Lory's POV
"Ihahatid na kita pauwi at ito na nga pala yung pinag usapan natin"
Sabay abot nya sakin nung cheke.
"Salamat"
Finally tapos na.
"No problem, it's a deal anyway"
Oo nga naman. But still, this money from him will help me and my family a lot.
"Nga pala, saan mo nakuha yung pregnancy test kanina?"
Tanong ko sa kanya, ang galing naman kasi tapos talaga positive pa yung result.
"Binili ko dun sa bar, galing pa yun sa basurahan pinalinis ko lang"
*jaw drop*
For real?! Kadiri naman to.
"Eh pano mo na lulusutan yung problema mo? Pano kung hanapin nila ulit ako?"
Tanong ko sa kanya.
Actually madami pa nga akong gustong itanong sa kanya pero syempre ayoko namang magmukang pakeelamera. Buhay nya yan.
"Ako na ang bahala dun kaya wag ka nang masyadong mag isip. It's not your trouble anymore."
Sagot nya kaya tumango nalang ako at hindi na nag tanong pa ulit.
Tahimik lang ang buong byahe namin hanggang sa makarating na kami sa harap ng bahay namin.
"Dito na ako, salamat"
Sabi ko at itinabi nya yung sasakyan sa gilid pagkatapos ay bumaba na ako at pumasok sa gate namin.
"Bakit hindi kapa umaalis?"
Tanong ko sa kanya nang mapansin kong nakatingin lang sya sakin habang nasa loob pa din ng kotse.
Mababa lang yung gate namin, hanggang sa dibdib ko nga lang kaya nakikita ko pa din sya.
"Pumasok ka na muna"
Naks may lagnat yata, ang bait at ang gentleman ah.
Siguro kung hindi lang sana sya play boy napaka complete package na nya kasi naman ang gwapo, mayaman, gentleman (minsan) tsaka mabait pa (minsan) kaya nga madaming babaeng nagkakagusto sa kanya eh.
Sayang lang kasi yung mga babaeng yun puro panlabas na kagandahan lang yung nakikita sa kanya.
"Sige"
Sagot ko sa kanya.
Naglakad na ako papasok ng bahay at mukang tulog na din sila mama kaya dumiretso na ako sa kwarto ko tapos sumilip ako sa bintana at nakita kong paalis na din sya.
"Ah yung cheke"
Kinuha ko sa bag ko yung cheke tapos nilagay sa loob ng little drawer ko baka kasi mapunit pa, delikado.
Alam kong medyo mahirap ipaliwanag kay mama kung pano ako nakakuha ng ganto kalaking pera pero pipilitin kong ipaliwanag ng maayos kasi ayaw ko namang magsinungaling sa kanila.
Alam kong medyo madi-disappoint si mama pero bahala na. Wala na din naman akong ibang choice eh. Basta ang importanye ay malalabas na namin sa hospital si papa.
[THE NEXT DAY]
Umaga na?
Nakatulog pala ako ng hindi ko namamalayan kagabi, siguro dahil sa kaiisip ko.
Nag unat-unat ako pagkatapos ay tumayo na at pumasok sa cr. Naligo na muna ako at nag ayos na din ng sarili pagkatapos ay bumaba na para mag almusal.
"Good morning anak, ginabi ka ata masyado kahapon?"
Pag salubong sakin ni mama nang makita nya akong pababa.
"Ah? Oo nga po ma"
Sagot ko at tumango lang si mama.
Kahit hindi nya sabihin alam kong naghihinala na sya sakin. Halatang halata atsaka kilalang kilaka ko si mama.
"Ma?"
Pagtawag ko kay mama.
"Bakit anak?"
Tanong ni mama.
"Pwede po bang mag usap tayo sa kwarto ko mamaya pag tapos nating kumain"
Gusto kong ikwento kaagad may mama yung nangyare at yung tungkol sa pera para hindi na magkaron ng hindi pagkakaintindihan sa susunod.
"Oo naman, umupo kana pati ikaw"
Sabay turo nya kay ate.
Remember my cousin? Yung sinundo ko sa bar. Grounded yan ng 2 weeks dahil sakin, kasalanan nya din naman kasi.
"Opo"
Sagot nya at umupo na kaming tatlo at nagsimulang kumain.
"Kumain kayo ng madami"
Sabi pa ni mama.
Pagkatapos naming kumain ay ako na ang nag hugas ng mga pinagkainan namin pagkatapos ay umakyat agad kami ni mama sa kwarto ko at nagsimula na akong magpaliwanag kay mama ang lahat.
Kinwento ko talaga bawat nangyare para maintindihan ni mama.
Nung una nga ang dami nya pang tanong sakin pero naintindihan nya din naman nung mas naipaliwanag ko na nga maayos.
Napagkasunduan din namin na wag muna sabihin kay papa yung totoo tungkol sa pera tapos si mama nalang din yung magaasikaso sa hospital para naman makapag pahinga din daw ako.
Ayaw kasi ni mama na biglain si papa sa ginawa ko para sa kanya baka kasi sisihin nya nanaman yung sarili nya sa mga pinapasok ko.
Bukas na bukas makakalabas na si papa sa hospital at excited na akong makauwi si papa. Baka nga di pa ako makatulog mamaya sa sobrang excited ko.
"Magtatapon lang ako ng basura sa labas ah?"
Pagpapaalam ko kay ate este sa prinsesa na kasalukuyang nanunuod ng tv.
"K"
Sagot nya naman.
Nakakainis talaga pag yung kasama mo sa bahay tamad. Ang dami ko nang nagawa pero sya sitting pretty lang.
Ang unfair!
Pasalamat sya nakaalis na si mama kundi baka naisumbong ko nanaman sya.
Lumabas na ako ng bahay para magtapon ng basura.
Dapat pala sinama kona yung babaeng yun itapon dito eh.
Binuksan ko na yung basurahan at halos mamatay ako sa amoy.
Amoy tae.
"Yuck amba...."
Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko nang biglang may humila sakin at tinakpan ng panyo ang bibig ko.
Unti-unti akong nakaramdam ng pagka antok hanggang sa mawalan ng ako malay.
.....
Unti-unti kong iminulat ang mga mata ko at sa pagmulat ko ay agad akong napaatras nang makita ko si Mr. Lee na kasalukuyang nakatingin sakin.
Agad kong inayos ang sarili ko at nag bigay galang sa kanya.
"Go..good morning po"
Bati ko sa kanya pero nasaan nga ba ako? Sa bahay nila?
"Hapon na"
He answered.
"Ah ga..ganun po ba? Good afternoon po"
Sabay bow ko ulit sa kanya. Ganun pala ako katagal na nakatulog. Nakakahiya naman.
Gusto ko sanang tumakbo para makauwi na pero alam ko namang madaming body guards dito kaya walang kwenta pa din.
Pero ang rude ng pagpapakuha nya sakin ah. Sasama naman ako agad pag sinabi nila eh basta may ice cream.
"Is it true?"
He asked.
"Po?"
Ang alin? Na sasama ako basta may ice cream?
"Totoo ba yung relasyon nyo ni Kurt? Totoo bang nabuntis ka ng rebelde kong anak?"
Napahinto ako sa tanong nyang yun at naisip ko agad yung contract na pinirmahan ko kay Kurt.
Always go with the flow? Pero hanggang kelan ba? Counted pa ba to?
Hindi ko kayang magsalita kaya nakayukong tumango nalang ako sa kanya.
"Starting tomorrow dito kana titira at may isang bagay akong hihilingin sayo"
"PO?!!"
Nakakagulat naman yun. Bakit naman parang biglaan atsaka asan na ba si Kurt? Tapos na dapat lahat ng ito eh.
"Sana sa oras na nandito ka mabago mo ang anak ko, I'm begging you Lory"
Sabay hawak pa ni Mr. Lee sa parehong kamay ko. Naawa man ako sa kanya pero hindi ko naman alam kung pano gagawin yun.
Mukang matinding dasal ng kailangan para baguhin yung anak nyang yun.
"Teka pano po si Mika"
Baka lalo nanamang mainis sakin yun.
"Don't worry about her, ako na ang bahala sa kanya at hindi ko naman pwedeng alisan ng ama yang dinadala mo kaya bukas na bukas ay ipagpaalam agad kita sa parents mo "
Bukas agad? Sana naman kalmahan lang nila dahil pagkain lang naman yung dinadala ko sa ngayon at hindi baby.
"Pero hindi po pwede....."
"Sige na, Ihatid nyo na sya pauwi"
Pagputol nya sa sasabihin ko, hindi na din ako nakasalita pa ulit dahil inalalayan na agad ako ng isa sa mga guards nya paalis.
Nang makarating ako sa bahay ay saktong nakauwi na din si mama. Nakita nya pa nga yung mga naghatid sakin dito kaya nang makaalis na yung mga guards ay agad akong kinausap ni mama.
"Lory anong nangyayare? Sino yung mga lalakeng yun?"
Nag aalalang tanong ni mama.
"Pinasundo po ako ni Mr. Lee, yung dad po ni Kurt at gusto nya pong dun ako tumira sa kanila simula bukas"
Diretsonga pagpapaliwanag ko kay mama.
"Anak pano ko naman sasabihin sa papa mo yun?"
Tanong sakin ni mama.
"Hindi ko din po alam"
Nakayukong sagot ko kay mama.
"Pano kung sabihin nalang natin sa papa mo na fiance mo talaga yung Kurt na yun anak?"
Sabi ni mama.
"Po? Ayoko po ma"
Hindi pag sang ayong sagot ko may mama.
"Pero hindi pa fully recovered ang papa mo anak. Baka bigla syang atakihin sa mga malalaman nya. Kilala mo naman ang papa mo"
May point si mama. Baka kung anong mangyare kay papa kapag nalaman nya yung ginawa ko para sa kanya. Ayaw nya kasing nakikita kaming nahihirapan ni mama. Lagi nyang sinisisi ang sarili nya kasi sya daw dapat ang nag aasikaso samin.
"Sorry po ma. Kasalanan mo po kung bakit nangyayare to"
Hindi ko naman kasi inaasahang mangyayare lahat ng to. Masyado ko atang pinagkatiwalaan yung Kurt na yun.
"Hindi mo kasalanan yun anak kung hindi lang sana mahirap ang sitwasyon natin edi sana hindi mo na kailangang gawin to"
Sagot ni mama at niyakap ako ng mahigpit.
"Salamat po mama, napaka swerte ko po sa inyo ni papa"
"Swerte din kami sayo anak. Ikaw nag prinsesa ng buhay namin"
Hinalikan ko si mama sa pisngi at hinalikan nya din ako sa pisngi ko. Aba kahit medyo hindi kami mapalad sa pera ay swerte naman kami sa isat-isa.
Sapat na sakin yung normal na buhay. Hindi naman kasi lahat ng bagay ay ibibigay sayo ng Diyos. Pantay-pantay lang lahat.
"Ma, bukas po pala may mga susundo sakin dito yung tauhan nung daddy ni Kurt"
Sabi ko kay mama nang maghiwalay kami sa pagkakayakap.
"Alam mo anak parang medyo nae-excite nga ako eh, ano bang itsura ng bahay ng isa sa pinaka mayamang tao sa pilipinas? Huh?"
Kumikinang na matang tanong ni mama.
"Sobrang laki po ma, naligaw pa nga po ako dun nung unang punta ko eh"
Sagot ko kay mama.
"Talaga?"
Tanong ulit ni mama na nasundan pa ulit ng napakaraming tanong.
Sinagad na namin ang pagkukwentuhan naming dalawa dahil aalis na ako bukas.
Magkikita pa naman kami kasi babalik pa din ako dito sa bahay pero ang pinagkaiba lang eh hindi na ako dito matutulog ulit.
Siguro naman may plano si Kurt para makalabas ako sa sitwasyon na to. Hindi naman namin pwedeng ituloy habang buhay yung pagpapanggap at pagsisinungaling na sinimulan naming dalawan.
Kurt's POV
"NO!"
Sigaw ko sa matandang upuan na nasa harap ko ngayon. Pinapunta nya ako sa office nya to tell me na dito na titira si Lory.
"What Lory and I want is to live together, just the two of us at hindi kayo kasama dun"
Kahit kelan talaga napaka pakaelamero ng matandang upuan na to. Tapos na nga yung problema ko kay Mika pero may dagdag nanaman.
"1 month"
He said.
"Hell no"
Sagot ko at maglalakad na sana ulit nang muli nanaman syang magsalita.
"Kapag hindi ka sumunod I will surely place a hold on all of your credit cards"
Sabi nya kaya naman napabuntong hininga ako. I want to punch in his face right now.
Muli akong humarap at naglakad papalapit sa kanya. I punched his table to release my anger na mukang ikinagulat nya.
"KURT!"
Galit na sigaw nya sakin. Nasira ko yung parte ng table nya na sinuntok ko at dumugo din ang kanang kamay ko dahil sa ginawa kong yun.
"Namba-black mail ka ba? Can't you just leave me alone?"
Inis na tanong ko sa kanya.
"Siguro nga binablack mail kita"
Sagot nya at napangisi naman ako.
"Anak pa din kita Kurt Lee and I can never leave you alone"
Dagdag nya pa.
"That's bullshit"
Komento ko sa sinabe nya.
"Simula bukas asahan mong andito na yung HONEY mo, naiintindihan mo?"
"Whatever"
Sagot ko at padabog na lumabas sa office nyang bulok.
Lumabas ako ng office nya at naglakad papuntang kwarto.
"Nababaliw na talaga sya"
Pagka usap ko sa sarili ko.
Kinuha ko ang susi ng kotse ko na nakapatong sa mesa ko at naglakad palabas ng bahay.
I don't want to stay here. I'm going to the bar.
Mabilis akong nag drive at pag dating ko sa tapat ng bar ay hindi na akong nag abala na ipark ng maayos yung kotse ko. Sinakop ko yung dalawang parking lot and I don't give a damn about it.
"Oh look who's back"
Pag salubong sakin ni Lance pag pasok ko sa bar.
He's always here.
"Mind to pay your utang last time?"
Tanong nya pa. Kakarating ko lang tapos maniningil kaagad.
"Shut up Lance Smith"
Sagot ko sa kanya at nag order ng inumin sa bar tender na nasa harap namin.
"Bad mood huh. Is it because of your dad again?"
Sino pa nga ba?
"Yeah, he made a decision for me again"
Sagot ko kay Lance.
"What happened?"
Tanong nya ulit.
"He wants Lory to stay with us at the mansion"
Sagot ko at tumango nalang sya. He knows Lory. I texted him before about my plan for my dad's engagement party.
"You're so lucky"
Sabi ko kay Lance at inimom yung drink na kakabigay lang sakin nung bar tender.
"Lucky my foot. I can't even win the girl I like"
Lance likes this unknown girl for a long time now and he won't tell me who is it.
"Just find another girl"
If someone doesnt like you edi wala. Don't waste your time.
"If I can, matagal ko nang ginawa"
How unlucky we are.
"Let's just cheers"
"Yeah cheers"
Sagot nya at nagpatuloy na kami s apag inom.