Lory's POV
"Ah oo nga pala"
"What?"
Tanong nya.
"I still don't know your name"
Sagot ko sa kanya.
"My name is Kurt Lee"
Sagot nya kaya tumango nalang ako.
May inaayos lang sya sandali ngayon at aalis na daw kami. Sabi nya may pupuntahan daw kami.
"Hawakan mo yan"
He said sabay bigay nya sakin nung isang dress na nababalutan ng transparent cover.
Ito na siguro yung dress na sinasabe nyang susuotin ko ata kanina.
Pinag buksan nya ako ng pinto ng kwarto nya at sabay na kaming lumabas.
Nang palabas na kami ay bigla namang may humarang na manika este babae samin.
"And where are you going Kurt?"
Mataray na tanong nung mukang manikang babae.
She's so beautiful, para syang goddess. Can I get her number? Hihi
"None of your business, atsaka bakit andito ka nanaman?"
Mataray ding sagot ni Kurt sa babae so obviously hindi sila magkasundo.
Muka silang parehong may regla. Sa ilong nga lang lumalabas yung kay Kurt.
"Nasisiraan ka na ba? I'm your fiancee"
Fiancee? Eh meron na pala syang fiancee so bakit pa kami magpapanggap?
Naloloka na ako ah. Baka mawala pa yung 200,000 ko. It's a no for me.
"Since when? Please stop day dreaming because you're not my type and I will never like you"
Ang rude naman yata masyado nun, ang sakit nun marinig.
Tiningnan ko yung babae at kitang kita sa muka nya kung gano sya kagalit as in legit na umuusok na yung ilong nya pero ang cute nya pa din :>
"Oh really huh? And who is this? Who is she?!"
Sabay turo nya sakin.
Ayan na nadamay na tayo, nanahimik na nga ako dito eh.
"She's my REAL fiancee"
At talagang diniinan nya pa yung pagsabi nya ng word na "real".
Waaaaa galit na nga yung babe tapos mas ginagalit nya pa lalo.
"Fiancee? O babae mo nanaman"
Aba bastos to ah! FYI I will never be one of this p*****t's girls okay?
NEVER.
"Bingi ka ba? Sabi ko nga fiancee ko diba? Let's go honey"
Sabay hawak nya sa kamay ko pero hindi ako sumunod.
"Teka! Ano ba talagang nangyayari"
Naguguluhan kong tanong pero imbis na sagutin ako ay kinuha nya yung sling bag ko at isinabit nya yun sa sariki nya pagkatapos ay bigla akong binuhat ako ng bridal style.
"Ho..hoy! Ano ba ibaba mo nga ako!"
Pagpalag ko sa kanya. Napaka uncomfortable naman ng posisyon ko ngayon.
"NO!"
Sagot nya.
Ayaw mo ah? Mas lumikot pa ako sa para mahirapan sya sa pagbuhat nya sakin pero hindi pa din sya natinag.
"Pag di ka tumigil gagahasain kita. Right now right here"
Sabi ko nga titigil na -_________-
Binuhat nya ako hanggang sa makarating kami sa tapat ng isang sasakyan pagkatapos ay ibinaba nya na ako.
"Pinagod mo ako"
Reklamo nya.
"Sinabi ko ba kasing buhatin moko?"
Pabuhat-buhat effect pa hindi naman pala kaya.
"Ang arte mo kasi"
Sagot nya at nauna nang sumakay sa kotse.
Wow! Di man lang ako pinagbuksan ng pinto ng kotse. What a gentleman.
"Sino pala yung magandang babae kanina? Tsaka fiancee mo na din pala sya eh bat kailangan pa nating mag panggap?"
Tanong ko sa kanya nang makasakay na ako.
"It's just a contract and it is all because of my stupid dad who arranged a marriage for me na hindi ko naman kailangan at sa taong hindi ko gusto"
He answered. Kaya naman pala ganun sya makipag usap sa babae kanina.
"Choosy kapa ang ganda nya kaya tapos mukang baliw na baliw pa sayo"
Medyo may attitude nga lang.
"Edi ligawan mo"
Kita mo to? Napaka pilosopo kaya nagmumukang poso eh.
Boom rhyme.
"San naman tayo pupunta?"
Tanong ko ulit.
"Sa lugar na gagawin kang mukang tao"
Sagot nya at agad ko naman syang binatukan.
"Ow! What is your problem?!"
Inis na sigaw nya sakin pero sinamaan ko lang sya ng tingin.
Kung maka tanong kala mo inosente.
Tahimik lang kami sa buong byahe hanggang sa huminto kami sa harap ng isang shop.
"We are here"
He said at nauna nang pumasok sa shop. Pati pag bukas ng pinto ng kotse hindi pa magawa tsk.
Bumaba na din ako ng kotse at pumasok na sa loob.
"Wow"
Pagpasok na pagpasok ko ay kaagad akong napanganga sa mga nakita ko.
Sobrang daming magagandang damit.
Nilapitan ko yung isang white dress at tiningnan yung price.
Price:15,000
WHAT?! 15,000?! SAN BA GAWA TONG DAMIT NA TO?
Kumuha pa ako ng isa pang damit para tingnan din yung price.
Price:21,000
21,000? MAS MAHAL PA SA UNA KONG NAKITA?!
Lalagnatin yata ako sa mga price ng mga damit dito eh.
Tumitingin-tingin pa ako ng iba pang mga damit nang may humawak sa kamay ko.
Si Kurt lang pala, sasapakin ko na sana.
"Kung san-san ka pumupunta"
Sermon nya sakin at sumimangot lang ako.
"Sya po ba yun young master?"
Tanong nung babaeng kasama nya.
"Yes, please do your best"
He said at pumunta na sya dun sa mga damit.
Do your best? So, sobrang panget ko na ba talaga? Sakit nun ah.
"Please sit down here, young miss"
Buti pa tong nag a-assist sakin maganda na mabait pa hindi tulad nung isa dun. Masungit na may regla sa ilong.
"Miss? Don't tell me pagmamay ari nila tong shop na to?"
Tanong ko kasi kanina tinawag nyang young master si Kurt.
"Yes young miss"
She answered.
I knew it! Obvious naman eh.
Sobrang yaman siguro talaga ng unggoy na yun, kung makapamigay kasi ng pera akala mo candy lang.
Sakin nga pahirapan pa mamigay ng max candy minsan.
Nagsimula na yung babae sa pag ayos sakin at halos antukin na ako sa sobrang tagal at gentle ng kamay nya.
Makalipas ay ilang minuto ay naramdaman ko ang pag tapik nya sakin.
"Open your eyes young miss"
She said nang matapos na ang matinding make over na ginawa nya sakin.
Binuksan ko ang mga mata ko kagaya ng sabi nya.
My lips parted when I saw myself in the mirror.
"Ang ganda ko"
Oh my! Di ko alam na may natatagong ganda pa pala ako? Waaaaaaaaaaa nai-in love na ako sa itsura ko. Ligawan ko kaya sarili ko?
I mean I know naman na may itsura ako but I did not know na pwede akong gumanda ng ganito.
"Yes, you look so beautiful young miss"
Pag sang ayon naman nung babae kaya napangiti naman ako. She's so sweet.
"You have a very natural pretty face kaya madali lang po kayong ayusan"
Dagdag nya pa.
Sabi na eh muka talaga akong tao.
"Thank you"
Pagpapasalamat ko sa babae at nag bow lang sya sakin.
Lumabas na ako sa room na pinasukan namin kanina at dumiretso na kung nasan man yung Kurt na yun.
"Pssst"
Pag tawag ko sa kanya at lumingon naman sya agad.
Nakapag palit na din sya ng damit at nag iba din ng ayos ng kaunti yung buhok nya. Mas lalo syang gumwapo tingnan.
Naka smile akong pinresent yung sarili ko sa kanya pero nakatunganga lang sya.
"Hoy!"
Sigaw ko sa kanya, antagal mag bigay ng comment eh.
"O..okay na yan"
Utal nyang sagot sabay iwas nya ng tingin sakin, nasilaw na ata sa ganda ko.
"Ano? Muka na ba akong tao?"
Naka pamewang na tanong ko sa kanya.
"No, not yet"
Anong hindi? Ang arte neto! Panira ng self confidence.
"Here, try this one"
Sabay abot nya sakin nung red hills and white dress.
"Akala ko ba yung dala nating dress kanina yung isusuot ko?"
Tanong ko.
"I changed my mind"
Sagog nya sakin.
Naka simangot kong kinuha yung mga binigay nya at pumasok ako sa fitting room at inalalayan naman ako nung babae kanina sa pagpalit ko.
"Psst"
Pagtawag ko kay Kurt pero tiningnan nya lang ako mula ulo hanggang paa pagkatapos ay binigyan nya nanaman ako ng isa pang dress na kulay blue naman.
Syempre sinukat ko ulit.
"Ano na?"
Iritang tanong ko nang masuot ko na yung dress na blue pero tumango lang ulit sya pagkatapos ay may iniabot nanamang sleeveless white dress. Medyo madaming lace na parang pang kasal na ewan basta ang elegant.
"Okay na?"
Tanong ko ulit nang masuot ko na yung dress.
"Wear the first one"
Sagot nya.
Bwisit so bakit nya pa pinasukat yung blue tsaka yung isa pang white dress sakin kung yung una lang din yung ipapasuot nya?
Pinagtitripan lang ata ako ng lalakeng to.
"Kukunin namin tong dalawa pati yung suot nya"
Sabi nya sa babae.
"Sure, young master"
Kinuha na nung babae yung damit ko kanina pati yung bibilhin namin tapos nilagay nya sa paper bag, nagpalit na din ako ng napiling dress ni Kurt tapos lumabas na kami ng shop.
"Para kanino to?"
Sabay angat ko ng mga paper bags na hawak ko.
"It's all yours"
Sagot nya.
"Seryoso? Teka, ibabalik ko nalang to pag tapos kong labhan"
Ang mamahal ng mga to tsaka baka ikaltas nya pa yun sa magiging sweldo ko sa kanya.
"And what am I going to do with that pag binalik mo?"
Hmm oo nga naman nakakahiya pero bahala na, magaganda din naman eh.
"Th-thanks"
Nahihiya ko pang sabi at sumakay na kami ulit sa sasakyan.
"Ano nang susunod na mangyayare?"
Tanong ko kay Kurt.
"I will call you tomorrow. Be ready and wear the third dress"
Ah so yung huli pala talaga yung pinaka nagustuhan nya. Sadyang pinasuot nya lang sakin tong una.
Maganda din naman to.
"Sige, I'll just give you my number"
Sagot ko at hinanap yung cellphone ko sa bag ko.
"No need. I already have it"
Sagot nya kaya napahinto ako sa pag hahanap.
"Kinuha mo yung cellphone ko?"
Grabe naman luma na nga kinuha nya pa.
"Stupid. Why would I get your phone? Hindi ako magnanakaw"
Sagot nya.
"I'm not stupid kaya"
Sagot ko din sa kanya.
"Whatever. What I mean is I already have your number. Madami akong source kaya wag ka nang magtanong ng magtanong because I'm driving"
Diret diretso nyang sabi kaya naman nakasimangot na tumahimik nalang ako.
Ms. Beirge POV
Kasalukuyan akong naglilinis sa kusina at nagulat ako nang may marinig akong kalampugan na para bang may mga basag na mga gamit sa kwarto ni young master kaya dali-dali akong umakyat at naabutan ko ang pasaway na batang si Mika.
"Ahhhhhhhhh Nakakainis! I can't belive this"
Sigaw nya sabay bato nung lamp ni young master.
"Naku ano ba yan! Tumigil ka ngang bata ka, ano bang nangyayare"
Pag awat ko sa kanya, mga bata nga naman ngayon. Napaka galing mag kalat pero hindi naman kayang mag ligpit.
"Si Kurt! May kasamang babae kanina dito! Tapos hon pa talaga yung tawag nya sa babaeng yun"
Sabay malakas na sigaw nya ulit.
Pero kung totoo nga ang sinasabe nya ay ito ang kauna-unahang may dinala si young master na babae sa kwarto nya.
Kahit lalake si young master ay maarte sya pag dating kwarto nya, gusto nya laging malinis kahit na yung mga taong pumapasok sa loob ay dapat malinis. Kaya siguradong hindi nya magugustuhan ang mga kalat na ito.
"Tumigil na po kayo"
Muling pag awat ko sa kanya at tumigil naman sya pagkatapos ay tiningnan ako ng masama.
"Linisin mo yan"
Sabay lakad nya paalis.
Naku, mamatay yata akong sa mga batang ito. Mga lumaki sa yaman pero nagkulang naman sa respeto.
Napailing-iling nalang ako at tinawag yung ibang mga maids para linisin yung mga kalat.
Magkababata si Mika at young master, nagkakasal kasalan pa nga yang mga yan dati pero syempre talagang nagbabago ang lahat.
Nag iba din kasi talaga yung ugali ng batang yun eh simula nung pumunta sya ng America.
Habang lumalaki sila ay iniisip na agad ng mga taong nakapaligid sa kanila na sila ang magkakatuluyuan sa huli pero nag iba ang ihip ng hangin.
Tinatawagan ko si young master para sabihin yung nangyare pero hindi nya sinasagot ang tawag ko kaya hinayaan ko na lang. Pauwi na din siguro yun maya-maya.
"Siguraduhin nyong walang maiiwang dumi"
Pag papaalala ko sa mga naglilinis at bumalik na ulit sa kusina para ipag patuloy ang ginagawa ko.