NAGHAHANDA na sila para puntahan kung nasaan si Savio. Kanina ay may inilabas na laptop si Yvo at ilang sandali lamang ay inanunsyo niya na nakita na nila ang lokasyon ng anak namin. “How?” tanong ko kay Yvo habang chine-check niya kung loaded ang mga baril. “I know something like this could happen. I gave Savio a stud earring because he told me he wanted one. Nang ibigay ko iyon sa kanya at ipalagay namin iyon, I put a tracker in his earring. Good thing I did.” Nakahinga ako nang maluwag sa sinabi ni Yvo. Dahil sa ginawa niya, mabilis na mahahanap sina Mama at si Savio. “Sasama ako—” “No!” Yvo growled. Napatigil ako sa pagtatangka kong maglakad pa papalapit sa kanya. “Stay here, Chiara. Papunta na ang mga kapatid ko. They will help me with this.” Gusto kong magprotesta pero may kung

