CHIARA Masama kong tinitingnan si Yvo ngayon. Bakit ba ang hilig niyang makipagtalo kay Papa? Para bang the more na nagagalit si Papa sa kanya, lalo lang siyang natutuwa. Seriously, may balak ba si Yvo na ayusin ang relasyon nila ni Papa para naman hindi na sila nagtatalo? Kanina lang ay nagtatalo na naman sila nang malaman ni Papa na pakakasalan ako ni Yvo. Ang sabi niya, hindi raw siya papayag, as if the first marriage wasn’t existing. “Bilang na naman ang oras mo sa mundo, Papa. Wala ka na ring magagawa kung pakasalan ko si Chiara,” sabi ni Yvo kay Papa. “Gusto mo bang mauna mo pang makita ang lumikha sa ‘yo? I will send you to meet your maker, then, express lane!” patol naman ni Papa. Napailing na lang ako habang nakikinig sa bangayan nila. Para silang mga bata. Kapag nagsimula na

