Lean On My Shoulder Chapter 12

3256 Words
TIMMY'S POV Ummmm! Hay! Thank you Lord for new day! Hay! Kagigising ko lang. Mamaya pa naman ang pasok ko pero kailangan kong gumising ngayon para naman makatulong ako dito sa bahay. Makapaglinis man lang ng konti. It's already 7am, sakto sa alarm ko. Pero ang aking ipinagtataka ay wala akong katabi ngayon. Himala? Nauna syang bumangon sa akin. May pa good morning kiss kaya ako sa kanya? Hm, sana naman meron!? Sa pagkakahiga ko ay may nakita akong isang box sa aking harapan at may pa ribbon oang red. Ummm?! Sakin ba ito? Ano na naman ba itong trip ni Bryle, ang aga aga?! Kinuha ko ang maliit na papel at binasa ito. "For you lab lab" ang tanging nakalagay sa maliit na papel. Kaya heto ako di ko maiwasang mapangiti sa paregalo ng lab lab ko. Hay! Kinikilig na naman ako mga SIZ!? Kinuha ko ang box at binuksan ito. Laking gulat ko na lamang nang makakita ako ng isang latest na android phone at isang Laptop. Grabe?! Sure ba na akin ito?! Ayyyyyiiieee!!!!!! Kinikilig ako! Pero wait?! Kung akin to? Bakit naman ibinigay pa nya ito sa akin eh, may, ??? OH MY GOD! NASAN ANG LAPTOP KO?!???! Agad akong bumangon para hanapin ang laptop ko pero wala akong nakita sa lamesang pinag-iwanan ko ng laptop ko. Tinignan ko na rin ang posibilidad na pinaglagyan ni Beyle kung nagsinop man sya ay wala akong makita! s**t! Di pwedeng mawala yun?! s**t! ANONG GINAWA MO BRYLE?! --- BRYLE'S POV "Kuya! Papaano iflip to?!" Tanong ko kay kuya Luiz dahil nagluluto or should i say, nagpapatulong akong magluto ng scrumbled egg sa kanya para sa umagahan ni Timmy. I just want to serve him this morning. Gusto ko matuwa sya sa mga gagawin ko sa kanya. i want to him to feel how much i'm serious to hit on him? grabe! Inlove talaga ako!. "Basta iflip mo lang yan. Wag kang tanga!" Sagot lang sa akin ni kuya kaya inirapan ko sya. Hirap na hirap akong iflip ang itlog kaya halatang bugbog na bugbog na sa akin ang niluluto ko!? "Ayan! Okay na!" Sabi sa akin ni kuya. Binigyan nya ako ng plato na paglalagyan ng itlog na niluto ko. Tapos na akong maluto. And fortunately, naging okay naman ang mga niluto kong hotdog at itog. Magtitimpla nalang ako ng gatas nya bago ko sya gisingin. Diba sweet?! Mas maganda sana kung nakatopless ako, pero wala akong abs eh, kaya okay na to hehehe!? "BRYLE!" Seryosong sigaw sa akin ng lalaki sa aking harapan. Nang tignan ko sya ay parang hindi naging maganda ang kanyang gising dahil nakabusangot ito at parang nababalisa. Di ba nya nagustuhan ang gift ko? "Sakto, halika, maupo ka rito. Alam mo bang ako nagluto neto for you" masaya kong wika sa kanya. Nilapitan ko sya pala paupuin sya pero iwinaksi lang nya ang kamay nya at tinignan nya lang ako ng masama. "Saan mo nilagay ang laptop ko?!" Galit na tanong sa akin ni Timmy. Grabe?! Jurrasic na pero hinahanap pa rin nya? Mas maganda pa yung binigay ko. Humikbi naman ako. "Tinapon ko na" nakangiting sagot ko sa kanya. "San mo tinapon?! Sa labas ba?!" Tanong nya sa akin at tumakyas na sya sa harap ko. Sinundan ko naman sya patungo sa labas ng bahay. Tinungo nya ang basurahan at kinalkal nya ito. Di magkanda-ugaga syang nagkakalkal sa basurahan para hanapin ang laptop nya. "Lappy asan ka na?! Di ka pwedeng mawala!" Nag-aalalang wika ni Timmy habang hinahanap nya ang laptop nya. Kaya natawa ako dahil may pangalan pa talaga ang laptop nya. Actually sa budega ko nilagay ang laptop nya. "Lappy pa talaga name ng laptop mo ah" tumatawang wika ko sa kanya. Tumigil sya sa paghahanap at nilapitan ako. "San mo nilagay ang laptop ko Bryle?!" Galit na galit na sigaw sa akin ni Timmy. "Easy! Sa budega ko nilagay" sagot ko. Kaya mabilis na naman syang umalis at nagtungo sa budega. Pagbalik nya ay yakap-yakap na nya ang laptop nya. Ni hindi nya ako pinansin nang dumaan sya sa harap ko kaya hinawakan ko sya sa kanyang braso. "Bakit ba baliw na baliw ka sa paghahanap nyan? Binigyan na nga kita ng bago yan pa rin ang gusto mo. Lumang-luma na yan! Jurrasic na kumbaga! Pero baliw na baliw ka dyan! Itapon mo na kaya yan!" Sabi ko sa kanya pero hindi ako nakatanggap ng kanyang sagot bagkus isang malakas na sampal ang natanggap ko sa kanya. "Kung sayo, luma na to! Or worse basura na tong laptop ko na to, pwes! Ibahin mo ko! May sentimental value itong laptop ko na ito! Heto nalang ang ala-ala sa papa ko!" Sigaw nito sa akin na ngayon ay umiiyak na sya. Tameme lang ako sa aking kinatatayuan dahil sa pagkasampal nya sa akin at sa pagkaguilty ng aking ginawa. "Kung sayo! Madali lang magpalit ng bagay-bagay pwes ako hindi! You know what Bryle? Hetong laptop na to ay 6 years na sa akin. Pinaghirapan ng magulang ko ang pag-iipunan ang pambili rito?! Si tatay mismo ang nag-abot sa akin ng laptop na ito bago sya namatay! Kaya kung basura to para sayo, DAMN YOU Bryle!" Galit na galit na sigaw pa rin sa akin ni Timmy. Napayuko ako dahil sa kasalanang nagawa ko. "Sorry Timmy, i didn't mean it" wika ko nalang sa kanya. "Next time, wag na wag mong papakialaman ang mga gamit ko! And your gifts for me, di ko pala matatanggap yun! Sayong-sayo na!" Sigaw nya sa akin at umalis na sya sa aking harapan. Sinundan ng mga mata ko ang paglayo ni Timmy at nakita ko ang mga kapatid ko na nanonood pala sa amin ni Timmy. "Ayan! Buti nga sayo!" Sigaw sa akin ni kuya Lloyd. "Ano pang tinatayo-tayo mo dyan? Di mo ba susuyuin?" Tanong naman sa akin ni Red. "Galit naman sya sa akin" malungkot kong sagot kay Red. "Eh sa kasalanan mong gago ka eh! Nasobrahan ka sa pagpapapansin sa kanya. Sige na, puntahan mo na" sabi sa akin ni kuya Luiz. Kaya naglakad ako papunta sa kwarto ko. Naabutan ko si Timmy na nakahiga habang yakap yakap ang kanyang laptop at umiiyak pa. Di na sya natapos umiyak. "Lab lab, sorry na" paghingi ko ng tawad kay Timmy. "Hindi ako nakikipag-usap kapag galit ako. Lalo na sa taong dahilan kung bakit ako nagkakaganito. Kaya kahit anong gawin mo sa akin ngayon, di mo ko masusuyo ngayon!" Sagot nito sa akin. Kaya humiga nalang ako sa tabi nya at niyakap sya. "Pwede bang yakapin nalang kita?" Tanong ko sa kanya. Tinalikuran nya lang ako at di man lang ako sinagot. Tinangka ko syang yakapin pero di man lang nya ako pinigilan. "Sorry na lab lab" malungkot kong paghingi ng tawad muli sa kanya. Pero tahimik pa rin sya. --- "Lab lab! Halika na, sabay na tayo!" Aya ko kay Timmy na papasok na ngayon. Dahil magkaparehas kami ng schedule ngayon ay makakasabay ko sya. Di naman ako binigo ni Timmy at sumakay sya sa aking kotse pero wala pa rin syang imik sa akin. Ang nakakalungkot lang kanina ay di man lang nya kinain ang inihanda ko sa kanya. Alam kong galit sya sa akin kaya nauunawaan ko. Kagago ko naman kasi! Di na ako nag-iisip! Akala ko kasi mapapasaya ko sya pero di naman pala! Wala tuloy akong lab lab na sweet ngayon!??? "Lab lab, sabay ulit tayong kumain mamayang tanghali ah. Susunduin ulit kita mamaya" wika ko sa kanya habang nasa byahe kami papuntang school. Ang nakakainis lang ay para akong baliw dito na ako lang ang nagsasalita at wala man lang akong natatanggap na sagot! Para akong tanga! Salita ng salita! Ano to hangin kausap ko! Naiinis na ako pero di ko kayang sungitan si Timmy dahil baka lumala pa away naming dalawa. Nang makarating na kami sa department nila ay agad syang lumabas ng kotse ko at di man lang sya nagpaalam sa akin! Ni tingin lang pero wala! Lumabas din ako ng kotse ko at sinigawan sya. "Lab lab! Susunduin kita mamaya!" Sigaw ko pero di man lang nya ako pinapansin. Pero sa kabila ng kaguiltyhang nararamdaman ko ay namuo sa akin ang inis at galit nang makita ko ang lalaki kahapon na lumapit kay Timmy sabay akbay. Napatakbo tuloy ako sa kanila. --- TIMMY'S POV "Godt, please wag mo kong akbayan" pakiusap ko kay Godt. Pilit kong inaalis ang kamay nya pero talagang ayaw niya itong tanggalin. "Bakit? May magagalit ba?" Tanong sa akin ni Timmy. "Basta, please lang bitawan mo ko" sagot ko sa kanya. "Pare! Bitawan mo nga si Timmy!" Isang sigaw ng lalaki sa aming likod. Itinulak nya si Godt kaya napalayo sya sa akin. "What's your problem dude?!" Inis na sigaw ni Godt. "Diba binalaan na kitang dumistansya ka kay Timmy!" Galit na sigaw ni Bryle. "Bryle! Tama na! Umalis ka na" saway ko kay Bryle. Napatingin naman sa akin ni Bryle. "Alam mo Timmy! Kung galit ka sa akin, magalit ka lang, wag mo kong pansinin okay lang sa akin. Pero itong magpapaakbay ka sa gagong to! Wag namang ganun!" Sabi sa akin ni Bryle sa akin. "Umalis ka na, papasok na ako" yun lang ang nasabi ko. Naging masama ang tingin sa akin ni Timmy at padabog na lumayas sa harapan ko. "Matatanggap ko ang galit mo sa akin. Pero ang pagtataboy mo sa akin ngayon! s**t! Nakakapanakit!" Sabi nito sa akin at mabilis syang umalis sa aking harapan. "Ops! LQ" Sabi ni Godt. Tinignan ko lang sya ng masama at naglakad nalang ako papuntang classroom. --- "Oh, hinihintay mo ba si Bryle?" Tanong ni sir Luiz sa akin. Kanina pa ako ritocsa may labas ng department namin para hintayin si Bryle pero di pa sya dumadating. "Opo sir. Kanina ko pa nga po sya hinihintay pero di pa naman sya dumarating" malungkot kong sagot sa kanya. "Wait lang tawagan ko sya" sabi naman ni sir at kinuha nya ang phone nya. "Hello Bryle" "Asan ka? Kanina pa raw naghihintay sayo si Timmy dito sa department namin pero di ka naman na dumarating?" "Ganun ba? Bakit di mo man lang sya sinabihan naman?" "Alam mo, yang kaartehan nyong dalawa! Di kayo magbabati nyan!" "Sige na bye" Ibinaba na ni sir Luiz ang phone nya. "Nakauwi na raw sya Timmy. Wala na daw kasi syang pasok ngayon" sabi sa akin ni sir kaya mas lalo akong nalungkot. Kasi naman! Nangako ngako sya pero di naman pala nya tutuparin. "Sige sir. Punta nalang po ako sa next subject ko" paalam ko kay sir. "Di ka na ba maglalunch?" Tanong naman sa akin ni sir. "Hindi na po, nawalan na po ako ng gana" sagot ko sa kanya. Naglakad na ako pabalik ng building. Malungkot akong naupo mag isa sa classroom. Naiinis lang kasi ako dahil sa di pagtupad ng promise sa akin ni Bryle. Nakakainis kasi di ko sya makakasabay kumain ngayon. Kahit galit naman ako sa kanya ay pinagluto ko pa sya ng ulam nya pero di man lang sya sumipot. Bahala nga sya!? --- KYLE'S POV "You know what best. That freshmen student from chemistry department so damn lucky! Imagine, baby Bryle and Godt fighting for him! Grrrr! I felt so jealous with that kid!" Wika ng babae sa likuran ko. Nasa cafeteria na kami ngayon for our lunch. Hinihintay nalang namin ang tatlong sina kuya Luiz, kuya Bryle at Timmy. "Best narinig mo yun? I think si Timmy pinag uusapan nila?" Bulong sa akin ni bench. "Kaya nga eh. Alam mo ba best. Kanina pala ay nag-away si Kuya Bryle at Timmy. Nasampal tuloy itong kuya ko kasi nga, itinapon nya yung lumang laptop ni Timmy na sobrang sentimental pala sa kanya" sagot ko kay Bench. "Ouch! Wala pa nga sila pero may LQ na kaagad. May umeepal pang Godt" sabi naman ni Bench. "Let's eat guys. Wag na nating hintayin ang dalawa dahil hindi na sila darating. Hay! Nagkakatampuhan ang dalawa" dismayadong wika ni kuya Luiz sa amin. "Bakit naman kuya?" Tanong ko. "I don't know. Basta etong Timmy, kanina pa pala hinihintay si Bryle na sunduin sya pero walang dumating. Tapos nung tinawagan ko itong Bryle, nasa bahay na daw sya. Halatang badtrip! Kaya etong Timmy, malungkot na pumasok ng building! Nawalan na daw sya ng gana kumain" sagot naman ni kuya. "Mga isip bata" sabi ko naman. "Wow ha! Ikaw talaga nagsabi nyan girl ah!" Sarkastikong sabi naman sa akin ni Bench. "Okay fine! Ako rin!" Sagot ko naman. Kinuha ni kuya Luiz ang phone nya at parang may tinawagan. "Hello Bryle. Puntahan mo nga si Timmy. Malungkot na bumalik ng building! Di na sya sumama sa akin para kumain" bungad na wika ni kuya Luiz sa kanyang kinakausap. "Hindi ko alam sa inyong dalawa. Nagtatampo ang isa, nakikisali ka pa! Pinapalala mo lang sitwasyon ninyong dalawa!" Sabi pa ni kuya. "Hanapin mo nalang sya dun" "Sige bye" at ibinaba na ni kuya Luiz ang phone nya. Nag-umpisa na kaming kumain. --- TIMMY'S POV "Nakakainis ka! Sarap mong sakalin! Alam mo bang kanina pa ako nagugutom! Tapos di mo pa ako sinipot! How dare you Bryle! Nakakainis ka talaga! May kasalanan ka nga sa akin dinadagdagan mo pa! Wala kang kiss sa akin! Di na kita papansinin! Hayyyyyyy!" Pagmamaktol ko sa loob ng classroom. Nagiging baliw na ako rito dahil nagsasalita ako mag-isa dahil sa inis. Nakakainis naman kasi! Di man lang kasi alam sumuyo! Grrrr!!! Kakagigil sya. Umm, baka naman nagtatampo rin sya sa akin dahil kaninang pinagtabuyan ko sya?! Ay oo pala!?! Heh! Pero di dapat nya ako pinapaasang naghihintay! Papaano kung di na talaga sya dumating edi mas tumagal pa ang paghihintay ko sa labas! "Wala talagang kiss mama-!" Napatigil ako sa aking pagsigaw ng biglang, "Lab lab, sorry na" isang tinig ng lalaki ang narinig ko. At nang tumingin ako sa nagsalita ay nakita ko si Bryle. "Hmmm! Bahala ka dyan! Galit ako sayo! Galit! Wag mo kong kakausapin!" Pagsusungit ko sa kanya. "Sorry na nga!" Malambing na wika sa akin ni Bryle. Lumapit sya sa akin. Ipinaharap nya ang upuan nya sa akin at ipinatong nya ang ulo nya sa arm chair ko. Nagpabeautiful eyes pa sya. "Wag mo kong ginaganyan-ganyan Bryle! Dalawa kasalanan mo sa akin!" Pagsusungit ko sa kanya. "Kain na tayo" nakangiting wika nya sa akin. Kinindatan pa nya ako. Kala naman nya makukuha nya ako sa pagpapacute nya! Sorry! Firm ako no! "Wala na akong ganang kumain!" Sagot ko sa kanya. "Hmm! Edi ako nalang ang kakain ng baon mo" sabi naman nito sa akin. Hinablot nya ang bag ko. "Ano ba Bryle! Yan ka na naman! Sabi ko na ngang wag kang mangingialam ng gamit ko eh!" Sigaw ko sa kanya. "Kukunin ko lang tong baon mo no!" Sagot nya sa akin. Kasabay ng baon ko ay kinuha nya rin ang baon kong kutsara'at tinidor. "Okay! Sige na umalis ka na! Iwan mo na kao dito!" Pagtataboy ko sa kanya. "No! Dito na ako kakain, kasama mo" sagot sa akin ni Bryle. "Bahala ka!" Sigaw ko sa kanya. Nagsimula na syang kumain. Pinapanood ko lang sya. "Ah!" Utos nito sa akin. At may naka abang ng kutsara sa bibig ko. "Ayoko nga-" di pa ako natatapos makapagsalita ay sinupalpalan na ako ng kutsara sa bibig ko kaya wala akong nagawa kundi kainin iyon. Nginitian lang nya ako na parang bata. "Magsungit ka pa! Susupalpalan ko yang bibig mo ng pagkain!" Banta nito sa akin. "Kumain ka! Susubuan nalang kita. Di ka pwedeng magutom dahil may klase ka pa" sabi sa akin ni Bryle. Di nalang ako umimik at ginawa ko nalang ang utos nya. Gaya ng sinabi nya ay sinusubuan nya ako. Kahit na kinikilig ako ay nanatili akong masungit ang tingin sa kanya para hindi halatang marupok ako. Tampo nalang ang meron ako sa kanya ngayon. Sorry na! Ang bilis nyang buwagin ang pagiging matigas ko sa desisyon ko. Sya lang mismo nakakagawa nun sa akin. Natapos na kaming kumain kaya isininop na nya ang pinagkainan namin. Di na nya nilagay ang baunan ko sa bag ko bagkus iplinastic nalang nya ito at hinawakan. Ang dala nyang tubig ay ininom nya bago nya ibinigay sa akin para inumin ko rin. Ipinatabi nya sa akin ang upuan nya sa upuan ko. Kumuha pa sya ng upuan at iniherela nya ito sa aming upuan. "Matutulog muna ako ha" sabi nito sa akin. humiga sya sa upuan at sa aking hita sya umunan. "Gisingin mo nalang ako kapag nandyan na ang teacher nyo. Ha." Sabi pa neto bago ipinikit ang mga mata nya. Di ko maiwasang mapangiti dahil sa ginawa ni Bryle sa akin ngayon. Napakahaba ng hair ko ngayon sa mga ginagawa nya. Hay! Swerte ko naman. --- "Bryle! Bryle! Gising na nandito na ang teacher namin!" Paggising ko kay Bryle at agad naman syang nagising. Bumangon sya at umayos ng upo. Kanina pa nga nagtitinginan ang mga kaklase ko dahil sa kasama ko si Bryle habang natutulog sya sa aking lap. May kinikilig at meron ding seryoso ang tingin gaya ni Godt. Di ko nalang sya pinapansin. "Anong oras uwian mo?" Tanong sa akin ni Bryle. "After neto, uwian ko na" sagot ko naman. "Sige na hintayin nalang kita sa labas ha" sabi nito. Kinuha nya ang pagbaunan ko at lumabas na sya ng classroom. Nagpaalam din sya sa teacher bilang respect nya dito. "Timmy, swerte mo naman sa poging yun! Binaunan ka pa ata?" Kinikilig na sabi ng kaklase kong babae. "Hm! Baon ko yun. Kinain lang nya" sagot ko naman. "Pero ang sweet pa rin nya kasi pinuntahan ka pa rito" sabi naman ng classmate ko. "Hmm, makinig na nga lang tayo kay ma'am" sabi ko sa kanya. Itinuon ko na ang aking pansin sa teacher ko. --- "Class dismiss!" Sabi ng teacher namin kaya nsgsitayuan na kaming lahat. Nang palalabas kami ay napansin kong nagkakagulo ang mga tao sa labas. Na parang may pinapanood. Hindi naman na ako nag-atubili pang tignan iyon dahil wala naman akong pakialam. "Ang cute namang matulog ni Bryle" isang babaeng ang narinig kong nagsalita kaya napatingin ako sa kanila. Lumapit ako at tinanong sila. "Miss, may i ask you. Anong pinagkakaguluhan nila dyan?" Tanong ko sa babaeng nagsalita kanina. "Si Bryle. He's sleeping kasi eh. And he is so handsome while sleeping!" Kinikilig na sagot ng babae. "Thank you miss" sabi ko bago ako sumingit sa mga nakakumpol na tao. At nakita ko nga si Bryle na tulog na tulog na parang mantika. Lumapit ako sa kanya at ginising ko sya. Pero napahinto ako ng mapansin kong tinitignan ako ng mga taong nakapalibot sa akin. "Diba yan ang pinag awayan nila Bryle at Godt kanina?!" Tanong ng babae. "Yeah! Sya nga!" Sagot ng babae. "Sya rin ang sinusubuan ni Bryle habang kumakain na nakapost sa sss page ng school natin" sabi ng babae. "Napakalandi naman ng baklang yan!" Inis na sigaw ng babae. "Um! Lab lab, tapos na class nyo?" Tanong nito sa akin. Di naman ako makasagot dahil sa narinig ko kanina. Nasaktan ako noh! "Oh?! Bat kayo nakapalibot sa amin? Are we famous celebrities?!" Sigaw ni Bryle sa mga tao. Kaya nagsilayuan silang lahat. Naiwan nalang kaming dalawa. "Let's go. Babawi ako sayo. May kasalanan ako sayo kaya bilang ganti, idedate kita" sabi ni Bryle sa akin. Hinawakan nya ang kamay ko at naglakad na kami papalabas ng building. Gaya ng sinabi nya ay idinala nya ako sa mall para idate ako. Hihihi!?✌️
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD