Lean On My Shoulder Chapter 7

2959 Words
TIMMY'S POV "Nay, papaalam sana po ako" sobrang hiya kong wika kay nanay. Kasi nga, nakapagpromise ako kay Bryle na matutulog ako sa kwarto nya. Baka sakaling payagan ako ni nanay. "Ano yun anak? Sya nga pala? Mukhang kagigising mo lang ha. Nakatulog ka siguro sa kwarto ni Bryle. Mukhang close na kayong dalawa ha" sabi ni nanay. Kaya napangiti nalang ako pero yumuko ako para di mapansin ni nanay. "Opo nay, nakatulog po ako sa kwarto ni Bryle. Nay, tanong ko po pala kung pwede ba kaong makitulog sa kwarto ni Bryle mamayang gabi?" Sabi ko ni nanay. Si nanay ay nagulat sa sinabi ko kaya napatingin sya sa akin. "Um! Anak! Iba na yan ha?! Anong meron sa inyo ni Bryle ha?!" Nakataas na kilay na sabi ni Nanay. "Nay! Magkaibigan lang kami" sagot ko sa kanya. "Magkaibigan! Iba ngs ngiti mo kapag si Bryle ang pinag-uusapan natin. Saka kanina, puro Bryle ang bukang bibig mo. Aminin mo nga sa akin, anong meron sa inyo ni Bryle? Crush mo ba sya? Nililigawan ka ba? O kayo na!?" Tanong ni nanay. Kaya napakamot ako ng ulo. "Nay naman eh! Walang ganun! Pero, nay, going to crush na" kinikilig kong sagot kay nanay. s**t! Kay nanay lang talaga ako nagsasabi ng sekreto at kay Ramon. "Iba na yan ha! Hinay-hinay lang anak ha. Baka mainlove ka kay Bryle ha" sabi ni nanay sa akin. "Nay naman eh! Syempre wala pa tayo dun. Mag-aaral pa ako! Pero alam mo nay, si Bryle ata yung sisira ng plano ko na hindi muna ako magboboyfriend habang nag-aaral. Kasi, boyfriend material sya, gwapo, mabait, matalino, maalaga, gentleman at higit sa lahat feeling ko may gusto rin sa akin si--" si ko natapos ang sinabi ko dahil PAKKKKK! Binatukan ako ni nanay! Epal talaga tong nanay ko. "Wag kang aasa ha! Di ko sinasabing di ako boto para kaya Bryle sayo. Pero ang gusto ko lang sabihin ay maghinay-hinay ka! Masyado kang mabilis! Mamaya makausap nga yang Bryle na yan!" Pagalit ni nanay. Pero kinabahan naman ako sa last na sinabi nito. Gosh! Kinakabahan tuloy ako! "Nay! Wag na! Di pa naman ako sure kung crush ko talaga si Bryle eh! Saka baka pag kinausap mo sya malaman pa ng mga kapatid nya, tuksuhin na naman kami nila. Kasali pa man din si ma'am at sir sa nanunukso sa amin!" Pakiusap ko kay nanay. "Hah?! Si ma'am sir?! Nakikisali? Ay! Tapatin mo talaga ako Timmy Boy ha! Anong meron sa inyo ni Bryle bakit kayo tinutuksong dalawa?" Tanong ni nanay. "Nay! Wala po" sagot ko. "Hay! Mamaya talaga humanda yang si Bryle ha!" Galit na galit na sabi ni nanay. "OA naman netong nanay ko!" Sabi ko nalang sabay kamot ng ulo ko. Nang matapos nang magluto si nanay ay naghain na kami ng dinner ng family Santillan. "Nak, tawagin mo na sila Luiz pati sila sir at ma'am" utos sa akin ni nanay. "Sige po" sagot ko. Nagpunta ako sala dahil halos lahat sila ay nandun at nanonood ng TV. Maliban lang kay Bryle! Hay! Si Bryle na naman! "Ah, maistorbo ko po kayo. Ready na po ang dinner nyo" mahinhin kong sabi sa nga family Santillan. Nagsitayuan sila at nagpuntang dinning area. Huninto naman sa aking harapan si tita. "Anak, pakitawag na rin si Bryle ha" nakakalokong utos sa akin ni tita. Hay! Tita!para kang bata kung makapangtrip sa akin! "Opo ma'am. Di pa ba gising yun?" Sabi ko. "Pano mo alam na nakatulog?" Tanong naman ni tita. "Kasi po, kasama ko po syang natulog" sagot ko. "Ooyyy! Let's talk later ha!" Natatawang wika naman ni Tita. Umalis na si tita kaya ako naman ay pumunta sa kwarto ni Bryle. Para ayain syang kumain ng hapunan. Naabutan ko syang nagcecellphone sa kanyang kama. "Bryle, kain na" sabi ko sa kanya. Tinignan lang nya ako ng masama at tinuon na ulit nya ang sarili nya sa kanyang cellphone. "Ano ibig sabihin ng tingin na yun?" Di ko alam bakit ako nainis sa pakikitungo nya sa akin! Nakakainis! "Bakit iniwan mo kong tulo?" Inis na tanong nito sa akin. "Makatingin ka ng masama sa akin, yan lang pala problema mo. Okay! Sorry po kasi po, mahimbing tulog mo maya di na kita ginising. Saka tinulungan ko si nanay na magluto ng hapunan" inis ko na ring sagot sa kanya. Bakit ba ang attitude ko ngayon sa kanya? Di naman ako ganito dati ha?! Kainis kasi sya eh. "Di ka man lang nagpaalam" sabi niya naman sa akin. "Sorry na nga!" Sabi ko naman sa kanya. "Hmm!" Pagtataray nya. "Isa pa Bryle! Hahampasin na kita!" Banta ko sa kanya. "Umm" sagot nya sabay irap sa akin. Kaya lumapit ako sa kanya. Kinuha ko ang unan nya at hinampas ko sya. "Ano ba?!" Reklamo nya. "Ang arte-arte mo kasi!" Sabi ko. "Kasalanan mo kasi!" Sagot nya sa akin. Dahil sa inis mo sa kanya ay hinablot ko ang phone nya. "Ano ba?! Ibalik mo nga yan!" Sabi nya sa akin. Pilit nya itong inaagaw pero iniiwas ko sa kanya. Nang makakuha ako ng tyempo ay niyakap ko sya. Na syang nagpahinto sa kanya. Yung puso nya ay napapakinggan ko na sobrang lakas at napakabilis dahil na rin nakapatong ang ulo ko sa bandang dibdib nya. "Sorry na" paglalambing ko sa kanya. "Ayoko nga" sagot nya sa akin. "Please!" Pakiusap ko. "Ayoko" sya. Kumalas ako ng yakap sa kanya at tinignan sya ng masama. "Okay fine! Wag na wag mo na akong kakausapin! Hindi tayo bati!" Nakabusangot na sabi ko sa kanya. Padabog akong tumayo. Tangka na sana akong aalis pero hinatak nya ako bigla kaya napahiga ako sa kama nya. Niyakap naman nya ako. "Fine! Sorry na rin. Bati na tayo" malabing na sabi sa akin ni Bryle. "Sige na. Halika na, kakain na" sabi ko sa kanya. Pigil na pigil ko ang kilig ko. "Tara" sagot naman ni Bryle. Kaya tumayo kaming dalawa at lumabas kami ni Bryle habang ako ay akbay-akbay niya. Nang makarating kami sa dinning area ay nagtinginan ang mga tao pero ang nakakatakot ay ang tingin ni nanay. Kaya agad kong inalis ang akbay ni Bryle. "Bryle! Mag-usap tayong mamaya ha"seryosong sabi ni nanay kay Bryle kaya naghiyawan ang mga nakapwesto sa lamesa. Napatingin naman ako kay Bryle na parang kinabahan. Ako rin kinakabahan. "Nay, bakit po?" Tanong ni Bryle. "Magpaliwanag ka sa akin tungkol sa inyo ng anak ko" sagot naman ni nanay. "Ayuuuuunnnnn! Lagot ka bro!" Sigaw ni kuya Blythe sabay tawa. Ganun din ang iba. Napayuko nalang ako at lumapit kay nanay. "Nay" sabi ko kay nanay. "Manang, sasama rin ako sa yo ha. Kakausapin natin ang dalawa" sabi naman ni ma'am Bea. "Hoy! Bro and Timmy! Ano? Takot na takot?! Halina kayo dito maupo! Kakain na!" Sabi naman ni kuya Lloyd. "Sa likod nalang po ako kakain" sagot ko. Pero bigla naman akong hinawakan ni Bryle at hinila nya ako papunta sa dalawang bakanteng upuan. "Sige po nay. Pero after nating mag-usap. Akin na si Timmy ah" matapang na sabi ni Bryle sa akin habang mahigpit na hawak-hawak ang aking kamay. Naghiyawan muli ang mga kasama ko. Pati na rin ang mga parents ni Bryle ay ganun din. Si nanay ay halatang kinikilig din pero pinipigilan nya at nanatili syangvseryoso. "Sige. Ay sya nga pala anak, nasan pala yung ginawa mong lumpiang gulay kanina?" Tanong ni nanay kaya napayuko ako dahil naubos na namin iyon ni Bryle. "Hah?! May lumpiang gulay! Gusto ko yun!" Masayng sabi naman ni Kyle. "Timmy, nasan iyon? Gusto ko ring matikman ang lumpiang gulay mo" sabi naman ni tita. Nakangisi ko silang tumingin sa kanila. "Kasi po, um. Kasi po-" di ko na natuloy ang sasabihin ko dahil si Bryle na ang nagsalita. "Sorry guys. But it was only for me. Naubos ko na kanina pa" mayabang at nakangiting sabi ni Bryle kaya matindi na naman ang rekasyon ng mga kasama namin. Nagtinginan kami ni Bryle at nginitian nya ako. "SANA ALL NILULUTUAN!" Sigaw naman ni kuya Blythe at Red. "I think manang. Magiging balae na kita soon!" Tuwang tuwa namang sabi ni tita. "Hay! Kaya nga eh" sabi naman ni nanay. --- BRYLE'S POV Okay nandito kami ni Timmy ngayon sa gitna ng sala habang nasa harap namin ang parents namin. Ang iba naman ay nakapalibot sa amin. Hay! Para kaming sesentensyahan! "Bryle! Ano ba talaga ang sitwasyon nyo ng anak ko?!" Seryosong tanong ni nanay Bebet. Nakakatakot sya sobra. Ngayon ko lang sya nakitang ganun. Nanlilisik na mga mata. Pero si mama at papa naman ay natkangiti lang sa amin ni Timmy. "By the way mother, gusto ko lang ikwento ang nangyari sa Baguio para magkaroon kayo ng idea. Alam nyo bang, sobrang caring ni kuya kay Timmy nung papunta palang kami sa Baguio. Pinahiraman pa nya ng jacket. And heto pa, unang gabi namin sa sa Baguio ay humiwalay silang dalawa. Nagsolo silang namasyal. And according sa kwento nilang dalawa ay sobrang nag-enjoy sila. Kinabukasan, nagpalusot silang dalawa upang makahiwalay lang kaming mamasyal. Ganun din ang nangyari sa mga sumunod na araw" sabi ni Kyle. Napakadaldal talaga ni Kyle! Buti nalang di nya sinabi ang kiniss ako ni Timmy. "Ipaliwanag mo yun Bryle!" Utos ni nanay kaya heto ako, di ko alam kung papaano ko sasagutin yun. Dahil ako mismo ay hindi ko rin alam ang isasagot ko. "Sa totoo lang po nanay, hindi ko pa po alam ang dahilan. Basta po, ang alam ko lang ay masaya akong kasama sya. Ibang-iba ang pakiramdam ko kapag kasama ko sya. Kumportable ako kapag kasama ko sya. Gustong gusto ko ang mga ngiti nya. Habang nagtitinginan kami, yung puso bumibilis ang t***k nito. At ang tahimik na Bryle ay nagiging wild, masaya, maingay, baliw at makulit na Bryle. So, i'm saying saying it to guys that i'm willing to know more Timmy" matapang at seryoso kong sagot kay nanay Bebet. Tinignan ko si Timmyat hinawakan ko ang kamay nya. Hindi ko na rin ininda ang mga hiyawan ng mga kasama ko. Si nanay Bebet ay nagpipigil naman ng ngiti. "Ngayon alam ko na ang gusto kong malaman. Pero, isa lang ang ipangako mo sa akin Bryle. Alam mo namang bata pa ang anak ko. Please lang, wag mong sasaktan ang anak ko. Alagaan mo sya ha. Sige na, pumapayag na akong magrabi kayo mamaya sa pagtulog" sabi ni nanay Bebet kaya napangiti ako ng sobra dahil sa sobrang saya! Makakatabi ko si Timmy sa kwarto ko ngayon! Yes! Yes! Yes! "Pero hindi ibig sabihin na pumayag na ako ay pwede na kayong magkarelasyon! Gagraduate muna si Timmy ng college" sabi ni nanay kaya nanlaki ang mata ko. Papaano kung sure na ako sa feelings ko sa kanya? I will wait for 4 years? "Ooooowwwwwww!" Sigaw ng mga tao sa palibot namin. "Joke lang! Basta si Timmy na ang bahala kung gusto nyang makipagrelasyon sayo" sabi nanay Bebet kaya natuwa ako. "Nay! Ni wala pa nga kaming feelings sa isa't-isa ang advance nyo naman mag-isip!" Iritang sabi naman ni Timmy. Di pa man kami sigurado ay ang utak ko ay gusto na ring mag advance. "Di pa sure pero nagkiss na kayo!" Sigaw naman ni Kyle. "Ano?! Nagkiss na kayo?!" Sigaw ni nanay Bebet. "Nanay! Yung high blood mo! Baka atakihin ka!" Sabi naman ni Timmy kaya natawa ko ng bahagya. "Papaanong di ako hahighbloodin sa nalaman ko!" Sigaw naman ni nanay Bebet. "Walang magtatabi sa pagtulog!" Dugtong pa nya kaya, "Nanay!" Sigaw namin ni Timmy. "Kyle naman kasi bakit mo pa sinabi?!" Galit kong sigaw kay Kyle. "Sorry naman! Mga indenial naman kasi kayo!" Sabi naman ni Kyle. "Nanay Bebet. Hayaan mo na sila. Ayaw mo yun, may mag-aalaga na sa anak mo sa Manila" sabi naman ni papa kaya nginitian ko sya. "Kasi tong mga batang to" sabi naman ni nanay Bebet. "Nanay, diba sabi mo anak mo rin ako? Diba dati, supportive ka sa akin kay Red. Bakit kay Timmy hindi ka supportive. Si kuya Bryle naman ang love team nya. Ayaw mo yun. Mas madali mong mabubugbog si kuya kasi kilala mo sya" sabi naman ni Kyle. Ayun bumawi ang bakla. "Oo nga naman po nay. Saka meron naman ako dun kaya kung may kagaguhan mang gagawin tong dalawa ay malilintikan sila sa akin" sabi naman ni kuya Luiz. "Tama si kuya Luiz nanay. Dami naming gugulpi kay Bryle no" sabi rin ni kuya Lloyd. Wow ha! Supportive sibling sila ngayon ah. "Ano pa nga ba magagawa ko? Kung saan masaya ang anak ko. Heto nalang ang kondisyon ko. Kung mabababa man ang grades mo Timmy sa sem na ito ay pagbabawalan kang makipagrelasyon kay Bryle" sabi ni nanay na wala nang nagawa. "Nay! Bakit ba kasi relasyon ka agad ang sinasabi nyo. Wala naman akong balak magpaligaw eh. Basta firm ang desisyon ko na after kong grumaduate dun ako magboboyfriend!" Sabi naman ni Timmy. Hay, ngayon, iba na nararamdaman ko ay masasabi kong di na ako natutuwa sa desisyon ni Timmy. "Gosh Timmy! 4 years pa bago manligaw si kuya?!" Gulat na sabi naman ni Kyle. "Oo, bahala sya ah. Sinasabi ko na ngayon para di na sya magsayang nag oras sa akin kung maiinip sya. Saka, di pa naman confirm if nagkakagustuhan kaming dalawa. Baka epekto lang to ng masayang bonding namin sa Baguio. At hindi talaga kami nakakaramdam ng kakaiba sa isa't-isa" sabi naman ni Timmy. Di ko alam kung masasaktan ba ako o hindi. Tama sya, wala pang confirmation ang lahat. Sadyang magulo pa ang nararamdaman namin pero may something na kumurot sa puso ko. Kaya napatayo ako at naglakad papunta sa aking kwarto. Nasasaktan ba ako? Grabe! --- TIMMY'S POV "Patay! Inlove na nga yung isa. Kasi naman napakaarte nyong dalawa! Kung may nararamdaman kayong kakaiba, wag nyong pigilan! Go with the flow! Ang pagmamahal, ay di napipigilan nya. Kapag tumibok ang puso mo para sa kanya, grab it. Wag mong papakawalan!" Inis na sabi ni Kuya Blythe. "Wow! Blythe ikaw ba yan? Parang hindi ikaw yan eh! Papaano mo nasabi yan?" Biro naman ni kuya Red kay Kuya Blythe. "Hello! I'm inlove kaya alam ko yan!" Mayabang na sabi naman ni Kuya Blythe. "Ano tinutunganga mo dyan Timmy? Di mo ba kakausapin yung moody mong future boyfriend?" Tanong naman ni Kyle sa akin kaya walang anu-ano'y tumayo ako at hinabol ko si Bryle. Nakalock ang pinto ng kwarto nya kaya kumatok ako. "Bryle! Pwede ba akong pumasok?" Sabi ko habang kumakatok. Nagbukas naman ito at hinila nya ako papasok ng kwarto nya. Nilock ang pinto at nagpunta kami sa kanyang kama at pinahiga ako. Humiga rin sya at niyakap nya ako. Isinuksok nya ang mukha nya sa aking kili-kili. "Timmy, ganun na ba kafirm ang desisyon mo?" Malungkot na tanong sa akin ni Bryle. "Um, oo" sagot ko sa kanya. "Papaano ako?" Tanong na naman sa akin. "Papaanong ikaw?" Di ko gets kung ano ang ibig nyang sabihin. "I mean, kung talagang liligawan kita, di mo pa rin ako pagbibigyan?" Tanong muli sa akin ni Bryle. "Um, alam Bryle. Kahit gaano katigas, katibay o katatag ng isang pader ay may bagay pa ring makakasira nito" sagot ko sa kanya. "Ano bang pinagsasabi mo?!" Sabi naman sa akin ni Bryle. "What i'm trying to say is, kahit gaano kafirm ang desisyon ko ay mabubuwag din yun basta may bagay na makakasira neto. Di ko lang alam kung ano ito pero kaya ko pa rin namang magbago ng desisyon, pero depende sa sitwasyon" sagot ko sa kanya. "Timmy" tawag sa akin ni Bryle. "Can you allow me to hit on you?" Tanong sa akin ni Bryle na mukhang seryoso. "Um, nice try but no. Better luck next time!" Masayang sagot ko sa kanya. "Hay! Ano ba yan!" Reklamo naman ni Bryle. "Better luck next time nga!" Sabi ko naman. "Papaano kung wala ng next time?" Tanong ni Bryle. "And that's not my problem anymore. Basta ang sabi ko, BETTER LUCK NEXT TIME" Sagot ko sa kanya. Timmy" tawag muli nya sa akin. "Um" sagot ko. "Pwede ba kitang ligawan?" Tanong mulicsa akin. "Um, thanks for trying but my answer is NO. Better luck next time!" Sagot ko naman. "Timmy?" Tawag muli nya sa akin. "Ano na naman?" Tanong ko. "Pwede ba kitang ligawan?" Tanong muli nya. Kaya natawa nalang ako. Niyakap ko nalang sya, "No!, Better luck next time!" Sagot ko sa kanya. "Timmy" tawag muli nya sa akin. "Umm. Alam mo na ang sagot ko. It's a NO!" sagot ko sa kanya. "Hindi naman yan ang tanong ko eh! Ang tanong ko pipigilan mo ba akong halikan ka sa labi. And ang sagot mo is No" sabi ni Bryle sabay patong nito sa akin. Nginitian nya ako. Ako naman ay nanlalaki ang mga mata at parang hindi mapakali ang aking adams apple sa kakalunok. Yung puso ko rin ay sobra kung makapintig! "I will ask you again Timmy. Pipigilan mo ba akong halikan ka?" Nang-aakit na tanong ni Bryle sa akin. Pero ako ay nananatiling nakatulala at di ko kayang bumuo ng salita. "Silence means yes!" Nakangiting wika ni Bryle kaya,,,,, Nagdikit ang aming mga labi. s**t! Di ko kayang pigilan! Nanghihina ako! Gosh! Lord di ako makahinga! Hay!!! Nakakaloka! Gusto kong kumalas pero nagugustuhan ko naman ito! "Tulog na tayo" aya ni Bryle nang matapos na nya akong halikan. Pumwesto sya ng higa at hiyakap na ulit nya ako. "Good night Timmy" sabi sa akin ni Bryle pero ako ay nanatiling nakatulala at ninanamnam ang halik na mula kay Bryle. "Tulog ka na! Maaga pa tayo luluwas bukas" tumatawang utos sa akin ni Bryle. Kasalanan nya to eh! Bakit kasi hinalikan nya ako!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD