Lory's POV
Mamaya na mangyayare lahat pero ano naman kaya ang mangyayare mamaya?
Sana maging maayos lahat. Kinakabahan kasi ako.
Nasa mall nga pala ako ngayon kasi namimili ako ng grocery namin para sa bahay. Para pag balik ni papa ay maayos ang lahat.
Kanina ko pa hinahanap kung saan ba nakalagay yung mga flour kasi balak kong mag bake.
Paikot-ikot ang ulo ko ngayon na naghahanap nang bigla naman akong may makabanggang babae.
"Oh no! What the hell? You should be more careful"
Sigaw sakin ng bababe na umuusok na yung ilong sa galit.
Napaka bilis namang magalit ng mga tao ngayon.
"Sorry po hindi ko naman po sinasadya"
Pag minamalas ka nga naman oh. Gusto ko lang namang hanapin yung harina.
"Look at my crocodile skin bag! Nagasgasan na!"
Sigaw nya ulit.
Sa sobrang lakas ng boses ng babae ay nakatingin na samin lahat ng tao sa paligid namin. Nakakahiya.
"Sorry po talaga maam"
Sabi ko ulit sa kanya.
"Uh! Do you think your apology will fix this? Nagasgasan to dahil binangga mo ako!"
Sarap lagyan ng tape sa bibig eh. Kalma lang Lory kasalanan mo din naman kaya kalma lang pero hindi nya din naman kasi kailangang sumigaw ng pagkalakas- lakas.
"Talaga po ba? Sorry po"
I-checheck ko sana yung bag nya kung may gasgas nga talaga pero nilayo nya naman sakin.
"What do you think you are touching huh? This bag cost 150,000 huh 150,000!"
150,000?!
Sinong baliw naman ang bibili ng ganun kamahal na bag. I mean masisira at masisira din naman yun so bakit kailangan ganun pa kamahal.
Wag nya naman sanang pabayaran sakin.
"Really, Oh tapos?"
Napatingin kaming lahat sa babaeng biglang nagsalita. Teka sya yung babae kahapon sa bahay nila Kurt diba?
"And who the hell are you?"
Mataray na sigaw ng babae sa kanya.
"You mean the goddess? My name is Mika Veran"
Sagot nya sa babae kaya hindi naman nakapalag yung mataray na babae.
Well wala naman talagang aangal sa sinabe nya sa sobrang ganda nya.
She is really the goddess.
Mabilis nyang hinila yung bag nung babae at tiningnan ang bawat parte nito na para bang kinikilatis nya iyon.
"The stitching on your bag looks so sloppy and not really straight. There is also an extra fabric near the zipper. Halata namang S-level ang quality ng bag mo, where did buy this?"
Taas kilay na sabi ni Mika sa babae at parang bigla namang nanlumo sa hiya yung babae sa sinabe na yun ni Mika.
"Pa..pakealam mo ba?!"
Sigaw nung babae at kinuha yung bag nya kay Mika pagkatapos ay mabilis na naglakad paalis.
"Ugh so annoying"
She said sabay flip nya pa ng buhok nya at nag lakad na paalis pero huminto sya nang magpasalamat ako.
"Salamat"
Sabi ko at nilingon nya ako saglit at tinaasan ng kilay.
"Don't be so thankful because I did not did that for you, you're still my enemy"
Teka? Bat naman ako ang naging enemy dito? Wala naman akong ginagawang masama eh.
"Pano mo pala nalaman na fake yun?"
Tanong ko sa kanya. Curious lang.
"Kasi madami akong ganun, ORI.GI.NAL"
She answered at tuluyan nang naglakad paalis kaya nagpatuloy nalang din ako sa paghahanap nung harina para makauwi na
[LORY'S HOUSE]
"Nak, san ka nanaman pupunta?"
Tanong ni mama nang makita akong palabas ng bahay.
"Ah sa kaibigan ko lang po mama"
Sagot ko kay mama habang kinakabit yung necklace sa sarili ko.
"Pero bakit ganyan ang suot mo? Naka dress kapa at ayos na ayos ka?"
Mama naman ang daming tanong, ang hirap kayang magsinungaling.
"Um kasi po birthday party nya yun kaya medyo bongga"
Pagpapalusot ko.
"Ganun ba"
Sagot ni mama habang kinikilatis pa din ang itsura ko na parang nag dududa pa din.
"Ma okay lang po ba yung itsura ko?"
Tanong ko kay mama at umikot ikot pa.
"Sobrang ganda mo ngayong gabi anak"
Sabay thumbs up ni mama kaya napangiti naman ako.
Lumapit ako kay mama at sandali syang niyakap.
"Medyo gagabihin din po pala ako ng uwi ma but don't worry kasi may service namang maghahatid sakin mamaya"
Pagpapaliwanag ko kay mama para di sya mag-alala at mag antay sakin.
"Sige mag iingat ka okay?"
"Opo"
Sagot ko sabay halik sa pisngi ni mama at tuluya nang umalis.
Kakalabas ko pa lang ng gate nang may matanggap akong message.
1 new message
From:091********
On the way na ako.
Malamang ay si Kurt na to.
To:091********
Sunduin mo ako ng medyo malayo sa bahay namin baka kasi makita ako ni mama.
Reply ko sa kanya pero hindi na sya nag reply kaya naglakad na lang ako hanggang sa isang puting sasakyan ang huminto sa harap ko.
Bumukas ang isang bintana ng kotse at bumungad sakin ang napaka gwapong si Kurt.
Gwapo na sya pero mas gumwapo pa sya ngayong nakaayos na sya.
"Let's go"
He said kaya agad na din akong sumakay sa kotse.
Psh hindi man lang ako binaba at pinagbuksan ng pinto. Ano pa bang bago?
"Isuot mo muna to"
Sabi nya sabay bigay sakin ng isang diamond ring.
Gusto ko pa sanang mamangha sa ganda ng singsing pero alam ko namang peke lahat ng to.
"Si-sige"
Sagot ko sabay suot nung singsing na bigay nya.
"Peram muna ng bag mo"
Sabi nya at tinuro ang bag na dala ko.
"Bakit nanaman?"
Tanong ko.
"Ibigay mona lang"
Hindi nya naman siguro ako nanakawan diba? Sa yaman nya ba naman eh siguradong hindi nya na pag iinteresan pa yung laman ng bag ko.
Iniabot ko sa kanya yung bag ko. Hindi ko nakita kung ano pero parang may nilagay ata sya sa bag ko at ibinalik ito sakin.
"Okay na"
Pag abot nya sakin ng bag ko ay nagsimula na syang mag drive.
Sandali lang ang naging byahe namin at nakarating na kami dito sa may...
Ewan ko ba basta ang dami kong nakikitang mga taong naka formal attire. Madaming mga magaganda at gwapo. Halatang mayayaman.
Nasa loob pa din kami ng kotse ngayon kaya sumisilip lang ako sa bintana.
"Asan ba tayo?"
Tanong ko Kay Kurt.
"Engagement party ni Dad"
He answered kaya naman medyo naguluhan ako.
"Huh? Teka baki hindi mo sinabi sakin na dito tayo pupunta? Tingnan mo naman yung itsura ko? Kung ikukumapara mo ako sa itsura nila para akong ewa...."
"Shut up, you're beautiful"
Pagputol nya sa sinasabe ko.
"Huh?"
Lutang kong tanong sa kanya.
Tama ba yung dinig ko? Maganda daw ako? O maganda sila? Ah ewan!
"Tara na"
Tanging sabi nya at nauna syang bumaba ng kotse at pinagbuksan ako ng pinto.
Wow bago yun ah.
Pagkalabas na pagkalabas ko pa lang ay pinagtitinginan na agad ako ng mga tao at may mga camera man din na kumukuha ng pictures namin.
Syempre kasi kasama ko yung anak nung dahilan ng event sa lugar na to.
"Let's go hon?"
He asked with his super charming smile sabay offer nya sakin ng kanang kamay nya kaya iniabot ko naman sa kanya ang kaliwang kamay ko.
"San yung Dad mo?"
Tanong ko habang naglalakad kami papasok.
"You will see"
Sagot nya at nagpatuloy lang kami sa paglalakad hanggang sa nagsimula nang magkaron ng red carpet sa inaapakan namin.
Halos lahat ng mga tao ay nakatingin samin at nagbubulungan.
Sobrang lakas na ng t***k ng puso ko sa kaba. Hindi ako sanay na pinagtitinginan ng madaming tao.
Huminto kami sa paglalakad nang makarating kami sa tapat ng isang table.
May lalakeng kamukang-kamuka ni Kurt ang nandun sa table, malamamang yun na siguro ang dad ni Kurt.
Napansin ko din si Mika na nakaupo sa same table na sobrang sama ng tingin saming dalawa ni Kurt.
"This is my dad honey"
Sabay turo nya sa lalakeng kamukang-kamuka nya. Nag wave pa nga sya sa Dad nya pero sinamaan lang sya nito ng tingin.
"Kinakabahan ako"
Bulong ko sa kanya.
"Just trust me"
Mapagkakatiwalaan ko ba talaga to?
Bahala na, wala naman akong choice.
"Hey Dad"
Bati ni Kurt sa dad nya habang inalalayan akong umupo.
"Sino nanaman yan?"
His dad asked.
"Dad, I want you to meet the love of my life, Lory"
Sabay akbay nya sakin at ako naman tong parang tangang pilit na ngumiti.
"Anong love of your life huh?!"
Sabat naman ni mika.
"Bingi ka na ba talaga?"
Cold at masungit na tanong nya kay Mika.
"Dad I really love this woman and...."
Kinuha nya ang kamay ko pagkatapos ay hinalikan nya ito.
Grabe nakakatawa yung acting nya pwede nang mag artista sa sobrang galing.
"And we are already engaged dad"
Sabi nya sabay angat nung kamay ko na may singsing na bigay nya kanina.
"Alam mo ba ang ginagawa mo Kurt Lee?!"
Galit na tanong sa kanya ng dad nya.
Homaygulay nakakatakot pala magalit si Mr. Lee.
"Iha? Pwede kabang mag pakilala?"
Sabi nung magandang babae na katabi ng dad ni Kurt.
"Po?"
Tanong ko pero hindi sya sumagot at tila nag aantay lang ng sasabihin ko.
"My name is Lory Perez, second year collage po"
Sagot ko at para bang nagsimula nanamang mag bulungang yung mga tao sa paligid.
Nakakapangliit tuloy bigla, halata naman kasing napaka tataas na mga tao ang nasa party na ito. Tapos napaka simple ko lang.
Nakayuko lang ako nang biglang tumayo si Kurt at kumuha ng mike.
"Dad this is my gift for your engagement party, me and Lory......"
Anong sasabihin nya? Kahit ako walang idea sa sasabihin nya ngayon.
"Magkaka anak na kami"
He said that shocked all people in this party including me.
Muntik na ngang malaglag yung panga ko sa sinabe nyang yun habang yung dad naman nya ay napatayo pa sa sobrang gulat.
"Kurt stop this already!"
Sigaw sa kanya ng dad nya sa kanya.
Gulay! Ano ba tong pingsasasabi ni Kurt?!
"Sorry dad but I'm serious right now, honey kunin mo yung test dyan sa bag mo"
Nakakunot noong nakatingin lang ako sa kanya at sinagot nya naman ako ng ngiti at titig na nagsasabing 'gawin mo na lang'.
Kaya hinanap ko agad yun sa bag ko at totoo ngang meron at positive yung result.
Teka? San nya naman nakuha toh?
Lumapit sakin si Mika sabay hablot nya sakin nung PT na hawak ki.
"Ti..tito this can't be real! No way!"
Pag iinarte ni Mika at pumunta kay Kurt nakasalukuyang naka ngisi ngayon.
"Totoo ba toh? Huh!"
She asked.
"Nakita mo naman diba"
Pilosopong sagot sa kanya ni Kurt.
"Ho..how? Why?"
Hindi makapaniwalang tanong ni Mika.
"We had s*x. That is how and that is why"
Sagot ulit sa kanya ni Kurt.
Kita sa muka ni Mika ang pag kainis nya, inilipat nya ang tingin nya sakin saka lumapit sakin.
"You!"
Iniangat nya ang kanang kamay nya at alam ko na ang susunod na mangyayari kaya napapikit nalang ako at inantay ang palad nyang dumampi sa pisngi ko.
Teka? Bat wala pang sumasampal sakin?
Unti-unti kong iminulat ang mga mata ko at nakita ko si Kurt na hawak ang kamay ni mika.
"Wag na wag mong gagawin yan sa fiancee ko"
Halatang nagulat si mika sa ginawa na yun ni Kurt kahit nga ako nagulat.
"That's all what I want to say everyone. Enjoy the enegament party of my dad"
Pagsalita nya sa lahat ng mga tao sa party at ibinaba na yung mic na gamit nya.
"Hope you like my gift dad"
Sabi pa ni Kurt sa daddy nya.
Hinawakan ni Kurt ang kamay ko at hinila na ako paalis.
"Aray!"
Sigaw ko nang bigla akong matipalok dahil sa taas ng hills na suot ko ngayon. Hindi naman kasi ako sanay magsuot ng ganto kataas.
"Tsk"
Nagulat ako nang bigla akong buhatin ni Kurt ng bridal style.
Tahimik na nakatingin lang ang mga tao sa aming dalawa, halatang shock pa din sila sa mga nangyare at sa mga sinabe ni Kurt.
"Teka ano ba!"
Pagpalag ko sa kanya.
"200,000"
Bulong nya sakin kaya tumahimik naman ako agad hanggang sa tuluyan na kaming makalabas at makasakay sa kotse.
Bago pa nga kami tuluyang makalabas kanina ay narinig ko pa si Mika na sumigaw.
♡