Masayang binibihisan ni Sharina ang bagong paligong anak na si Chariel. Anim na buwan na ito at hindi niya maikakailang hawig na hawig ang sanggol sa ama nito.
Napabuntong hininga siya ng maalala ang asawa. Mahigit isang taon na rin mula ng umalis siya ng Australia.
Nang manganak siya ay ibinenta niya ang namana niya mula sa kanyang magulang at bumili siya ng bahay at lote sa isang subdivision.
Si Kyla na lang ang kasa-kasama niya ngayon sa kanyang tinitirhan. Natanggap sa isang law firm ang kaibigang si Iza, sa Manila na ito naglalagi sa ngayon ngunit paminsan-minsan ay dumadalaw pa rin ito sa kanila.
Samantalang si Chrystin ay nakapangasawa ng isang hasyendero at sa Batangas na ito ngayon nakatira. Isang beses kada buwan kung dumalaw din ito.
Tatlong katok sa pinto ang nagpabalik sa ala-ala niya.
"Pasok."
"Teh, may b-bisita ka.", ani ni Kyla at naupo din sa tabi niya at nilaro-laro si Chariel.
Nangunot ang noo ni Sharina. "Sino?"
Tinitigan naman ni Kyla ang kaibigan saka napalabi. "Asawa mo daw."
"A-asawa?", maang na saad ni Sharina.
"Oo. Raphael Kavanogh daw siya.", sagot ni Kyla saka napatingin sa batang nagkakakawag.
"K-kamukha ni Chariel!", mangha niyang saad. "Tatay nga siya ni Chariel!!"
Nawalan ng kulay ang mukha ni Sharina. Nanlamig ang buong katawan niya ng marinig ang pangalan ng asawa. Marahas siyang tumayo at binuhat ang anak.
Palakad-lakad siya at hindi mapakali. Pinapanood lang naman ni Kyla ang bawat kilos ng kaibigan. Maya-maya ay ibinigay ni Sharina ang anak sa dalaga na nagtataka man ay agad namang kinuha ni Kyla.
"K-kyla...dito lang kayo ni Chariel.", balisang saad ni Sharina. "Do not go downstairs until I say so."
Hindi na hinintay na sumagot ito at dali-dali na ring lumabas ng kwarto.
......
He is sitting at the sofa like a king while waiting for his servant.
He doesn't know how will he react once he sees again his prodigal wife. Galit siya oo. Pero alam niyang sa kaibuturan ng puso niya ay ito pa rin ang isinisigaw nito.
Dahan-dahan namang bumababa ng hagdan si Sharina. Kita niya ang asawang nakaupo at nakatagilid sa gawi niya at hindi pa siya napapansin.
Malaya niyang pinagmasdan muna ito. Pansin niyang nangayayat ang lalaki ngunit taglay pa rin nito ang angking kaguwapuhan na bumihag sa kanyang puso.
Itinuloy niya ang paglapit hanggang sa mapansin siya nito at halos matunaw ang kanyang puso ng makitang nagliwanag ang mukha nito ng magtama ang kanilang mga mata.
Tumayo si Raphael pagkakita sa asawa. Ramdam niya ang kanyang pananabik. Walang sabi-sabing humakbang siya palapit kay Sharina at niyakap ito ng mahigpit.
"Sharina...", mahinang sambit ni Raphael.
"R-raphael...", naguguluhang sabi naman ni Sharina.
Inilayo ni Raphael ang katawan ng asawa sa kanya. Hinawakan ang magkabilang balikat nito saka siya yumuko at umiling-iling. Kapagkuwan ay bumalik sa inuupuan kanina at walang anumang umupo ulit at sinapo ang mukha ng kanyang mga palad.
"W-what are you doing here R-ralph?"
Nagtagis ang mga bagang na nag angat ng tingin si Raphael.
"I came here for my wife.", sagot niya sa asawa. "And I will not leave without you Sharina."
Nakatitig lang si Sharina sa asawa. Walang maapuhap na sasabihin. Para siyang itinulis sa kinatatayuan.
"Aren't you going to give your husband a kiss, dear wife?", Raphael smirked. Mischief is evident in his eyes.
"Anong...g-ginagawa mo dito Mr. K-kavanogh?"
Bahagyang dumilim ang mukha ni Raphael. "Are you not listening, Mrs. Kavanogh?"
"Hindi...ako...sasama sa'yo!", mariing saad naman ni Sharina.
Lalong dumilim ang anyo ni Raphael. Sharina almost choke her own saliva. His aura changed instantly. He's like a mad lion who's lost into a brawl.
"Nang magpakasal ako sa iyo ay hindi ko naisip ang mga consequences na pwedeng mangyari Raphael. Just l-let me go. Please.", malumanay na sabi ni Sharina.
"How dare you Sharina!", asik ni Raphael. "You left me! You left me without even saying goodbye. I was left dumbfounded! And now? You are telling me to let you go??", dumadagundong ang boses nito sa buong salas.
"Please Ralph!"
"I'll stay with you here or where ever you wanted to go!", may pinalidad na saad ni Raphael.
"No!!", marahas namang tugon ni Sharina.
"Why not? You are my wife. I own you legally in case you are not aware of that dear wife."
"I don't want to be with you anymore Ralph.", nakayuko at napapapikit matang sambit ni Sharina sa asawa. Kinakabahan na siya sa pwedeng gawin ng lalaki.
Pagalit na tumayo si Raphael at inilang hakbang lang ang layo niya sa asawa saka pagigil na hinawakan ang mga braso nito at niyugyog.
"Bakit Sharina?? Am I not that enough for you?! Are you not satisfied with me?!", naniningkit ang mga mata at halos pasigaw na asik ni Raphael. "Tell me!! Dahil mababaliw na ako kakaisip sa totoong dahilan mo!!"
"Ralph....n-nasasaktan ako!", alma ni Sharina.
Agad naman siyang binitawan ni Raphael. Lumayo ng bahagya at minasahe ang batok gamit ang kanang kamay habang nasa bewang naman nito ang kaliwa. Habang si Sharina ay minamasahe ang mga braso.
"Did you ran away that night with a lover? Is he here?", usisa ni Raphael sabay lingon sa asawang nanlalaki ang mga mata. Nagbawi siya ng tingin saka halos pabulong na nagsalita.
"Maybe Julia was right, you were born to be adulterous."
Naningkit ang mga mata ni Sharina sa narinig. Siya naman ngayon ang lumapit sa asawa at umigkas ang palad sa pisngi nito.
"How dare you accuse me of a******y?!", galit na turan ni Sharina.
Napahawak naman si Raphael sa pisngi niya. Hindi makapaniwalang nasampal siya ng asawa.
Hinamig naman ni Sharina ang sarili. Galit na galit siya sa pinagsasasabi ng asawa at binanggit pa talaga nito ang pangalan ng kabet nito.
"How dare you to insult me like that inside my house! Get out!!", sigaw ni Sharina sa asawa.
"Get out of my house! In my life!! And don't you ever comeback!!", saad pa nito habang itinutulak sa dibdib si Raphael na hindi naman niya matibag-tibag.
Hindi naman natinag si Raphael. "Why? Is you're lover's arriving??", galit ding tanong nito.
"Wala akong pakialam kung anuman ang nasa isip mo at paniniwala mo Ralph, just leave me alone!"
"I want to claim my wife back!"
Umiling si Sharina. "I want a divorce Raphael."
Muling naningkit ang mga mata ni Raphael.
Nasa ganun silang sitwasyon ng marinig ni Sharina ang iyak ni Chariel. Binundol ng kaba ang kanyang dibdib at agad na napatingin sa lalaking ngayon ay nakakunot-noo na.
Lalo siyang kinabahan at parang papanawan na ng ulirat ng marinig niyang pababa na ang mga ito.
Parang maaatake siya sa puso ng mga oras na iyon dahilan para mapahawak siya sa kanyang dibdib at sa braso ni Raphael dahil sa panghihina.
Napalunok na lang ng malakas si Sharina ng ganap ng bumungad sa hagdan si Kyla na buhat-buhat ang nag-iiiyak na anak.
"Teh...", apologetic na sabi ni Kyla. "Ayaw tumahan eh."
Humarap si Sharina sa kaibigan. Ang kamay na nakahawak sa braso ni Raphael ay napunta sa kanyang sentido at minasahe iyon.
Tila naman may isip ang bata na tumahan agad pagkakita sa ina.
Nagugulumihang tinitigan ito ni Raphael. Salitan na niya ngayong tinitignan ang bata at ang asawa.
"What's the meaning of this Sharina??", napahilamos sa mukha si Raphael. "W-what's her name? At...ilang....", sinulyapan niya ulit ang bata. "buwan na siya?"
Napakagat labi naman si Sharina. Hindi niya magawang harapin ang asawa. Habang si Kyla ay hindi malaman ang gagawin.
"Tinatanong kita!!!", biglang sigaw ni Raphael.
Napaigtad ang magkaibigan habang sa gulat ay napaiyak na naman si Chariel.
Galit na bumaling si Sharina kay Raphael. "Huwag kang sumigaw, nagugulat ang bata!"
"Sagutin mo ang tanong ko!",
Nanghihinang napaupo si Sharina sa sofa "She's C-chariel...she's....f-five months old."
"And she is mine.", Raphael claim and walk towards Kyla.
"Hush baby...", alo ni Raphael sa bata habang hinahaplos ang likod nito. Nakatingin lang naman si Sharina at Kyla.
Chariel stops from crying and make a soft sound.
"My p-princess...", naluluhang bulong ni Raphael saka kinuha ito kay Kyla. "Can you leave us for a moment?", anito sa dalaga.
Tumingin pa naman muna si Kyla sa kaibigan at ng tumango si Sharina ay agad naman itong tumalima. Tumungo ulit ito sa pinanggalingan at huhulaan na ni Sharina na itatawag agad nito sa mga kaibigan ang nangyayari ngayon dito.
"Why Sharina?", harap ni Raphael sa asawa. "Alam mo bang sa mga sandaling ito ay gusto kong pilipitin ang leeg mo? How could you hide my daughter from me? Why did you leave me just like that?"
"Why don't you asked yourself?", nakairap namang saad ni Sharina. Saka pinagkrus ang mga braso sa dibdib.
"Were you even wearing your wedding ring?", puna ni Raphael.
Sandaling natigilan si Sharina bago buong tapang na sinabing "No."
"Where's your ring?"
"Else where."
Nagtaas-baba ang dibdib ni Raphael. Waring nagtitimpi. "Go home with me and Chariel, be a wife to me again and start anew."
Maang na napatingin muli si Sharina sa asawa. Umiling siya bilang sagot at tumayo sabay lapit sa mag-ama. Akto niyang kukunin ang anak pero hindi iyon ibinigay ni Raphael.
"Akin nang anak ko Ralph."
"No!", mariing tanggi ni Raphael. "Don't push me to my limit, lady! Siguradong hindi mo magugustuhan ang gagawin ko."
"Don't make this complicated Raphael."
"You listen to me Sharina! Simple lang naman ang gusto ko, ang bumalik ka lang sa akin. Kayo ng anak natin. Mahirap ba yun?
"Just...set me free Ralph."
"Nagmamatigas ka pa rin!", dumilim na naman ang anyo ni Raphael. "You don't want to lose Chariel don't you? Aside from my rights, I have also the money and power that I can use to get her from you, dear wife."
Nawalan ng kulay si Sharina. Hindi siya makakapayag na mawalay sa anak! "Raphael..."
"No! I will not let you hide my daughter. I will be a permanent part of my child's life starting today Sharina. Five months?! Matagal na yun na wala ako sa tabi ng anak ko. Hindi pa natin napapagusapan diyan ang mismong araw na nasa sinapupunan mo pa siya. ", garalgal na sambit ni Raphael saka marahang hinalikan sa noo ang anak. "How could you do that Sharina?", may bahid ng pagtatampong tanong niya.
Muling nag-attempt na kunin ni Sharina ang anak and this time ay nagpaubaya naman ang asawa.
"If you think that you can scare me like that Mr. Kavanogh, then think again. The door is open, you may leave.", dire-diretsong saad ni Sharina.
Ngunit sa pagkagilalas ni Sharina ay muling kinuha ni Raphael ang anak mula sa mga bisig niya at walang lingong likod itong umalis. Napatulala siya sa bilis ng pangyayari. Ni hindi siya nakahuma.
Kinuha ni Raphael ang anak niya!
Napatakbo siya sa labas ng kanyang bahay ng marinig ang pag andar ng sasakyan. Ngunit hindi na niya ito naabutan.
"Chariel!!", umiiyak na sigaw ni Sharina.
"Chariel!!", napasalampak siya sa sementadong kalsada.
At sa ganoong ayos siya naabutan ni Kyla.
...............................................................................