MOAOPB 6: Pretending again

2007 Words
Lory's POV Andito na ako ngayon sa mansion ng mga Lee, dala kona din yung mga gamit ko. Muka nga akong nag layas samin eh. Sinundo ako ng mga taohan ni Mr. Lee. Inalalayan ako ng isang lalakeng bumaba ng kotse tapos binaba nya na din yung mga gamit ko. "Oh honey you're finally here" Super sweet na sigaw ni Kurt. Lumapit sya sakin na may dala pang flowers at hinalikan nya pa ako sa noo ko. "Grabe namiss kita halos di nga ako makatulog kagabi sa kaiisip ko sayo" Kung plastikan ang labanan, si Kurt na pambato ko. Panalo na to. "Oh talaga ba HONEY?" Diniinan ko pa talaga yung pagsabi ko ng word na honey para ipakita sa kanyang naiinis ako sa kaplastikan nya pero mukang walang kwenta. Nakakapikon yung itsura nya. "Oo naman, tara na?" Sabay offer nya pa ng kamay nya sakin at holding hands kaming naglakad papasok. Sumusunod pa din kasi samin yung lalakeng may dala ng mga gamit ko kaya dapat sweet pa din kami. "San ako matutulog?" Bulong na tanong ko sa kanya. "Sa kwarto ko, tabi tayo" Sabay kindat nya pa sakin. "Ano? Bakit dun?" Oh no, ayoko. Sobrang awkward at nakakailang naman nun. "Nakakita kana ba ng mag asawang hiwalay matulog?!" Oo nga naman pero kahit na! Hindi naman kami totoong mag girlfriend and boyfriend. "Anong mag asawa, hindi tayo mag asawa noh!" Pag angal ko sa kanya. "Hindi pa pero malapit na tsaka wag ka ngang mag inarte dyan na parang lugi kapa" Kita mo tong isang to! Ang yabang diba! Sarap ihagis sa bintana. "Heto na po young master" Sabay lapag nung lalake ng mga gamit ko ng makarating na kami sa kwarto ni Kurt. Tumango lang si Kurt sa kanya at nag bow naman sya kay Kurt pati sakin bago sya tuluyang umalis. Grabe ang pormal nilang lahat dito, sobrang nakakapanibago kompara sa normal kong buhay. "Teka? Asan na yung singsing mo?" Tanong ni Kurt at hinawakan ang kamay ko. "Ah? Yun ba? Nasa bag ko yata" Sagot ko kaya kinuha nya yung bag ko sakin at hinanap yung sing-sing. "Wag na wag mong iwalala o tatanggalin to okay?" Bilin nya kaya tumango naman ako. Inilapag nya sa kama yung bag ko at kinuha yung kamay ko pagkatapos ay isinuot nya yung singsing sa daliri ko. "Mag ayos kana ng sarili mo tapos ayusin mo na din yang mga gamit mo" He said. "Hindi mo ako tutulungang magbuhat ng mga to?" Sabay turo ko sa mga gamit komg nakalapag sa sahig. "Kaninong mga gamit ba yan?" He asked. "Sakin" Sagot ko. "Exactly!" Sagot nya sabay lundag sa kama nya at nagtulog-tulogan. Pinipikon mo talaga ako ah! Hindi na ako nakatiis at sa sobrang inis ko ay ibinato ko sa kanya yung isa sa mga bag ko, yung pinaka mabigat. "AH MAMA!" Sigaw nya habang mangiyak-ngiyak na nakahawak sa katawan nya. "Hoy babae! Lumapit ka dito!" Sigaw nya pero hindi ko sya pinansin at dumiretso nalang sa cr. Wala akong time makipag usap sa kanya. Sya ang dahilan kung bakit ako nandito no. Pagkapasok ko palang ng cr ay isang damit na agad ang bumungad sakin, isang puting dress na may nakadikit na sticky note at nakasulat na 'wear this'. Nagsimula na akong mag ayos ng mga gamit ko sa banyo, nilagay ko yung toothbrush ko sa isang mug kung saan nakalagay din yung kanya tapos yung towel ko naman ay katabi din ng towel nya. Pagkatapos kong ayusin ang mga gamit ko ay nagsimula na akong maligo. Mainit kanina sa byahe kaya naligo na ako ulit tsaka ayokong humihiga sa kama ng hindi malinis. Kasalukuyan pa din akong naliligo nang biglang may kumatok sa pinto. "Honey? Bilisan mo naman jan kung ayaw mong pasukin kita ng wala sa oras" Bigla naman akong kinabahan sa sinabe nyang yun kaya nataranta akong mag banlaw agad. "Bwisit kang manyak ka!" Sigaw ko sa kanya. "5 minutes " 5 minutes? Abnormal ba sya? Ang bilis naman nun. Agad kong kinuha yung towel at itinapis yun sa sarili ko pagkatapos ay binuksan ko na yung pinto na medyo hinihingal pa. Isang hakbang palang ang nagagawa ko palabas ng banyo ay bigla na akong na out balance dahil sa gulat nang makita ko si Kurt na naka sandal sa gilid buti nalang at nasalo nya ako agad kundi baka nabalian na ako. Pero teka? Nasalo? Ako? So? Buhat-buhat nya ako ngayon?! Bumalik ako sa katinuan ko at nang tingnan ko si Kurt ay nakangisi sya sakin. Ang manyak! Dahan-dahan nya akong inilapag sa kama habang hindi pa din nawawala yung ngiting nyang puno ng kalokohan. Ang gwapo nya este ang panget nya! "Ma-manyak!!!" Sabay tulak ko sa kanya ng mahina. "Tinulungan kana nga eh" Sabay todo pout nya pa. Psh walang talab, di ka mukang nakakaawa. "Eh bakit ba kasi nakatambay ka dun sa gilid" Inis na tanong ko sa kanya. Kung hindi sana sya nakatayo dun sa gilid edi sana hindi ako magugulat. "Hmm? Gusto ko lang" Sabay pang asar na ngiti nya nanaman. Kinuha ko yung pambahay na tsinelas na suot ko at binato sa kanya kaso di sya tinamaan kasi nakatakbo agad sya papasok ng cr. Hinagis nya na din yung damit na susuotin ko bago nya tuluyang sinara yung pinto. Inikot-ikot ko ang paningin ko at naghanap ng mapagbibihisan nang may makita akong isang pang pinto sa loob ng kwarto ni Kurt. Binuksan ko yun at tumambad sakin ang napakadaming mga damit, sapatos, relo, bag at iba-iba pa na halata namang sa kanya lahat. Ilang katawan ba meron sya? Bakit napakadami ng mga to? Nagsimula na akong magbihis pagkatapos ay lumabas na din ako agad sa walking closet nya. Nagpatuyo na ako ng buhok ko gamit ang blower na bigay ni daw ni Mr. Lee pati nga skincare and make up na gamit ko ngayon ay galing din sa kanya. Swerte ba? Mahirap din no. Ang hirap kayang magsinungaling at magpanggap, mahirap manloko ng tao. *tok tok tok* Itinigil ko ang ginagawa ko at lumapit ako sa pinto para pagbuksan yung kumakatok. "Kayo po pala young miss" Bati nya sakin sabay bow pa. "Lory nalang po" Nakangiting sagot ko sa kanya. Hindi ko pa sya kilala pero pakiramdam ko mabait sya. Umiling sya sakin which means na ayaw nya akong tawaging Lory nalang. "Kakain na daw po young miss bumaba na daw po kayo sabi ni Chairman Lee" Nakangiting sabi nung babae sakin. "Ah sige po, susunod nalang kami mamaya hindi pa po kasi tapos si Kurt" Sagot ko at ngumiti lang sya sakin tapos nag bow ulit. Maya-maya ay lumabas na din si Kurt sa cr pero topless sya dahil nakapantalon lang sya kaya agad naman akong umiwas ng tingin sa kanya. "Ka..kakain na daw tayo" Nauutal utal ko pang sabi sa kanya. "Bumaba kana lang dun hindi ako kakain" Sagot nya habang nagsusuot ng t-shirt nya. "Hindi pwede sabay-sabay nga lahat eh" Kawawa naman ako kung ako lang mag isa dun. Sobrang nakakahiya. "Ayoko nga eh" Aba matigas ka ah! Hinubad ko yung singsing sa daliri ko at pumwesto sa bintana na para bang ihuhulog ko anytime yung singsing. "Sige itatapon ko nalang to tapos sisirain ko yung buong araw mo para masaya" Banta ko sa kanya kaya agad nya naman akong hinila papalayo sa bintana at muling isinuot sakin yung singsing. Mabilis nya lang akong nailayo sa bintana dahil sa lakas nya. "Umayos ka, wala kang pambayad dyan" Sabi nya pa. "Kumain na kasi tayo!!" Ayokong mag isa dun. "Ayoko...ARAY!" Sigaw nya nang batukan ko sya, full force yun ah. "Ano ba!" Inis nya reklamo sakin. "Ayaw mo talagang kumain?" Tanong ko ulit sa kanya. "Ayoko!" Sagot nya. Umatras ako para bumwelo sa gagawin ko at... "Aaahhhhhh" Mabilis akong tumakbo sa kanya at nilundagan sya dahilan para pareho kaming bumagsak sa kama, tumayo ako agad at pumaibabaw sa kanya pagkatapos ay pinilipit ang kamay nya. "Arrayyyy!! Sh*t ayoko na!" Sigaw nya habang hinahampas hampas nya pa yung isang kamay nya sa kama. "Ano? Kakain kana?" Masakit to kaya dapat lang na pumayag na sya. "Oo na, oo na bitawan mo na ako" Namimilipit sa sakit nyang sagot. Sus gusto pang masaktan eh papayag din naman pala. "Tara!" Binitawan ko na sya at sabay na kaming bumaba para kumain. Katulad kanina ay magkahawak kamay kaming dalawa. Nang makarating kami sa hapagkainan ay napa wow kaagad ako. Grabe! Sobrang daming pagkain as in sobrang dami! Inalalayan ako ni Kurt sa pag upo ko pagkatapos ay umupo na din sya sa tabi ko. "Kumain na kayo" Pag salita ni Mr. Lee este Chairman Lee pala. "Teka? Tayong apat lang po ba yung kakain?" Tanong ko. Sigurado kasing hindi namin mauubos lahat ng pagkaing to sa sobrang dami. "Oo iha, may problema ba?" Tanong nung babaeng kasabay namin kumain ngayon na nakita ko rin sa engagement party ni Chairman Lee. Sya na siguro yung fiancee ni Chairman Lee. Sobrang ganda nya. "Wala naman po, napakadami kasi ng mga pagkain tsaka ang laki ng mesa tapos apat lang tayo kaya ang lungkot tuloy tingnan" Napatingin naman silang lahat salim dahil sa sinabi ko pati yung nga maids na malapit samin nagulat din. Bakit? May masama ba sa sinabe ko? "What do you mean?" Tanong ni Chairman Lee sakin. "Ah gusto ko po sanang sabay-sabay tayong kumain lahat" Sagot ko. "Honey ano kaba? Sabay na nga tayo ngayon oh" Pag epal ni Kurt. "Hindi yun, I mean kasama sila tutal siguradong hindi naman natin to mauubos eh" Sabay turo ko sa mga tatlong maids tsaka dalawang body guards na malapit samin. Biglang pumalapak ng dalawang beses si Chairman Lee at nagsimula nang magsilapitan lahat ng maids and guards sa kanya. Ang cool naman nun. "Narinig nyo naman ang young miss, umupo na kayong lahat" Utos ni Chairman Lee kaya nagsiupuan na din silang lahat at nagsimula na kaming kumain. "Salamat po" Todong ngiti kong sabi kay Chairman Lee. Ngumiti lang sya sakin tapos kumain na ulit. Napaka bait naman pala ng daddy ni Kurt at mukang ganun din yung fiancee ng dad nya. Pagkatapos naming kumain ay umakyat na kami sa kanya-kanyang kwarto. Tapos na akong mag toothbrush kaya si Kurt naman yung nag to-toothbrush ngayon. Ang dami kong nakain kanina at ang sasarap din ng mga pagkain. Nagsimula na akong maglatag sa sahig ng isang makapal na kumot na nirequest ko sa isang maid kanina para makatulog na ako. Kumuha din ako ng isang unan na nasa kama ni Kurt. "Ano yan?" Tanong ni Kurt nang makalabas na sya sa cr. Tapos na pala syang mag toothbrush. "Higaan ko" Sagot ko. "Really? Haha higaan pala tawag dyan" Pang asar nya nanaman, ayokong pumatol sa kanya ngayon kaya sinamaan ko nalang sya ng tingin. "Hindi ka pwede dyan" Biglang seryosong sabi nya. "Bakit naman?" Tanong ko sa kanya. "Tatabi ka sakin, baka biglang pumasok yung maid dito dahil siguradong may inutusan si dad na sumilip satin mamaya kaya dapat magkatabi tayo" Pagpapaliwanag nya. Hindi na ako nakapalag pa pa sinabe nya sya na mismo ang nag ligpit ng kumot na nilatag ko kanina. Hindi na ako mag iinarte, wala din naman akong magagawa eh tsaka aaminin ko nang hindi na ako lugi sa kanya no. Gwapo eh >,< "Tara na honey" Sabay tap nya pa sa higaan habang nakangiti ng nakakaloka. "Anong problema mo? Wala na man nang nakatingin ah" Landi neto! Humiga na ako sa kama at tumabi sa kanya. "Ano ba! Ang lapit mo masyado" Sabay tulak ko sa kanya pero hindi sya natinag at hinila nya ako papalapit sa kanya pagkatapos ay niyakap nya ako at tinandayan pa. "Hoy! Ano ba! Hindi ako makahinga!" Reklamo ko pero hindi nya ako pinansin at nang tingnan ko ang loko, aba nakapikit na! Ang bigat nya kaya! Napabuntong hininga nalang ako. Hindi din naman ako makaalis sa pagkakakapit nya sakin kaya ipinikit ko nalang din ang mga mata ko hanggang sa nakatulog nalang din ako nang kayakap sya. Bukas nalang siguro kami mag uusap ni Kurt. Good night, sweet dreams.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD