Para akong nangangapa sa dilim noong una kong makituloy kina aling Martha pero naging smooth naman agad sa loob lang ng isang linggo, nakilala ko na rin ang panganay na anak ng ginang, makisig nga ito at mabait tulad ng kwento ng ginang. Madalas ako ang gumagawa ng gawaing bahay, nagdidilig din ako ng halaman habang nagbabantay kay Sindy. Dalawang beses lang kasi sa isang buwan kung makauwi ang panganay na anak nito na si Remy. May maliit din na flower shop si aling Martha na minsan ako ang nagdedeliver.
Halos mag iisang buwan na din ako sa puder niya at nahihiya na ako, sapat sa panahon na 'yon para umalis. Kailangan kong makabalik sa casa de Alisha para makauwi na sa sarili kong mundo. Hindi pa'ko nakakahanap ng tiempo para makausap ang ginang. Tinanong ko na din siya tungkol sa casa pero wala siyang alam na may ganito palang lugar.
Napapaisip na lang ako minsan kung isa bang tagong organisasyon ang grupo ni Alisha at nagtatangka ng isang pag aaklas.
"Hi baby." Napabalik ako sa reyalidad ng pumasok si Remy sa bahay at agad na kinuha si Sindy sabay hinalikan ito sa pisngi at umungol lang ang batang tuta.
"Ako Remy, hindi mo babatiin ng 'hi baby?'" pang aalaska ko, nilandian ko ang boses na ikinatawa niya lang.
"Oh Remy, andyan ka na pala. Napapadalas yata ang uwi mo?" Kasunod na pumasok ay si aling Martha habang bitbit ang pinamalengke nito kaya naman ay agad ko siyang tinulungan sa mga pinamili.
"Naku, aling Martha. Inspired sakin anak niyo." Kinindatan ko pa ang namumulang si Remy bago pumalahaw ng tawa.
Pasensya na Remy, inborn na pagiging malantod ko.
"'Wag ka magpapaniwala dito kay Euphie 'Nay. Malapit na kasi ang birthday nitong si bunso eh." Sabi nito habang kumakamot pa sa batok. Oo nga pala sa susunod na linggo na ang kaarawan ng batang tuta ano kaya ang pwedeng iregalo?
" Asus, ginawa pang dahilan ang kapatid. Boto naman ako dito Kay Euphie eh, mabait na bata at matulungin." Pang aalaska din ng ginang. Nakalimutan yata ni aling Martha na dugtungan ng 'at maganda pa'
Pula pa sa kamatis ang mukha ni Remy at hindi na makatingin sa akin nang diretso na ikinatawa ko ng malakas. Gwapo naman si Remy, kapansin-pansin ang itim niyang buhok at masiyahin niyang mata. He has this campus hearthrob vibes, no wonder muntik na malaglag garter ng panty ko nung una siyang masilayan ng mata ko.
Sa madaling panahon na nakasama ko sila, ay gumaan ang loob ko. Ramdam na ramdam ko yung essence ng isang pamilya, nawala sa isip ko na isa akong bilanggo ng lost century.
"M-ma..." Nagulat kaming lahat dahil sa ito ang unang beses nagsalita ang batang tuta. Tuwang-tuwa na kinarga ng ginang ang paslit at nangingilid pa ang luha.
Maturuan nga ng bad words ang batang 'to, para mas bumilis ang pagdaldal. Tinignan ko si Remy na ngayon ay nakatingin din pala sa akin kaya naman nginitian ko siya na ikanapula ulit ng mukha niya. Lagi siyang namumula tuwing nahuhuli ko siya na nakatingin sakin, sino ba naman hindi tingin sa ganda ko, huh.
"Oh kuya Remy, big girl na baby mo. Hanap kana ng bagong baby." Sabi ko sabay turo sa sarili. Tinapik ko pa siya at inalaska kaya tawang-tawa naman ang ginang na nakikinig lang pala.
Daig pa ni Remy ang bulkang mayon na ready na para sumabog. Nagkakatuwaan kami nang biglang may narinig kaming biglang sumabog. Akala ko nga si Remy iyon pero galing sa labas ang ingay at parang nagkakaroon ng gulo.
Hindi masyadong nagkakagulo sa lugar na'to, payapa din ang lugar dahil tago at pinapalibutan ng nagtataasang mga bundok. Kaya ito ang unang gulo na masasaksihan ko sa bayan.
"'Nay, magtago kayo sa basement. Euphie protektahan mo ang nanay at ang kapatid ko." Seryosong turan ng lalaki. Wala na ang ngiti sa mga mukha namin at hindi ko alam kung susundin ko ba ang utos niya o---
Hinawakan ni Remy ang mukha ko, bahagya akong umiiling.
"Tara Remy, doon tayo sa basement." Pinilit kong pasiglahin ang tono ng boses ko pero binigyan niya lang ako ng maliit na ngiti saka umiling.
"Gag♪ ka ba? Dapat ikaw ang poprotekta sa pamilya mo. H..huwag kang magpakabayani Remy. Isipin mo na lang ang mararamdaman nina Sindy at ng nanay mo." I don't know why I'm stuttering.... I'm being selfish again.
He's a friend, a family. Walang pagdadalawang-isip nila akong tinanggap sa bahay nila. Hindi ko alam ang gagawin kung may isa sa kanila ang mapapahamak.
"Magiging okay ako, kaya magtago na muna kayo. Titignan ko lang kung ano na ang nangyayare sa bayan." Ginulo niya ang buhok ko. Parang slow motion ang paglabas niya sa maliit nilang pinto. Hindi ko napansin na hila na ako ni aling Martha pababa sa basement habang karga niya ang bata sa bisig.
"Alam ko ang pakiramdam ija." Nangingilid ang luha ng ginang habang kinakandado ang pinto ng basement. Underground basement ito na parang ginawa talaga para sa ganitong mga pangyayare.
"Labing tatlo pa lang si Remy n'on, nilusob din ang bayan na'to. Kita ko ang sarili ko sayo habang kita ko ang pagkakatulad ni Remy sa ama niya." Ngumiti pa ito at parang sinasabuhay ang mga ala-ala niya "Pero tulad ng pangako niya bumalik din siya ng ligtas at natalo nila ang mga bandido na lumusob sa bayan. Kaya ipanatag mo ang loob mo" dagdag niya. Napanatag naman ang loob ko pero lumipas ang kalahating oras na wala paring Remy na kumakatok sa pinto ng basement ay napagpasyahan ko na sumunod.
Pinigilan ako ng ginang pero desidido ako sa gusto kong gawin.
"Sisilipin ko lang po kung ano na ang ganap sa labas" I assured her that I'll come back...... With Remy
"Mag-iingat ka" ngumiti ako sa ginang at marahan na pinisil ang ilong ng walang kamuwang-muwang na batang tuta.
Pag-akyat ko galing sa basement, bumungad sa akin ang mausok na paligid. Wala na ang kanang bahagi ng bahay, nagkanda-ubo at puwing pa ako sa naghalong usok ay alikabok sa paligid.
Nagtago ako sa bahagi ng bahay na hindi pa nawasak at may naaninag akong pact of wolves hindi ko alam alin si Remy sa kanila. Natigagal ako na hindi pala isang simpleng bandido ang sumalakay sa lugar,..... Ang kawal ng palasyo.
Anong ginagawa nila dito? Bakit sila nanggugulo? Imposible naman na ako, dahil sa pagkakaalam ko ay pinatapon nako ng baliw nilang Hari.
Nakatanga lang ako at hindi alam kung ano ba ang dapat gawin. I should not make the same mistake trying to run away. I don't want to run anymore, I need to face my own problems. Malakas ang kutob ko na ako nga ang pakay ng mga kawal.
Hindi na pwedeng madamay pa ang mga inosenteng tao na payapang naninirahan sa bayang 'to
Nagulat ako nang sumulpot sa harap ko ang isang ulam-este half naked Remy na hinahabol pa ang hininga. Madumi at may mga galos na siya sa katawan kaya hindi ko alam kung hahawakan ko ba ang abs niya at tulungan siyang huminga lalo pa't halatang pagod na siya
"Ba't ka lumabas sa pinagtataguan niyo?" Tanong nito at pinasadahan ako ng tingin, chinecheck niya kung nasaktan ba ako.
"Hindi kaya ng konsensya ko na magtago lang habang may ibang taong nahihirapan at nagsasakripisyo para sa sa'kin." Sabi ko na hindi man lang nabubulol sa pagsasalita kahit nadidistract ako sa pawisan niyang abs.
"Anong kaya mong gawin? Anong magagawa ng isang babae? Anong magagawa ni nanay? Ni Sindy? Nakikipaglaban ako para sa mga mahal ko sa buhay, handa ako magsakripisyo. " Napanganga ako sa isinagot niya. Ano nga ba ang magagawa ko? Could I take a stand this time? The last time I remember ay no'ng nagparticipate ako sa queen selection. I thought kaya ko pero nabigo ako at natakot kaya tinakbuhan ko ang responsibilidad.
It's easier to say than done.
Magsasalita pa sana ako nang biglang nawala ang bahaging pinagtataguan namin, buti na lang at mabilis si Remy at agad akong niyakap ng kanyang mga braso bago kami tumilapon. Namanhid ang katawan ko sa lakas ng impact, napaubo rin si Remy dahil siya Ang mas naapektuhan. Halos maging abo na ang bahay nina aling Martha parang kanina lang ay may ngiti na naka plaster sa mga mukha namin at ngayon ay bigla na lang naglaho sa isang iglap lang.
"Finally, playtimes over." Said by a man possessing a cold baritone voice that lingered in my ears. Ba't siya nandito? Ramdam kong nakatayo siya sa likod ko habang nakatanga ako sa nakahandusay na si Remy. Nagdudugo ang gilid ng ulo niya dahil sa pagtama nito sa bato.
"Ano ba talaga ang kailangan mo sakin." I gritted my teeth as I stop myself from the verge of crying.
"Hmm? Will you give it to me if I tell you?" Nanunuya ang malamig niyang boses.
"I don't give favors for free. Apologize and spare the townspeople."
"I am not asking for a favor." Matalim ang tono ng boses niya at ramdam ko ang talim ng tingin nito mula sa likuran ko.
" Let's go." Dagdag niya. Pero hindi ako gumalaw kahit na konti. Hindi ko kayang iwan ang mga taong tumulong sa akin ng ganito.
"Hindi ako sasama." Pinal kong sagot.
"E..Euphie... Alis na..tak...as na." Nakapikit at nahihirapan na bigkas ni Remy, mahina pero dinig ko parin kaya kahit hindi niya nakikita ay napapailing lang ako.
"Hindi ako aalis. Ayaw ko." Nagsibagsakan na ang mga luhang kanina ko pa pinipilit na pigilan. Hinawakan ko ang kamay niya at dinikit sa pisngi ko.
They're my family now. Hindi ko sila iiwan.
"Get away from that man or else I'll cut his hand. Don't push me to my limits, I know you don't wanna like it." Humigpit ang pagkakahawak ko sa kamay ni Remy. Hindi ko sila gustong bitawan.
In a blink of an eye, biglang naging pula ang paligid. Naririnig ko ang sigaw ni aling Martha ang palahaw ng batang lobo, iyakan sa paligid. Para akong mabibingi sa matinis na ingay.
Sobrang higpit ng pagkakahawak ni Zid sa braso ko, kulang na lang nga ay baliin niya. Tipong pag sa oras na niluwagan niya ay makakawala ako, kung pwede nga lang ay ginawa ko na.
Pinilit ko parin na hilahin ang braso ko sa pagkakahawak niya pero mas malakas siya at nagawa niya pa akong ipasok sa karwahe 'saka niya lang ako binitawan. Awtomatiko ko naman na hinimas ang namumulang braso, nagsimula na din umandar ang sinasakyan namin. Nakatanaw ako sa lugar na naging panandilian kong safe haven na ngayon ay tinutupok na ng apoy.
"Ano ba talaga ang kailangan mo?" Walang gana kong tanong. Nasa harap ko siya ngayon at nagbabaka sakali na maibigay ko at hindi niya na ako guguluhin p-
"You." Walang buhay akong natawa sa walang kwentang sagot niya. Nakatingin ako ng diretso sa abo niyang mata, napapaisip ako na maganda kaya kung dudukutin ko mga mata niya?
"Bored ka ba sa buhay mo at nantitrip ka sa buhay ng iba?"
"I was, but you came." He evilly grinned while looking at me. Still, gwapo parin.
"So, I'm your pastime now?"
"Kinda." Mahigpit akong napahawak sa maruming bestida na regalo pa sakin ni aling Martha. Hindi ko hahayaan na makita niya kong umiiyak. Hindi ko siya bibigyan ng pagkakataon na makita akong umiyak pero maganda parin.
Natama ulit ang mga mata namin pero ngayon ay sobrang lapit niya na. Halos gadangkal na lang ang layo, nahiya pa ang hangin na dumaan sa pagitan. Akala ko kung ano na ang gagawin niya, sisigawan ko pa sana siya nang maramdaman ko ang kamay niya sa pisngi ko.
Hindi ko man lang naramdaman na rumaragasa na pala ang mga luha ko. He keeps on wiping my tears using his thumb, mainit sa balat. Ironic pero nakakagaan ng pakiramdam.
"Don't cry, Hindi maganda...." He 'shhhh' me softly. Hindi ko na halos maintindihan ang sinasabi niya dahil natuon ang atensyon ko sa bawat galaw ng labi niya. Naiinis ako sa sarili ko dahil ang sexy ng dating.
(~ ̄³ ̄)~