HINDI KO alam kung matatawa ba ako o kung maaawa ako kay Francesco nang salagin niya ang bala ng baril para kay Chiara. Sa huli, natawa na lang ako dahil hindi naman ako marunong maaawa. Nagkagulo ang lahat and I want to vomit when I heard some people commending Francesco for saving Chiara’s life. The fucker planned it. The problem with his plan, we intervened. Alam ko, na ngayon ay nagtataka si Francesco kung bakit sa dibdib siya tinamaan ng bala at hindi lang basta damplis kagaya ng plano niya. Iyon ay kung may oras pa siyang makapag-isip ganoong nag-aagaw buhay siya ngayon. Kung tutuusin, gusto kong mabuhay si Francesco. Mas gusto kong maghirap siya bago mamatay. Masyadong mabilis kung mamamatay agad siya dahil lamang sa pagkakabaril. Kaya bilang hudas din naman siya, sana ay hindi s

