Palabas na si Sharina sa hospital ay parang naririnig pa rin niya ang sinabi ng OB Gyne sa kanya.
"Congratulations Mrs. Kavanogh. You are six weeks pregnant."
Hindi mapalis-palis ang ngiti niya habang naglalakad papunta sa pharmacy upang bilhin ang mga nireseta sa kanya ng doktor. Hindi na siya makapag-antay na ibalita yun sa kanyang asawa. Pihadong matutuwa si Raphael. It was an easy pregnancy for her. Ni hindi siya nakakaramdam ng morning sickness.
Pagdating sa kanilang bahay ay nangunot ang noo niya sa hindi inaasahang bisita na madadatnan niya roon. Si Julia. Ang kahuli-huliang tao na nais niyang makita ng mga oras na iyon.
"Julia?", hindi mapigilan ni Sharina na tumaas ang isang kilay niya sa babaeng nasa harapan niya.
"Yes.", Julia equally answered with angst.
"Do you need anything? Ralph is not home yet."
"I know. But he asked me to go here and bring him some of his clothes."
"What?"
"You heard me, dear. His stuffs, good for three days. He won't be home tonight cause he will spend the night at my place."
"And why would he do that?", mataray na tanong ni Sharina sa babaeng nakakrus ang mga braso sa dibdib.
Sa namumutok nitong dibdib, kaya naman hindi niya mapigilang hindi mapaismid dito.
"To fetch me. We're going to have our vacation. He promised me. And he told me that its just the two of us.", tila nang-iinis pang saad ni Julia.
Natigilan naman doon si Sharina. "A vacation just the two of them. Without her?"
"What's wrong?", maang-maangan ang pag-aalalang nakikita ni Sharina sa mukha ng babae. "Oh dear, I forgot to tell you that Ralph and I are childhood sweethearts. I am not just an ordinary friend."
Sharina felt numbed upon hearing what she had just said.
"See? You're shocked! Ralph will divorce you in no time Sharina. 'Coz he's still in love with me.", muling saad ni Julia.
"U-umalis ka na.", nanginginig na turan ni Sharina sa kausap. Sa tindi ng sama ng loob na lumulukob ngayon sa kanyang pagkatao ay gumagaralgal ang boses niya.
"Look, I need Ralph's clothing.", pamimilit naman ni Julia.
"I said get lost!!", tumaas na ang boses ni Sharina.
At walang lingon-likod na pumasok ng bahay.
........
Iyak ng iyak si Sharina habang nag-eempake ng kanyang mga damit. Pagkapasok niya kanina sa loob ng bahay ay dire-diretso siyang nagempake ng hindi na nag-iisip kung tama ba o mali ang gagawin nia.
Gusto lang niyang umalis at makalayo sa sinungaling na asawa.
Tumawag siya sa isang airlines at nagpabook ng flight pauwi ng Pilipinas sa araw ding iyon. At hindi naman siya nabigo. Makakaalis siya ng Australia bukas ng madaling araw.
Alas otso na ng gabi at wala pa si Raphael. Mukhang totoo nga ata ang sinasabi ni Julia sa kanya.
Saka niya napagtanto na hindi pa niya naririnig mula mismo sa bibig ni Raphael na mahal nga siya nito.
Basta na lamang siyang nagpakasal sa lalaki na tanging ang mga nararamdaman lamang niya ang naging batayan.
Ngayon pakiramdam niya ay isa siyang talunan. Talong-talo sa labanan.Muli siyang napahikbi sa naisip.
Mag-aalas onse na at hindi pa rin dumarating si Raphael. Nasa salas si Sharina ng kanilang bahay. Nasa malapit sa pinto ang kanyang maleta at nakagayak na rin siya, nakahanda ng umalis. Kahit mabibigat ang kanyang mga paa ay pinilit ni Sharina ang kumilos.
She has to move, even with a heavy heart.
Narinig niyang may nagbusina kaya sumilip siya sa bintana upang kumpirmahin kung iyon na ba ang taksi na tinawagan niya kanina.
Huminga ng malalim si Sharina at muling pinasadahan ng tingin ang buong bahay. Saka mabigat ang dibdib na dinampot ang luggage at naiiyak na sumakay ng taksi.
Alas singko na ng madaling araw nang makapasok na siya ng eroplano. Nang makaupo'y wala sa loob na napahaplos siya sa kanyang tiyan.
"Don't worry baby, okay lang si mommy. Kahit.....kahit hindi na natin kasama ang daddy mo.", anang isip ni Sharina.
At muli ay bumalong sa kanya ang mga luhang hindi na ata maampat pa.
.......
SAMANTALA....
Nakasalubong ng kotseng minamaneho ni Raphael ang taksing lulan ay ang kanyang asawa. Kung alam lang niyang asawa na niya ang nakasakay doon.
Hating-gabi na at nasa daan pa lang siya pauwi. He is so damn tired and tipsy.
Bigla na lang bumulaga sa opisina niya si Julia kanina bago pa man siya makauwi at bitbit pa nito si Brent.
They can't turned down their childhood friend. Mula pa man noon ay spoiled na ito sa kanila kaya marahil ay nasanay itong nakukuha ang gusto kapag magkakasama silang tatlo.
Naglambing ito ng dinner date, naglaro ng bowling at tumuloy sila sa paborito nilang club ng lumalim ang gabi.
Sinubukan niyang tawagan ang kanyang asawa ngunit hindi man lang ito sumagot at kalauna'y hindi na makontak.
Pagtigil sa harap ng kanilang bahay ay nagtaka pa siya ng mapansing madilim ang buong kabahayan which is pretty unusual.
"Honey?", tawag ni Raphael sa asawa ng makapasok siya ng bahay gamit ang kanyang spare key. He switch on the light and examined the whole living room.
Hindi niya alam kung bakit at bigla siyang kinabahan.
He hurriedly climb up the stairs and run fast to their room. With his heart beating vigorously, he scan the whole room.
Nanlalaki ang mga mata niya ng makitang wala si Sharina sa kama.
Wala ring bakas na may nahiga o natulog doon.
Dali-dali niyang sinilip ang banyong nakakonekta sa kwarto ngunit nanlulumong lumabas si Raphael.
"Where are you, wife?", mahinang usal ni Raphael.
Muli niyang tinawagan ang cellphone ng asawa ngunit out of coverage pa rin ito. Bwiset na ipinatong ni Raphael ang cellphone niya sa side table at noon lamang niya napansin ang isang sulat.
" Ralph,
I'm sorry. I love you but good bye. You are free now. Thank you for loving me even if its just a short period of time.
Sharina"
Tila may bombang sumabog sa harap ni Raphael ng mabasa niya ang sulat na iyon. Hindi niya alam kung matatawa siya o maiinis o magagalit. He is so damn confuse. Why all of a sudden his precious wife will leave him without any explanations?
And where will he find his wife? Ni walang kamag-anak o malapit na kaibigan ang asawa dito and worst, he doesn't even know where to start.
As if he ran for miles, he sat on the bed while still holding the note.
"Sharina...why?", bulong ni Raphael. Muling pinasadahan ang notes bago nilamukos at ibinato sa pader.
Ipinatong ang mga siko sa tuhod at pagigil na sinabunutan ang buhok. Nagpasya siyang tawagan ang mga magulang. Nagbabaka-sakaling baka nagtungo doon ang asawa ngunit wala daw ito doon ayon mismo sa ina. Pati tuloy ang kanyang mga magulang ay nabahala. Marahas na lang na napabuga ng hangin si Ralph at nagpaalam sa ina.
......
Kinabukasan,nasa opisina na si Raphael ng maalala si Monica, ang tanging alam niyang naging kaibigan ng asawa dito sa kompanya niya. Agad niya itong pinuntahan sa cubicle nito.
"S-sir Raphael?", gulat na sambit ni Monica.
"Monica, be honest to me, have you see my wife? Does she goes to your place? Or by any chance, did my wife talk to you yesterday?", tuloy-tuloy na tanong ni Raphael sa babaeng kaharap habang matamang tinititigan ito.
"S-si Sharina sir? No sir. The last time that I saw her was when you two got married.", sagot naman ni Monica.
Nag-isang linya ang mga labi ni Raphael.
"May problema po ba Sir?", usisa ni Monica.
"Sharina left me last night. Ni hindi ko alam kung saan siya nagpunta."
Umiling naman si Monica. "Sorry po pero hindi ko pa naman po nakakausap si Sharina."
Bagsak ang mga balikat na tumuloy si Ralph sa kanyang opisina.
......
PANGASINAN...
"Hoy Kyla! May kumakatok, pagbuksan mo nga!", utos ni Chrystin kay Kyla na nakahilata sa sofa habang siya naman ay nagluluto ng kanilang pananghalian.
Napabuga ng hangin si Kyla at patamad na bumangon. Nag inat muna bago tumayo at tinungo ang pinto.
At dahil inaantok pa ay walang pakialam na binuksan ang pinto. Ang hikab niyang sana ay feel na feel niyang gawin ay hindi natuloy at nanlalaki ang mga matang napatitig sa babaeng nasa labas.
Sa gulat ay muli niya itong pinagsarhan ng pinto. Sapu-sapo ang dibdib na tinignan si Iza na nanonood naman ng paboritong programa sa t.v.
Nangunot ang noo ni Iza sa inaakto ng kaibigan. "Oh bakit ganyan ang reaksyon mo? Para kang nakakita ng multo?"
"S-si Sharina...", mahinang usal ni Kyla.
"Ano?", kunot-noo pa ring tumayo si Iza at siya na ang nagbukas ng pinto.
Doon nila muling nakita si Sharina na tipid na nakangiti at nag-aantay lamang na muli siyang pagbuksan.
"Sharina!!", tili ni Iza at sabik na niyakap ang kaibigang ilang buwan na rin nilang hindi nakakausap.
Si Chrystin na narinig ang tili ni Iza ay napatakbo din palabas na hawak-hawak pa ang sandok. "Babz!!"
"Bruha ka! Bakit hindi mo man lang sinabing darating ka pala??", usisa ni Iza na inayos pa ang takas na buhok ni Sharina paipit sa kaliwang tenga nito.
"Oo nga!", segunda ni Chrystin na niyakap pang muli ang kaibigan.
"Ahm....surprise?", alanganing ngiti naman ni Sharina at tinitigan si Kyla na nakatayo pa rin sa may pinto. "Lukaret ka pa rin hanggang ngayon, Kyla!"
Natatawang sinalubong naman ni Kyla si Sharina. "Naku naman kasi teh! Nakakagulat ka! Akala ko kasi kung sinong magnanakaw na ng gate ang kumakatok!", saad nito.
Pabirong sinabunutan ni Sharina si Kyla. Nagyakap sila pagkatapos ay hinila na papasok ang bagong dating na kaibigan.
"Bakit biglaan naman ata ang uwi mo?", usisa ni Iza ng makaupo sila sa sala.
"Oo nga!", ani Kyla.
"Magtatampo na nga sana kami dahil parang nakalimot ka na.", sabi rin ni Chrystin na nakapameywang pa.
"Asus...ang dadrama eh.", nakangiti lang na sagot ni Sharina.
......
Mag-iisang buwan na sa Pilipinas si Sharina ng mapansin ng mga kaibigan na bumibilog siya at lumalakas kumain.
Tinawanan lang niya ang mga ito at sinabing hiyang lang siya sa pagkaing Pinoy. Wala pa siyang lakas ng loob magtapat sa mga kaibigan.
Isang umaga ay nagulantang na lang ang tatlo ng maabutan siyang walang malay na nakahandusay sa loob ng banyo.
Agad naman siyang isinugod ng tatlo sa hospital at ng magkamalay ay puting kisame na ang kanyang namulatan.
"Teh...", rinig ni Sharina ang tinig ni Kyla kaya napabaling siya sa kanan niya.
"Ayos ka lang?", tanong pa ni Kyla. Hawak-hawak niya ang kamay ni Sharina.
"Nakakainis ka!", palatak naman ni Chrystin na nasa paanan ng kama.
Huminga ng malalim si Sharina. May kutob na siyang may alam na ang mga kaibigan.
"Bakit ka naman naglihim sa amin?", nakalabing turan naman ni Iza na tumayo sa bandang kaliwa ni Sharina.
Para siyang kriminal na nasukol dahil nakapalibot ang tatlo sa kanya. "I-im s-sorry.", napapaluhang sambit ni Sharina.
Sa pagitan ng mga hikbi ni Sharina ay isinalaysay niya ang tungkol kay Raphael. Lamang ay wala siyang sinabi tungkol sa kasal at pangalan ng asawa. Nahihiya kasi siya sa mga ito. At hindi pa siya handang aminin ang lahat.
......
Kasalukuyang nasa terrace si Sharina at pinapanood ang paglubog ng araw.
In her silence, she can't help but to reminisce her time with her husband. Kung kamusta na ba ito. Namimiss ba siya ni Raphael? Mahal pa kaya siya nito? Dahil kung siya ang tatanungin ay oo, mahal pa niya ang asawa. Ngunit sa tuwing ganun na ang nasa isip niya ay bigla namang lilitaw ang nakangising mukha ni Julia. Nalulungkot siya, nanghihinayang at nagagalit.
Marahas siyang napabuga ng hangin saka hinaplos ang apat na buwang tiyan niya. Her baby is her reward to herself.
Wala man sa tabi niya ang lalaking mahal ay may anak naman siyang pagbubuhusan niya ng pagmamahal habambuhay.
Lingid sa kaalaman niya ay kanina pa pala siya punagmamasdan ni Chrystin. Nang hindi makatiis ay lumapit na ito kay Sharina.
"Pwede bang maupo sa tabi ng babz ko?", naglalambing na tanong ni Chrystin sa kaibigan.
Napangiti naman si Sharina at iminuwestra ang bakanteng upuan sa tabi nito. "Of course."
Sa pagtataka naman ni Sharina ay magiliw siyang tinitigan ni Chrystin habang umuupo sa tabi niya. "Bakit ganyan ka makatingin sa akin babz?"
Napatawa naman si Chrystin habang umiiling. Hinaplos niya ang tiyan ng kaibigan. "Ilang buwan na lang...masisilayan na ang unang prinsesa natin.", nakangiti niyang sabi.
Sharina just smile genuinely and nod.
"Babz...hindi mo ba....ahm...wala ka bang balak ipaalam sa tatay?"
Maang na napatitig si Sharina sa kaibigan. "Sa ngayon babz, wala. Its not necessary. Tama ng ako na lang ang nasaktan. I will not allow anyone to hurt my child!", and she scoop her belly possessively.
Silence filled the air afterwards.
"Well, don't think too much babz.", pagpapagaan ni Chrystin sa sitwasyon. "Sabi ng doktor masama sa'yo ang mapagod at ma-stress."
"Thank you babz.", pasalamat ni Sharina kasabay ng pagtango.
Saka sila nagyakap.
................................................................................