Lean On My Shoulder Chapter 11

3443 Words
(Sorry guys mali ang nailagay ko sa may dulo ng chapter 10. Isipin nyo nalang na di pa kinabukasan ang pasok?✌️ngayon ko lang narealize) 1 week after BRYLE'S POV "Pangarap ko ay ibigin ka! At sa habang panahon ikaw ay makasama! Ikaw nalang ang syang kulang sa buhay kong ito oooooooh! Pangarap ko! Pa---" "Hoy Timmy! Ang ingay-ingay mo naman! Ang aga-aga nambubulabog ka! Buti sa kung maganda yang boses mo!" Sita ko kay Timmy na masayang kumakanta habang nagbibihis. First day pala nya ngayon sa college kaya sobrang saya nya. "Good morning Bryle! Gising ka na pala. Bumaba ka na, nakaluto na ako ng umagahan. Di ko na kayo maaasikaso kasi 8:30 pa pasok ko" nakangiting wika sa akin ni Timmy. Kinuha ko naman ang phone ko para tignan ang aking cellphone at laking gulat ko na 7am palang! Sobrang aga pa! Ilang minuto lang naman ang papuntang school. "Grabe ka naman Timmy! Sobrang excited mo namang pumasok! 7am palang! Ang lapit-lapit ng school" sabi ko sa kanya. "Sa excited ako eh. Sa kanito ako, never akong nalelate dahil sobrang aga ko pumapasok. Magcocommute pa ako mamaya kaya naka estimate na ang oras ng pagpunta ko dun baka sakaling mahihirapan ako sa pagsakay" sagot naman nya sa akin. Matalos nyang maisuot ang kanyang tshirt ay nag-ayos na sya ng sarili nya. "You don't need to commute. Ihahatid kita araw-araw" sabi ko sa kanya. "Hah?! Hindi na! Di naman tqyo magkaparehas ng schedule" sabi naman nya sa akin. "And so, basta ako nag maghahatid sayo. Sa akin ka na rin sumabay kapag uuwi ka" sabi ko sa kanya. "Okay. Thank you Bryle" pagpapacute na wika nya sa akin. "Bryle?" Tanong ko sa kanya. "Oo bakit?" Sagot nya sa akin. "Bakit Bryle?" Tanong kong muli. "Oo. Ano gusto mo?" Sagot nya sa akin. "Lab lab!" Sagot ko. "Umm, makapagsabi ka sa akin eh, ikaw nga di mo ko tinawag na lab lab kanina inaway mo pa ako" sagot nya sa akin kaya tumayo ako at niyakap sya mula sa kanyang likod. "Lab lab! Yung ano mo! Tumutusok na naman!" Iritang wika sa akin ni Timmy. Kaya natawa ako ng bahagya. "Di ka pa ba sanay dyan lab lab? Alam mo namang gusto nang magperform ng alaga ko" malandi kong sabi sa kanya. "Sorry pero pakisabi magtiis nalang muna" sabi naman nya sa akin. "Oo alam na nya. Sige na, naghihilamos at magtotoothbrush lang ako at kakain. At ako maghahatid sayo. Okay ba yun lab lab" paglalambing ko sa kanya. "Opo lab lab. Sige na, magtoothbrush ka na at ipaghahanda kita ng almusal mo" sabi nya sa akin. "Lab lab" tawag ko sa kanya. "Di ka pa ba tapos lumandi lab lab? May pasok pa ako" natatawang tanong sa akin ni Timmy. "Wala ba akong morning kiss?" Malambing kong wika. "Hmm, umaabuso ka na. May good night kiss ka na nga, hihirit ka pa ng morning kiss. Saka okay na yung kanta ko kanina. Gusto mo kantahan nalang kita lab lab?" Sagot nya sa akin kaya nag iba ang expression ng mukha ko. "Lab lab, do you know how much i love you diba?" Sabi ko sa kanya. "Oo" sagot nya. "Yun nga. Mahal na mahal kita pero please don't sing again. Sakit sa tenga eh. Sayawan mo nalang ako ng sexy dance" sabi ko sa kanya. "Grabe ka naman sa boses ko! Saka di rin ako sumasayaw no!" Sigaw nya sa akin kaya tumawa ako. Humarap sya sa akin at hinawakan ang magkabila kong pisngi. "Kiss nalang kita!" Nakangiting wika nya sa akin at binigyan nya ako ng smack sa aking labi. "Sige na. Pumasok ka na sa CR at ako'y maghahanda na ng pagkain mo hah" sabi nya sa akin. Kahit ayoko ko oang bumitaw sa pagkakayakap sa kanya ay ginawa ko nalang ang utos nya. --- TIMMY'S POV "Lab lab, ihahatid na kita sa room nyo" alok ni Bryle sa akin pero napitik ko sya sa kanyang pisngi. Papaano naman kasi nakaboxer lang sya, pambahay! Yun pa nga lang yung pinantulog nya kagabi tapos lalabas sya!? Edi pinagtinginan sya ng mga tao. Ako nga di ko mapigil mapatingin sila pa kaya! Hihihi. Bakit ba ang landi landi ko na?! Di naman ako ganito dati ah?!? "Wag ka nang lumabas! Nakaboxer ka lang oh!" Sabi ko sa kanya. "Ano naman?! Hanggang tingin lang naman sila sa akin. Pero ikaw nakita mo na tong nakatago!" Nakangiting wika sa akin ni Bryle kaya napalo ko sya. "Heh! Tumigil ka! Pero oyyy! Tignan mo oh! Ang daming nakatingin sa sasakyan mong mga babae? Bakit naman kay?" Sabi ko sa kanya. "Eh sa sikat at hearttrub ng school ang lab lab mo" mayabang na sagot sa akin ni Bryle. "Feeling mo rin no! Sino naman ang baliw na magkakagusto sayo noh!" Tumatawa kong sabi sa kanya. "Ikaw" agad nyang sagot kaya natahimik ako. Oo nga no?! Ako rin pala yun! "Heh! Except sa akin noh! Hindi ka naman pogi ah!" Kunwaring pagtataray ko sa kanya. "Hindi ba? Hindi ba talaga ako pogi?" Malanding tanong sa akin ni Bryle habang lumalapit sya sa akin. Tinulak ko ay dahil di ko matake ang sensasyong dinudulot nito sa akin. "Oo na po. Pogi na ka na" sagot ko sa kanya. "Sige na lalabas na ako" sabi ko sa kanya. Binuksan ko ang pinto ng sasakyan nya at laking gulat ko na lumabas din pala ang loko. Naghiyawan ang mga babae at mga bading nang makita si Bryle pero natigil din ito nang makita siguro ako. Masama nga mga tingin sa akin eh. Hmmm!? "Ano hahatid na kita sa room mo lab lab?" Tanong sa akin ni Bryle. Na ikinagulat ng mga nakapalibot sa akin. s**t! Nakakahiya tuloy! "Lab lab?!" Sigaw nila. "Hindi na. Sige na, papasok na ako" sagot ko sa kanya. Naglakad na ako papalayo sa kanya. Pumasok ako sa building para hanapin ang room ng magiging 1st period ko. Pero habang naglalakad ako ay biglang may humarang sa akin ng grupo ng mga babae at lahat sila ay nakatingin sa akin ng masama. Grabe ha! May haters na ako 1st day of school palang. "How dare you to flirt with our papa B?!" Sigaw ng babaeng pinakaleader siguro nila. Sa isip-isip ko naman ay nakakatawa ang papa B. Hahaha ! Baduy! Natetake ba ni Bryle ang PAPA B?! Hahahaha. "Answer me!" Sigaw ng babae kaya natakot na ako. Galit na galit sya! Grabe! Mapapaaway pa ako! 1st day of school palang! "I'm his future boyfriend! Is there any problem with that? Ano ginagawa nyo sa kanya hah?!" Galit na sigaw ng lalaki sa likod ko. Agad naman napaatras ang mga babae at umamo bigla. "Ah eh, we're talking to him" nauutal na sagot ng babae. "Sa tingin nyo maniniwala ako sa sinabi mo ha?! Sino ka ba? Sino ba kayo para sigawan at magalit kay Timmy ha?! Ano naman kung nakikipagflirt sya sa akin? Ano naman sa inyo?! Girlfriends? Asawa? Guys! Wake up! Di ko kqyo magugustuhan. Ugali nyo palang hindi na kagusto-gusto! All of you are better to leave now! And don't ever make a trouble with Timmy!" Galit na galit na sabi ni Bryle sa kanila. Habang sinasabi nya yun ay di ko mapigilang kiligin dahil handa syang ipagtanggol ako. Handa syang makipag-away para lang sa akin. He really loves me so much! Hay! Kinikilig talaga ako! "Leave!" Sigaw ni Bryle kaya mabilis na nagsilaho ang mga panget na mga babaeng yun. "I told you sasamahan na kita papuntang room mo. Buti nalang sinundan kita" biglang hinahong wika sa akin ni Bryle. "Thank you lab lab" sabi ko sa kanya. "Umm, halika na ihahatid na kita" aya sa akin ni Bryle. Magkasama na kami ngayong naghahanap ng classroom ko. At di naman kami nahirapan dahil nakita namin ito kaagad. "Lab lab, thank you" wika ko sa kanya. "Mamayang lunch susunduin kita dito sa department nyo ha. Sabay na tayo kumain" sabi sa akin ni Bryle. "Pero may baon na ako" sagot ko sa kanya. "Wag mo na kainin yan. Bibilhan nalang kita mamaya" sabi naman ni Bryle. "Sayang naman" sagot ko aa kanya. "Okay fine. Ako nalang kakain dyan para hindi masayang. Basta mamaya ha" sabi nito sa akin. "Sige. Pasok na ako. Babye" paalam ko sa kanya. "Babye lab lab!" Paalam din sa akin ni Bryle. Naghiwalay na kami. Ako ay pumasok sa room, sya naman ay bumaba na ng building. Pagkapasok na pagkapasok ko ay umupo na ako sa may bandang gitna. Ayoko naman kaai sa harap at mas lalo sa likod. Kokonti palang kami kaya may time pa ako para makapagcheck ng sss account ko. Kinuha ko ang phone ko at pinicturan ang classroom para may mapost ako sa aking sss. "The new chapter of my life begins here" ang caption ko sa aking ipopost. At wala pang ilabg minuto ay madami nang naglike at nagcomments na kakilala ko. Ang mgai ba dun ay ang mga malalapit sa akin. "Goodluck" ang halos comment sa post ko pero ang mga talagang kumuha sa atensyon ko ay ang mga friends kong nagpapahanap ng mga boyfriends! Hahaha! Desperada na sila. "Best boyfriend ha, gwapo mayaman" comment akin ni Ramon kaya natawa ako. Pero ang aking ikinagulat ay nagreply si AJ sa comment nya. "No need. I'm already here" wow hah?! Ano kayang meron na sa kanila? Di pa naman nagkukwento si Ramon simula nung gabing magkasama kami sa baguio. "See you later lab lab" ang comment din sa akin ng lalaking especial sa akin kaya maraming nagreact sa comment nya. Hay! Grabe sila ! Makaetchos ng lovelife ko. Di ko nalang pinansin. Itinago ko na ang aking phone at ikinompost ko na ang aking sarili sa study mode ko. "Hi, may i sit here?" Isang tinig ng lalaki ang aking narinig kaya napalingon ako. Grabe! Ang pogi nya!?!? Totoo? Kaklase ko sya?! "Ah, eh, am, sure" ang tangi ko nalang nasabi. Di ko maiwasang sampalin ang pisngi ko dahil nagkakasala na ako kay Bryle. Hay! Kakaloka! Pero wag kang mag-alala lab lab! Ikaw lang pinakapogi sa akin! ✌️? Sa totoo lang super gwapo niya kasi halatang half half sya! s**t! Happy!? "By the way i'm Godt Adams" wika ng lalaki pero pinipigilan ko ang sarili ko dahil baka sa may magalit? "I'm Timmy Boy Tamayo" sagot ko. Dahil nakalahad na ang kanyang kamay ay tinugon ko nalang ito. Nakipagkamay nalang din ako sa kanya para naman di mapahiya. "Nice to meet you Tim" nakangiting wika nya. "Nice to see you too" tugon ko rin. Sakto namang dumating na ang teacher namin kaya di na ako nakipag usap kay Godt. Susyal ng name nya! Godt! Pero nanlaki ang mga mata ko nang makita ko at malaman ko kung sino ang first subject namin sa Chem! s**t! "Good morning to my new students!" Bati sa amin ng teacher namin. "Good morning sir!" Bati rin ng mga kaklase ko. Pero ako tulala lang. Ang mga babae at mga beki kong mga kaklase ay mukhang kinikilig dahil sa ang pogi ng teacher namin!??? Grabe! Totoo nga sabi nila na madaming pogi dito! Sa bahay palang na pinagtutuluyan ko ang dami na nila how come pa kaya dito sa school. HEAVEN! PERO IMPYERNO ANG MAPUPUNTAHAN KO KUNG MAGLALANDI AKO RITO! LAGOT AKO KAY BRYLE! NGAYON PA NGA LANG TODO GUARD NA SA AKIN PAPAANO PA KAYA SA SUSUNOD!?!?? Hirap din pala kung nakipag commit ka na sa isang tao! Wala ka ng chance lumandi!? "Timmy, ahmmm! Isusumbong kita kay lab lab mo" natatawang biro sa akin ni sir Luiz. "Sir! Nakiupo lang po si Godt sa tabi ko! Please sir wag mo kong isusumbong!" Sigaw ko kay sir Luiz kaya nagtinginan ang mga kaklase ko sa akin at kay sir Luiz. "Okay! Okay!" Sabi naman ni Sir Luiz. Kaya kahit na nakakahiyang layuan si Godt ay tumayo ako at naghanap ng upuang babae ang magiging katabi ko. "Oh, bat ka lumipat? Masyado ka namang loyal sa kapatid ko?" Biro na naman sa akin ni sir Luiz. "Sir, kilala mo naman si Bryle" seryosong sagot ko kay sir. "May i disturb you sir, magkakilala kayo?" Tanong sa ng babae kay sir Luiz. "Yeah, he's the son of our maid and also boyfriend of my brother" sagot ni sir Luiz kaya nagreact na naman ako. "Sir! Di ko pa sya boyfriend!" Wika ko. "Dun na rin naman papunta yun" sabi naman sa akin ni sir Luiz. "By the way, dahil 1st day palang natin. What we're going to do today is "introducing yourselves" wika ni sir. Kaya yun nga ay nagpakilala kaming lahat. Kaya nung nagpakilala na ako ay maraming nagtaka at nagulat na ako lang ang kakaiba sa kanilang lahat. Buti nalang nandyan naman si sir Luiz para ipaliwanag lahat ng sitwasyon ko. Naging mabuti naman ang mga kaklase ko dahil kinakausap nila ako at sila na mismo ang nagapproach sa akin para ako ay kaibiganin. Masaya naman ako dahil hindi naging mahirap for ang bago kong mundo. Matapos ang dalawang subject ko sa umaga ay kailangan ko nang kumain ng lunch kaya mabilis akong lumabas ng building dahil may naghihintay sa akin. Pero sa pagmamadali ko ay meron palang may lalaking sumusunod sa akin at si Godt iyon. Kaya huminto ako para kausapin sya. "Hey, am Timmy, can i go with you for lunch?" Tanong sa akin ni Godt. Pero napakamot lang ako ng ulo. "Um, i just want you to be my friend and even more" wika pa neto kaya nagulat nalang ako. Sabi na nga ba eh. Kanina pa kasi sya tingin ng tingin sa akin. "No! He will never be your friend or even more. Because he's already mine, kid! You better distance yourself from him!" Isang matapang na wika ng lalaki kay Godt. "Why not!? Because according to him, you ar not still official. So i have the chance to hit on him" sagot ni Godt kaya mas lalo akong na-stress. Alam kong maganda ako pero di nyo naman ako kailangang pag agawan!? "Sorry Godt, we have to go with my lab lab. Bye" paalam ko sa kanya. Hinawakan ko ang kamay ni Bryle sabay hatak sa kanya papatakbo, makalayo lang kay Godt. Mahirap na baka mag-away pa sila. "Oy, sungit ng mukha mo" wika ko sa kasama ko. Galatang di pa humuhupa ang galit nya. "Hay! Nakakabwisit yung gagong yun!" Sigaw naman ni Bryle. Kaya nginitian ko lang sya. "Hmm, mas gwapo si Godt kung nakabusangot ko. Smile na, para mas pogi ka sa kanya" pang uuto ko sa kanya. Kaya pigil na pigil syang ngumiti. "Sige na! Ngiti na! Gwapo kaya ng lab lab ko" patuloy kong pang uuto sa kanya kaya di na sya nakapagpigil na ngumiti. "Ayan! Pogi mo na!" Masaya kong wika sa kanya. Pinisil ko ang kanyang pisngi na namumula. "Inuuto mo nalang ako eh" kinikilig na wika ni Bryle. "Sa tingin mo nagjojoke ako?" Tanong ko sa kanya. "Hindi, alam ko namang mas pogi ako sa kanya eh. Syempre kinilig lang ako" sagot ni Bryle kaya pati ako ay nagdidiwang na rin ang aking mga paro-paro sa aking tiyan. "Halika na nga! Nagugutom na ako!" Aya sa akin ni Bryle kaya naglakad kami papuntang cafeteria. Di ko na pinapansin kong naglalakad kami habang nakaakbay sa akin si Bryle kahit na nagtitinginan sa amin ang mga tao. "Tignan mo ang mga feeling oh, pinagtitinginan tayo. Akala naman nila gusto ko sila" bulong sa akin ni Bryle. "Feeling! Crush lang nila ako kaya sila tumitingin sa akin!" Biro ko kay Bryle na kahit alam kong si Bryle talaga ang crush nila. "Excuse me!" Sabi lang ni Bryle. Ilang sandali pa ay nakarating na kami sa cafeteria. Nakita namin ang magkakapatid kasama ang mga jowa nila at sina Philip at Franco. Si Christian ay wala. Idinala ako ni Bryle sa bilihan ng pagkain para mag-order na. Dahil adobong baboy ang baon ko ay gulay ang pinili ko. Pero si Bryle ay humiram lang ng plato, kutsara at tinidor. "Bakit di ka bumili ng pagkain mo?" Tanong ko sa kanya. "That's enough" sagot sa akin sabay turo ng inorder ko. "Hah?!" Tanong ko sa kanya. Di nya ako sinagot bagkus binayaran nalang nya ang inorder ko. Nagtungo kami sa mga grupo namin. "Where is your baon?" Tanong sa akin ni Bryle. "Hah? Nagbaon ka?!" Gulat na tanong sa akin Kyle. "Opo, ang alam ko kasi mahal paninda sa ganitong school. Kailangan kong tipirin ang bigay sa aking allowance nina Mr. And Mrs. Santillan" sagot ko kay Kyle. "No need to be tight by holding your money Timmy. Kagaya mo parehas tayo ng allowance kada buwan. Kaya okay lang yan. Saka nandyan naman si kuya Bryle para ilibre ka" sabi naman sa akin ni Kyle. "Kaya nga. Feel free Timmy. Enjoy every moment. Wag mong tipirin ang kasiyahan mo. Wag mo lang sosobrahan para di ka mamroblema" dugtong naman Bench. "Opo" tangi ko nalang na nasabi. "Ilabas mo na ang baon mo" utos sa akin ni Bryle kaya nilabas ko ang kanin at adobong baboy na niluto kanina. Agad na tinikman ni Bryle ang luto ko. "Um! Sarap! Walang hihingi ah! Akin lang to!" Masayang wika ni Bryle. Kaya halatang nacurious ang mga kasama namin. "I think, magbaon nalang tayo araw-araw Timmy" wika pa ni Bryle. "Kuya! Patikim!" Pakiusap naman ni Kyle na parang natatakam pa. "Ayoko nga! May pagkain kayo!" Sagot naman ni Bryle. Nilagyan naman ako ni Bryle ng tatlong hiwa ng karne. "Akin na to ha" sabi ni Bryle. Actually madami akong binaon dahil para bigyan ang mga kasama ko. Pero dahil ayaw na magbigay ni Bryle, wala na akong magagawa! Kumain na kaming lahat. Di mapagkakailang enjoy na enjoy si Bryle sa baon ko at si Kyle naman ay panay ang irap kay Bryle. --- BRYLE'S POV So, summary ng 1st day namin ay nainlove, nainis at nag-enjoy ako with Timmy. Nasulit kong kasama sya kahit na kaonting oras lang. Pero ngayon, heto ako, mukhang tanga dahil hindi ko sya makausap! Ni malandi ay hindi. Dahil busing busy sya sa paggawa ng assignment nya. At isa na dun ay ang assignment niya kay kuya Luiz. Kaya heto ako ngayon papunta kay kuya para awayin sya. "Kuya! Bakit mo naman binigyan ng assignment sila Timmy! Wala na tuloy syang time sa akin!" Naiinis kong sigaw kay kuya sa kwarto nya. Pero sya ay napangiti lang at binuhat ang mga libro nya. "Here, pakibigay kay Timmy. Request nya sa akin yan kanina" sabi lang sa akin ni kuya Luiz. Dahil sa inis ko ay inirapan ko lang sya. Kinuha ko ang libro at bumalik ako sa kwarto ko. Ibinagsak ko ang mga libro sa lamesa kung saan nakalamesa. Napansin ko naman ang laptop niya na sobrang lumta na. Old fashion kumbaga! Jurassic na! Mabigyan nga sya ng bago. May extra pa naman ako. At isang taon palang nagamit yung isa. Hay. "Hayyyy!!! Wala ng load tong pocket wifi ko! Bryle samahan mo naman akong magload!" Reklamo ni Timmy sa akin. Hay buti nalang kinausap din ako sa wakas. "Wag na, may wifi kami" sagot ko sa kanya. Nagsulat ako sa may maliit na papel at ibinigay iyon dahil yun ang password namin. "Thank you Bryle!" Wika neto at itinuon naman ang oras nya sa kanyang ginagawa. Hay! "Matutulog na ako!" Patampo kong wika sa kanya. "Okay sige. Good night!" Sagot nya pero nakatuon naman sya sa pagsusulat. Inis na inis akong ibinagsak ang katawan ko sa aking kama. Hay! Ano gagawin ko?! Wala pa akong good night kiss!?? "Lab lab!" Malungkot kong sigaw sa kanya. "Oh" sagot lang nya. "Nagtatampo ako" sagot ko sa kanya. "Bakit na naman?" Tanong nya. "Di mo ko pinapansin kanina pa. Saka di mo pa ako binibigyan ng good night kiss" sagot ko sa kanya. "Maghintay ka! Kanina pa kita napapansin. Binibilisan ko na nga to eh" sagot lang sa akin ni Timmy kaya napangiti ako. "Tulungan na kita para mapadali" sagot ko sa kanya. "Hindi na! Matatapos ko na to. 1 minute!" Sagot nya sa akin. Agad akong tumayo para puntahan sya. May lalong lumuwag ang ngiti ko dahil konti nalang talaga! Nang matapos na sya ay bigla ko syang hinatak papahiga sa kama. "Ikaw talaga Bryle!" Sigaw ni Timmy. "Good night kiss ko?" Tanong ko sa kanya. "Heto na!" Sabi nya at kiss na nga nya ako. Sarap! "Sarap! Ano palang oras klase mo bukas?" Sabi ko sa kanya. "10:30" sagot lang nya. "Sakto sasabay tayo papasok. Ano? Honeymoon muna tayo?" Sabi ko sa kanya. Pero napalo lang ako. "Tulog na tayo!" Aya nya sa akin kaya natulog na kaming dalawa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD