MOAOPB 8: First tampuhan

2093 Words
Lory's POV Pagka baba palang namin ni Kurt ng sasakyan ay nakahawak na agad ako sa braso nya na parang bata sa takot. Sigurado kasing galit na galit sakin yung Mika na yun ngayon. "Ano ba? Para kang bata" Pagsaway sakin ni Kurt sabay pout ko naman. "Ehh kasi naman eh natatakot ako" Hinayaan nya nalang ako at pumasok na kami sa loob ng bahay. "Anong wala!! Papasukin nyo sabi ako eh!" Papasok palang kami pero naririnig na namin yung ingay ni Mika kahit na sobrang laki ng bahay nila Kurt. "Utos po yun ni young master" Pag saway sa kanya ng mga body guards. "The hell! Si Chairman asan sya? Huh? Asan?" Sigaw nya pa ulit. Ang kalat ng paligid at talagang literal na nagwala nga talaga sya dito. "Mika" Pagtawag ni Kurt sa kanya at nang makita nya si Kurt ay agad syang lumapit at niyakap si Kurt kaya medyo napalayo naman ako. Grabe hindi nya ba ako nakita? Ano ako multo lang? "Kurt ibalik natin yung dati please? Promise hi..hindi ako magagalit sayo" Pagpapakiusap nya kay Kurt pero nilayo lang sya ni Kurt sa kanya pagkatapos ay hinatak ako sabay hawak sa kamay ko. "Hindi na pwedeng ibalik yung dati mika, Magkakapamilya na ako" Naks naman best actor, kala mo talaga totoo, puro tae nga lang ang laman ng tummy ko. "I know you Kurt, madami kang kalokohan kaya hinding-hindi ako maniniwala sayo, And you!" Sabay turo nya sakin. "Sabihin mo totoo ba? Huh?! Magsabi ka ng totoo kung ayaw mong pagsisihan to" Grabe mambanta. Chill lang everyone at baka maihi na ako dito mamaya. "Lahat ng sinasabi ni Kurt ay totoo. I'm sorry to hurt your feelings but I love Kurt" Sagot ko sa kanya sabay kagat ng dila ko pag tapos. Mama, ayoko na huhu. "May araw ka din sakin" Banta nya ulit sakin at naglakad paalis. "Linisin nyo nalang yan" Utos ni Kurt sa mga maids na kaninang umaawat din kay Mika. "Yes young master" Sagot nung mga maids tapos ay umakyat na si Kurt papunta sa kwarto kaya sumunod naman ako. Agad syang humiga sa kama pagpasok namin sa kwarto at napa hinga ng malalim. "Sorry kung hindi dahil sa..." "Shut up and lie down" Pagputol nya sa sinasabe ko sabay tap nya sa kama. "Huh?" Tanong ko dahil medyo nalutang ako. "Nabingi kana ba" Masungit na tanong nya. Napaka sungit ng manyak na to! Daig pa yung babaeng may regla. "H-hindi" Sagot ko at tumabi sa kanya. Pag higa ko ay pinaunan nya sakin ang kamay nya at niyakap ako. Ang bilis tuloy ng t***k ng puso ko. "Just stay" He said out of nowhere habang nakapikit at ako naman tong ewan na sa kisame lang nakatingin at blankong- blangko. Dikit na dikit ako kay Kurt ngayon kaya amoy na amoy ko din ang pagka bango nya. Habang patuloy na ninanamnam ang napaka bangong amoy ni Kury ay hindi ko namalayang nakatulog na pala ako. [Time check 11:29 pm huhu antok na si author, good night, saved] "Hmm" Nagising ako na wala na si Kurt sa tabi ko. Hinahanap ko agad yung cellphone ko pero hindi ko makita kaya yung cellphone nalang ni Kurt ang tiningnan ko ng oras tutal yun naman ang una kong nakita. 3:08 PM 1 new unread message from:09******** baby, miss na kita let's meet please? Nakaramdam naman ako bigla ng pag kainis sa nabasa kong yun. Bakit ba ako naiinis? Playboy sya kaya natural lang sa kanya yan at bilang isang babae natural lang din sakin ang mainis. Tama! Yun lang yun! Bakit ba naman kasi may mga lalakeng nag eenjoy na makipag laro sa mga babae, same din sa mga babae, bakit hindi nalang sila maghanap ng isa and live a good and happy life. Narinig kong may humawak ng door knob at sa tingin ko si Kurt yun kaya ibinalik ko kaagad yung cellphone nya sa side table. "Oh meryenda" Sabay abot nya sakin nung pancake na dala nya. "M-may nag text sa-sayo baby mo daw" Sabi ko sa kanya nang hindi sya tinitingnan. "Binasa mo?" He asked. "Obvious ba?" Kinuha nya yung cellphone nya tapos chineck nya kung may nagtext nga. Hindi nya pinansin yung text at binaba lang ulit yung cell phone nya dun sa mesa. "Kumain kana" Sabi nya sanay abot ulit sakin nung pancake na dala nya. "Ayoko wala akong gana" Naka pamewang kong sagot sa kanya. "Ahh talaga lang huh" Kinuha nya yung tinidor tapos nag slice ng kaunti sa pancake at itinapat sa bibig ko "Ayoko nga" Anong tingin nya sakin? Bata? "Niluto kopa to para sayo dali na kainin mona" Sya pala yung nagluto hihi ang sweet pero ayoko pa din. Che! "Ibigay mo nalang sa baby mo" Masungit na sagot ko sa kanya. "Wait, nagseselos ka ba?" Tanong nya na may kasamang nakakalokang ngiti. "No, bakit naman ako magseselos" Sira ulo. "Sus ayaw pang aminin, ikaw lang yung priority ko okay?" Utot mo blue Kurt Lee. "Talaga?" Taas kilay na tanong ko sa kanya. "Yes, tsaka about sa text kanina umm ano... umm" Anong problem neto? Puro umm. Huminga sya ng malalim at umiwas ng tingin sakin. "I'm sorry" Nahihiya nyang sabi. Hindi nga sya makatingin ng diretso eh natawa tuloy ako. "Care to repeat that Mr. Lee?" Nakangiting sabi ko sa kanya, ang sarap pakinggan eh. "Geez I'm sorry about that, all right?" Wahahahaah he's so cute. "Psh! Is it that hard for you to apologize?" Hindi naman mabigat kasalanan nya para mahirapan sa pag aapologize. "Also, my relationship with other girls is different than the one I have with you naiintindihan mo naman diba?" Dagdag nya pa. Kinikilig ako yiee. Pero syempre ang pinag kaiba ko sa mga babaeng yun ay naka kontrata lang yung akin tsaka fake. "Hmm" Pag tango ko sa kanya. "Kaya kumain kana pwede ba?" Ngumiti lang ako sa kanya tapos sinubo na yung slice nyang pancake nya kanina. "Ikaw din" Sagot ko sa kanya at nagulat naman ako nang bigla nya akong hinalikan sa pisngi ko. *Chup* Napahawak agad ako sa pinsgi kong hinalikan nya dahil sa gulat. What was that? "Solve na ako kaya ubusin mona yan" Sabay takbo nya palabas ng kwarto, alam nya atang babatukan ko sya kaya tumakbo na agad. "Hoy, san ka nanaman pupunta!" Sigaw ko pa pero hindi sya sumagot kaya kumain nalang ako. Grabe ang sarap, nakaka turn on tuloy. Akalain mo yun isang rich play boy marunong magluto. Pagkatapos kong kumain ay bumaba na ako ng kwarto para hugasan yung plato nang makasalubong ko naman yung daddy ni Kurt. "Good afternoon po" Sabay bow ko sa kanya. "Good afternoon iha kumain kana ba?" Bati nya din sakin. "Ah opo pinagluto po ako ni kurt" Sagot ko at para namang nagulat si Chairman Lee sa sinabe ko. "Pinagluto ka nya?" Tanong ni Chairman Lee. "Opo, ang sarap nga po" Sabay thumbs up ko pa. "Mabuti naman at naalagaan ka nya ng maayos, sige aakyat na ako" "Sige po" Ngiting sagot ko at umalis na sya nang may pagtataka pa din sa muka. Baka hindi nya din alam na marunong magluto si Kurt. Nagpatuloy nalang ako sa paglalakad hanggang sa makarating ako sa kitchen. "Hoy anong ginagawa mo?" Tanong ko nang maabutan ko si Kurt na sobrang busy sa kusina. "Hi hon, I'm just practicing a new dish that I saw on f*******:" Sagot nya. "Anong tawag dyan?" Tanong ko ulit. Mukang masarap. "Baked Feta Pasta. I want to learn how to do this so I can bring it kapag nag picnic na tayo" Na excite naman ako bigla sa sinabi nyang yun. "Magpi picnic tayo? Talaga? Sinong kasama?" Excited kong tanong sa kanya. "Ikaw bahala kung sinong gusto mong isama" Sagot nya kaya napaisip naman ako bigla, gusto ko sanang isama sila mama kaso may naisip ako. Kailangan nilang makapag usap ng daddy nya para magkaintindihan sila. Ayoko sanang makialam pero malay mo naman diba. Baka magandang pagkakataon na to. "Kahit sino?" Tanong ko ulit sa kanya para sigurado. "Oo nga" Sagot nya naman. "Promise?" Para siguradong-sigurado. "Promise!" "Okay pinky finger" Sabay offer ko sa kanya ng pinky finger ko at naki pag pinky promise naman sya. Ayos, madaling kausap. "Gusto ko sanang isama si Chairman yung daddy mo" Sabi ko at bigla naman syang napahinto sa ginagawa nya. "No!" He answered. "Pero sabi mo kahit sino, nag pinky promise ka pa nga eh" Scammer ata to. "Malay ko bang sya yung sasabihin mo" Sagot nya. "Kailangan nyo din kasing makapag usap" Sabi ko at padabog na nilapag nya naman yung knife na hawak nya tapos naglakad palayo. Nagalit ata. *Sigh* Hindi ko na sya sinundan at tinuloy ko na lang yung mga hinihiwa nya. Hindi ko sigurado kung pano gawin yung mga to pero nakasulat naman sa aklat yung instructions kaya susubukan ko nalang. Sigurado naman kasing hindi nya na tatapusin to. Pagkatapos maluto ay tinikman ko kaagad. Mukang masarap naman kaya inayos ko na yun sa magandang lalagyan at ipinatong sa mesa para palamigin. Umakyat ako pabalik sa kwarto ni Kurt at naabutan ko syang nag lalaro ng cellphone nya. Hindi nya ako pinapansin kaya hindi ko nalang din sya pinansin at kinuha ko nalang yung bag ko at naglakad palabas. Papasok ako sa part time job ko. Nagtatrabaho ako sa isang convenience store at naka schedule ako ng 5 pm- 10 pm. Papalabas na ako ng mansion nang harangin ako ng isang lalake. Si Secretary Cruz ata to, yung lalakeng unang nagdala sakin dito. "Where are you going young miss?" Tanong nya sakin. "Sa convenience store po" Sagot ko naman sa kanya. "Gusto nyo po bang ihatid ko na kayo?" Tanong nya ulit kaya napa ngiti naman ako. Makakatipid ako ng pamasahe kapag hinatid nya ako kaya pumayag na ako. "Sige po" Nakangiting sagot ko sa kanya at inalalayan nya naman akong sumakay sa loob ng kotse. "Ano po bang bibilhin nyo sa convenience store?" Tanong sakin ni Secretary Cruz nang magsimula ang byahe namin. Pwede ko bang sabihin sa kanya na nagtatrabaho ako dun? Wag ko nalang siguro muna sabihin at baka mag duda pa sila sakin. "May kikitain lang po akong kaibigan dun. Dun po kasi sya nag tatrabaho" Pagpapalusot na sagot ko kay Secretary Cruz at tumango lang sya. Saglit lang ang naging byahe namin dahil malapit lang yung convenience store. Pagkahinto ng sasakyan ay agad na lumabas si Secretary Cruz at pinag buksan ako ng pinto. "Thank you po" Sabi ko sa kanya. "Gusto nyo po bang sunduin ko na din kayo mamaya?" Tanong nya. Gusto ko sana pero ayokong mabuking. "Hindi na po. Sasabay nalang po ako sa kaibigan ko mamaya" Sagot ko sa kanya. "Alright. Take care young miss" Sabay bow nya sakin. Tumango lang ako sa kanya at pumasok na ulit sya sa kotse. Hindi ako kaagad na pumasok sa store dahil baka makita nya pa akong nagsusuot ng uniform kaya kumaway nalang ako sa kanya hanggang sa makalayo na ang kotseng sinasakyan nya. Nang masigurado kong malayo na sya ay agad akong pumasok sa loob ng store. "Medyo late ka ah" Pag bungad sakin ng dapat papalitan ko. "Hehe sorry" Sabay peace sign ko at pumasok sa loob ng staff room para mag palit ng damit. Pagkatapos kong mag palit ay lumabas kaagad ako at pinalitan si Yiro sa counter. "Uwi kana, ingat" Sabi ko sa kanya. "Bye, ingat din" Sabi nya at isinuot yung earphone nya at lumabas na ng store. Kaklase ko si Yiro at sya din ang nag recruit sakin dito para mag trabaho. Nakakainggit nga eh kasi ang dami nyang mga part time job. Hindi naman ako masyadong napapagod sa pagtatrabaho kasi naeenjoy ko din naman. "Welcome po" Bati ko sa babaeng pumasok. May kasama syang cute na batang babae na sa tingin ko ay anak nya. "Miss meron ba kayong nestle kimy banana ice cream? Yun kasi yung gusto ng anak ko eh" Tanong nung babae. "Meron po maam. Sandali po, ako na pong kukuha" Nakangiting sabi ko at lumapit sa freezer namin. Paborito ko din to eh yung ice cream na parang banana talaga kasi need balatan. "Here po, 15 pesos po" Nakangiting sabi ko sa babae. Nagbayad na sya pagkatapos ay binuksan yung ice cream at binigay yun sa anak nya. "Thank you miss. Ang ganda mo tingnan, palagi kang naka ngiti" Sabi pa nung babae bago sila umalis kaya naman mas napangiti pa ako lalo. "Salamat po, please come again" Ang bait naman ng first customer ko for today, nakakagana. Mukang magiging maganda ang shift ko ngayon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD