TIMMY'S POV
"Good morning lab lab" bati sa aki nni Bryle na nakabihis na. Immersion nya ngayon kay naghanda ako ng baon nya as he requested. Para kahit papaano ay di nya ako mamiss sa pananghalian. Diba sweet? Pero sa totoo lang tama sya dahil first time kong hindi sya makakasabay kumain ng lunch. Kaya kahit sa paghahanda ko palang ng food nya ay maiisip naming magkasama pa rin kami kahit na magkalayo kaming dalawa. Isang araw lang naman per week kaya okay lang. Pero syempre maninibago pa rin ako dahil wala akong kaagaw sa ulam.
"Good morning lab lab, naihanda ko na ang baon mo. Aalis ka na ba? Sasamahan na kita sa labas" sagot ko sa kanya. Inilagay ko na ang baon nya sa isang maliit na paper bag.
"Taray ah, mag-asawa? Inaasikaso bago pumasok sa immersion" biro sa amin ni sir Luiz na nagkakape ngayon.
"Syempre naman kuya. Mag-asawa ka na kasi" sabi naman ni Bryle kay si Luiz.
"Actually malapit na, ipon muna kami ni Michelle. Saka gagraduate muna siya ng Master's Degree nya bago kami ikasal" sagot ni sir Luiz.
"Wow, nakakaexcite naman sir. Ang gaganda at ang gugwapo siguro ng anak nyong dalawa ni ma'am Michelle no" sabi ko sa kanya.
"Syempre, pogi ko kaya" mayabang na sagot ni si Luiz.
"Sige na, lab lab aalis na ako ha" sabi ni Bryle.
"Hatid na kita sa labas lab lab" sagot ko sa kanya. Kaya sabay kaming lumabas na dalawa.nang makarating kami sa kotse nya nag-usap muna kami.
"Lab lab, di ko ata kayang di tayo magkita ng buong araw" wika nito sa akin. Tumawa lang ako.
"Ikaw talaga. Di ka ba bata para mag isip pa ng ganyan. Focus sa immersion, wag sa akin at ibang mga babae dun! Saka magkikita pa namab tayo mamaya ha. Sanayin mo na ang sarili mo dahil next sem ay magOOJT ka na kaya mas iikli ang oras natin sa isa't-isa" sagot ko sa kanya. Inayos ko ang kwelyo ng kayang po. Ang pogi ng lab lab ko ngayon sa color marron na long sleeve with black necktie.
"Basta susunduin kita mamaya pag uwi ha" sabi pa nito sa akin.
"Ano ka ba, wag na. Dumiretso ka nalang dito dahil ipagluluto kita ng hapunan. Ikay ba yun?" Sabi ko sa kanya.
"Hay! Opo, mananalo ba ako sayo. Sya nga pala, don't you ever hang-out with other boys ha! Especially Godt. Di ako gusto galawan ng lalaking yun!" Wika nito sa akin.
"Opo, masusunod po. Ikaw din! Subukan mo lang ako palitan dun! Puputulin ko yan!" Sabi ko sa kanya.
"Promise! Bakit naman ako titingin sa iba kung sayo palang solve na solve na ako" sagot nya sa akin.
"Cheesy! Sige na, bumyahe ka na baka malate ka pa" utos ko sa kanya.
"Um, di ako aalis hanggang walang goodbye kiss!" Sabi nys sa akin habang nakapouty lips.
"Di pa ba sapat ang ibinigay ko kanina? Hmmm halika na nga!" Sabi ko sa kanya at hinalikan ko sya. At sa ginawa kong iyon ay tuluyan na syang umalis. Pumasok ako sa loob ng bahay para ako naman ang makapagprepapre para pumasok. Kay sir Luiz muna ako ngayon sasakay dahil sya ang halos magkaparehas naming schedule.
---
"Good morning guys, for today we have an activity, it is by partner. So, let's start to count 1 to 12" sabi ni sir Luiz kaya nag umpisa na kaming magbilangan. Ang number ko ay 8 kaya kailangan ko nang hanapin ang aking kapartner dahil di ko napansin kung sino ang nagsabi ng 8. Ummm, sana babae! Nakakatakot kung malaman ni Bryle kung lalaki ang partner ko.
"Okay, please go to your partners" sabi ni sir Luiz kaya nagsitayuan kami.
"Hey, number 8?" Tanong ng isang familiar na lalaki sa likod ko. s**t! Lagot na ako! Humarap ako sa kanya.
"Ye-yes, number 8" sagot ko kay Godt. Kamalasan naman oh! Kung sino pa pinapaiwasan ni Bryle sya pa naging partner ko.
"I have some problems na kailangang sagutin or iresearch ng bawat group. What you're going to do is to find an answer of the given problem in the Library. And also, yiu can used internet for supporting details. Do you understand?" Sabi ni sir Luiz.
"Yes sir!" Sigaw naming lahat.
"If you're done, just submit it to Mr. tamayo, okay?" Sabing muli ni sir Luiz.
"The deadline of submission is 5:30pm" sabi pang muli ni sir Luiz sa amin bago nya idinistribute ang mga papel na hawak nya.
"You may go" utos sa amin ni sir Luiz kaya nagsitayuan ang lahat at lumabas na nang classroom.
"Let's go" aya sa akin ni Godt.
"Mauna ka na sa labas. Kakausapin ko lang si sir" sagot ko sa kanya. Kaya nauna na syang lumabas sa akin. Ako naman ay nagtungo kay sir Luiz.
"Sir, may pakiusap sana ako sa inyo" mahinang sabi ko kay sir.
"Um, yes, di kita isusumbong. Sige na, gawin nyo na yang activity nyo" agad na sabi ni sir.
"Thank you sir. Magagalit na naman po kasi si Bryle kung malaman nyang kasama ko si Godt" paliwanag ko sa kanya.
"Basta akong bahala" sabi nya sa akin sabay tap ng akong balikat. Tuluyan na akong lumabas para isagawa ang aming misyon. Naabutan ko si Godt sa labas ng pinto.
"Let's go!" Aya nya sabay akbay sa akin. Pero tinanggal ko lang ito kaagad.
"Please, wag akong akbayan or something. May magagalit kasi" sabi ko sa kanya.
"Ah okay, i understand. Grabe naman nag boyfriend mo. Masyadong possesive" natatawang sabi sa akin ni Godt.
"Basta, tapusin nalang natin to, okay" sabi ko sa kanya. Nagsimula na kaming maglakad papuntang library. Habang naglalakad kami ay di ko maiwasang maparanoid dahil nakatingin sa amin ni Godt ang mga estudyante. Kaya binilisan ko ang lakad ko dahil baka mapicturan pa kami at ipost pa sa social media. Gulo ang mangyayari kung ganun! Nakakatakot pa man din magalit si Bryle. Kawawa ako kapag gabi!?
"We have 3 questions na kailangan sagutin. So, let's start finding books?" Sabi ko kay Godt.
"Sure" sagot nito sa akin.
"Okay, ako ang magsasagot sa question number 1 at ikaw sa question 2. Picturan mo nalang itong questions para mas madali mong mahahanap ang kailangan mo" sabi ko sa kanya. Kinuha nya ang phone nya at pinicturan nga ito. Naghiwalay kaming dalawa para maghanap ng libro.
Nang masatisfied na ako sa aking nakuhang libro ay nagtungo ako sa isang mesa para dun ko gawin ang activity. Habang ako ay naghahanap ng sagot sa libro ay napansin kong iba ang pinagpwestuhan ni Godt kaya napahinto ako. Bakit hindi sya sumama sa akin dito? Hay! Tumayo ako para puntahan sya.
"What are you doing here Godt?" Tanong ko sa kanya. Tinignan nya ako at nginitian.
"I thought i need to avoid you?" Sagot nya sa akin.
"I said wag mo akong akbayan, di ko sinabing iwasan mo ko. Saka partners tayo sa activity na to kaya kailangan nating magtulungan" sabi ko sa kanya.
"But a while a go, you were keeping distance with me while we were walking" sabi pa neto.
"Basta! Halika na!" Sabi kocsa kanya at pinagkukukuha ang mga librong kinuha nya. Naglakad ako pabalil sa pwesto ko kanina.
---
BRYLE'S POV
Shit! Namimiss ko na si Timmy! Ilang oras palang di na ako mapakali dahil di na ako sanay na di ko sya kasama. Gusto ko syang tawagan, gusto ko syang itext pero di ko magawa dahil baka may klase sya. Grabe naman to oh! Nandito lang naman kami nakaupo, nakikinig sa mga pa orientation nila.
"Fafa Bryle, di ka mapakali dyan ah?" Tanong sa akin ng kaklase kong babae.
"Ah, eh, wa-wala. May iniisip lang ako" palusot ko sa kanya.
"Umm! Makinig ka nalang. Malapit naman na ang lunch eh" sabi pa nya sa akin kaya huminga ako ng malalim at nakinig na sa nagsasalita.
Habang nagkakaroon ng orientation ay naiinis ako dahil may tingin ng tingin sa aking empleyado nilang bakla. Nakakairita! Nginingitian pa ako at kinikindatan. Hello! Di kita magugustuhan no! May Lab lab na ako! Lagot ako dun!
"Is there any question? Before we end?" Tanong ng babaeng nag orient sa amin.
"None ma'am!" Sagot naming limang magkaklase.
"Okay, you may take your lunch. And please come back at 1:00pm okay?" Sabi pa ng babae.
"Yes ma'am" sagot ng kaklase ko. Nagsitayuan kaming lahat pero hetong baklang kanina pa tingin ng tingin ay lumapit sa akin.
"Hey, Mr. Pogi. Can you join me for lunch. My treat" malanding aya nito sa akin. Tinigna ko sya ng seryoso.
"No thank, my boyfriend prepared me some foods for my lunch" sagot ko sa kanya.
"What? You mean? Are you gay?!" Gulat na tanong ng bakla.
"No, i prefer myself as a straight guy. And my boyfriend is gay" sagot ko sa kanya.
"Hah? You're not straight, you're a bisexual" sabi ng bakla.
"Okay, if that's what you think. I'm willing to chance my gender preference just for the person i love. I you want to call me gay, or bisexual then go, that's not a big problem with me" matapang kong sagot sa kanya. Di na nakaimik ang bakla kaya napangisi ako.
"If wala ka nang sasabihin SIR, may i excuse myself" sabi ko sa kanya bago ko sya iniwan mag-isa. Nagtungo ako sa parking lot oara kunin ang baon ko.
Natutuwa ako sa sarili ko dahil alam kong kaya kong ipagmalaki ang lab lab ko. For me tama naman ang sinabi ko diba?, If sa tingin ko straight ako, straight ako. Pero dahil nga nagmahal na ako ng bakla ay aakusahan na nila ako na bakla rin ako or bisexual. Pero di naman mahalaga sa akin yun eh. Basta ang alam ko mahal ko si Timmy, sya ang nagpapangiti sa akin, sya ang nagpapasaya sa akin, sya ang buhay ko, at sya ang nakikita kong tao na makakasama ko habang buhay. Basta ako, i stan myself as a straight gay. Puso ko ang nagdikta ng mamahalin ko, hindi pagkatao ko. May iba-iba tayo ng perception kaya nirerespect ko kayo.
Bumalik na ako sa building at pinuntahan ang pinakacanteen nila. Hinanap ko ang mga kaklase ko para naman may kasama akong maglunch. At sakto nakita ko sila. Lumapit ako sa kanila.
"Pwedeng makisalo?" Tanong ko sa mga kaklase ko. Bali, tatlong lalaki kasali ako at dalawang babae at ang kaninang kumausap sa akin ay yun ang pinakaleader naming lima.
"Sure"sagot ng leader namin. Kaya umupo ako.
"Wow ha bro, totoo bang binata ka na? Bakit may pabaon ka pa? Gawa ni mama mo? Hahahaa" biro sa akin ng kaklase kong lalaki. Di ko nalang sya pinatulan.
"Um, Timmy prepared it for me" sagot ko sa kanya.
"Um kaya pala! Okay, naiintindihan ko na ngayon" sagot ng lalaki kong classmate.
"Masarap sigurong magluto si special someone mo kaya nagbabaon ka?" Tanong sa akin ng ikalawang babae.
"Yeah! Since first day of school palaging luto nya ang lunch namin. Masarap talaga syang magluto" mayabang kong sagot sa kanya.
"Um, ano yang niluto nya?" Tanong ng leader namin.
"Let me see" sagot ko. At inilabas ko sa paper bag ang aking baon.
"Wow! Chicken curry! Oy! Pwede bang matikman yan!" Masayang sabi ng leader namin.
"Sure, pero wag nyong uubusin! Di ko kayo mapapatawad!" Sagot ko sa kanya. Dahil marami naman ang ibinaon sa akin ni Kyle ay kumuha ang mga kasama ko ng tig isang hiwa ng karne ng manok.
"Ummmm! Delicious! Grabe! Swerte mo naman sa boyfriend mo" puri ni leader.
"Off course, ang swerte ko talaga" pagmamayabang ko.
"Ginagayuma ka na ata ng boyfriend mo ah Bryle" biro sa akin ng ikalawang lalaki kong kasama.
"Gago! Hindi no!" Sagot ko sa kanya.
"Easy! Nagbibiro lang ako" sabi nya.
"Kumain nalang tayo guys" aya ni leader kaya kumain na kaming lima. Gaya ng sinabi nila ay sobrang sarap nga ng chicken curry ni Timmy, pero mas masarap ang nagluto!? Nang matapos na kaming kumain ay nagpahinga muna kami bago kami bumalik sa office.
---
TIMMY'S POV
"Lab lab! I'm here!!!" Masigla kong sigaw nang makapasok ako ng bahay dahil excited na akong makita ang lab lab ko. Pero napatigil ako ng mapansin kong nakatingin pala ang mga kasama ko sa akin.
"Ah, hehehehe. Asan si lab lab?" Tanong ko sa kanila.
"Nasa kusina, nagluluto" sagot ni Kyle sa akin.
"Thank you!" Sagot ko sabay takbo papunta sa kusina.
"Lab lab! I'm here!" Masigla kong sigaw kay lab lab.
"Lab lab!" masayang wika naman sa akin ni Timmy. Lumapit ako sa kanya at niyakap sya ng mahigpit. Hinalikhalikan ko pa sya sa kanyang pisngi, dahil naman! Namiss ko talaga sya no! No call no text kami maghapon no!
"Umm, nagluluto ako lab lab!" Nakangiting sabi sa akin ni Timmy.
"Namiss kasi kita lab lab eh. Sobrang miss na miss na miss na kita" paglalambing ko sa kanya.
"Namiss din kita lab lab. Heto nga, pinagluto kita ng kare-kare" sabi ni Timmy sa akin.
"Teka, tikman mo nga lab lab kung masarap na sya" sabi sa akin ni Timmy. Kumuha sya ng kutsara at sumandok ng kanyang niluluto. Inihipan nya bago nya ito pinatikim sa akin.
"Ummm! Sarap naman ng luto ng lab lab ko" pagpuri ko sa kanyang luto.
"Thank you. Sige na, magbihis ka na para makakain na tayong lahat" utos nya sa akin. Hinalikan ko muna ulit sya sa pisngi bago ako umakyat papuntang kwarto ko para makapagbihis. Binilisan ko na para makakain ako kaagad. Nagutom kasi ako bigla dahil sa kanyang luto.
---
"Lab lab, kamusta immersion mo?" Tanong sa akin ni Timmy. Nakahiga na kami ni Timmy sa kama ko. Sya ay nagfefacebook sa kanyang laptop na binigay ko dati na pinag awayan pa namin. At ako naman ay sa laptop ko. Maaga pa naman kaya okay lang na mag online kahit papaano.
"Hindi nga okay lab lab eh. Hindi ako mapakali kasi, namimiss kita. Saka ang nakakainis pa ay meron pang bakla dun na company na malanding tingin ng tingin sa akin. Nakakairita sobra! Pero sorry sya!" Sagot ko kay Timmy. Habang nagbrabrowse ng sss ko.
"Umm, ano namang sinabi mo sa malanding baklang yun?" Tanong sa akin ni Timmy.
"Sinabi kong may boyfriend na ako. Para tigilan an nya ako" sagot ko sa kanya.
"Very good my pet! Dapat lang na layuan mo yun kung ayaw nyang mabuhay pa ng mapayapa" sabi ni Timmy kaya tumawa kaming dalawa.
"Syempre! Laking takot ko kaya sayo. Saka ikaw lang naman ang lab lab ko eh" mayabang kong sagot sa kanya.
"Ikaw, kamusta ang araw mong di mo ko kasama?" Tanong ko sa kanya.
"Um, okay lang. Medyo busy lalo na sa pinagawang activity ni sir Luiz. Yun pala lab lab, may sasabihin pala ako sayo." Sabi sa akin ni Timmy na parang kinakabahan.
"Ano yun?" Tanong ko sa kanya.
"Amm--"
TINGGGGG!
"Lab lab my nagtext ata" sabi sa akin ni Timmy.
"Pakitignan nga kung sino nagtext" utos ko sa kanya. Dahil nga malapit sya sa pinaglapagan ko ng phone ko at abala rin ako sa pagbabrowse.
Nang biglang,,,,,,,,,,,
"LAB LAB/BRYLE!" Sigaw naming dalawa. Nakakapandilim ng paningin nang makita ko ang picture na nakapost sa sss. SI GODT AT SI TIMMY AY MAGKASAMA SA LOOB NG LIBRARY AT PARANG NAG EENJOY PA SILANG DALAWA!
"Anong ibig sabihin nito?!" Sigaw naming dalawa sabay pakita ko ng laptop ko at sya naman ay phone ko.
"Diba sabi ko wag kang lalapit kay Godt! Bakit magkasama kayo dito?!" Galit na sigaw ko sa kanya.
"Eh, papaano mo naman maipapaliwanag itong text ng babaeng to?! Fafa Bryle ha?!" Galit na sigaw rin nito sa akin.
"Ikaw muna! Ipaliwanag mo to!" Sigaw ko sa kanya.
"Ikaw abg dapat magpaliwanag neto?! Ano to?! Hah?! Kalandian mo?! Fafa Bryle pa tawag sayo! Akala ko ba ako lang lab lab mo! Kaya pala tinanggihan mo yung bakla kanina dahil nandun yung kalandian mong babae kanina! Pinatikim mo pa yung luto ko!" Sigaw sa akin ni Timmy na talagang galit na galit na. Anong pinagsasabi nya? Wala naman akong babae ha?! Gago ba sya?!
"Eh, heto! Enjoy na enjoy kayong magkasama ni Godt?! Nawala lang ako saglit! Sumegway ka na na kay Godt! Ha!" Sigaw ko rin sa kanya.
"Eh, gago ka ba Bryle! Yan nga ang dapat kong sasabihin sayo eh! Tumunog lang yang phone mo kaya di ko naituloy!" Sagot sa akin ni Timmy.
"Di pa ba ako sapat at kailangan mo pang maghanap ng iba? Sa kinaiinisan ko pa?!" Sigaw ko sa kanya.
"Kung gusto mo malaman ang katotohanan! Tanungin mo si sir Luiz! Masyado kang makapagjudge sa akin! Heto ngang text ng Laila na to! Di mo pa naipapaliwanag! Ikaw ang manloloko!" Sigaw rin sa akin ni Timmy. Laila? Eh, yung leader namin yun eh?!
"Ipaliwanag mo muna to!" Sigaw ko sa kanya.
"Halika!" Sabi nya sa akin at hinila nya ako papalabas ng kwarto.
"Hello sir Luiz good evening po. Pwede po bang pakipaliwanag sa gagong lalaking to kung bakit po kami magkasama ni Godt kanina" sabi ni Timmy kay kuya Luiz.
"Ah, may pinaactivity kasi ako kanina. By partner yun, so, saktong sila ang nagkaparehas ng number kaya sila ang magkapartner. Pinapunta ko sila sa library to do their tast" paliwanag ni kuya Luiz kaya heto ako natameme nang malaman ko ang katotohanan. Nagalit na ako bigla dahil sa selos na naramdaman ko. Di ko man lang pinakinggan ang paliwanag ng lab lab ko.
"Ano, naniniwala ka na?! So now, ipaliwanag mo itong text ng malanding Laila to na tinatawag ka pang fafa Bryle!" Galit na galit na sigaw ni Timmy sa akin.
"Laila, is that your classmate Bryle?" Tanong sa akin ni kuya Luiz.
"Opo" sagot ko kay kuya.
"Ah, okay, ikaw naman Timmy, heto yan. Lahat ng classmates ni Bryle mapababae, bakla, tomboy, at lalaki ay tinatawag syang fafa. Nakasanayan na nila yun" paliwanag ni kuya Luiz sa akin.
"Ummm, saka sya kasi leader namin kaya kami lang lima ang makakasama sa lunch kanina. Nakita nyang mukhang masarap ang baon ko kaya humingi sya" dugtong na paliwanag ko kay Timmy. Para ako yung batang pinagalitan ng magulang at nagpapaliwanag habang nakayuko.
"Ga-ga-ganun ba?" Biglang hiyang sabi ni Timmy nang malaman ang katotohanan.
"Kung anu-ano pinag-aawayan nyong dalawa. Para kayong mga bata. Pumasok na nga kayo sa kwarto nyo! Saka, please wag kayong nagsisigawan! Nakakairita kayo!" Sermon ni kuya Luiz sa amin. Kinuha ko ang kamay ni Timmy at sabay kaming bumalik sa kwarto at nahiga sa kama.
"Lab lab, sorry na. Nagselos ako ng hindi man lang pinapakinggan ang paliwanag mo. Di ako nag iisip. Sorry na" malungkot kong pakiusap sa kanya.
"Sorry din lab lab. Nagalit din ako sayo. Dahil sa misinterpretation ko sa text ng leader nyo. Sorry na" malungkot ding pakiusap ni Timmy.
"Okay na tayo?" Tanong ko sa kanya.
"Oo okay na" sagot ni Timmy.
"I think, isang lesson natin to bilang nagmamahalan lab lab" sabi ko sa kanya.
"Kaya nga, nadadala tayo ng selos dahil sa wala tayong trust sa isa't-isa. Nagagalit tayo agad-agad, imbes na pakinggan ang paliwanag ng isa't-isa. Promise, di na ako magiging childish. Ibibigay ko na ang buong trust ko sayo" sabi ni Timmy sa akin at itinaas pa nya ang kanang kamay nya.
"Promise ko rin, i will give you my 1000% trust" sagot ko at itinaas ko na rin ang kanang kamay ko.
"Pero sa tingin ko, magandang gamitin ang iba kong trust dyan sa drawer ko lab lab" nakakalokong tingin ko sa kanyang sabi.
"Umm, sa tingin ko rin lab lab" nakangiting sagot ni Timmy.
"Ano fight?" Tanong ko sa kanya. Biglang itinalukbong ni Timmy ang kumot namin sabay sabing,
"FIGHT!"