AGAD NA isinugod si Uncle Francesco sa ospital. Nag-aalala ako dahil nakita ko kung gaano karaming dugo ang nawala sa kanya kanina. Bukod pa roon, sa dibdib siya nabaril. Nauna sa amin ang ibang miyembro ng pamilya. Nakuha agad namin ang atensyon nila. Kasama ko si Yvo at si Savio ay ibinilin muna namin sa bahay. Naiwan din si Mama roon para samahan si Savio. “Kumusta po si Uncle?” tanong ko nang makalapit ako. “He’s currently at the operating room, Chiara. Malubha ang lagay ni Papa.” Napatingin ako kay Francesca dahil sa sinabi niya. Nilapitan ko ito at hinagod ko ang kanyang likod. She’s in between crying and fighting her tears. “Everything will be okay,” sabi ko sa kanya. Kung hindi ako itinulak ni Uncle ay paniguradong ako ang nabaril nang mga oras na iyon. Masyado akong tutok sa

