IBINIGAY ko muna kay Ate Lilibeth ang mga bulaklak upang mailagay sa vase. Nang makarating ako sa dining area, naramdaman ko agad ang tensyon sa pagitan ng mag-ama. “I don’t like you here,” sabi ni Savio habang nakaupo sa silya niya at may hawak na tinidor. “It’s fine, you don’t need to like me being here for me to visit.” Ngumiti si Yvo kay Savio matapos sabihin ang sarkastikong remarks niya. Goodness! Bakit niya ba pinapatulan si Savio? Lalo siyang hindi magugustuhan ng anak niya! “We own the house. Hindi kita gusto rito kaya pwede kitang paalisin, Mister!” singhal ni Savio. Ngayon ko lang siya nakitang ganito sa isang tao. Normally, friendly naman kasi siya. “I can own the place if I want, though.” Masama siyang tiningnan ni Savio pero kinuha nito ang gatas niya at uminom. “Nil

