"Marco?" Matinding kaba ang naramdaman ko nang magising kinabukasan. Mabilis akong tumayo nang hindi ko maramdaman si Marco sa tabi ko. Agad akong nagtungo sa banyo ng kwarto pero wala sya roon. "Marco?" Pagtawag ko nang lumabas ako ng silid pero ang tanging sumalubong lang sa akin ay ang tahimik na hallway. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko sa mga puntong ito. Ang mga luhang kanina pa piniligilan ay nagsimulang mag-unahan nang wala ni isang bakas ni Marco akong makita maski sa salas. Nanghihinang naupo ako sa sofa at sinapo ang aking mukha. I knew this is going to happen. Nang magsalita sya ng kung anu-ano kagabi, alam ko na may hindi magandang mangyayari. He left me. "Baby?" Sa isang salita ay biglang tumigil ang mga luha ko. Mabilis akong tumayo at nang makita sya sa

