MOAOPB 7: Underwear

2033 Words
Kurt's POV "Hmm" Nag eenjoy ako ngayon sa posisyon namin ni Lory haha ewan basta ang komportable lang. She moaned softly then she hugged me tight. I kissed her on her forehead tapos sinuklay ko din yung buhok nya gamit ang mga daliri ko. I don't know why I'm doing this but I just love this feeling right now so much. Kaya siguro mahilig mag cuddle yung mga tao. Masarap pala kasi sa pakiramdam. I never cuddle anyone besided my mom and my dad before. I'm a playboy but it doesnt mean that I don't want to have a happy family in the future and be a good husband and dad. Nang maramdaman kong magigising na sya ay agad naman akong pumikit at nag pretend na tulog pa din. Syempre ayoko pang mamatay ng maaga sa kamay ng babaeng to ano! Siguradong nagulat sya sa posisyon naming dalawa. I can hear her gasp, muntik pa nga akong matawa. Naramdaman ko ding unti-unti nyang inaalis yung kamay ko na nakayakap sa kanya pero syempre hindi ako papayag na mialis nya yun. "Hmm" Kunwaring tulog na ungol ko sabay tanday ulit sa kanya. "Malas naman oh" Rinig kong bulong nya haha pikon na yan. *booooogsh!* "ARAY!!" Sigaw ko nang hampasin nya ako ng unan ng sobrang lakas. Mabuti nalang at malambot yung unan kaya hindi ko masyadong dama yung sakit. "Gumising kana! Tumayo kana dyan" Kakaiba talaga tong babaeng to, ang swerte nya na nga kasi may katabi syang gwapo. Ang dami kayang babaeng gustong tumabi sakin sa kama tapos ang bango ko pa kahit bagong gising. "Sus kunwari pa, enjoy na enjoy ka nga sa kakayakap sakin magdamag" Pang aasar ko nanaman sa kanya at itinaas nya naman ulit yung kamay nyang may hawak na unan na pwede nyang ihampas sakin anytime and anywhere. "Oh joke lang, joke lang" Inirapan nya lang ako sabay padabog na pumasok sa cr pero lumabas din sya ulit para kumuha ng damit tapos pumasok ulit. Kinuha ko nalang yung cellphone ko sa side table tapos naglaro nalang muna. Antayin ko nalang sya matapos since bawal kaming sabay maligo. Maganda nga sana yung ganun eh #savewater hehe. "Uhm Ku-Kurt" Pag tawag sakin ni Lory na nasa loob pa din ng cr. Narinig ko sya pero tinuloy ko lang ang paglalaro ko at hindi muna ako sumagot. "Hoy Kurt andyan kaba?" Pagtawag nya ulit sakin pero nilakasan ko lang yung volume ng cellphone ko para maasar sya lalo. "Bwisit naman oh" Sigaw nya. Napangisi naman ako haha naiinis na sya. "Ho-honey!" Halatang nahihiyang pag tawag nya sakin at napangiti naman ako agad. "Yes honey?" Malambing at nakangiti kong sagot sa kanya. "Paabot naman ng ano" Sagot nya sakin kaya napa kunot noo naman ako. Anong ano? "Anong ano?" Tanong ko sa kanya. "Yung ano..." Ano ba kasi? Makikipag hulaan pa ata ako dito. "Huh? Ayusin mo nga honey" Sabi ko sa kanya. "Bwisit! Yung underwear ko naiwan ko" Sigaw nya at bigla namang uminit ang pisngi ko sa sagot nyang yun. I did not expect that answer. "BWAHAHHAHAH" Malakas na pag tawa ko. Sa lahat ba naman kasi ng maiiwan nya ay talagang underwear nya pa. "Titigil ka sa pag tawa o masasaktan ka mamaya?" Sigaw nya kaya tumigil naman ako agad. "Bakit mo ba kasi iniwan? Sinadya mo sigurong iwan yun no?" Pang aasar ko sa kanya habang tumatawa pa din, hindi ko maiwasang tumawa. Bahala na kung magagalusan mamaya. "Baliw! Hindi no tsaka naiwan ko yun at hindi iniwan" Sagot nya. Binuksan ko yung drawer nya at nakita ko na nga ang mga underwears nya. "Anong kulay ba? Red? Black? Pink? or blue?" Tanong ko habang isa isang chinecheck bawat kulay na makikita ko. "Ka-kahit an-ano kumuha kana l-lang" Utal-utal nyang sagot kaya napapangiti ako. She's so embarrassed. "Okay hon" Nilabas nya yung kamay nya sa pinto ng cr tapos inabot ko naman yung kinuha kong underwear nya. Color pink yung pinili ko haha, cute kasi bagay sa kanya. Pagkakuha nya nun ay sinara nya din agad yung pinto. "Walang thank you honey?" Tanong ko. "Thanks" Sagot nya. "Huh? What?" Tanong ko na kunwari hindi ko sya naririnig. "Thank you honey" Sarcastic nyang sagot pero okay na yun baka magalit pa kung kukulitin ko at mapuruhan nanaman ako. Maya-maya pa ay nakalabas na sya ng cr. Napansin ko ding hindi sya tumitingin ng diretso sa mga mata ko o kahit sa muka ko man lang. "Honey" Pagtawag ko sa kanya pero hindi nya ako pinansin. "Hoy honey" Pagtawag ko ulit sa kanya. "Ba-bakit?" Nauutal pa din sya. "Wala lang" Sagot ko. "Pang asar ka talaga eh no?" Sigaw nya and finally ay hinarap nya na din ako. "Hahah sige na maliligo lang ako" I said as I smiled at her. Pagkapasok ko ng cr ay napahinto ako saglit. Unang tingin palang ay halata kaagad na may babaeng gumagamit ng cr ko. Napangiti nalang ako habang nakatingin sa mga gamit nya. Sandali lang akong naligo dahil nilalamig ako. Pagkatapos ko ding maligo ay bumaba na kami ni Lory para kumain. Hindi namin kasabay ngayon si upuan kasi may meeting sya at kasama nya din yung babae nya. "I miss you mom" Bulong ko sa hangin. My mom died 3 years ago at hanggang ngayon hindi ko pa din matanggap na wala na si mom. Ewan ko ba kung bakit ang dali lang para kay upuan na makahanap ng kapalit ni mom tapos ikakasal na sila agad. "Ta-da!!" Sabay lapag ni Lory ng chicken sa mesa. "Ikaw? Ikaw ba ang nagluto nito?" Tanong ko sa kanya. "Hindi lahat kasi yung iba dyan niluto ni Ms. Beirge tumulong lang ako" Napatingin ako kay Ms. Beirge to confirm it and she just nod. "Pasensya na young master kung hinayaan ko syang magluto, nagpupumilit po kasi si young miss" Ms. Beirge said. "No, it's fine" Sagot ko. "Hay ano kaba Ms. Beirge sabi ko naman sayo wag kanang maging pormal masyado dapat pantay lang, friends okay?" Sabi naman ni Lory sa kanya. "I'm sorry but I can't young miss, that's due to the chairman's order" Sagot ni Ms. Beirge at nag pout naman si Lory. "Ang boring naman nun" She said at umupo na. She's so cute and full of energy. "Umupo na din po kayo" Sabi ni Lory kay Ms. Beirge "Po?" Tanong ni Ms. Beirge. "Sige na kumain kana, hindi ka tatantanan nyan" Utos ko. "Ah yes, young master" Nagsimula na kaming kumain at ang daldal ni Lory. Puro pakikipagusap kay Ms. Beirge ang ginawa nya habang kumakain habang ako ay tahimik lang na nakikinig sa kanila. "Ms. Beirge cute po bang bata si Kirt dati?" Tanong ni Lory kay Ms. Beirge. Sandali pang napatingin sakin si Ms. Beirge bago nya sinagot ang tanong ni Lory. Bakit ba kasi biglang ako ang napag usapan. "Opo young miss. Medyo malamang bata po si young master" Sagot ni Ms. Beirge habang mahinang tumatawa pa kaya tiningnan ko naman sila ng masama. "May mga pictures po ba kayo ni Kurt? Gusto ko pong makita!" Sabi naman ni Lory. "Crush mo ba talaga ako?" Pag singit ko sa kanila at sinamaan nya lang ako ng tingin. Aba dapat nga ako ang nagsusungit sa kanila. Pagkatapos ng pagkain at tawanan nila Lory at Ms. Beirge ay umakyat na ulit kami ni Lory sa kwarto. "Magbihis ka may pupuntahan tayo" Sabi ko kay Lory. "Saan naman?" Tanong nya. "Stop asking, will you? Magbihis kana lang okay?" Inirapan nya lang ako tapos pumasok sya sa cr. Nagbihis na din ako tapos nag ayos ng kaunti at ganun din sya. Pagkatapos nun ay lumabas na kami ng bahay at umalis. "Bakit tayo nandito?" Tanong nya nang makarating na kami sa pupuntahan namin. "Basta, dyan ka lang sa loob at antayin mo ako" Sagot ko sa kanya. Kinuha ko yung binili kong puting bulaklak na nasa back seat kanina pagkatapos ay lumabas na ako sa sasakyan. Pagkapasok na pagkapasok ko palang sa loob ay sa kanya na agad tumama ang mga mata ko, palagi naman. She's my first love. Lumapit ako sa kanya at iniabot ang bulaklak na dala ko. "Hi mommy" Rian Lee, August 29, 1977- October 4, 2015 I looked at my mom's picture and I can't help myself to smile bitterly. "I'm sorry mommy kung ngayon lang ako nakadalaw, I miss you so much at gaya nga po ng lagi kong sinasabe sa inyo sorry kung pinanganak akong gwapo ayan tuloy naging playboy pa ako, hirap maging gwapo mom" Biro ko. That is what I always do whenever I come here. I always joke first to stop my tears. Lagi akong naiiyak kaagad pag dating kay mommy. "How are you doing mom? Siguro alam mo na yung kay dad right?" He's getting married with another woman. How can he let go of mom? I just can't understand. "Sana kasama pa din kita ngayon mom hindi pa kasi ako handa na may pumalit sayo, I miss you so much mommy" I said as I touch my mom's urn. "Kaya ba galit ka sa daddy mo?" Who the f**k did just talked to me? A ghost? "F*CK!!" Sigaw ko habang nakahawak pa sa dibdib ko sa sobrang gulat. Walangya naman. Ang bilis ng t***k ng puso ko sa gulat. Ang tahimik kasi tapos biglang may magsasalita. "Ano ba? Hindi ba sabi ko dun kalang sa kotse?" It's her again. Napaka tigas ng ulo ng bababeng to. "Wala namang magnanakaw ng kotse mo kahit na hindi ko bantayan" Sagot nya ay napa face palm naman ako. "That's not the point why I told you to stay there" Wala akong pake kung manakaw kotse ko at hindi ko sya pina stay dun para bantayan ang kotse ko. What the f**k? "I know, I'm just kidding. Nakakainip lang kasi dun" Sagot nya. Masisiraan ata agad ako ng bait sa babaeng to. "Madrama ka din pala?" Pang asar na tanong nya sakin kaya naman sinamaan ko sya tingin. "It really takes time para matanggap mo ang isang bagay kailangan mo lang I-appreciate yung pagbabagong yun tsaka dapat mag usap din kayo ng dad mo" She said. "Hinihingi ko ba yung opinion mo?" Sagot ko sa kanya tapos sumimangot naman sya at lumapit kay mom. "Napakapasaway po ng anak nyo tita. Dapat po siguro multuhin nyo paminsan minsan" Really huh? Who said I'm scared of ghost? Hindi counted yung kanina ah. "Ako nga po pala si Lory, fake fiancee po ng anak nyo, sorry po sa kalokohang ginawa namin. Pero promise po babantayan ko po si Kurt, napaka tigas po kasi ng ulo tapos may pagka manyak pa kaya dapat talaga may taga palo" Diretsong pagka usap nya kay mommy. Naka titig lang ako sa kanya habang nagsasalita sya at hindi ko namamalayan na nakangiti na pala ako habang tinititigan sya. Lumapit ako sa kanya at hinawakan ang kamay nya kaya naman napatingin sya sakin. "Alis na po kami mommy" Pag papaalam ko kay mommy dahil baka lalo pa akong siraan ng babaeng to sa mommy ko. "Teka nag eenjoy pa akong kausapin si tita" Sabi ni Lory na parang nakikipag usap talaga sya kay mommy. "Baliw kaba? May third eye kaba?" Tanong ko sa kanya. "Wala pero kung meron man talagang ipapamulto kita sa lahat ng multong makikita ko" Wala syang third eye pero mukang may tama sa ulo. "Bye mom alis na po kami ng honey ko, let's go" Pagpapaalam ko kay mommy at hinila na si Lory palabas. Nakasimangot pa nga sya eh. "Next time I will bring flowers to your mom" She said at tumango lang ako. Pumasok na kami sa loob ng kotse nang bigla namang tumawag si Ms. Beirge. Calling: Ms. Beirge "Hello?" Pag sagot ko sa tawag ni Ms. Beirge. "Young master si Mika po nagwawala dito sa mansion" Natatarantang sabi nya. Pinatay ko na kaagad yung tawag at agad na nag drive pauwi. "Teka? Uuwi na tayo?" Tanong ni Lory. "Yes, nagwawala daw si Mika sa mansion ngayon" Sagot ko at inayos ang seat belt nya. Natahimik sya sa sinabi ko kaya nag focus nalang ako sa pagda drive pauwi. [A/N: thank you so much for reading my story. Please don't forget to follow me ♡]
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD