-=Brielle's Point of View=- I honestly can feel the tension between these two, hindi ko alam kung bakit ba pakiramdam ko ay mainit ang dugo nilang dalawa sa isa't isa, samantalang ngayon lang naman sila nagkita. Hindi naman nagtagal at binitawan na din sa wakas ni Ethan ang pakikipagkamay nito kay Jerome, tahimik naman itong naglakad sa kabilang bahagi. Hindi ko namalayan na napabuga ako ng hangin ng sa wakas ay tuluyan na itong makalayo sa puwesto ko, hanggang ngayon kasi ay patuloy pa din akong naguguluhan sa sitwasyon naming dalawan, kahapon talaga ay gustong gusto ko na talaga itong makausap at para maliwanagan na sa nangyari, ngunit hindi ko naman inasahan na makita itong may kahalikan na babae. Muli ay hindi ko na naman naiwasang makaramdam ng labis na insecurity ng maalala ko an

