MOAOPB: Tease

2181 Words
Kurt's POV Kanina ko pa tinatawagan si Lory pero hindi ako sinasagot. Mag iisang oras na syang wala dito sa bahay kaya medyo nag aalala ako. Should I look for her? "Yes I should" Sagot ko sa sarili ko sabay buntong hininga at tumayo mula sa kama. Bumaba na ako at sinalubong naman agad ako ni Ms. Beirge. "Young master? Kayo po ba ang gumawa nito?" She asked at pinakita nya sakin yung ginagawa ko kaninang pasta na hindi ko natapos. "Did you finish making this?" Tanong ko at umiling naman si Ms. Beirge. "It must be Lory" Malamang sya yung tumapos ng pagluluto nun kasi sya yung naiwan sa kitchen kanina. Kumuha ako ng isang tinidor pagkatapos ay tinikman yung pasta. "It taste good" I honestly did not expect it to be this good. Hindi ko din naman kasi alam na marunong palang magluto si Lory. "Can I also have taste young master?" Tanong ni Ms. Beirge at tumango naman ako. Kahit sya ay mukang nasarapan din sa luto ni Lory. "Napaka sarap naman po nito young master. Eksaktong eksakto lang ang lasa" Komento ni Ms. Beirge. "Nakita nyo po ba si Lory?" Tanong ko sa kanya. "I'm sorry young master but no" She answered. "I see, thank you Ms. Beirge" Sagot ko at dali-daling lumabas nang si Secretary Cruz naman ang nakita ko. "Hey you!" Pag tawag ko sa kanya at agad naman syang lumapit sakin at nag bow. "Yes young master?" Pormal at walang emosyon nyang tanong. Literal na robot ata tong taong to. "Nakita mo ba..." Teka, tama bang itanong ko sa kanya kung nakita nya si Lory? Baka mapansin nyang mag kaaway kami ni Lory kapag nalaman nyang hindi ko mismo alam kung nasan ang finacee ko. Baka ireport nya pa kay upuan kaya wag nalang siguro. "Po?" Tanong nya dahil hindi ko natuloy ang sasabihin ko. "Smile" Sagot ko at mukang napa isip naman sya. "I said smile, like this" Pag ulit ko at ngumiti sa kanya. Sinunod nya yung sinabe ko at parang ewan syang ngumiti. Yung ngiting nakakaasar at nakakapikon. "Nang aasar kaba ha?" Tanong ko sa kanya. "No young master" Mala robot nanaman nyang sagot. "Try to smile more or else you won't get any girlfriend" Sino ba namang gustong makipag date sa robot. "I don't mind staying single forever young master" Walang emosyong sagot nya nanaman. "Yeah whatever" Sagot ko sa kanya at sumakay na sa kotse ko. Baka mapikon lang ako pag kinausap ko pa yun ng mas matagal. Hindi ko alam kung saan ako unang pupunta but I still want to look for Lory. I need to find her, baka kung mapano pa sya dahil madilim at pagabi na din. Mabagal lang ang takbo ng kotse ko para matingnan ko ng maayos ang paligid. Huminto ako sa tapat ng isang convenience store at kinuha yung cellphone ko para tawagan ulit si Lory pero hindi pa din sya sumasagot. Nag message na din ako sa kanya pero wala pa ding reply. Lumabas ako ng kotse ko at patuloy na tinawagan si Lory hanggang sa kumulo bigla yung tyan ko. I'm hungry. Pumasok ako sa loob ng convenience store at kumuha ako ng tatlong hotdog na iniinit nalang sa microwave oven. Maglalakad na sana ako papunta counter ngunit napahinto ako nang makita ko si Lory. "Oh damn" Lutang kong sabi sa sarili ko. Damn she's gorgeous. She's smiling brightly while she's talking to the person that's currently paying. Parang nag slow motion bigla lahat at lumakas ang t***k ng puso ko habang nakatitig lang sa kanya. How can she be so pretty just by smiling. Nakatali ang buhok nya and she's also just wearing a simple grey uniform pero ang ganda nya pa din talaga. "Thank you so much, please come again" Rinig ko pang sabi nya. Napahawak ako sa puso kong napakalakas ng t***k habang nakatingin pa din sa kanya. Nababaliw na ata ako. "Excuse me iho? Magbabayad ka ba?" Tanong ng isang babae sakin dahilan para mabalik ako mula sa pagka lutang ko. "No, um, you go first" Sabi ko sa babae at dumiretso naman sya sa counter at nagbayad. Habang nag babayad yung babae ay mabilis na kumuha ako ng basket at pinuno yun ng pagkain para mas matagal kong matitigan si Lory mamaya. Pagka tapos ng babae nag bayad ay ako naman ang lumapit sa counter at nilapag ang punong puno kong basket. "Kurt?! What are you doing here?" Tanong ni Lory nang makita nya ako. "Little groceries, obviously" Sagot ko at inirapan nya lang ako at nagsimula na sa dapat nyang gawin. "You're smiling at the customers earlier tapos ako naman susungitan mo? That's unfair honey" Sabi ko sabay pout pa. "Akala ko ba ayaw mo akong pansinin" Sagot nya nang hindi man lang ako tinitingnan. "Matitiis ba kita?" Sagot ko pero imbis na kiligin sya ay sinungitan lang ako. Tinaasan pa nga ako ng kilay eh. "Let's eat all of these sa bahay. Uwi na tayo" Sabi ko sa kanya sabay bukas nung isang chips na na scan nya na. "I can't, hanggang 10 pa ako" 10 pm, ang tagal naman nun. Four hours pa bago mag 10 pm. "Why didn't you tell me that you're working here? You know you don't have to work anymore, you're my fiancee now" I can give her whatever she wants. Kahit katawan ko pa. "Fake fiancee" She answered. "Fake or not I'm still willing to give you what you need Lory. You're in this mess right now because of me kaya dapat lang na bayaran kita" She deserves it. Tapos na dapat yung contract namin pero kailangan nya pa ding mag panggap ulit just for me. "Okay okay, but I still need to finish my work here tonight kaya umuwi kana" Sagot nya sabay abot sakin ng paper bag kung saan nakalagay yung mga pinamili ko. "No, I'll stay with you" Sagot ko at umupo dun sa gilid na may table. "Seriously?" She asked. "Seriously honey bunch" I answered sabay kindat sa kanya. May mga bagong customers na pumasok kaya kinalkal ko nalang yung loob ng paper bag ko at naghanap ng makakain ko. Mukang napadami pala talaga yung nabili ko. Hindi ko alam kung kakayanin kong mag antay ng 4 hours kay Lory but I'll try. I want to stay with her here. "Hon!" Pag tawag ko kay Lory kaya napalingon sya sakin pati na din yung ibang mga bumibili. "Shhh" Pag saway sakin ni Lory. Tsk, I just want to ask if she wants some hotdogs. Napaka sungit talaga. Nakasimangot akong tumayo at minicrowave yung tatlong hotdogs. Pagkatapos nun ay lumapit ako kay Lory at binigay sa kanya yung isa. Dalawa yunh para sakin kasi nagugutom na talaga ako. Kawawa naman ako diba. "Thanks" Sagot nya at naka simangot pa din akong bumalik sa kinauupuan ko kanina. Para naman mapansin nyang nagtatampo ako. Tahimik lang akong kumakain habang nakatingin sa mga taong dumadaan sa labas nang umupo si Lory sa upuan sa harap ko. "Drink this, wag puro lamon" She said then she gave me a yakult. She even open it for me. Lihim akong ngumiti at ininom yung yakult na binigay nya. "Hindi kaba mabobored dito sa kakantay sakin?" She asked. "No I don't think so. Hindi ka naman nakakasawang tingnan" Sagot ko sa kanya at bigla naman syang namula ng kaunti tapos umiwas ng tingin sakin. "Nagalit ka ba talaga kanina nung sinabe kong gusto kong isama si Chairman Lee sa picnic natin?" She asked. "Do you really want him to come?" Tanong ko din at tumango naman sya. "Okay but I don't want to talk to him" Sagot ko at nakita ko nanaman ang nakakasilaw nyang mga ngiti. Why is she so happy about dad joining our picnic? "Promise na yan ah?" Paninigurado nya sabay abot nya sakin nung pinky fingers nya. "Promise honey" Sagot ko at nakipag pinky promise sa kanya. Lory's POV Finally! Tapos na ako. 10:15 pm na at nakapag palit na din ako ng damit ko. Andito na din si Sir Harold, yung owner ng convenience store para mag sara ng store. Lumapit ako kay Kurt na kasalukuyang natutulog. Oo, nakatulog sya sa mesa sa kakaantay sakin. Umupo ako sa harap nya at tinitigan ang muka nya. Ang cute nyang matulog, para syang inosenteng bata. May pagka baby face din kasi si Kurt. Kinuha ko yung cellphone ko sa bag ko at kinunan sya ng picture. Sayang naman kasi kung hindi ko kukunan, baka magamit ko para pang asar sa kanya. "Kurt wake up, uwi na tayo" Pag gising ko sa kanya habang tinatapik tapik pa ang balikat nya. "Tara na Kurt" Pag gising ko ulit sa kanya at umayos naman sya ng pag upo. "10 pm na?" Tanong nya at humikab pa. "Hmm" Malambing na sagot ko naman sa kanya. "Yeah let's go home" Sagot nya at tumayo na kaya tumayo na din ako. Halatang antok pa sya dahil medyo gumegewang gewang pa. "Kapit ka sakin" Sabi ko sa kanya at agad nya naman akong inakbayan. "I'm good but sure honey" Sagot nya. Pinag buksan nya ako ng pinto ng kotse pagkatapos ay pumasok na din sya at nilagay sa back seat yung mga pinamili nya kanina. "Can I play some music?" He asked at tumango naman ako. May pinindot sya sa kotse nya at agad akong napahinto sa tono ng music. Napa sabi agad ako ng 'what the f**k' sa isip ko. Una palang parang may ungol na sa kanta. My body is your party, baby Nobody's invited but you, baby I can do it slow now, tell me what you want What the heck is wrong with this man? He's playing a sexy song in the car like he's all alone. Baby, put your phone down, you should turn it off 'Cause tonight is going down, tell your boys is going down We in the zone now, don't stop "Can you change the music?" Sabi ko kay Kurt pero umiling lang sya. "I like this song, it's my favorite because it turns me on" WHAT THE F?! You can keep your hands on me, touch me right there, rock my body I can't keep my hands off you, your body is my party "Edi mas lalong dapat nating patayin" Sabi ko at papatayin ko na din sana yung music nang pigilan nya ako at hinawakan ang kamay ko. I'm doing this little dance for you You got me so excited Lumalakas ang t***k ng puso ko pero mas lumakas pa nang ihinto at itabi nya yung kotse. Now it's just me on you Your body's my party, let's get it started" "Why.. why did we stop?" Nauutal utal kong tanong sa kanya. "To start something" Mapang akit nyang sagot. What's wrong with him? Why did he changed the tone of his voice? Boy, you should know that your love is always on my mind I'm not gonna fight it, I want it all the time "What..do you.. mean?" Parang sasabog na yung puso ko sa kaba nang makita kong inialis nya yung seat belt nya at unti-unting lumapit sakin. Boy you should know that your love is always on my mind I can't it deny it, I want you, I want you "I really like your lips" He whispered on my ear kaya medyo nakaramdam ako ng kiliti sa bandang yun. I can't lie, I won't lie, it's amazing My faces, the places, you're taking me "I....." Hindi ako makapag salita ng maayos dahil nakatuon ang isip ko sa mainit na hininga nyang tumatama sa leeg ko. Ganun sya kalapit sakin ngayon kaya dikit na dikit ako sa pintuan ng kotse. Baby, take your time now, there's no need to rush We can go another round, if that's what you want "You what honey?" Bulong nya nanaman sakin. I'm not that innocent and I know for sure na may kakaiba akong nararamdaman sa sarili ko. Alam ko din kung gano ako kabilis ma turn on. 'Cause tonight is going down, yeah you know it's going down We in the zone now, don't stop "Kurt you better stop this now" Nakapikit kong sabi sa kanya. You can keep your hands on me, touch me right there, rock my body Hindi ako tumatakbo pero hinahabol ko ang hininga ko ngayon dahil sa kakaibang nararamdaman ko. Pinipigilan ko ang sarili ko dahil baka ako pa ang humalik sa lalakeng to ngayon. "Yeah I should" He answered. What?! Wait! I mean, um, yeah, he should. Oh my gosh Lory, anong sinasabe mong wait ha! "Sorry, but to be honest I really want to kiss you in the lips right now" Sabi nya pa sabay patay ng music. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko kaya hindi nalang ako nagsalita. Kinuha ko nalang yung tubig na nasa bag ko at dire-diretsong ininom yun. Sinulyap ko si Kurt at nakita kong naka ngisi sya habang nag dadrive. Pinag titripan lang ata ako ng lalakeng to. Napaka abnormal talaga. "Don't forget your promise ha" Pag papaalala ko sa kanya at tumango naman sya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD