-=Brielle's Point of View=- Magmula nga nang mangyari ang pag-uusap naming iyon ni Gemma ay mas lalong naging masama ang pakikutungo nito sa akin. Nakakalungkot lang dahil kaming dalawa na nga lang ang magkasama sa trabaho nito dahil na din sa hindi naman araw araw nasa condo unit si Ate Glenda, tapos ganito pa ang magiging magsasama namin. Ramdam na ramdam ko na ang inis nito ay nauwi na sa galit, pero wala na akong magagawa doon, umaasa na lang ako na walang gawing hindi maganda ito sa akin, dahil hindi naman ako papayag na magpaagrabyido dito. Mapapalampas ko ang pagpaparinig at magaspang nitong ugali, pero kapag lumapagpas na siya doon ay hindi na talaga ako papayag. Masasabi kong magaling itong magpanggap, kapag kasi nandito si Ate Glenda ay parang hindi ito makabasag pinggan, pa

