NANLAKI ang mga mata ng babaeng kausap ni Yvo. Titig na titig naman din si Savio kay Yvo. Maging ako na gustong lumapit doon at pagsabihan ang babae na wala siyang karapatan na ganituhin ang anak ko, hindi ko nagawa dahil sa sinabi ni Yvo. Sobrang bilis ng kabog ng dibdib ko, at idagdag mo pa ang kaba na mayroon ako ngayon. “Hmp! Tara na nga anak,” sabi ng babae. Paalis na ito pero may humarang sa kanyang daraanan. Nakita ko sina Raffaele at Teo na hinaharangan ang daraanan ng babae at anak niya. “I want you to apologize to Savio. I don’t condone bullying, lalo na para sa anak mo. If you’re not going to discipline your son, baka mas maging malala ang ugali niya paglaki.” Tiningnan ni Yvo ang mag-ina. May kung anong talim sa mga mata niya. “Apologize to my son and tell him you’re not goi

