Chapter Six - Newly-weds

1339 Words
"Kaninong bahay 'yon?", tanong ni Sharina bagaman mayroon na siyang hinala. It was clearly a cozy farmhouse. Two hours away from her house and the city. "Sa parents ko.", sagot naman ni Raphael. "Wag kang mag-alala, they won't bite you. Mababait ang parents ko.", paninigurado ni Raphael sa dalaga ng makitang nag-aalangan pa rin ito. Pinagsalikop ang kanilang mga kamay at dinala sa bibig upang halikan. Hindi pa rin at-ease si Sharina ngunit nagpakawala siya ng sinserong ngiti sa binata. "There's nothing to worry honey. My parents are cool and I'm sure, they will like you." And Raphael was right. Naging mainit ang pagtanggap sa kanya ng magulang ng binata. "So kelan niyo balak magpakasal, Ralph?", tanong ng ina ni Ralph nang nasa harap na sila ng hapag-kainan. Muntik namang masamid si Sharina sa tanong na iyon ng ginang. "Ralph, anak, aba'y bilis-bilisan mo naman ang pagkilos. Sabik na sabik na akong magkaroon ng apo ah!", kantyaw naman ng nakangiting ama ng binata. "Giving me a little Kavanogh is a long overdue." Bahagyang namula si Sharina at napasulyap sa katabing binata na mahinang natawa at may naglalarong ngiti sa mga matang nakipagtitigan naman sa kanya kasabay ng pagtaas ng mga kilay. "Don't worry Ma, Pa, I'm working on it.", Raphael answered with his mischievous grin playing on his mouth. "We'll be having our civil wedding the day after tomorrow!" "Oh!", bulalas ng ina ng binata. "Don't forget to mark it in your calendar, folks!", masaya pa ring saad ni Raphael. Napaangat ng mukha si Sharina sa narinig. Nahihiyang tumingin sa mag-asawang masuyong nakatingin sa kanila. "What a lovely surprise Ralph, iho.", madamdaming saad ni Ilyn, ang mama ni Raphael. "I'm glad na nahanap mo na ang babaeng para sa'yo." "Thanks Ma." "Welcome to the family, iha.", masayang sabi naman ni Alexander, ama ni Raphael, kay Sharina. "T-thank you Sir.", kiming sagot naman ng dalaga. "Oh, drop that sir sweetheart.", agaw naman ni Ilyn. "Call us Mama and Papa.", sabay abot sa kamay ni Sharina at marahang pinisil. ...... Nasa veranda na sila noon ng biglang may dumating na bisita. "Hello everyone!", masayang bati ng bagong dating. "Julia, iha, I'm glad you're here.", narinig ni Sharina na bati ni Ilyn. "Yes tita. I just came from New York.", sagot naman ng bagong dating at excited na bumaling ito kay Raphael at walang sabi-sabi'y hinalikan ito sa labi at sa harap mismo ni Sharina. Sharina gasped loudly and unconsciously stepped backwards. "Julia!", Raphael hissed. "Stop it!" Saka tumingin kay Sharina sa nagsusumamong mga mata. Sinundan naman ni Julia ang paningin ni Raphael. "Oh! Who are you?", nakataas ang isang kilay na tanong nito. Napatikhim si Raphael habang nakita naman ni Sharina na nagpalitan ng tingin ang mag-asawa. Nilapitan ng binata ang kasintahan saka hinapit sa beywang palapit sa kanya. "Meet my fiance.", banayad na saad ni Raphael. "Hon, si Julia...a family friend. Juls, si Sharina, my soon-to-be wife.", sabay ngiti sa katabi at hinagkan sa ulo. Tinignan naman ni Julia si Sharina pababa at pataas. Tila kinikilatis ang panlabas na anyo. Saka buong kaplastikan na ngumiti sa dalaga. "Well, hi...Sharina." Banaag ni Sharina ang pagkadisgusto sa mga mata ng babae. Ni hindi ito nag-atubiling lapitan siya. Kaya naman tinanguan lang niya ito. Mukhang alam na niya ang ipinagsesentir ng babae. "You didn't mention anything about her Ralph. I am shocked!", madramang saad ni Julia at may pagka-oa pa na hinawakan ang dibdib na animo ay nasasaktan. Nagkibit-balikat lang naman si Raphael at hindi na nagkomento. Bagkus ay nakangiting tumingin kay Sharina na mataman lang na nakatitig sa binata. ....... Naidaos din ang kanilang kasal. Nasa seremonya sina Monica at Mr. Mendez na tumayong ninong sa kanila. Si Brent at ang mga magulang ni Raphael. Masaya si Sharina dahil kahit papaano'y may katuwang na siya sa buhay ngunit nagui-guilty rin siya dahil hindi man lang niya nasabi sa mga kaibigan niya sa Pilipinas na ikinakasal na siya ng mga oras na iyon. After the ceremony, they all went to a fine-dining restaurant. Its just a simple wedding with a simple celebration. Nothing more, nothing less. Gustuhin man ng mama ni Raphael ng mas bongga ay hindi naman ito humadlang sa mga plano ni Raphael. Napagdesisyunan din ng bagong mag-asawa na sa bahay ni Sharina sila pansamantalang tumitara habang isinasaayos pa ang magiging tahanan nila kung saan sila bubuo ng isang masayang pamilya. ....... Impit na napatili si Sharina nang pangkuin siya ng asawa papasok sa kanilang bahay. Ipinagsalikop niya ang mga kamay sa batok nito upang hindi siya malaglag. "How many babies do you want honey?", nakangising tanong ni Raphael ng maihiga siya sa kama at kinubabawan ito. "A dozen will do.",she said playfully. Tumango-tango naman doon si Raphael. "Masyadong kaunti. Gawin nating dalawang dosena!", sakay nito sa biro ng asawa. "Pwede rin pero ang tagal mong gumawa!" Napahalakhak naman doon si Raphael saka hinalikan ang tungki ng ilong ni Sharina. "Naughty!", aniya sabay inumpisahang paliguan ng halik ang asawa. Sharina gasped when she feel his hands teasing her sensitive spot. She trembled and wholeheartedly submit to her husband. They made love all afternoon and all night. ....... Nagising si Sharina sa mga mumunting halik at ang paghaplos ng mga daliri sa kanyang mukha. Nang dumilat siya ay ang masayang mukha ng asawa ang nasilayan. "Good morning, honey!", anang asawa. At hindi pa man siya nakakapagsalita ay agad na siya nitong sinunggaban ng halik at muli ay nagningas ang apoy sa pagitan nilang dalawa. It seemed to her that the act just keep on becoming more intense from the last. Nang muling magising si Sharina ay kumakalam na ang kanyang sikmura sa gutom. She heard a chuckle. Ang nakatawang mukha ni Raphael ang kanyang nakita ng magmulat sya. "I'm hungry.", ani Sharina at yumapos sa leeg ni Raphael. "For food?", humalik sa noo niya ang asawa. "Or me?", halik ulit nito sa labi niya. "I can't live with your kisses alone hon.", she grin. "Physiological Needs muna bago Love and Belonging Needs." Natawa naman silang dalawa dahil sa sinabi niyang iyon. "Let me get up and cook.", saad ni Sharina na umaalis sa pagkakayakap ng mister. "No. You wait here.", sansala ni Raphael sa misis. "I'll just prepare our food." Mabilis na tinungo ni Raphael ang closet at nagsuot ng boxers. "I ordered some foods while you're still in deep slumber. I know you are tired, wife.", sabay kindat nito sa nakahiga pa ring si Sharina. "Pinagod mo ako eh.", Nang makalabas si Raphael ay siya namang pagtayo ni Sharina. Dinampot ang t-shirt ng asawa at isinuot saka nagtuloy sa banyo. "I told you to---", nabitin sa ere ang sasabihin ni Raphael ng makita ang ayos ng asawa ng maramadaman niya ito sa kanyang likuran. His shirt that is barely reached the middle of her thighs with her hair tussled and her lips slightly swollen, Sharina looks as sexy as hell! "Uh-uh. Stop it dear husband!", Sharina firmly said. "I am hungry. For food.", anito sabay hila ng silya at umupo doon. Natawa ng mahina si Ralph. Ipinilig ang ulo saka ipinagpatuloy ang paghahanda ng pagkain sa lamesa. Ilang sandali pa ay magana na silang kumakain. Piping nahiling ni Sharina na sana ay hanggang pagtanda nila ng asawa ay ganun pa rin sila kasaya. ...... Walang gabing hindi nila ipinaramdam ang pagmamahalan nila sa isa't isa. Tila laging sabik palagi. At isang umaga habang nagbibihis na si Raphael papasok ng opisina nito ay pinagmamasdan lamang siya ng nakahiga pa ring si Sharina. Nakipagtitigan naman si Raphael sa asawa habang nasa harap siya ng salamin. Nang hindi makontento ay hinarap niya ito. "You know what hon?" "What?", she asked and with sleepy smile. "There's something different about you this past few days." Napapikit si Sharina pero nakapanatili ang ngiti sa mga labi. "Hmmm?" "It is as if...as if you're....blooming." Tuluyang natawa si Sharina. "Maybe because you are just madly in-love with me Mr. Kavanogh." "As always, Mrs. Kavanogh!", nakangiti ring sabi ni Raphael saka nilapitan ang asawa at hinalikan sa mga labi. ...................................................................................
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD