami ba? Ready ba kami nung niligawan kami ng boyfriend namin?" Sabi naman ni Kyle.
"Di ko alam. Pero baka, depende. Bahala sya kung papaano sya mag effort na hingin ang oo kong ligawan ako" sagot ko naman.
"Eh, kung tanungin kita ngayon? Pwede ba kitang ligawan?" Tanong naman ni Bryle.
"Thanks for trying but my answer is NO, do more effort Mr. santillan!" Sagot ko sa kanya.
"Tignan nyo! Yan sagot nya sa akin! Pero ganyan!" Sigaw ni Bryle.
"Papaano naman ka naman kasi papayagan kung ganyan ka naman manligaw!" Sabi naman ni kuya Lloyd.
"Eh, papaano ba?" Tanong ni Bryle.
"Bryle ikaw na, tagay mo na" sabi ni Blythe pero inagaw ko ang baso at ako ang uminom.
"Talunin mo ko sa inuman!" Sagot ko sa tanong nya.
"Yun lang ba? Easy!" Sagot ni Timmy.
"Pero hindi beer ha. Gin ang iinumin natin!" Nakangisi kong sabi sa kanya.
"Akala ko ba di ka umiinom Timmy?" Nagtatakang tanong ni sir Luiz.
"Hindi po. Para lang di malaman ni nanay na umiinom ako. Pero sa totoo lang po, umiinom po ako! Hehehe" sagot ko.
"Ahhh! Ganun ba? Wala namang masusumbong sayo rito" sabi naman ni sir Luiz.
"Okay, bukas na bukas gagawin natin yan. Maglalaban kayong dalawa sa inuman" sabi naman ni kuya Lloyd.
"San pusta nyo?" Tanong ni kuya Blythe.
"Kay Bryle ako" sagot ni kuya Red.
"Kay Timmy ako!" Sabi naman ni kuya Lloyd.
At ang nangyari nga ay pinagpustaha kami ni Bryle. Dahil nga lasing na itong kasama ko ay nagpaalam na ako sa mga kasama ko na ihahatid ko na si Bryle sa kwarto nya pero,
"Timmy naman! Mamaya na! Iinom pa ako!" Pagpupumilit ni Bryle sa akin.
"Tara na! Lasing ka na oh!" Sabi ko sa kanya. Pilit ko syang pinapatayo pero ayaw nya talagang tumayo.
"Mamaya na!" Sagot nya.
"Kung ayaw mong tumayo dyan, di kita tatabihang matulog!" Banta ko kaya bigla-bigla na syang tumayo. Inalalayan ko naman sya dahil gumigewang na sya dahil sa kalasingan.
"Guys! Tulog na ako ha!" Paalam ni Bryle.
"Hay! Iba talaga nagagawa ng inlove! Tiklop kaagad ang gago!" Tumatawang sabi ni Red kaya binatukan sya ni Bryle.
"Gago! Ikaw din naman! Mas malala ka pa sa akin dati!" Sabi ni Bryle kaya nagtawanan sila.
"Tara na!" Aya kong muli kay Bryle kaya naglakad na kaming dalawa papuntang kwarto nya. Nang makarating kami sa kwarto nya ay pinahiga ko na sya.
"Timmy. Hug mo ko please!" Pagpapacute ni Bryle. Napapangiti naman ako dahil ang cute nyang malasing. Para syang bata.
"Oo na. Hihiga na po" sagot ko sa kanya. Kaya walang anu-ano'y tumabi ako sa kanya. Agad nya akong niyakap.
"Timmy" tawag nya sa akin.
"Umm" sagot ko.
"Pwede na ba kitang ligawan?" Tanong muli neto.
"Hindi" sagot ko.
"Timmy" tawag muli nya sa akin.
"Um" sagot ko.
"Pwede ba kitang ligawan?" Tanong muli nya.
"Hindi pa nga" sagot ko.
"Timmy?" Tawag muli nya pero di na ako sumagot dahil alam ko na ang sasabihin nya.
"Kiss mo ko please!" Napangiti nalang ako sa sinabi nya dahil ganun din ang nangyari kagabi. Nung di nya nakuha ang oo ko ay kiss ang kasunod nyang itatanong.
"Bakit naman kita ikikiss?" Nagpipigil na kilig kong tanong sa kanya.
"Kasi lab mo ko" sagot nya.
"Pano mo nasabing lab kita?" Tanong ko.
"Kasi lab kita" sagot nya.
"Gaano mo ko kalove?" Tanong kong muli.
"Lab na lab na lab na lab na lab na lab kita" sagot nya kaya humagikgik ako dahil kinikilig na talaga ako. Ang cute cute nya kasi ngayon. Ang sarap pagtripan.
"San mo gustong ikiss ko?" Tanong ko sa kanya.
"Sa lips" sagot nya. Nakapaouty lips na sya ngayon hahahaha.
"Papaano kung ayokong ikiss kita sa lips?" Tanong kong muli.
"Malulungkot si Bryle" sagot nya.
"Bakit malulungkot si Bryle?" Tanong ko.
"Kasi walang kiss ng lab lab nya" sagot nya.
"Sino ba lab lab ni Bryle?" Tanong kong muli.
"Si Timmy! Lab lab ni Bryle si Timmy!" Sagot na naman nya. Para syang batang nakikipag-usap, alam nyo yun. Malambing, nakapouty lips basta alam nyo na ang gusto kong sabihin hahaha.
"Bryle, matulog ka na ha kapag ikikiss ka na ni Timmy ha" sabi ko sa kanya.
"Opo" sagot nya kaya inismack ko ang kanyang labi.
"Good night Timmy Boy, lab yu!" Sabi nya at sinuksok na nya ang mukha nya sa aking kili-kili. Ako naman ay nakangiting pinikit ang mga mata ko. Hay! Naku! Konti nalang Bryle. Matitibag mo na ang PADER sa puso ko.