Hindi kita mahal, Heather. Kahit kailan ay hindi kita minahal. Parang sirang plaka na nagpaulit-ulit ang mga katagang iyon sa aking isip. Isang buwan na matapos makipaghiwalay ni Marco pero hanggang ngayon ay niloloko ko pa rin ang sarili ko na isang araw ay makikita ko sya sa labas ng aking silid. Lahat ng pinaramdam ko sa'yo ay dahil lang sa awa. Ganoon ba ako kahirap mahalin? O ganoon ako katanga para maniwala na minahal mo akong talaga? Tatlong magkakasunod na katok ang narinig ko mula sa pinto. Isang buwan. Sa loob ng isang buwan ay parati kong naririnig iyon pero ang lakas para pagbuksan ang kung sino mang naroon ay hindi ko mahanap. Wala akong lakas tumayo. Wala akong lakas na magsalita. Pakiramdam ko ay naroon nanaman ako sa parehong lungkot na minsan ko nang natakasan. "Hea

