TIMMY'S POV
"Timmy! Timmy! Lumabas ka dyan!" Sigaw sa akin ni Kyle sa labas ng kwarto namin ni Bryle. Linggo ngayon kaya wala kaming pasok. Anong oras na kami natulog ni Bryle pero ang aga aga naman akong gisingin ni Kyle. Hay! Nangako kasi akong tutulungan ko syang magluto ng handa nila ni Red para sa kanilang monthsary. Hindi ito kasing bongga ng anniversary nila dahil nag out of the country sila noon. Eto ngayon ay kaunting salu-salo lang. Pool party again. Syempre, imbitado lahat ng mga kaibigan namin mamayang hapon. Masaya to! Pero di ko naman maiwasang maalala ang masalimuot na nangyari sa akin sa pool nila sa akin. Pero okay na ako ngayon dahil nanadito naman ang bago kong pamilya na gumagabay sa akin.
"Timmy! Bilisan mo! Marami pa tayong aasikasuhin!" Sigaw muli ni Kyle pero kahit gusto ko nang tumayo ay meron namang lalaki ditong pinipigilan akong bumangon gamit ang kanyang pagyakap.
"Lab lab! Kailangan ko nang bumangon! Tinatawag na ako ni kuya Kyle" wika ko sa nakangisi pero nakapikit na si Bryle.
"Hayaan mo siya dun. Dito ka muna" sagot sa akin ni Bryle kaya pinitik ko ang ilong nito.
"Aray naman lab lab!" Reklamo neto sabay hawak sa kanyang ilong.
"Kuya naman! Alam kong ikaw ang pumipigil kay--!" Napatigil si Kyle sa kakasigaw nang mariealize nyang wala kaming saplot ni Bryle dahil nagkalat iyon sa lapag.
"Oy! Bat ka nakapasok dito?!" Gulat na gulat na sigaw ni Bryle. Nagtago kami ni Bryle sa kumot. Buti nalang ay nakataklob kaming dalawa nung pumasok si Kyle.
"May mga susi tayo diba sa baba, remember kuya? Saka bakit naman kasi ang aga aga nagsesex kayo!" Sagot ni Kyle kay kuya.
"Ah, eh, kuya Kyle, hindi po kami nagsesex ngayon!" Nahihiyang sagot ko sa kanya.
"And so kung magsex kami ngayon. Baka naiinggit ka lang kasi di ka nakascore kay Red?" Nakakalokong sabi ni Bryle.
"Sorry! You don't even know us! Saka! It's our monthsary today kaya di pwedeng mawala yun noh!" Sagot ni Kyle na nagpamewang pa.
"Bumangon ka na dyan Timmy dahil tutulungan mo pa ako. Nandyan na rin ang mga kasama natin. And may suprise ako sayo at matutuwa ka! At ikaw kuya Bryle, kailangan ng tulong mo sila Red kaya tumayo ka na rin dyan para makapagprepare na tayo for the party" utos ni Kyle sa maing dalawa ni Bryle.
"Oo na, sige na lumabas ka na at maliligo muna kaming dalawa ni Timmy" sagot ni Bryle.
"Bilisan nyo ah! Lalo ka na Timmy!" Sabi pa ni Kyle.
"Oo nga!" Iritang sagot ni Bryle. Tuluyan nang lumabas si Kyle.
"Quicky in the bed or in the CR?" Malanding tanong sa akin ni Bryle.
"Ummm, let's get shower" nakangiting sagot ko sa kanya.
"Let's go!" Excited na aya sa akin at nagtungo na nga kami ni Bryle sa CR para Maligo(? lang????)
---
"Sa wakas, lumabas din ang bruha!" Wika ni Kyle nang makita ako. Nakakapagtaka lang dahil nakakaamoy na ako ng na pripritong karne ng baboy kaya napatingin ako dun at!
"Sisi?!" Sigaw ko.
"Sisi!!!!" Sigaw ni Ramon kaya tumakbo ako papalapit sa kanya. Nagyakapan kaming dalawa na parang ang tagal na naming di nagkikita. Ummm! Oo pala! 1 month na pala ang nakakaraan!?
"Sisi! Miss na miss na kita! Buti nakadalaw ka dito? Sinong kasama mo?" Sabi ko sa kanya.
"Um, inivite kasi kami ni Kyle. Saka 3 days kaming walang pasok kaya free kami ngayon. Kanina pa kami rito na naghihintay sayo! Tagal mong lumabas! Masyado naman na kayo ni Bryle" sabi naman nya sa akin.
"Hmm! Sinulit lang namin ang linggo na walang pasok. Masyado lang kayo mag isip" pagsisinungaling ko sa kanya.
"Hmmm, sige na. Magluto na tayo" aya nya sa akin kaya nagkalasan kami ng yakap at inumpisahan nang magprepare ng pagkain. Habang nagpreprepare kami ay saktong dumating na si Bench. Dito natutulog si Bench every weekend.
"Good morning guys! Bakit di nyo man lang ako ginising?" Wika ni Bench sa amin. Umupo sya at pinanoodkaming tatlo.
"Kuya Bench, gusto mo pagtimpla kita ng kape mo?" Alok ko sa kanya.
"Ikaw talaga! Hindi na. Ako nalang. Gawin nyo nalang yang ginagawa nyo" tanggi nito sa akin. "Ramon!, Nandito ka pala!" Gulat na tanong ni Bench sa bestfriend ko.
"Hehehe, opo. Makapasyal man lang kahit papaano" sagot naman ni Ramon.
"Girl! Kung makikipagsex ka nga, iwasan mong magpalagay ng kissmark! Pinapak na naman ni kuya Blythe yang leeg mo oh!" Iritang wika ni Kyle kay Bench kaya tumawa kami ni Ramon.
"Umm, sinasabihan ko naman sya. Pero di naman sya mapigil. I'm used to it na nga eh. Kaya naman maitago" parang walang muwang na sagot ni Bench.
"Hay! Sawa na akong mamintas sa katripan nyo sa s*x ha!" Sabi pa ni Kyle.
"Wow ha! Sino kaya mahilig sa s*x sa atin dito no! Ako, weekends lang! Kayo kaya!" Sabi naman ni Bench.
"Umm, si Timmy! Si Timmy ang mahilig. Nahuli ko nga sya kanina eh" sabi ni Kyle.
"Heh! Hindi ah! Baka ikaw!" Sigaw ko naman kay Kyle.
"Umm, i admit it! Pero ikaw, aminin mo na rin" sagot sa akin ni Kyle. "Aminin mo, nagsex kayo bago ni kuya before kayo lumabas ng kwarto?" Nakangising tanong sa akin ni Kyle. Kaya di tuloy ako mapakali.
"Ah, eh, um, ba-bakit di nyo tanungin i-i-itong si Ramon" pag iiba ko ng topic.
"Excuse me, 3 to 4 times per week lang kami no!" Sagot sa akin ni Ramon.
"Hello guys, good morning!" Isang bungad ng isang lalaki. Nagtinginan naman kami at si Philip iyon na kasama ni Franco.
"Ikaw Philip, ilang beses kayo magsex ni Franco?" Tanong agad ni Kyle kaya nagulat si Philip. Si Franco naman ay natawa.
"Always, depende pa kung hihirit ako" sagot sa amin ni Franco.
"Hoy! Franco! Bakit mo sinabi?" Nahihiyang sabi naman ni Philip.
"Ano naman, di mo ba sila naririnig na topic nila yan?" Sagot naman ni Franco.
"Franco, pwede mo na kaming iwan dito. Sila kuya nasa pool. Dun ang boys!" Singit ni Kyle.
"Okay, bye" sagot ni Fanco bago sya nagrungo doon. Nagtinginan kaming apat na bago tinitigan si Philip ng nakakaloko.
"Why?" Tanong ni Philip sa amin.
"So, he is indeed the queen of s*x!" Sigaw ni Kyle kaya nagtawanan kaming lahat.
"Mga baliw! Kung anu-ano pinag-uusapan nyo! Nakakadiri kayo! Pati s*x life!" Sabi ni Philip sabay irap. Pero tinawanan lang namin sya. Tumulong na rin sya sa pagpreprepare ng makakain namin mamaya.
---
"Sisi, ang bongga namang magparty dito. First time ko to ah!" Sabi sa akin ni Ramon. Magkasama kami ngayon na nag-iihaw ng barbeque at mga isda.
"Oo, susyal sila dito. Pero hetong foods natin ay inintroduce ko lang sa kanila. At okay na okay naman sa kanila. Mura na, madami na at masarap pa" sagot ko sa kanya.
"Yeah! Yan ang ipagmamayabang natin na di mayayaman" tugon naman ni Ramon.
"Pwedeng dito muna ako. Nakakailang makisama sa nga susyal na mga taong yun" sabi ng isang lalaking yumakap kay Ramon.
"Umm, wag ako AJ. Gusto mo lang yakapin yang boyfriend mo eh" biro ko sa kanya.
"Hehehe, isa na rin yun sa dahilan" sagot sa akin ni AJ.
"Lab lab, i'm so tired! I need kiss" paglalambing ng lab lab ko at niyakap nya ako mula sa aking likod.
"Umm, ikaw talaga. Mamaya na nagluluto ako" sagot ko sa kanya.
"Ummm! Please! Please! Please! Di mo ba ako pagbibigyan? Just one kiss" patuloy nag paglalambing nito.
"Kuya, AJ, kayo muna ang mag-ihaw ah. Magsuswimming lang kami" bungad ni Kyle. Agad nya akong ingaw pati si Ramon.
"Oy! Wala pa yung kiss ko!" Reklamo ni Bryle.
"Hmmm! Mamaya na yung kiss mo!" Sagot naman ni Kyle. Tumakbo kami papuntang pool na tatlo at nagpakasaya sa pagsuswimming.
"Yahooo!" Sigaw naming limang sina, Bench, Philip, Ramon, Kyle at ako. Ang mga lalaki naman ay abala sa pag aaasikaso ng magiging party namin mamaya.
"Hoy! Kadadaya nyo naman!" Sigaw ni Red sa amin.
"Wag ka nang mainggit! Tapusin nyo na yan!" Sagot naman ni Kyle. Nagpatuloy kami sa pagsuswimming na lima. Sigawan, wisikan, tawanan at kaladyaan kaming lima. Pero napapansin ko na iba ang mga tingin ng aming mga kasamang lalaki. Sorry, we're girl kaya kayo dapat ang mag adjust. Chossss!?
Nang matapos kaming magswimming ay lumapit ako kay Bryle para suyuin sya. Pero,
"Lab lab, pwedeng pakuha ako ng towel, please" malambing na pakiusap ko sa kanya. Pero isang irap at masamang tingin ang ibinigay sa akin.
"Please! Lab lab, please!" Pagpupumilit ko.
"Naligo-ligo ka tapos ako pagproproblemahin mo!" Pagsusungit nito sa akin.
"Please! Sige na please!" Patuloy kong pakiusap sa kanya.
"Di mo ko madadaan sa pagpapacute mo ah!" Sabi nito sa akin.
"Um! Bakit ba galit na galit ka sa akin? Naligo lang naman ako ah?" Tanong ko sa kanya.
"Bahala ka dyang lamigin!" Sigaw nito sa akin.
"Di mo na ba talaga ako kukuhanan ng towel lab lab?" Tanong ko sa kanya. Nawawalan na rin ako sa kanya ng patience. Di man lang ako makapaglambing sa kanya. Samantalang sya, sinasakyan ko lahat ng trip nya.
"Hindi!" Agad nitong sagot sa akin. Tinignan ko sya ng masama.
"Wag mo na akong kakasaupin simula ngayon! Hindi na rin ako matutulog sa kwarto mo! Wag na wag mo na rin akong tatawaging lab lab, simula ngayon wala na akong lab lab!" Pagtataray ko sa kanya. Banta ko lang yun dahil naiinis ako sa kanya. Pero di naman ako papayag na di ko an sya lab lab no. Mag iinarte lang ako.
"Hah?! Yun agad consequences mo?! Lab lab naman! Sorry na! Wait kukuhanan na kita!" Gulat na sabi nito sa akin.
"BRYLE! wag na! Hindi ko na kailangan!" Pagsusungit ko sa kanya.
"Lab lab naman. Nagtatampo lang naman ako kasi di mo ko binigyan ng kiss eh. Sorry na! Please!" Pagmamakaawa nya ngayon! Bahala sya! Gantihan lang yan no! Inirapan ko lang sya. Nagwalk out ako at nagpunta sa isang gilid. Pero hetong lalaking to ay sinundan pa ako. Kala mo ah! Sino sa atin ang kawawa!
"Sorry na lab lab!" Pakusap sa akin ni Bryle. Niyakap pa nya ako kahit basang basa ako.
"Ano Bryle! Wag mo nga akong mayakap-yakap dyan! Saka diba sabi ko, wag mo na akong tatawaging lab lab!" Pasungit kong sabi sa kanya.
"Sorry na nga. Please. Halika na, kukuhanan kita ng towel mo, bibihisan na rin kita. Please lang wag kana magalit sa akin" patuloy nitong pagpapaamo sa akin. Sinumulan mo, kaya magdusa.
"Di na nga kailangan diba?! Bakit ba kakulit mo?! Hindi ko na kailangan pa ng towel! Hayaan mo na akong manginig sa lamig dito!" Sagot ko sa kanya.
"Lab lab naman eh! Naiiyak na tuloy ako! Please patawarin mo na ako." Sabi nito sa akin. Ipinatong nya ang ulo nya sa aking balikat habang yakap yakap ako.
"Bahala ka dyan. Ikaw ang nauna kaya wag mo kong artehan dyan! Simpleng pagkuha lang ng towel, sinusungitan mo na ako! Sinigawan mo pa ako! s**t lang Bryle! Bahala ka sa buhay mo! Wag mo nga akong yakapin! Galit ako sayo!" Sigaw ko sa kanya. Sa sinabi kong yun ay nagulat nalang ako ng may marinig akong humihikbi at si Bryle yun. Grabe, ganun na ba sya naapektuhan sa acting skills ko? OA naman netong gagong to.
"Wag mo kong iyakan! Hindi mo naman ako lab lab eh!" Patuloy kong pagmamataray sa kanya.
"Sorry na nga eh! Huhuhuhu! Please! Sorry na. Di na ako magsusungit sayo, promise basta mapatawad mo lang ako. Sorry na lab lab" pagmamakaawa neto sa akin habang umiiyak. Hello, OA lang po kuya? Kalalaking tao, ang daling paiyakin. Dahil sa kalokohan ko ay sinenyasan ko ang mga kasama ko na umiiyak si Bryle. Tumatawa naman sila nang makita nilang nagdadrama ang mokong na ito. Hahaha! Grabe naman itong lab lab ko. Super love nya talaga ako. Pero kasalanan mo eh, kaya itutuloy ko lang. Bahala ka sa buhay mo.
"Ramon, si AJ ba kumuha ng towel mo? Pwede bang hiramin yan pagkatapos mo?" Tanong ko kay Ramon na may pakindat-kindat pa para malaman nyang sakyan nya ako sa Trip ko.
"Ah oo, tapos na ako. Heto oh, gamitin mo na" sagot ni Ramon. Lumapit sya sa akin sabay abot ng abot ng towel pero hetong si Bryle ay hinablot nya ang towel.
"Binabalaan kita! Wag mo ibibigay yan kay Timmy!" Banta ni Bryle kay Ramon na pigil an pigil sa pagtawa.
"Bakit ba? Ano bang problema mo Bryle? Diba ayaw mo naman akong kuhanan ng towel? Bakit ka nagkakaganyan?" Kunwaring galit na sabi ko sa kanya.
"Sorry na nga! Di ko na uulitin. Sorry na. kukuhahan na kita ng towel basta bati na tayo!" Sagot nito sa akin. Sa sitwasyon ni Bryle ngayon ay naaawa na ako sa kanya. Sobrang sincere sya kung magmakaawa sa akin. Talagang totoo kung humingi ng tawad sa akin. Ang dali nyang paiyakin. Para syang bata. Mahal na mahal nya talaga ako. Gusto ko na itigil pero nag eenjoy ako eh. Pero naaawa naman ako.
"Huhuhu! Sorry na lab lab huhuhu" pakiusap neto. Hindi ko na talaga kaya! s**t! Kaya napahalakhak ako ng sobra! Pati ang mga kasamahan ko ay sobra kung makatawa. At ang reaksyon ni Bryle ay parang walang muwang na sya ang pinagtatawanan namin. Tinitignan lang nya ako.
"Cute-cute naman umiyak ng lab lab ko hahahaha!" sabi ko sa kanya sabay pisil ng kanyang mga pisngi.
"Why are you laughing?" Seryosong tanong neto sa akin.
"Hahahaha! Ikaw kasi eh. Ang cute cute mo umiyak! Hahahaha!" Sagot ko sa kanya. Sa kalagitnaan pala ng aking pagtawa ay isang matatalim na palang tingin ang ibinibigay sa akin ni Bryle. Kaya napahinto ako.
"So pinagtitripan mo lang ako?" Tanong nito sa akin. s**t! Yung tingin nya parang papatay ng tao!
"Hindi! Pero natawa lang ako kasi umiyak ka dahil lang dun" sagot ko sa kanya.
"Sa tingin mo nakakatawa yung ginawa ko? Sa pag iyak ko?" Tanong muli nito sa akin. Tumigil ako sa aking pagtawa dahil napipikon na sya.
"Sorry" mahinahon kong sabi sa kanya. Inirapan nya lang ako sabay walk out nito sa akin. Pumasok sya ng bahay kaya sinundan ko sya.
Isang malakas na kaldabog ang niligha nya nang isara ang pinto ng kanyang kwarto. Pinuntahan ko yun pero nang bubuksan ko na iyon ay nakalock na ito.
"Lab lab, please open the door" sabi ko sa kanya. Pero walang sumasagot.
"Lab lab! Please!" Pakiusap ko sa kanya. Pero wala pa rin.
"Okay fine! Kung ayaw mong buksan tong pinto na to! Hanggang sa patapos akong magbilang ng hanggang sampo! Hindi talaga ako nagbibiro! Kalimutan mo nang meron kang Timmy na nakilala!" Madiin kong sigaw sa kanya.
"Isa! Dalawa! Tatlo! Apat! Lima! Anim! Pito! Walo! Siyam! Sam-" biglang nagbukas ang pinto.
"Heto na! Kinuhanan lang kita ng towel mo. Grabe ka namang makapagbanta" sabi nito sa akin. Hinila nya ako papasok ng kwarto. At sya na ang nagpunas sa akin.
"Wag mo na akong papaiyakin lab lab ha. Alam mo namang di ko kayang magkaaway tayo. Di ko maaatim na di kita makakatabi. Natakot lang ako kanina nung sobrang galit mo sa akin. Nagtatampo lang naman kasi ako kasi wala akong kiss sayo kanina" parang batang wika nito sa akin na may papouty lips pa. Hinawakan ko ang ulo nya at pinaghahalikan ang kanyang mukha. Kung saan saan ko sya hinalikan.
"Sabi ko nga sayo mamaya na ang kiss. Hindi ka kasi makapaghintay. May patampo-tampo ka pa. Talo mo pa ang batang paslit" sabi ko sa kanya.
"Sige na, bumalik ka na dun at magbibihis lang ako" utos ko sa kanya.
"Um, hihintayin nalang kita lab lab" sagot nito sa akin.
"Bahala ka" sabi ko bago ako nagtungo sa closet para makapagbihis. Naghubad na ako ng fully naked dahil hindi na ako nahihiya kay Bryle. Nakita na nya buong katawan ko. Natikman na nga rin nya lahat except lang sa alaga ko.
"s**t! Ang sarap mo talaga lab lab" malanding wika sa akin ni Bryle.
"He! Tumigil ka dyan!" Sigaw ko sa kanya at agad agad akong nagsuot ng damit.
"Mas maganda kung wala ka nang suot lab lab" sabi ni Bryle sa akin.
"Gago! Ang daming tao sa labas no!" Sagot ko sa kanya.
"Eh, pwede namang dito nalang tayo sa loob ng kwarto. Tayo nalang ang magpaparty party dito" malanding wika nito sa akin.
"Lab lab! Tigil tigilan mo ko dyan sa kamanyakan mo! Tara na nga lumabas!" Sigaw ko sa kanya. Hinila ko na sya papalabas ng kwarto pero pinigil nya ako nung nasa pinto na kami.
"Kiss ko muna" sabi nito sabay kindat sa akin.
"Hay! Lab lab talaga! Para kang bata!" Sabi ko sa kanya. Pero ginawa ko pa rin ang hiling nya bago kami bumalik sa mga kasamahan namin.
----
"Cheers for Red and Kyle!" Sigaw ni kuya Lloyd na nakataas ang isang bote ng beer.
"Cheers!" Sigaw namin.
"Ayan! Icongrats naman natin si Red and Kyle dahil hanggang ngayon ay nananatili pa rin silang matatag sa kabila ng masasakit na pinagdaanan!" Sigaw ni kuya Blythe.
"Congratulations!" Sigaw naming lahat.
"Thank you guys for joining us to celebrate our monthsarry with Red. Thank you for being part of our journey as a lover. Thank you for supporting and believing us. Thank you because you are always in our side to give some advices. Thank you" mensahe ni Kyle.
"Yeah! Thank you. Cheers!" Sigaw naman ni Red kaya nagcheers kaming lahat. Masaya naming pinagpifiestahan ang handa ng dalawa lovers. Inuman, sayawan, kantahan, at paminsan minsan ay nagsuswimming ang iba. Masaya kami, sobrang saya. Lalo na ang dalawang nagcecelebrate ngayon.
Habang umiinom kami ay nagyayang sumayaw si kuya Kyle. Si kuya Red na parang ayaw sumayaw ay walang nagawa dahil hinila nalang sya bigla ni kuya Kyle para sumayaw.
"Let's go guys! Let's dance!" Aya ni kuya Kyle habang kinukumpasan ang masayang tugtog na kahit parang tuod naman ang kapartner nya. Nagsitayuan sina kuya Lloyd, Philip, Bench, Blythe, Christian, pati ang dalawa kong kaibigan na si Ramon at AJ para magsayaw. Masaya silang nagsasayawan dahil nagtatatalon sila na may kasama pang hiyawan.
"Lab lab, sayaw tayo!" Aya ko sa kasama ko. Pero parang gulat na gulat pa sya sa sinabi ko.
"Ooohhhh?! Hindi! Ayoko! Di ako sumasayaw no! Magkamatayan ang sasayaw!" Sagot nito sa akin.
"Ayaw mo? Gusto mong mag-away na tayo ng tuluyan?" Banta ko sa kanya.
"Heto naman! Di ka mabiro! Dancer kaya to!" Biglang sagot nito sa akin na inunahan pa ako sa pagtayo at hinila ako papunta sa mga sumasayaw. Tawa ako ng tawa dahil sa kanyang sayaw na parang napipilitan, correction, napipilitan talaga. Pero di ko mapigilang kiligin kahit sa kabila ng panget na sayaw nya ay nakikita ko ang cuteness ng lab lab ko. Dahil sa sayang naidudulot ng tugtog at sa napapanood ko ay sumayaw na rin ako.
Sa kalagitnaan ng aming pagsasayaw ay bigla akong hinila palihim ni Bryle at nagpunta kami sa may Pool.
"s**t! Lab lab. Malamig!" Sabi ko sa kanya.
"Heto di ka na lalamigin!" Sagot nya sa akin at hinalikan nya ako sa pool at lumublob kami sa sa tubig. Ang sarap pala sa pakiramdam ang maghalikan sa ilalim ng tubig?! Ang exciting! Umahon kami nang matapos kaming naghalikan.
"Lab lab, malamig pa rin. Isa pa!" Nakangiting hirit ko sa kanya kaya walang anu-ano'y sinisid ulit ako ni Bryle ng halik. SHELEP!?