-=Brielle's Point of View=- "Ok ka lang ba Brielle?" nag-aalalang tanong ni Cassie habang sabay kaming kumakain ng almusal, naramdaman nito siguro na pang wala ako sa mood. Sa totoo lang ay ito ang unang pagkakataon na parang ayokong pumasok sa trabaho, noong nagsimula ako hanggang sa mga nakaraang araw ay excited na excited akong pumasok sa trabaho, dahil nga sa naeenjoy ko ang trabaho kay Ate Glenda, pero ng dahil sa nangyari sa amin ni Gemma ay para akong nawalan ng gana. Hindi ko kasi maimagine ang mangyayari kapag nagkita nito kami mamaya, pero siyempre hindi pa din ako liliban sa trabaho, dahil wala naman akong nagawang kasalanan dito. "Ok lang ako." pilit na ngiting sagot ko dito. Nang matapos kumain ay agad na akong naghanda papasok, hanggang sa biyahe ay dala ko ang labis na

