-=Michael Ethan's Point of View=- "Ethan...tungkol sa pagpapadala mo ng pagkain... gusto kong..." ngunit napilitan akong putulin ang sasabihin nito, sinabihan na kasi ako ni Roger na magsisimula na ang meeting, kaya naman mabigat man sa loob ko ay agad akong nagpaalam dito. Gusto ko sana itong makita ngayon, pero nagkataon naman na nakatanggap ako ng tawag mula sa secretary ko at sinabing pumayag na ang businessman na si Jayden Andrada para makapagmeeting sa akin. Maliban kay Henry Cervantes ay isa si Jayden Andrada ang isa pa sa mga hinahangaan kong negosyante, ito lang naman kasi ang kilalang may-ari ng sikat na sikat na resort and hotel sa Norway na "Gabrielle's Skyjult Paradis" Gabrielle ang pangalan ng asawa ni Jayden ang skjuly paradis naman ay ang ibig sabihin ay hidden paradise

