Kurt's POV
*tok tok tok*
Nagising ako sa malakas na katok sa pinto ng kwarto ko. Nakakainis naman, napaka istorbo. Ang aga-aga pa ata eh.
Tinatakpan ko na ng unan yung tenga ko pero ayaw pa din tumigil ng kumakatok.
"What?!"
Inis kong tanong nang buksan ko ang pinto at bumungand naman sakin si Ms. Beirge.
"Good morning young master"
She bowed.
"What is it? Why did you wake me up from my sweet dreams?"
Halos mangiyak ngiyak kong reklamo kay Ms. Beirge.
"Hindi po kayo kumain kagabi young master kaya dapat kumain po kayo ng maaga"
Hindi pa ako nakakasagot ay hinila na nya ako papuntang kusina kaya hindi na ako naka angal pa.
"Bakit hindi nalang dun sa kainan?"
I asked.
"Andun po kasi yung daddy mo at future step mom mo, baka mawalan ka lang gana at hindi ka nanaman kumain, makakasama na sayo yun"
She answered and I just smiled bitterly.
She really knows me so much parang nanay ko na nga sya. She's with me since the day that I was born. Ganun na sya katagal dito samin.
Honestly mas gusto ko pa nga syang maging nanay kesa sa pakakasalan ni upuan. Oo, upuan as in chairman.
After I eat ay dumiretso na ako sa kwarto ko para maligo at umalis ulit.
I don't know where I am going basta kung san madaming girls. Ayoko sa bahay dahil boring. Wala akong makausap at ayoko ding istorbohin si Ms. Beirge mag hapon sa pag tatrabaho nya.
Kinuha ko na yung susi ng kotse ko tutal napaayos na din naman yun ng secretary ni upuan pero yung pinapahanap ko sa kanyang babae ay wala pa din.
"Where are you going?"
Napahinto ako nang marinig ko yung boses nya, bigla nanaman akong nainis.
It's the chair.
"None of your business"
Cold kong sagot sa kanya.
Maglalakad na sana ko ulit nang tawagin nya ulit ako.
"Son"
Wow so he still dare to call me son after all this time huh.
"Will you please stop calling me son"
I said without looking back at him.
"Can we talk?"
Tanong nya.
"Maybe next time or maybe never"
Sagoy ko ay narinig ko naman ang malakas nyang pag buntong hininga kaya nagpatuloy nalang akong lumabas at pumasok sa kotse ko at nag drive paalis.
So where should I go now? Bar?
No, ayoko nang bumalik dun simula nung may babaeng bumasag ng kotse at itlog ko. It's traumatic for me.
You don't know how much ut hurts. I can't even walk properly last night.
*Calling: Secretary Cruz*
"Hello?"
Pag sagot ko ng tawag.
"Young master andito na po sya sa bahay"
Agad akong napangisi sa sinabeng yun ni Secretary Cruz.
I ended the call at niliko ko agad yung kotse pabalik sa bahay.
Hmm looks like this day is going to be fun, iniisip ko palang kung pano sya kinuha ni Secretary cruz ay natatawa na ako. Umiiyak siguro sa takot yun.
Pagkarating ko ng bahay ay napakunot agad ang noo ko when I saw Secretary Cruz laughing out loud with the girl last night.
What the f*ck is happening?!
Huminto naman bigla sa kakatawa si Secretary Cruz when he saw me with my death glare. Bumalik sya agad sa pagka seryoso at tumayo ng tuwid.
"Welcome back young master"
He bowed then left.
"YOU?! Bat andito ka huh?"
Taas kilay na tanong sakin ng babae.
"Because this is my house"
Stupid.
"Pero sabi nung lalake kanina bahay to ng school principal namin tapos pinapatawag daw ako?"
What?! Seriously? Ganun lang sya kadaling utuin? For real?
Eh mas madali pa syang utuin kesa sa elementary eh.
"Whatever, let's go"
Hihilain ko na sana sya pero nung mahawakan ko yung kamay nya ay agad nya iyong iniikot at mabilis akong binatukan.
F*ck! My hand!
"A..aray! What the! Ano ba?!"
Sigaw ko habang pumapalag palag pa sa sakit.
"San moko dadalhin huh?"
She asked at mas hinigpitan pa yung pagkapilipit ng kamay ko.
"Yun lang yung itatanong mo? Kailangan mo pang manakit?"
Mababalian na ako. Pag ako talaga nawalan ng kamay!
"Wag mokong hawakan kong ayaw mong maulit yun"
She said then she finally let go of my hand.
Ang arte, hindi nya ba alam na sobrang daming babae ang gustong humawak sa kamay ko.
"San nga tayo pupunta?"
Tanong nya nanaman.
"Sa kwarto ko"
I answered.
"ANO?!!"
AH! MY EARS!
"Damn it! Can't you really control your voice?! We are only going there to get your clothes"
Pagpapaliwanag ko sa kanya habang chinecheck ko pa yung tenga ko kung okay pa ba.
"Clothes?"
Tanong nya.
"Yup, you need to change your clothes because I'm going to introduce you to my father as my fiancee"
Pagpapaliwanag ko ulit sa kanya.
"What? Baliw ka bang m******s ka? Kung ano man yang gusto mo wag ako okay? Madami namang babae dyan na nagkakagusto sayo diba? Kaya sila nalang okay?"
Yup, let's just say that I'm too handsome kaya madaming nagkakagusto at nakakandarapa sakin pero kung sila yung pipiliin ko ay siguradong magiging palpak agad itong plano ko at baka hindi pa ako tantanan.
Kaya nga yung baliw na babaeng to yung pinili ko. She's different.
Unti-unti akong lumapit sa kanya habang sya naman ay paatras ng paatras.
Pinipigilan kong tumawa because her expression is so funny.
"How about you? Hindi kaba kasama sa mga babaeng may gusto sakin?"
I asked with my awesome sexy voice habang pinag lalandas ko ang kamay ko sa buhok nya.
"N..no! Kasama ako sa mga may gustong pumatay sayo"
Sagot nya sabay tulak sakin.
"Psycho ka ba?"
This girl is really something. Kung hindi baliw baka bulag. Hindi naakit sa ka gwapuhan ko eh.
"Tao ako! Atsaka bakit kailagan ko pang magpalit?"
Tanong nya.
Maayos naman yung suot nya but we are not actually just going to meet my dad but also some people.
"Parang mag muka kang totoong tao"
Pang asar na sagot ko sa kanya.
"Hoy! Mas muka akong tao sayo"
Mataray na sagot nya sakin. Ang sarap naman palang asarin ng babaeng to. Mukang hindi nakakasawa.
"Sabi nino?"
Mataray na sagot ko din sa kanya.
"Sabi ko"
Sagot nya.
"Well you're wrong about that"
Hindi ako papatalo.
"Bahala ka jan, uuwi na ako!"
She said at padabog na naglakad paalis.
Argh this girl!
Good luck nalang sa kanya kung kaya nyang makalabas, sa laki ba naman nitong bahay.
Well, I guess I'll just go upstairs and wait for her at my room.
Sigurado namang lilibutin nya yung buong bahay eh. Maglalaro nalang muna ako sa cellphone ko.
Lory's POV
Asan na ba yung labasan?
Kanina pa ako dito tapos pag nagtatanong ako sa mga nagtatrabaho dito eh hindi naman sumasagot.
Planado ba to huh? Halos lahat ng pinto nabuksan ko na eh.
Nakakapagod nang maglakad. Titirisin ko talaga yung lalakeng yun pag nakita ko sya ulit. Sya yung nagdala sakin dito eh.
"I really want to go home already"
Sabi ko sa sarili ko.
Tumapat ako sa isa nanamang pinto.
I think this is the last freaking door kaya sana naman ito na yung daan palabas kasi uwing uwi na ako.
Unti-unti kong binuksan yung pinto at halos atakihin ako sa puso nang may biglang humila sakin at naramdaman kong ibinagsak ako sa isang malambot na kama.
Shete!
Ang sakit din sa katawan nun ano!
Iminulat ko ang mga mata ko at nang makita ko kung sino yung humila sakin ay pakiramdam ko binagsakan nanaman ako ng kamalasan.
Sobrang lapit ng muka nya sa muka ko.
"Kanina pa kita inaantay"
Sabay kindat nya pa sakin.
"AHHHHHHH!"
MANYAK!
Nang mahimasmasan na ako ay agad ko syang tinulak at pinag babato ng mga unan.
"You p*****t! Do you really want to die?! Kyaaaaaaah!"
Tuloy-tuloy lang yung pagbato ko sa kanya ng unan hanggang sa wala na pala akong maibabato.
Nabato ko na pala lahat sa kanya.
"Are you done?"
Gusto kong matawa sa itsura nya ngayon pero sobrang nakakatakot yung aura nya.
Tumayo sya mula sa pagkakabugbog ko sa kanya at lumapit sakin.
"Wag kang lalapit"
Sabi ko at inayos ang kamao ko na para bang sasapakin ko sya pag lumapit pa sya lalo.
"Ano ba? Hindi kita gagahasain okay? Hindi pa sa ngayon"
Hindi pa sa ngayon?! So may balak sya?! This p*****t asshole!
"Ano ba kasing kailangan mo?"
Gusto ko nang umuwi.
"Magpanggap ka lang na girlfriend ko sa loob ng apat na oras then I will pay you"
Magkano naman? Limang piso?
"Siguro mudos mo yan ano? Ayoko nga baka illegal yan"
Uso kasi yung mga ganyan ngayon diba? Ah basta.
"Ofcourse not, kailangan mo lang magpanggap for my dad okay?"
Dagdag nya pa.
"Iba nalang"
Tatayo na sana ako para lumabas ng kwarto nang makarinig ako ng isang magandang salita na napakasarap marinig sa tenga.
"100,000"
Sabi nya na agad na nagpahinto sakin.
Sasabihin ko na agad sa inyo, I'm not a gold digger it's just that I really need money right now para makalabas si papa sa hospital.
Hindi ako ganun.
"Ano ulit?"
Pagpapa ulit ko sa kanya, mas mabuti nang sigurado.
"100,000 basta pumayag ka lang"
Teka? Tama ba to? Papayag ba ako?
Napaka too good to be true naman kasi yung offer nya. Sa apat na oras lang na pagpapanggap ay may 100,000 na agad akong makukuha.
Pero kung hindi naman ako papayag paano si papa?
"Make it 150"
Give me a sign Lord.
Pag pumayad sya sa gusto ko, papayag na ako.
"200,000"
Sagot nya at muntik pa akong mapa ubo dahil sa gulat.
WHAT?! 200,000. Nasobrahan pa yata yung sign na binigay sakin ni Lord.
Saan nga naman ako kikita ng 200,000 sa loob ng four hours diba? Tsaka gusto ko na ding makaalis si papa sa hospital para di na sila nahihirapan ni mama.
"Si..sige pero dapat may contract"
Dapat stay safe pa din tayo, I can't let my guard down. Malay ko bang mudos pala talaga to tapos inuuto lang nya ako.
Nauto nga ako ng secretary nya na pinapatawag ako ng schook principal namin eh.
"What for? Wala kabang tiwala sakin?"
He aksed at tiningnan ko naman sya ng masama.
"Gusto moba talagang malaman?"
Syempre wala! Ngayon ko lang kaya sya nakilala tapos pagkakatiwalaan ko na sya agad.
Swerte nya naman.
"Fine"
Kinuha nya yung laptop nya na nakalagay sa table sa gilid ng kama nya.
"Umupo ka muna sa kama"
Sabi nya kaya umupo naman ako.
Nagsimula na syang magtype habang ako naman ay pinapanuod lang sya sa ginagawa nya.
Pagkatapos nyang mag type ay tumayo sya at lumapit sa kabilang sulok ng kwarto nya tapos nakita kong nag print na sya.
Matapos syang mag print ay lumapit sya sakin at hinarap ako.
"For four hours Lory Thalia Perez. Be my fiancee"
He said as he gave me the paper that he printed earlier. Alam nya pala yung full name ko, halatang nag research sya tungkol sa akin.
Be my girl for four (4) hours then you will get your 200,000 pesos in exchange.
Rules:
*Hug,kiss,holding hands is allowed
*Bawal ang maarte
*Always go with the flow
*Act sweet
*Bawal manakit
*Be my Cinderella
signature signature
"Ano to? Halos sayo lang pumapabor lahat ng nakasulat dito sa contract eh"
Andaya ng gwapong m******s na to. Kinuha nya yung papel sakin pagkatapos ay pinirmahan nya yun
"Of course we need to look sweet para mas kapani paniwala, may couple bang walang pakeelamanan"
Wow so alam nya din pala yung word na "sweet". Kung sa bagay sweet nga pala sya sa lahat.
"Pero pwede bang alisin nalang kahit yung kiss lang"
Ayoko naman kasing sa kanya mapunta yung first kiss tapos sa gantong paraan pa na pagpapanggap lang.
Gusto ko romantic yung first kiss ko.
"No"
Seryoso nyang sagot.
"Oh sige sige"
Ano pa nga bang magagawa ko.
"Napipilitan?"
Tanong nya.
"Ako?!"
Sabay turo ko pa sa sarili ko.
"My gosh, hindi ah"
Sabay fake smile ko pa sa kanya.
"Dapat lang. Bihira lang yung chance na ganto"
Alam ko naman.
"Kaya nga po pumayag na eh"
Basta para kay papa gagawin ko to, para hindi na lumaki pa yung bill namin sa hospital at para makauwi na din sya.